Chapter 2


BLUE

Limang taon ang lumipas mula noong makuha ko ang  special assignment na iyon at isang tadyak sa pride ko na unti unti akong nawawalan ng pag-asa na maresolba ang kasong 'to.

Sa loob ng limang taon na' yan, napag alaman namin na hindi lang iisa ang gumagamit nang Alyas KANA kung hindi Lima.

Limang iba't ibang tao na may kanya kanyang palatandaan na iniiwan sa kani-kanilang biktima.

Ang isa ay asul at puti na polca dots, ang isa na man ay capital TT, ang isa ay hugis daga, ang isa ay berdeng globo at ang panghuling KANA ay nakaagaw sa atensyon ko.
Ang palatandaan niya ay pinagbiyak na araw at bulaklak na mirasol.

Kakaiba ang mga vigilanteng ito, kakatwang ang mga pinapatay nila ay ang mga tiwaling opisyal.

Pero gaano man ka ganda ang kanilang hangarin, walang sinuman ang may karapatang ilagay sa kamay ang batas.

Sa paglipas ng taon, dalawang KANA na lang ang natira.
Iyong berdeng globo at iyong araw at mirasol ang palatandaan.

Na fu-frustrate na ako, idagdag pa palaging nagpaparinig ng disappointment si Dad.

Limang taon na ako sa serbisyo pero wala pa akong napapatunayan.
Hindi sasapat ang mgaaliliit na kaso ng kidnapan at droga na na reresolba namin.
Nakakapagod na.
Ginusto ko maging alagad ng batas dahil sa kanila.
Pero parang pakiramdam ko balewala din ang hirap ko. Hindi nila nakikita iyon.

Napaangat ako ng tingin ng lumapit sa table ko si Yngrid, isa siyang bagong Agent ng NBI.

"Velez, Tawag tayo ni Director." matamis siyang ngumiti sa akin.
Tumango lang ako bilang ganti.

Sabay kaming pumasok sa opisina ni General Manuel at sabay na sumaludo.

"Agent Velez reporting Sir." I snappy salute on him.

"Agent Bautista reporting Sir." Yngrid did the same, nawala iyong maharot niyang expression kanina at napalitan ng seryosong mukha.

"Both of you, sit down."

Tumalima naman kami.

"Velez, Bautista, you will team up for tonight. Our informant tipped me na may transaksyong mangyayari sa Pier 70 Tondo mamayang gabi. Ayon sa kanya ay mga tauhan ni Senator Quibranza ang mga ka transaction ng mga Taiwanese foreign drug dealers. You need to go there with your team. Nakipag coordinate na ako sa PNP at pumayag sila. Handa silang maging back up. At isa pa, Sabi nang isa pa nating impormante, susunod na target ng Dark Angels si Senator Quibranza.. Malakas ang kutob ko na nandoon siya at hahanap ng tiyempo para mapatay ang Senator. This operation, will be like hitting two birds with one stone. Can I count on you?"

Sabay kaming tumayo ni Yngrid at sumaludo.
"Sir yes Sir!"

"Prepare for tonight."

***

ASH

Madilim na ang gabi nang matapos ako sa pag bisita sa mga Pharmacy branches namin.
Tuwing katapusan ng buwan ay ginagawa ko ito para makausap ang mga branch managers, and to reach out to their problems and concerns.

Nagmamaneho na ako pauwi nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mike.

"Mike? Hindi ba nasa misyon ka?"

Dinig ko ang bigat ng kanyang hininga.
Bumundol ang kakaibang kaba sa dibdib ko.

"Mike! Nasaan ka?" Napasigaw ako kasabay ng walang humpay na putukan ng baril.

"Ash.. May t-tama ako." nanginginig ang boses na sabi niya. Napatawa pa siya.

"Putang ina. Nasaan ka?! Bakit ka umalis nang walang pasabi?! Bakit hindi mo sinabi kung nasaan ang misyon mo?!"
Nahampas ko ang manibela sa inis.

"S-sabi ni Tatay, confidential, S-saka huling misyon ko na to.. Diba."

"Gago ka! Huwag mong ibaba ang tawag."

Itinabi ko sa gilid ng kalsada ang kotse ko saka ko pinindot ang isang button sa harapan ng passenger seat, lumabas mula doon ang isang built in laptop na improvise at gawa mismo ni Gene.

Kinontak ko si Gene gamit iyon at sinagot niya naman agad.

"Track Mike now. 911."

Umilap ang mata ni Gene at mabilis na nag type sa kanyang laptop.
Hindi ko parin binitawan ang cellphone habang naka tingin sa laptop ko.

"Give me the coordinates immediately." gitil kong sabi. "Hold on Mike."

"Tondo, Pier 70. Hindi ka makakalusot doon kung maka kotse ka. Sandali kausapin ko si Sarah." Nawala saglit sa linya si Gene.

"Papunta na si Sarah dyan. Palit kayo ng sasakyan." bungad niya sa akon pagka balik niya.

"Sabihin mo kay Anson ihanda ang mga gamit niya."

Si Anson ang doctor sa amin.
Si Gene ang Tech guy. Businessman naman si Kuya Trent at Chef si Mike. Samantalang ako, tamang tulog lang ang gawa noong bago ako maging Ceo ng kumpanya namin.

"Mike." tawag ko sa kanya. Dinig ko parin ang barilan sa kabilang linya.

Pinagbabawal ni Tatay ang magsabi tungkol sa panghuling misyon kapag mag reretiro na kami.
Dapat gawin namin iyon nang walang ibang nakakaalam kahit kaming magkakapatid.

Alam kong may parusa ako kay Tatay kapag nalaman niya to.
Pero wala akong pakialam.
Malapit nang ikasal si Mike kay Steve at hindi ako papayag na may mangyari sa kahit isa man sa mga kapatid ko.

Mabilis na tumigil sa gilid ng kotse ko ang isang itim na motorbike.

Bumaba doon si Sarah kasabay ng pag tanggal niya ng helmet.
"Palit tayo ng baby Kuya Ash."

Bumaba ako at kinuha ang helmet niya.
"Ingatan mo ang kotse ko. Mahal yan." kinuha ko sa secret compartment ang aking .45 caliber at bonnet mask.

Ikinabit ko iyon sa holster sa gilid at sinuot ko ang mask.

"Iyan lang ang kargada mo?" Natatawang sabi niya.

Pinisil ko ang button sa aking baril at nalaglag ang magasin. Pinakita ko sa kanya ang walong bala sa loob.

"Mauuna muna silang maubos bago maubos ang walong bala nang magasin ko. Saka hindi ako ang kalaban nila, sa dami ng putok na narinig ko sa linya malamang sa malamang wala ng nakatayo pagdating ko doon." binalik ko sa baril ang magasin at tinapik ko siya sa balikat at agad akong sumakay nang motorbike niya at pinaharurot iyon papunta sa location ni Mix.

***

BLUE

"This is the whole area of Pier 70. Velez. You are in charge on this side. Bautista, ikaw naman dito. Lapuz. Ikaw sa exit. Huwag kayong gagawa ng kilos na hindi ko ipinag uutos. Don't kill this People. Kailangan sila ng gobyerno for further informations. Velez.. Since ikaw ang may hawak ng kaso ng Dark Angels. Ikaw ang aasahan ko na makakahuli sa kanya. Maliwanag ba?"
Sabi ni Agent Estrebor ang team leader namin habang binibriefing niya kami.

"Sir, Yes Sir!" Sabay naming sagot. Saka kanya kanya nang sukbit nang AK47 sa aming balikat.

Sunod sunod  at walang ingay kaming naglakad papasok sa Pier.

Nagsisimula na ang palitan ng transactions nang may magpaputok bandang ulunan ng mga iyon dahilan para magpulasan ng takbo ang mga Taiwanese.

"Anak ng! Diba sabi ko huwag kayong kikilos habang hindi ako nagsasabi?!" Galit na sigaw ni Agent Estrebor. Naririnig namin siya sa earpiece namin.

"Hindi sa amin galing Sir. Iba ang tunog nang baril. Tunog M16." sumagot ako.

"Peste! Naunahan na naman tayo nang Dark Angel. Velez. Kumilos ka na! And the rest, make sure to arrest the foreigners and the rest of the involved syndicates."

"Yes Sir." sabay naming sagot.

Tinalunton ko ang pinagmulan ng putok.
Habang hawak ng mahigpit ang baril ko, nakaumang sa bandang iyon. Handang kalabitin kung ano man ang mangyari.

I felt the adrenaline rush.
Iyong assignment na limang taon akong binigo, mukhang magtatagumpay ako ngayon.

Napadpad ako sa isang abandonadong Cargo ship.

May nakita akong bakanteng lata sa gilid.
Pinulot ko iyon at tinapon sa kasalungat na dereksyon.

Lumabas ang isang tao at nagpaputok sa bandang iyon.

"Gotcha Kana." iniumang ko ang baril sa kanya.

Timing na gumilid siya saka ko siya binaril.

'Bang!'

Isang putok pero dinig ko na napaigik siya.

Asintado parin ako.

Naglakad ako papunta sa derekson niya ng dahan dahan.

Pero nagulat ako nang wala na siya sa pwesto niya at tanging patak ng dugo ang nakita ko.

Sinundan ko ang patak niyon at papunta na iyon sa exit.

Mauunahan pa ako ni Lapuz.
Siya ang naka toka doon.

Binilisan ko ang hakbang pero bago pa ako naka rating sa pile ng mga drum, isang bala ang halos dumaan sa gilid ng mukha ko.

Agad akong napa tumbling palayo.
Muntik na. Peste!

"Sa susunod. Sa noo mo na babaon ang bala pasalamat ka wala sa bokabularyo ko ang pumatay nag walang laban." maangas na sabi ng boses na iyon.

Kasunod noon ay ang pagharurot palayo ng isang motorbike.

Saka ko naramdaman ang hapdi sa pisngi ko may daplis ako doon.

Tumakbo ako para humabol pero tiningnan lang ako ng taong nag mamaneho ng motorbike. Sa likod niya ay isa pang lalaking duguan.

So dumating ang isa pang KANA para iligtas ang isa.
Sa titig niya na iyon, ang mata niyang nagbibigay babala.
Hindi ko man lang naiangat ang baril ko at asintahin sila.

May kung ano sa mga mata niya na nagpatigil sa akin.

'Sino ka?'

***

Itutuloy

WAANJAI_EROTTIKA ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top