20

Dear Who,

Ang saya-saya ko kase ngayon yung araw na magkikita kami ni Jin.

Kinakabahan ako na excited... Basta parang ewan yung feeling ko.

Si Nive? Bahala na siya sa buhay niya!

Basta ako, mahal na mahal ko si Jin!!

Cross my heart! Hope to die..

Wait, tama ba 'yon?

Basta 'yun na yon!

So, pumunta nga ako sa tree house. Saktong alas tres nandoon na ako. Syempre ayokong malate.

Pagkarating ko nga don, wala pa si Jin.

Ang kupad kase ng ugok na 'yon e.

Hahahaha.

Narinig ko na may nagbukas ng pintuan at nakita ko si Jin na naka-ngiti sa akin. Agad ko siyang niyakap kaya niyakap niya rin ako pabalik.

"So, ano sasabihin mo?"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.

"I--- uhm... I..."

Pabitin pa e!!

Jin namannnn e.

Huwag kang kabahan, kahit ngayon lang pleaseeee?

"Ano nga?"

"Ma--- uhm... Shit... Ma---"

Nag-uumpisa na akong mairita. Jusko! Pabitin effect pa kase!

"Isa Jin! Umayos ka!!"

Bigla siyang bumuntong hininga at tinitigan ako sa mata. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa balikat niya at ngumiti siya sa akin.

So I smiled back but it suddenly fade when he said the word, "Vy, I'm breaking up with you."

~Vy

The End

---////---

ⓒⓡⓔⓐⓜⓨⓢⓗⓘⓔ♥

ツ♨∞✔✘

-MochiiRain♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top