070 : THIRTEEN & SEVENTEEN
Wen Junhui's Point of View
Kasalukuyan kaming nasa canteen dahil break time na namin. Hindi namin kasama ang THIRTEEN.
"Hala! Bakit may usok do'n? May nagsisiga ba?" Sabi ni Soonyoung habang nakaturo sa langit, kaya napatingin kami do'n. Hala, oo nga. Nako! Bawal na nga ang pagsisiga 'di ba?
"Mga tanga! May nasusunog sa likod ng school!" Bigla na lang may nagsalita nang malakas pero hindi pasigaw.
Ano kamo?
Tapos bigla na lang may tunog ng fire truckㅡbasta, tunog ng sirena.
"Oy, halina kayo sa quadrangle!" Sigaw ni Jihoon kaya tumakbo kami papunta do'n.
Punyeta! 'Yung mga gamit namin sa classroom. Shet!
Nakita namin ang THIRTEEN sa gitna ng Volleyball court. Sina Shaine at Seyuri ay nakaupo sa lupa habang may nakatakip na panyo sa bibig nila. Tapos si Haein ay umiiyak habang may earphones na nakasalpak sa tainga niya. Nakapalibot sa kanya sina Hyeseul, Jenny at Mira.
Hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil 'yung tunog ng sirena. Nakakabanas!
Lumapit kami sa kanila. 'Yung dalawang nakaupo sa lupa, ngayon ay umiinom ng tubig. Si Shaine, halos paiyak na at si Seyuri naman ay humihinga ng mabigat.
Hala, anong mayro'n?
"Ano? Tutunganga lang ba kayo d'yan? Mga bwiset kayo!" Sigaw sa'min ni Jenny.
"Bakit umiyak si Haein?" Eto na naman si Soonyoung.
Tumigil na si Haein sa pag-iyak, at nawala na rin 'yung tunog ng sirena. Tinanggal ni Haein 'yung earphones mula sa tainga niya. Inabutan siya ni Mira ng bote ng tubig.
"Naulit na naman 'yung nangyari noong grade 8." Sabi ni Hyeseul.
Bakit? Ano bang nangyari sa kanila noong grade 8?
"Bakit?" Tanong ni Jihoon, na dapat ay itatanong ko rin.
"May asthma kasi sina Shaine at Seyuri. Tapos may takot si Haein sa mga tunog ng sirena, mostly sa fire truck. Hanggang ngayon, hindi namin alam ang dahilan at ayaw naman niyang magsalita." Sagot niya.
Ah! Kaya pala may nakasalpak na earphones sa tainga ni Haein kanina.
"Kayong dalawa, ayos na ba kayo?" Tanong ni Eyrie do'n sa dalawang nakaupo pa rin sa lupa hanggang ngayon.
Tumango na lang si Seyuri saka tumayo na, sumunod naman si Shaine sa pagtayo.
May ina-announce 'yung Principal pero hindi namin masyadong marinig dahil nasa medyo malayo kami.
"Ano raw?" Tanong ko kay Mingyu dahil siya lang 'yung nakafocus sa sinasabi ng Principal.
"Wait lang, hyung, hindi ko masyadong marinig." Sagot niya at tumango na lang ako.
"Ah, guys! Pwede na raw umuwi, cut ang classes dahil nga may sunog sa apartment sa likod ng school. Kunin na raw ang mga gamit." Sabi ni Mingyu.
Oo nga pala, 'yung mga gamit namin.
"Hoy, tara, kunin na natin 'yung mga gamit natin."
Umakyat na kami sa mga classrooms namin. Bakit ba kasi sa 4th floor kami? Hays.
Pagkakuha namin sa mga gamit namin, hirap na hirap din kaming bumaba. WALA BANG ELEVATOR MAN LANG OR ESCALATOR? Nakakapagod kaya!
Dumire-diretso na kami, medyo siksikan kaya nag-stay muna kami saglit sa catwalk.
"Nakakapagod 'tong araw na 'to." Rinig na rinig ang pagbuntong-hininga ni Wonwoo.
"Uuwi na ba tayo agad? O gusto niyo pang gumala?" Tanong ni Seungcheol.
Walang sumagot dahil nagsisink-in pa sa mga utak namin ang mga nangyari.
"Uuwi na ako, guys." Sabi ni Eyrie.
"Hala, bakit?" Tanong ni Seokmin saka tumabi kay Eyrie. Nako, lumalablayp na 'tong lalaking 'to.
Hindi sumagot si Eyrie pero nginitian niya lang si Seokmin. Natunaw naman ang loko. Hay nako, ayoko na.
"Sige na, gumala na kayo."
"Hindi na naman tayo kompleto." Sabi ni Jenny habang naka-pout na nakatingin kay Eyrie.
"Okay lang 'yan, bes. My soul will guide y'all."
"Jusko, parang pinapatay mo naman sarili mo." Sabi ni Hyeseul tapos nagtawanan ang buong THIRTEEN.
Jenny Shin's Point of View
Hinintay na lang namin na humupa 'yung mga estudyante bago kami umalis. Si Eyrie naman ay naiwan do'n sa catwalk kasi hihintayin niya pa 'yung service niya.
So ayon, hindi na naman kami kompleto.
"Oy, Jae-ahn!" Nagulat ako nang inakbayan ako si Junhui. Chansing na naman 'to, tsk. Pero tinawag niya 'ko sa korean name ko. Shit.
Inalis ko 'yung kamay niya sa balikat ko, "Tatawagin mo na nga lang ako, may pag-akbay pa."
"Para masaya."
"Ewan ko sa'yo." Binatukan ko siya pero tumawa lang siya. Baliw!
"Hoy, walang forever!" Hinila ni Minghao si Junhui. Tumawa na lang ako.
"Pinagpapalit mo na 'ko, ha." Pabirong sabi ni Minghao kay Junhui. Konti na lang talaga, ishi-ship ko na sila EMEGHED.
"Lalabas na ba tayo o lalabas?" Sabi ni Soonyoung. Ha?
"Wala namang pagpipilian, baliw ka talaga." Eto na naman sina Soonyoung at Jihoon, ishi-ship ko na rin sila. JUSKO, yaoi na ituuu.
"Kinikilig ako." Nagulat ako nang bumulong sa tabi ko si Haein.
"Hala, bakit?"
"Wala lang."
Napasapo na lang ako sa mukha. Jusmiyo, akala ko naman kung ano na.
Lumabas na kami ng school kasi kanina pa nangungulit 'yung tatloㅡsina Soonyoung, Seokmin at Seungkwan, ang TATLONG SIRAULO. Hahahaha laughtrip.
"Let's eat sa KFC!" Sigaw nung tatlong siraulo.
"Bakit tumatawa ka mag-isa, Jenny? Nababaliw ka na ba?" Sabi ni Seyuri na nasa tabi ko na pala.
"Kilala mo ba 'yung tatlong siraulo?" Tinitigan niya lang ako nang nagtataka.
"Edi sina Soonyoung, Seokmin at Seungkwan." Tapos bigla akong tumawa, at napatawa na lang din siya.
"Hoy, bakit narinig ko ang gwapo kong pangalan?" Ay, paepal si Seokmin.
Hindi na lang namin siya pinansin. Natatawa na naman ako. HANUBAYAN!
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng KFC. Ang bilis naman naming maglakad? Wow!
Pumasok na kami sa loob. Nakakahiya nang konti kasi ang dami namin tapos ang ingay pa nung tatlong sirauloㅡeste sina Soonyoung, Seokmin at Seungkwan.
"Wow, ang dami. Ilan po kayo?" Sabi nung isang staff. Medyo natawa kami dahil sa sinabi niya.
Teka, ilan nga ba kami ngayon? 13 + 8 = 21. Yey, ang galing kong magbilang.
"21 po kami." Sagot ni Hyeseul, kaya nagulat na naman 'yung staff. Muntik akong mapatawa pero buti napigilan ko.
"Follow me, please." Kaya ayon, sinundan namin si Ateng staff.
Naghanda sila ng isang malaking lamesa at maraming upuan. Muntik pa ngang maglagay ng high chair kung hindi lang tinanggal ni Hyeseul. Aba, nang-aasar ba sila?
Umupo na kami. Bale, may sobrang upuan pero hinayaan na lang namin.
"Hoy, ambagan ba o kanya-kanya?" Tanong ni Seungcheol. Napansin ko na kanina hindi nagsasalita 'yung iba.
"Manlilibre ako, at ako na rin ang mag-oorder."
Sabay-sabay kaming napatingin kay Vernon. Wow! Just wow! Edi siya nang rich kid.
"Ang yaman talaga ng Papa ni Vernonie." Sabi bigla ni Seungkwan kaya natawa kaming lahat, including Vernon.
"Oo, mayaman talaga 'yung Papa ko. Siya lang, hindi ako."
"Gagi ka." Hinampas siya ni Shaine. Ay nako #hokage.
Sinabi na namin kay Vernon kung anong order namin, saka siya umalis kasama si Seungkwan, nag-volunteer kasi na sumama sa pag-oorder.
Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik na 'yung dalawa.
"Pang-69 tayo, 64 pa lang do'n." Sabi ni Seungkwan.
"Hala, 69 talaga?" Tapos biglang tumawa si Seyuri. Utak talaga nito, tsk.
"Kalma ka lang, bes. Tigil na muna pagiging pervert." Pagsaway sa kanya ni Hyeseul pero tumatawa pa rin. Baliw talaga!
"Guys, CR lang ako saglit." Sabi ko at tumayo na.
"Hindi ka CR bes, tayo ka." Sinamaan ko na lang ng tingin si Natalie.
Pumunta na ako sa CR. Katangahan, muntik pa 'kong madulas. Jusko, nahahawa na ba 'ko kay Shaine?
Pagkatapos kong mag-CR, muntik na naman akong madulas. HANUBAYAN! Pero may humawak sa 'kin. Si Junhui?
"Nako, mag-ingat ka kasi sa susunod." Binitawan na niya 'ko at naghugas siya ng kamay. Hindi ko alam kung ang sadya niya ay maghuhugas talaga siya ng kamay or naghugas siya ng kamay dahil hinawakan niya 'ko? Wait, ang gulo.
Sabay na kaming bumalik do'n sa pwesto namin. Medyo ang awkward tuloy.
Mamaya-maya lang ay umalis ulit sina Seungkwan at Vernon. Siguro para kunin 'yung orders namin.
"Shaine!"
May tumawag kay Shaine. Hala, sino 'yun?
-
A/N
Pabitin si acoue, sorna HAHAHA.
P.S. Kayo nang bahala sa mga typo, kung meron man xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top