Chapter 37
Chapter 37
First One
"Naiyah, ano 'tong sinasabi sa akin ng pinsan kong pumapayag ka na raw na hayaan siyang ligawan ka?" Pambungad ni Emma at kita ko ang saya sa kanyang mukha.
"Finally, Naiyah! Ang tagal nang nagpaparamdam sa'yo no'n, ah. Halos dalawang taon na!" natatawang sabi ni Kriesha.
Napanguso naman ako at ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi nang dahil sa hiyang nararamdaman.
I think Orion deserved a chance. Hindi ko na rin namang ipagkakailang nagustuhan ko na rin siya. I admired his constant feelings for me. Noong una ay akala ko hindi iyon totoo o biro lamang, ngunit hindi pala.
Who would have thought that his feelings for me could last for almost two years without being acknowledged?
Wala pang lalaki ang sumubok na sumuyo sa akin gaya ng kanyang ginawa. He didn't fail in making my heart wavered.
"Ano, Naiyah? Totoo ba ang sinabi ng pinsan ko?" Hindi pa rin nawawala ang pagkagalak ni Emma.
Nahihiya naman akong tumango at mahina silang tumili ni Kriesha.
Natigil naman ang kanilang pagtili nang biglang tumayo si Drew. Lahat naman kami ay nakatingin sa kanya at pinapanood siyang tahimik na umalis.
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi habang tinitingnan siya na naging mailap na sa akin simula nang umakyat kami sa ikalawang taon ng high school. Hindi ko na rin naman inalala pa ang paglayo namin na 'yon. Masyado akong abala sa ibang mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin.
"Ayan... Ang ingay kasi natin. Alam niyo namang parang allergic sa maingay 'yon," sabi naman ni Kriesha.
"Doon na rin ako kay Drew. Bahala kayong mga babae rito." Bigla rin namang tumayo si Walter upang sundan si Drew.
Nang magkatinginan kaming tatlo pagkaalis ni Walter ay muli naman kaming napangiti sa isa't isa.
"Kailan mo siya balak sagutin, ha, Iyah?" tanong naman sa akin ni Kriesha at mukhang mas excited pa siya sa akin.
"Wala pa 'yan sa isipan ko..." sagot ko. "Gusto ko munang sulitin ang oras. Hindi naman kami nagmamadali. Naiintindihan niya 'yon."
"Grabe talaga! I can't believe it, Naiyah! You and my cousin. I'm so happy!" Hindi na maitago ni Emma ang kasiyahang kanyang nararamdaman.
Lumapit siya sa akin upang yakapin ako ng mahigpit at paulit-ulit niyang sinasabi na I'm welcome to their family.
I suddenly wondered if the rest of their family will give me a warm welcome just like how Emma did. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. Paano kung hindi nila matanggap na isang katulad ko lamang ang nililigawan ng kanilang anak.
"Omg! Speaking of..." Bigla namang umayos ng pagkakaupo si Kriesha. "Your Orion Valiente's coming."
Bahagya namang nanlaki ang aking mga mata at saka nilingon si Orion na papalapit nga sa amin. Ang kanyang ngiti ay abot hanggang sa kanyang tainga nang makita akong nilingon siya.
He is truly handsome and also seems so warm, but the Valiente aura that's glowing in him is very intimidating.
"Hello, cousin," Emma greeted Orion in a very sossy way.
Nginitian lamang siya ni Orion bago nito itinuon ang buong atensyon sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko ngayong nasa harapan ko lamang siya kaya naman sinuklian ko na lang ang kanyang ngiti.
"Good afternoon," he sweetly greeted me.
Umupo naman siya sa aking tabi at saka pumangalumbaba habang nakatingin sa akin. Inatras ko naman ng kaunti ang aking mukha sa kanya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Bakit ka nandito? Nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ko naman sa kanya at saka pakunwaring lumingon-lingon sa paligid.
"Nasa grounds sila," sagot naman niya. "I just came here to talk to you."
Bahagya akong nagtaas ng kilay sa kanya. "Ano ba ang sasabihin mo?"
"Do you have plans after class?" he asked me. "May gala ba kayo mamaya?"
Sinulyapan niya pa sina Emma at Kriesha bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Wala, pero depende kung may assignment kami sa mga panghapon na subjects," sagot ko naman.
"Well... If ever that you'll have an assignment later, I'll help you with it," he volunteered.
Napataas naman ang aking kilay sa kanya. "At bakit mo naman ako tutulungan?" tanong ko sa kanya. "Ano bang meron?"
"Ah! Alam ko na!"
Gulat naman akong napalingon kay Emma na biglang nagsalita at ngiting-ngiti habang nakatingin sa aming dalawa ni Orion.
"Tita Cora just closed a big deal last night for The Valley, right? Mom told me that you're hosting an intimate family dinner tonight. Are you gonna take Naiyah with you tonight?" Emma guessed. "Will you already introduce her to our family?"
Wala pa mang kasiguraduhan ay gumapang na sa akin ang kaba. Iisipin ko pa lang na haharap ako kaagad sa kanyang pamilya ay sobrang nakakagulantang para sa akin. Masyado pang mabilis ang lahat.
"Not tonight," Orion answered, and I was able to breathe properly.
Pakiramdam ko'y nawala ang mabigat na nerbiyos na nakapasan sa akin kanina.
"But I'm gonna introduce her to Mom later," he added.
Wala pang ilang segundo ay agad na bumalik ang nerbiyos sa akin at muling pumasan. Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang mga dapat kong gawin sa oras na ipakilala ako ni Orion sa kanyang ina.
"I will take her home, but she can't stay for dinner. May curfew siyang binigay sa akin ng Mommy niya. It's not yet lifted," paliwanag naman ni Orion. "Pero sa tingin ko'y ito ang tamang oras na ipakilala ko siya kay Mommy. It's such a good timing since she just closed the deal. Hindi na siya stressed at magiging magaang na siyang kausap."
"Hmm..." Emma hummed as she nodded. "Saka mo na lang din siya ipakilala sa buong pamilya kapag nandito na rin si Tito Oswald. He's currently in Castillo for the farm, right? Harvest season ngayon kaya 'di niya maiiwanan."
Tumango naman si Orion. "Mom assured him that doesn't need to come anymore," sabi ni Orion. "Kailangan matutukan ang paghaharvest ngayon. Last harvest season, some crates of crops went missing. Hindi na pwedeng hindi makuha ang target inventory kundi ay magkakaproblema sa mga deliveries at sa mga kliyente. That's the last thing we want to happen."
Hindi ko maiwasan ang mamangha habang naririnig ang mga lumalabas na salita mula kay Orion na patungkol sa negosyo ng kanilang pamilya. He seemed so knowledgeable about it. Pero siya nga naman ang magmamana ng mga negosyo ng kanyang mga magulang kaya nararapat lang na alam niya ito.
"So..." He trailed off as he averted his gaze from Emma back to me. "We will go to our house after class. Wait for me at the front gates after your dismissal, okay? I'm just gonna pass some papers to Mrs. Gatchallan."
He smiled and lightly pinched my cheek before leaving.
Pinaulanan ako ng kantiyaw nina Kriesha at Emma nang makaalis si Orion habang ako naman ay nilalamon na ng aking pag-iisip patungkol sa mga pwedeng mangyari mamaya kapag pinakilala ako ni Orion sa kanyang ina.
Kahit na madalas akong hindi nakikinig sa klase dahil inaantok ako sa pagtuturo ng aming guro, mas malala ang pagkalutang ko ngayon sa gitna ng klase. My mind's only focused on meeting Orion's mom. Mabuti na lang at wala masyadong ginawang activities at puro discussion lang.
"Naiyah..."
Nilingon ko naman Emma na lumapit sa aking pwesto kasama si Kriesha nang lumabas panandalian ang aming guro dahil pinatawag sa isang urgent meeting ang faculty.
"Mukhang kanina ka pa wala sa sarili mo, ah?" Nag-aalala niyang tanong. "Napapansin namin ni Kriesha."
"Oo nga..." sabi ni Kriesha. "Ano ba ang gumugulo sa isipan mo?"
"Kinakabahan lang ako para mamaya..." sagot ko. "Hindi ko alam kung magugustuhan ba ako ng Mommy ni Orion. Sino ba naman kasi ako, 'di ba? Samantalang kayong mga Valiente ay kilalang-kilala sa buong lalawigan."
"Naiyah, walang dahilan para kabahan ka," agad namang sabi sa akin ni Emma. "Mabait si Tita Cora. I'm sure she'll like you."
Dala-dala ko ang sinabi ni Emma tungkol sa Mommy ni Orion na siyang nagpakalma sa aking loob habang hinihintay ko si Orion dito sa front gates ng BINHS. Nakasandal ako sa may pader habang nakatitig lamang sa aking sapatos.
"Mag-isa ka ata..."
Gulat naman akong napaangat ng tingin kay Drew.
His hands were both inside his pocket. He was just staring at me as he stood in front of me. Ang kabang humupa kanina ay muling sumiklab sa aking puso na parang apoy ngunit sa ibang kadahilan. It had been a while since we were alone like this. Sa mga nagdaang buwan ay laging nakapaligid sa amin sina Kriesha, Emma at Walter. Hindi na rin kami nagkakausap ng kaming dalawa lang, simula ng hindi ko pinakinggan ang kanyang kahilingan at pinagpatuloy ang pagtulak sa kanya kay Emma.
"Ihahatid na kita pauwi sa inyo. Papara na ako ng tricycle," sabi naman niya.
Noong hindi na kami nagkakasama ay madalas na siyang sinusundo ng kanilang sasakyan. Mukhang ngayon ata ay hindi siya sinundo at magt-tricycle na lamang.
"Uh—"
"Naiyah."
Napatigil ako sa pagsasalita at nilingon si Orion na punong-puno ng pagtataka ang mukha habang nakatingin sa aming dalawa ni Drew. Muli ko namang nilingon si Drew na kakabalik lamang ng kanyang tingin sa akin mula kay Orion.
"May hinihintay ka pala..." sabi niya. "Mauuna na ako."
Agad niya akong tinalikuran at hindi ko alam kung bakit parang may ginawa akong mali gayong wala naman.
"Mag-iingat ka pauwi, Drew!" Pahabol kong sigaw sa kanya habang papalayo siya upang mabawasan ang kamaliang nararamdaman ko sa aking loob.
Hindi na niya ako muling nilingon at pinanood ko siyang sumakay sa tricycle nang maagaw ni Orion ang aking atensyon nang dahil sa paglandas ng kanyang kamay mula sa aking braso patungo sa aking kamay na kanyang pinagsalikop.
Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at nakitang nakangiti siya sa akin. "Tara na?" pag-aya niya sa akin. "Nakahanda na ang sasakyan."
Tipid naman akong ngumiti sa kanya at saka tumango. He smiled wider, and his gripped on my hand that was intertwined with his, tightened.
Muli kong nilingon ang tricycle na sinakyan ni Drew na papalayo na habang naglalakad kami ni Orion patungo sa kanilang sasakyan. Nang lumiko na ang tricycle ay diniretso ko na ang aking tingin sa sasakyan ni Orion sa aming harapan.
"Alam ba ng Mommy mo na pupunta tayo ngayon sa inyo? Alam niya bang kasama mo ako?" tanong ko kay Orion nang makita kong malapit-lapit na kami sa kanila.
Kapag nagbi-bisikleta ako ay madalas kong nadadaanan ang kanilang mansyon dahil medyo malapit lang ito sa amin.
Ngumiti naman si Orion at saka umiling. "Susurpresahin natin siya."
Muli niya namang pinagsalikop ang aming mga kamay.
"I know you're nervous, but don't worry..." he said. "I'm here with you. Kasama mo ako kaya wala kang dapat ipag-alala, okay?"
Tumango na lamang ako at mas lumakas ang loob kong harapin ang kanyang ina dahil kasama ko siya. Alam ko namang hindi niya ako pababayaan. Gusto ko lang talaga na maging ayos ang lahat. Ayokong magkaroon ng problema sa kanilang pamilya.
Hawak-hawak pa rin ni Orion ang aking kamay nang makarating kami sa kanila. Dati ay hanggang labas lamang ako ng kanilang matayog na mansyon ngunit heto ako ngayon at akin nang papasukin. Mas naging malaki ang kanilang mansyon ngayong nalapit ako rito. Nakakalula tingnan ang kalakihan nito.
"Doon na lang kaya sa garden kaysa sa dining room... Hmm..."
Pagkapasok namin sa kanilang malawak na tanggapan ay agad kong nasilayan ang ina ni Orion na nakasuot ng isang magarang kadamitan. Her white bodycon dress with curvy lines of gold was screaming elegancy. Tinitingnan ko pa lang ay sigurado na akong ilang libo ang halaga no'n.
"Mom, I'm home."
Binitawan ni Orion ang aking kamay upang lumapit sa kanyang ina na mukhang nagulat nang harapin ang kanyang anak.
Orion kissed her Mom's cheek before coming back to me.
"Ang aga mo atang umuwi ngayon at..." Napalingon sa akin ang Mommy niya saka ngumiti bago ibinalik kay Orion ang kanyang tingin. "May kasama ka pa lang kaklase mo. Hindi mo man lang sinabi. May project kayong gagawin dito sa bahay?"
"Uh... Mom, she's not my classmate," sabi naman ni Orion.
Napataas naman ang kilay ang kanyang ina at lihim naman akong napalunok dahil sa kaba.
"Who is she, then?" his Mom curiously asked.
"She's Naiyah Solaire Castillo, Mom," pakilala sa akin ni Orion.
Naramdaman ko naman na muli hinawakan ni Orion ang aking kamay at kita kong napasulyap doon ang kanyang ina.
"Siya po ang babaeng nililigawan ko," walang pag-aalangang sabi ni Orion.
I saw shock registered on his Mom's face before she turned to me again. Nahihiya naman akong ngumiti at bahagyang natakot dahil hindi ko alam ang nais iparating ng kanyang reaksyon.
"Magandang hapon po," nag-aalangan kong pagbati. "Ako po si Naiyah. Pasensya na po sa abala at sa biglaang pagsama po sa akin ni Orion dito sa inyong mansyon."
Agad namang ngumiti ang ina ni Orion at saka umiling. Lumapit naman siya upang halikan ako sa aking pisngi bilang pagbati.
"I'm sorry, I was just shocked for a moment," she apologized and laughed. "Hindi pa kasi nag-uuwi ng babae itong si Orion para ipakilala sa akin kahit noon. You're the first one. Nagulat lang ako. Hindi ko akalaing dito niya sa Bela Isla mahahanap ang babaeng ipapakilala niya."
Kinagat ko naman ang aking labi at naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi nang dahil sa hiya.
Tama nga si Emma. Mabait nga ang Mommy ni Orion. Inaamin kong hindi ko inaakalang magaang siyang kausap dahil sa kanyang nakaka-intimidate na presensya pero hindi pala.
Orion chuckled before I felt his arm wrapped around my shoulders.
"Hindi ko rin inakala, Ma..." sabi naman ni Orion. "But I'm glad, I did."
Tumawa naman ang kanyang ina bago muling lumingon sa akin. "Well, then, just call me Tita Cora, Naiyah. You're always welcome here in our home," sabi niya. "Huwag mong babastedin ang anak ko, ah?" biro niya pa.
Hindi ko naman na napigilan ang sarili ko sa pagtawa at saka nilingon si Orion na napalingon na rin sa akin.
He smiled at me, and I smiled back at him.
There's gonna be no problem with his family, then.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top