Chapter Five
Sa sobrang pagod at lasing nakatulog ako. Tinulog ko nalang din ang sakit na nararamdaman. After ko syang tanungin wala akong natanggap na sagot dahil tuluyan na akong kinain ng kalasingan ko. Hindi ko nga alam kung nakauwi ba ako sa hotel na pinag-stay-han ko o nasa unit ni Jane ako ngayon.
Umungol ako sa sakit ng ulo. Gumulong gulong pa ako sa malambot niyang kama.
Fuck! Ang sakit talaga ng ulo ko na parang mabibiyak.
"Fuck this hangover!"
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang puting kisame. Napatingin ako bahagya sa dibdib ko at nanlaki ang mga mata.
Bakit wala akong pang-itaas?!
"Jaanneee!" Malakas kong sigaw. Sapo sapo ang noo na nag-angat ng katawan. Nakabalot sa akin ang kumot. Anong nangyari kagabi?!
Bumukas ang pintuan at halos hindi ako huminga ng makita si Vlad mula doon. Kinuha ko yung unan at binato sa kanya.
"What the hell are you doing here?! Ugh!" Impit ko nang kumirot ang ulo ko sa biglaang sigaw. Putek, ang sakit talaga!
"Magkape ka muna at nang mahimasmasan ka." Sabi niya at tumalikod. Walang hiya!
Paano ako lalabas nang hindi makikita ang kahit anong parte ng katawan ko?! Teka, don't tell me may nangyari na naman sa amin?
Palihim kong pinakiramdaman ang sarili at kinapa ang ilalim ko. May panty naman ako. At noong mapagtanto na walang nangyari, nakahinga ako ng maluwag. Siguro sa sobrang lasing ko sumuka ako. Parang ganun nga dahil nalalasahan ko pa ang sariling amoy. Amoy suka. Ngumiwi ako.
Tumayo at pumasok sa banyo upang makapaghugas ng mukha at momog. Gusto ko sanang pakiaalaman ang gamit niya pero nahihiya naman ako. In the end, kumuha nalang ako ng puting v-neck niya at sinuot ito. Maluwag sa akin at hanggang hita ko ito.
"Nasaan pala ang mga damit ko?" Tanong ko ng makarating sa kusina. Hindi ko mapigilang mamangha sa kabuuang bahay. Ibig sabihin, bahay niya ito at hindi condo. Wala ako sa condo niya. Mabuti naman.
"Pinalabhan ko. Sinukaan mo kagabi." Sabi niya sabay sumimsim ng kape. Wala syang pang itaas. Kitang kita ko mula sa kinauupuan ko ang mabatong dibdib niya.
"A-anong nangyari pala kagabi? At bakit ako nandito?" Tanong ko na naglilibot pa rin ng tingin. Ang alam ko lang noon may sarili siyang bahay, hindi ko naman akalaing ganito pala kaganda.
"Sobrang lasing mo at nakatulog ka. Tatawagan ko sana ang assistant mo low bat ka naman. Kaya dinala nalang kita dito." Sabi niya.
"S-si Bethany?" Anong pakialam ko doon sa babae nya at tinanong ko pa? Ewan, gusto ko lang makasiguro kung natuloy ba yung romantic dinner kuno nila.
Tumikhim siya bago nagsalita. "Nasa condo." Simpleng saad niya. Does this mean hindi natuloy? Kasi he's here e. Lihim akong napangiti. Parang may napapansin ako. Ayaw ko lang hulaan.
"If you're done, tanungin mo lang si manang para sa damit at iba mo pang gamit. I'll go ahead." Pupuntahan niya siguro iyong babae niya.
Hindi ko maiwasang malungkot sa part ng babae at siguro sa part ko na rin. Pero yung akin nasundan ng kaginhawaan nang mapagtanto ang mga bagay bagay.
If our marriage were push through, I'll end up like that woman. Either nasa condo niya ako o nasa bahay lang at hindi inuuwian dahil may kasama syang iba, yung tunay niyang mahal. Masakit isipin na ganun nga ang kahihinatnan ko kasi wala akong magawa, kagustuhan nila iyon para mapanatili ang kung anuman ang meron sa amin. Sa pamilya namin.
For the sake of image kailangan panatilihing maganda ang lineage namin.
Tumango nalang ako at di na nagsalita pa. Hinayaan ko siyang iwan ako sa hapag. Who am I to stop him anyway?
Kalaunan nang matapos ako ay binigay din ni manang ang mga damit at gamit ko. Panay vibrate ang clutch ko nang matanggap ko ito. Kinuha ko mula sa loob ang phone ko at tiningnan.
Maraming missed calls galing kay Jane at mga messages from friends. May message din kay auntie asking if I am okay and nagsosorry din siya about what happened.
Nagtipa agad ako ng reply na okay lang ako at kasunod ang pagtawag ni Jane. Sinagot ko ito at halos murahin na niya ako sa kabilang linya.
"Where the hell have you been Beauty Shaunty Sy?!" Singhal niya.
"Jane, calm down."
"Calm down?! For fucking sake! Late na tayo sa flight mo!" Agad akong napatingin sa wrist watch ko. Late na nga!
Huminga na lamang ako ng malalim. "Hindi na tayo makakahabol pa. Prepare the chopper. Uuwi na ako."
Nakalimutan kong hindi pala bakasyon ang pinunta ko dito. May trabaho pala akong inaasikaso. Nakakaloka.
"What? Why? Where are you?" Nahihimigan ko na ang pagkakataranta niya.
"Don't panic okay? I'm at his place." Napangiwi ako ng pahysterical siyang suminghap. Sabagay, kagulat-gulat nga naman.
"I was too drunk last night at nakatulog ako." Alam niya naman kapag sobrang nalasing ako, nakakatulog talaga ako.
"God! I don't know what to do with you anymore Shaunty!" I can imagine her face palming. I let out a soft chuckle.
"You don't have to. I can manage."
"Right. Just right." Pakiramdam ko may ibang ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
Matapos kong magbihis ay nagpaalam na ako kay manang. Hinintay ko nalang si Jane na makarating sa address na binigay ko. Hindi ko naman kasi alam na wala palang taxi na dumadaan dito.
Hindi nagtagal ay natanaw ko na siya di kalayuan.
Nagngising aso pa siya nang makapasok ako. At dahil hindi ako nagmamadali, ako ang magdadrive. Mahirap na.
"What's with that smile?" She's really creeping me out! I know there's something behind her sheepish smile.
"You seriously know how to handle things." She said sarcastically. I give her a frown.
"Cut that crap. What is it?"
Tinaas niya ang tab niya to show me something.
Guess Who: Ex-fiance Caught Dating Again.
After five years of no connection, these two were caught dating again and not just once but twice. They were seen eating in the five star restaurant and hanging out at the bar last night. Photos taken from the people in the scene.
The pictures were blur but I definitely know who are they.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top