CHAPTER 08

"KUNG sino ang matalo, kailangan niyang mag-grant ng isang wish sa mananalo, okay?" Nakangising sabi ni Neil sa kanya.

Gumanti siya ng ngisi rito at tinaasan niya ito ng kilay. "Deal! At alam ko na kung sino ang matatalo rito," confident niyang sabi.

Matapos nilang magtanghalian ni Neil ay inaya siya nitong maglaro. Dinala siya nito sa isang booth kung saan gamit ang toy gun ay patutumbahin ang mga maliliit na item tulad ng toy soldier sa kanilang harapan.

"Don't be too confident, tigress. You might lose in this game," ani ni Neil at kinindatan siya.

"'Di mo 'ko matatalo rito, Karyo. This is my space," aniya at nginisan ito.

Bukod sa archery, isa sa mga paborito niyang pampalipas ng oras sa Fun Town Amusement Park ay maglaro sa booth na iyon. Kilala na siya ng tagapagbantay roon kaya naman nangiti ito sa kanya n'ong sinabi niya iyon.

"Naku, sir. Mahihirapan kang talunin 'yan si ma'am. Halos siya lang ang nakakaubos ng papremyo rito sa galing niyang bumaril," nangingiting sabi ng tagapagbantay. "Kapag siya ang napupunta rito, nalulugi ang negosyo ko. Mabuti na lang at hindi niya kinukuha lahat ng prizes niya."

"She'll lose, manang. Tiwala ka lang sa akin," ani ni Neil at hinawakang mabuti ang toy gun. Tumingin ito sa kanya na may ngisi muli sa mga labi. "Ten shots. Kung sino ang pinakamaraming mapatumba, siya ang panalo, okay?"

Confident na tumango siya. "Fine! Nakikinita ko na ang pagkatalo mo, Karyo!" Aniya at humalakhak.

Tumawa si Neil sa sinabi niya at ipinosisyon ang hawak na toy gun. "Ako na ang mauna, ha?"

"Sure!" Sagot niya at nakangising humalukipkip.

Ngayon pa lang ay iniisip na niya kung ano ang ipapagawa niya kay Neil kapag natalo niya ito. At sisiguraduhin niyang mahirap iyon kaya naman excited siyang talunin ito sa laro nila.

Bumaril si Neil ng sunod-sunod. At nabura ang malapad na ngisi sa kanyang labi nang makitang walang mintis nitong naitumba ang sampung item sa harapan.

Bigla tuloy ginapangan siya ng kaba. Hindi niya akalain na magaling din si Neil sa larong iyon! Anak ng tinapa! Kapag natalo siya ay paniguradong hindi madali ang hihilingin nito sa kanya. Kailan niyang galingan kundi patay siya!

"Ikaw na," ani ni Neil sa kanya at gumilid. Kita niya ang mapaglarong ngiti sa labi nito habang lumilipat ng pwesto.

Napalunok siya. Biglang nagtago ang confidence niya. Magaling siya sa larong iyon at alam niya sa sarili na kaya niyang patumbahin din ang mga item sa unahan niya pero kinakabahan siya lalo na't mariing nakatitig na si Neil sa kanya. Nawala na ang mapaglarong ngiti sa labi nito at tila may malalim itong iniisip habang nakatingin sa kanya.

Concentrate, Forest! Hindi ka pwedeng matalo! Kapag natalo ka, patay ka kay Neil!

Huminga siya ng malalim at pumwesto. Kinalma niya ang sarili at itinutok na ang toy gun sa harapan. Naiilang siya sa paninitig ni Neil sa kanya pero pinilit niya ang sarili na huwag pansinin iyon. Hindi siya pwedeng matalo. Hindi niya alam kung ano ang ipagagawa sa kanya ni Neil kapag natalo siya. Kung siya nga ay nag-iisip ng bagay na hindi madali na ipapagawa rito, ito pa kaya?

Bumaril siya ng sunod-sunod. At napanatag siya nang makitang walang mintis na tinamaan niya ang mga target. Isang bala na lang ang meron siya at titira na sana siya nang marinig niya si Neil magsalita.

"Mahal kita, Forest. Mula noon hanggang ngayon...."

Napatanga siya sa narinig at wala sa sariling bumaril. Hindi niya tinamaan ang target. Nanghihinang naibaba niya ang kamay at napatingin kay Neil na seryosong nakatingin sa kanya.

Hindi niya malaman kung ano ang dapat sabihin o ano ang dapat niyang ireaksyon sa narinig. Pakiramdam niya ay huminto bigla ang mundo at silang dalawa lang ni Neil ang naroon. Ramdam niya rin ang malakas na kabog ng puso niya at panlalamig ng kanyang mga kamay. Gusto niyang tawanan lang ang sinabi nito at isiping paraan lang nito iyon para guluhin siya para matalo. But looking at Neil's eyes makes her think otherwise. The seriousness on his face tells all she needs to know.

"I know this isn't the right time to say it. Or even the right place, the right chance. But hell, I'm taking the risk now that I've been avoiding for how many years," ani ni Neil at unti-unting lumapit sa kanya.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at matapos ay matiim siyang tiningnan.

"You don't need to answer right now, Forest. I'll wait for you....I'll wait for you even if whatever you will say in the future may not be the answer I've been longing to hear. I'll wait for you...because I love you..."

Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa mga narinig. It was all of a sudden. At hindi siya handa sa mga narinig.

"Neil..."

"I know you think that I'm only joking, right? Or maybe pulling a prank to put you on a trap." Sa pagkakataong iyon ay ngumiti sa kanya si Neil at inalis ang pagkakahawak sa kanya. "But I'm telling you the truth, tigress....Matagal na kitang nakikita, Forest. You're like a moon shining brightest among other stars. I've been silently watching you. At kahit na noon pa man ay madalas tayong nagkakabanggaan, that doesn't stop me from falling in love with you....

"I'm not asking for a chance. Decide on your own. I just want you to hear the words that I've been keeping to myself for the longest time."

She swallows a big lump on her throat. She's literally speechless. Gusto niyang magsalita pero wala ni isang salita ang gustong lumabas sa kanyang bibig. Hearing Neil's confession is the last thing she imagined to hear.

How did he fall for her? Looking back, all their memories were purely hating each other. Batuhan ng asaran, masasakit na salita at pagti-trip sa isa't isa. And then it hit her. She remembered the times when she was down. He comforted her in his own weird way that she thought he was just trying to piss her off more.

Neil patted her shoulder and smiled once again. "Paano ba 'yan, tigress? Natalo ka. Iiisipin ko munang mabuti kung ano ang hihilingin ko sa'yo."

Naramdaman niya ang protesta sa kaloob-looban niya. She lost because she was distracted of his unexpected confession. Pero alam naman niya na hindi naman nito iyon sadya. He's serious in all the words he said. At alam niyang hindi nito iyon sinabi para lang matalo siya sa laro nila. Nahihirapan man siyang iproseso ang lahat ng sinabi nito sa kanya ngayon ay alam niyang totoo ito sa mga sinabi nito.

"M-make sure na madali lang hihilingin mo or else, ibibitin kita patiwarik," aniya at naiilang na ngumiti rito.

She can take her time, right? She still needs to process everything he said. And she still needs to have a one on one talk to herself for being agitated to all she heard.

FOREST positioned herself in the diving board. Matapos n'on ay tumalon siya at mabilis na lumangoy patungo sa kabilang bahagi ng olympic-sized na pool.

Kasalukuyan siyang nasa club house ng Grande Heights. Mayroon namang pool sa kanilang bahay ngunit pinili niyang doon maligo dahil gusto niya ang malaking pool doon. She wanted to take a dip to put her mind at ease even for a short while.

Mula nang marinig niya ang confession ni Neil sa kanya kahapon ay mas lalo siyang hindi mapakali. Mahirap man aminin sa sarili ay pakiramdam niya ay mayroong mainit na bagay ang humaplos sa kanyang puso dahil sa mga sinabi nito sa kanya. At hindi niya rin maitatanggi sa sarili na natuwa siya sa nalaman. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon. The Forest she knew will not care less to whatever Neil had said to her. Maaaring tawanan pa nito si Neil dahil sa mga sinabi nito at asarin ito. The Forest she knew will not believe Neil's confession and she'll think it's one of his antics to make fun of her. But the Forest in front of her right now is so unfamiliar to her. Hindi niya makuha ang bawat kilos nito. At natatakot siya sa dahilan kung bakit ganoon na lang ang inaakto nito.

You like him, right? Her conscience asked.

Bumaliktad siya at sinipa ang tiled wall para lumangoy pabalik.

Does she really like him? Hindi siguro? Lumaki siya na ang tingin niya kay Neil ay kaaway. Palagi silang nagbabanggaan at nag-aaway so paano niya ito magugustuhan?

But that doesn't enough reason not to like him, Forest.

Natigil siya sa paglangoy at inangat ang ulo sa tubig. Napailing siya dahil kaunti na lang at mararating na sana niya ang dulo.

You like him, Forest. Don't deny it.

Napabuntong hininga siya ng marahas. Siguro nga gusto na niya si Neil. Pero ang tanong niya sa sarili: Kailan, saan at paano?

Kailan pa siya unti-unting nahulog sa charm nito? Saan nag-umpisa ang pagkahulog niya? At paanong hindi niya napansin na nagkakagusto na pala siya rito?

Lumubog siya muli sa tubig at tila patay na hinayaan ang sarili na umilalim.

Why is it so hard to answer all the questions running in her head? Why is it so hard to explain the feelings she always felt whenever she's with Neil? And why it is so hard to admit to herself that she's already fallen for him for some unexplainable reason?

Isang kamay ang naramdaman niyang humawak sa kanya at biglang humila sa kanya paahon sa tubig.

"Are you trying to kill yourself?!"

Napamaang siya habang nakatingin sa galit na mukha ni Neil. He's fully clothed at kita niya ang paghakab ng puting tshirt nito sa katawan nito.

"H-huh?" Aniya. "A-anong pinagsasabi mo?"

Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito roon at kung bakit galit na galit ito sa kanya.

Hindi sumagot si Neil sa sinabi niya bagkus ay hinila siya patungo sa gilid ng pool. Hinawakan pa siya nito sa baywang at inahon siya. Matapos n'on ay padarag itong naupo sa tabi niya.

"Why are you drowning yourself?!" He snapped.

"What?" Bulalas niya. Akala ba nito ay nilunod niya ang kanyang sarili? At ano naman ang pumasok sa kokote nito para isiping gan'on ang kanyang ginawa?

"Hoy, Karyo! Hindi pa ako baliw para lunurin ang sarili ko! Bakit naman ako magpapakamatay, aber? Adik ka ba?!"

Imbes na maasar, kumawala sa kanyang labi ang isang matunog na halakhak. Hindi niya mapigilan ang ma-amuse at matawa sa nakikitang reaksyon ni Neil. Kahit na nakamamatay ang tingin na ibinabato nito sa kanya, nakikita niya pa rin ang pag-aaalala nito sa kanya. At hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kiliti sa kanyang puso.

Neil leaned on her and in just one snap, she is silenced with his kiss.

She hardly remembered what happened. All she knows is that his warmth lips covering hers is giving her so much unfamiliar but beautiful emotions she couldn't name. She closed her eyes. And from that moment, the innocent kiss Neil is giving her turned into one passionate, beseeching kiss.

Hindi na gumagana ang utak niya. It's as if it was thrown somewhere that's hard to find. The normal Forest would surely smack Neil for kissing her. But the lunatic Forest that's dominating her whole being now is very pleased to accept whatever Neil is giving her.

Pareho nilang naramdaman ang pagkakapos ng hininga kaya sabay silang bumitaw sa halik. Forest can still feel her heart hammering, making a loud noise inside her chest. She couldn't believe that she let Neil kiss her. And she's surprised that she can't feel any regret on what happened.

Neil looked at her tenderly. Matapos ay bigla na lang siyang niyakap nito ng mahigpit.

"Don't scare me like that again, tigress. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo..."

Nakagat niya ang kanyang labi. She can feel his nervousness because of what she did.

"For the record, I'm not trying to kill myself, Neil. Wala akong dahilan para magpakamatay. Nag-iisip ako kaya ako umilalim sa tubig. And I'm a swimmer that's why kaya kong umilalim sa tubig ng matagal. I'm sorry for making you worry," she said.

She felt the urge to explain to him what really happened kaya naman sinabi niya iyon dito. Naramdaman niya ang pagkawala ng tensyon nito sa katawan at kumalas sa kanya. Bumuntong hininga ito ng marahas at matapos ay tinitigan siya.

"I'm sorry. Akala ko kasi nagpapakalunod ka. Kanina pa kita pinapanood at nakita kong malalim ang iniisip mo. I thought something's bothering you too much that you wanted to drown yourself..."

Napaikot siya ng mata sa sinabi nito. "Sadyang OA ka lang, Karyo!"

Ang takot sa mukha ni Neil ay unti-unting napalis. Matapos niyon ay isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi nito habang tinitigan siya.

Bigla siyang nailang sa ngiti at paraan ng pagtitig nito sa kanya. Now that Neil is looking at her with amusement in his eyes, she instantly remembered the kiss they shared a while ago. Bigla tuloy nag-init ang kanyang mukha.

Mabilis siyang tumayo at hinablot ang kanyang robe na nilapag siya sa lounger kanina. Ibinalot niya iyon agad sa kanyang katawan dahil na-realize niyang naka-two piece nga lang pala siya at hindi siya confident na makita siya ni Neil sa ganoong ayos.

"M-magbibihis lang ako," natatarantang sabi niya at mabilis tinungo ang bathroom ng club house.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top