04

Athena


"I'm sorry. Hindi kita nakita kaya nabangga kita."

Napangiti ako sa sinabi ni Sir Magnus. He's really a nice person. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Kung pwede lang sana na hindi na matapos ang sayang ito.

He's wearing denim cargo pants partnered with a long sleeve t-shirt. He's also wearing a color white rubber shoes that come from an expensive brand. His hair was fixed with some gel. He smells like vanilla because of his perfume's scent.

"Hindi mo po pala kasama sila Sir," sabi ko dahil hindi ko makita iyong mga kaibigan nya rito sa dance floor.

He chuckles because of what I said. "They're doing some....work." awkward nyang sabi kaya napakunot ang noo ko. He smiles. "Anyway, is it okay for your boss if I'll gonna borrow you for a minute?"

Napatanga ako sa sinabi nya. "Po?" hindi ko kasi masyadong maintindihan ang ibig nyang sabihin.

"Let's talk for a minute." he smiles. "I'm bored. Okay lang ba?"

Napatingin ako sa paligid. Hindi masyadong marami iyong mga tao at marami naman ang mga waitresses ngayon kaya pwede atang makausap ko si Sir Magnus.

"If you're not cool with it, I won't force you." nakangiting sabi ni Sir Magnus kaya napabaling ulit sa kanya ang tingin ko.

Okay lang naman ata. Minsan lang naman ito, eh. Susulitin ko na. I smile at him. "Okay lang po, Sir." sabi ko sa kanya.

"Okay, then." umayos sya sa pag-tayo. "Dito ba tayo sa loob o sa labas? You choose."

"Kahit saan po, Sir." ani ko naman.

He chuckles. "Drop the formality. Just call me Magnus," he winks at me. "Alright, then. Let's stay here inside. We'll just order something so we can have that table." turo nya sa isang table na masyadong malayo. Wala masyadong tao roon kasi medyo madilim doon.

"Just go there and I'll prepare your drink." sabi ko. "Whiskey?" tanong ko kung iyon ba ang gusto nya. Iyon kasi ang order nya last time.

Napangisi sya dahil sa tanong ko. "You remembered."

Namula kaagad ang pisngi ko dahil doon. Nakakahiya naman. Baka isipin nyang sya lang ang iniisip ko these past few weeks. Eh, hindi naman.....masyado.

I just took his order. Nagpaalam na rin ako kay Sir Leon. Pumayag naman kaagad sya kaya nagtungo na ako sa table kung nasaan si Magnus. He just helped me.

"You even added some snacks," sabi nya ng makitang may nilagay akong chicharon.

I chuckle. "Don't worry, it's on the house."

He just smiles at me. Uminom lamang sya habang kinakausap ako. It's so weird that I feel comfortable with him. Inaya nya na rin akong kumain ng chicharon kasi hindi raw sya kumakain ng mga yun. Kumain na lamang ako kasi pinilit nya ako.

"I like it here." sagot nya sa akin ng tanungin ko sya kung bakit bumalik sya rito.

Napangiti ako sa sinabi nya. "Kapag narinig iyan ni Sir Leon, matutuwa iyon sa sinabi nyo."

"Sir Leon?" kunot-noong pagtanong nya na para bang gusto nyang malaman kung sino iyon.

"May-ari nitong bar." sagot ko naman.

Napatango nalang sya sa akin. Nang ubos nya na ang whiskey, kaagad ko syang hinatid papalabas sa bar kasi uuwi na raw sya. Galing pa raw kasi sya sa trabaho kaya kailangan nya munang magpahinga.

"Hindi mo naman ako kailangang ihatid." mahinang pagtawa nya ng nandito na kami sa harapan ng kotse nya. "Pero salamat pa rin sa paghatid. I appreciate it."

"Walang anuman," hindi na ako nag 'po' kasi ayaw nya. "Ingat sa pagmamaneho."

He smiles softly at me before entering his car. Naghantay lang akong aalis na sya para makabalik na ako sa loob ng bar pero nagulat ako ng binaba nya ang bintana nya at nginitian ako.

"I'll come back again, Athena. See you next time." nakangising saad nya bago umalis na.

Tumatak sa isipan ko ang sinabi nya sa puntong hindi ako makatulog ng maayos at hindi ako makafocus sa pag-aaral ko. Hindi ko maintindihan ang excitement na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano nya nagagawa ito....iyong pasiyahin ako.

Alam kong simple lang ang sinabi nya. Wala namang spesyal ang mga salitang iyon para sa iba pero para sa akin....spesyal iyon. He's the first person who made me feel so much excitement and happiness. Dahil sa sinabi nya, natutuwa ang puso ko.

Kasi makikita ko ulit sya. He didn't mention when but it made me happier since I have more reasons to work every night. Naganahan akong mag trabaho lalo sa bar.

"Tulala ka na naman." sabi ni Sabrina sa tabi ko. Kasama ko sya ngayon kasi wala kaming klase sa mga oras na to. Wala nga lang si Ayesha kasi may klase sya. "Are you okay? These past few weeks, tulalang tulala ka na. Minsan nakikita pa kitang nakangiti mag-isa."

Nagulat ako sa sinabi nya. "Ha?"

Tinignan nya ako ng mariin. "Hindi naman kita kailangang dalhin sa mental hospital noh?"

Mahina akong natawa sa tanong nya. "Sira! Ayos lang ako." napakagat ako sa labi ko para pigilan ang malawak kong ngiti. "May nangyari lang."

"Hala! Ano iyan? Ilang years na tayong magkaibigan pero hindi ka nagshi-share! Ano ba iyan?" niyugyog nya pa ang balikat ko.

Pinigilan ko kaagad sya. "Tumigil ka nga. Sasabihin ko naman, eh."

I just told her everything about that night. Noong una ako lang ang nakangiti pero ngayon kaming dalawa na. Napatili pa sya kasi kinikilig daw sya para sa akin kaya natatawa na lamang ako.

"Sana all!" napatili ulit sya. "Harot mo, beng!"

Napangiti na lamang ako. Inaasar pa ako ni Sabrina kaya napapailing na lamang ako. Nag review nalang ako kasi may quiz pa ako mamaya pero hindi talaga ako maka focus sa pagrereview. Palaging bumabalik sa isipan ko si Magnus kaya medyo nafufrustrate na ako.

"Hoy! Kanina kinikilig ka tapos ngayon naiirita ka na." sabi ni Sabrina. Siniko nya pa ako. "Ayos ka lang ba?"

Napakagat ako sa labi ko. "Hindi ako makafocus sa pagrereview. Palaging sya ang nasa isipan ko, eh." hinilot ko ang sentido ko.

"Banat ba iyan? Sabihin mo para naman alam ko kung ano ang irereact ko, noh!"

Napairap ako kay Sabrina. "Sira! Hindi. Seryoso kasi."

"Ay, seryoso pala." mahina syang natawa bago ako tinapik. "Hayaan mo na. Ang importante makulay na ang buhay mo ngayon!"

"Anong connect?"

"Ang connect noon ay parang jowa ko. May jowa ba ako? Wala!" napahalakhak sya.

Ako naman ay nabigla sa sinabi nya. "Hindi na talaga kayo nagkabalikan?"

"Hindi na. Hayaan mo na. Ang importante maganda ako." pabiro nyang sabi.

Napailing na lamang ako at nag review ulit. Pero kahit na anong gawin ko, hindi ko pa rin magawang mag focus. Kaya iyong score ko hindi mataas. Hindi kagaya ng mga naging score ko rati noon.

For weeks, mababa ang scores ko dahil doon. Hindi ko kasi magawang mag focus sa pag review. Concerned na rin ang mga Profs at sila Sabrina sa akin. They asked me if I'm okay and I just told them that I am.

"Buti nalang bobo na ako bago ako na inlove," natatawang sabi ni Sabrina.

Si Ayesha naman ay natawa sa sinabi ni Sabrina bago ako nilingon. "Maybe you should try on thinking about other thing aside from him? Para naman mapunta sa iba iyong focus mo. You should also make sure that you're thinking about less important things para kapag naka focus ka na roon, madali lang bawiin iyong pag focus mo at maibaling na ulit sa academic."

Napaawang ang labi ni Sabrina. "Talino mo naman, Sha. Mana ka sa akin."

Napailing ako. "I already tried that one. Hindi naman effective." napabuntong hininga ako. "Ano ba problema ko?"

"Inlove ka kasi! Sana all nalang po!" asar ni Sabrina sa akin.

"Hindi ako inlove," sabi ko na iningusan lang nilang dalawa kaya napairap na lamang ako. "Hindi nga kasi! Maniwala naman kayo."

"Okay," Ayesha chuckles.

Sabrina pouted. "Si Jesus ka ba para paniwalaan ko? Joke lang naman! Oo na, naniniwala na ako!" kaagad na pagbawi nya ng sinamaan ko sya ng tingin.

Napailing na lamang ako sa kanya. Nag milktea lang muna kami saglit bago ako umuwi na. Pag-uwi ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis ng pambahay na damit bago tumungo na sa kusina.

Kinuha ko ang mga ingredients ng lulutuin kong ulam bago nagluto na. Nang luto na ang ulam, nilapag ko lang ito sa lamesa at tinakpan muna saglit bago tumungo sa kwarto para ayain si Mama. Alam kong nandito si Mama kasi day off namin ngayon.

Nakaawang ng konti ang pintuan kaya itutulak ko na sana ito pero natigilan ako ng narinig ko ang munting hikbi ni Mama na nanggagaling sa kwarto. Kaagad nadurog ang puso ko. My mind that was focused on Magnus got distracted.

Sa hikbi ni Mama, bigla kong nakalimutan si Magnus....pati na iyong sayang nararamdaman ko dahil sa kanya.

Mahina kong tinulak ang pintuan para tignan si Mama....para malaman kung bakit sya umiiyak. Nang makita ko kung ano ang hawak nya, kaagad bumigat ang puso ko. She's holding a picture frame. Isang picture frame nya may larawan namin ni Mama na kasama si Papa.

I feel my heart breaking because of it. I can see that she's still inlove with him. Ramdam ko ang galit ko kaya kinalma ko muna ang sarili ko bago binuksan ng malawak ang pintuan ng kwarto ni Mama.

"Ma," mahinang tawag ko kay Mama.

Ramdam ko ang pagkagulat ni Mama dahil sa pagtawag ko. Hindi nya ata inaasahan na nandito rin ako sa kuwarto. "Anak, nandito ka na pala." she forced herself to smile when she faced my direction. Nasaktan kaagad ako para kay Mama pero ngumiti na lamang ako. Nagpunas sya ng mga luha. "How's school?"

Pilit akong ngumiti kay Mama. "Ayos lang naman po. Nakahanda na po iyong hapunan. Kain ka na po, Ma." sabi ko gamit ang mahinahon kong boses. "Sa kwarto lang po muna ako. Gagawin ko lang po muna iyong mga assignments ko."

"Hindi ka kakain?"

"Busog na po ako. Kumain na po ako kasama sila Sabrina." tipid na ngiti ko bago naglakad na patungo sa kwarto.

Pagkarating sa kwarto, nilock ko kaagad iyon pagkapasok ko para ilabas ang sakit na nararamdaman ko. I immediately let my tears stream down my face. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang mga hikbi ko. Napahawak na rin ako sa dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Maawa na po Kayo," mahinang sabi ko habang nakatingin sa kisame....na para bang kinakausap ang Diyos habang nakaupo ako sa sahig. "Pasayahin Nyo na po yung Mama ko." napahikbi ako kaya kaagad kong tinakpan ang bibig ko.

Napasandal na lamang ako sa pader habang yakap ang sarili. Tahimik lamang ang paghikbi ko para hindi ako marinig ni Mama. Dahil sa walang ingay na paghikbi ko, nahihirapan na akong huminga ngayon pero hinayaan ko na lamang ito.

"Pasayahin nyo na po ang Mama ko. Maawa naman Kayo," naiiyak na sabi ko habang nakatingin ulit sa kisame- kinakausap ang Diyos. "Kung nagawa Nyong tuparin ang dalangin ko na makita ulit si Magnus....sana naman tuparin Nyo rin po itong dasal kong ito." napahikbi ako. "Ilang taon ko na po itong dinadasal sa Inyo."

Napapikit ako dahil sa pagsakit ng dibdib ko. "Kahit huwag Nyo na po akong pasayahin....si Mama nalang po." sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko.

Yakap ko lamang ang sarili ko habang tahimik na humihikbi rito sa kwarto ko. Ang sayang nararamdaman ko ay biglang naglaho. As expected, it's just a temporary happiness. Tama nga sila. Mas tumatagal ang sakit kesa sa saya.

"Kasiyahan lang po ni Mama, please. Amen."

Dahil sa pag-iyak, nakaramdam na ng pagod ang mga mata ko kaya naisipan ko ng humiga sa kama. Kagaya ng nakasanayan, natulog akong mabigat ang dibdib.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top