this time

(UNEDITED) this chapter is long! well, i need to reach my goal so *giggles* enjoy reading!!


Kabanata 26

This time


Mabilis akong isinuot ang ibinigay na pink cocktail gown ni Red. Tinernuhan ko iyon ng silver stiletto heels. Hinayaan kong nakalugay ang aking mahaba at straight na buhok at nilagyan ko lang iyon ng silver clip. Naglagay lang ako ng simpleng make-up at bumaba na rin kaagad.

"Buti bumaba ka na, Ja," Napapitlag ako nang maramdaman ang mabigat na kamy ni Ry na dumagan sa aking ulo. Napangiti ako sa kanya nang mag-angat ako ng tingin.

"Nakatulog ako.." ani ko sa kanya. He looks so handsome in his black suit. Mas gumwapo siya tignan ngayon dahil bago siyan gupit at shave. He looks so neat.

"Lika na, mag-s-start na.." utas niya sa akin at walang sabi-sabing hinila ako para akbayan. Napanguso ako ngunit hinayaan na rin siya.

Nang makarating kami sa garden ay marami na ngang mga bisita ang nagkalat sa kabuuang garden. Napakaganda ng mga bihis ngayon ng garden. Mula sa malinis na mga maliliit na damo at stone path hanggang sa makukulat na hanging lights sa mga halaman.

Agad kaming kinawayan nina Dia nang mamataan kami. Mas malaki ang mesang inookupa ng mga pinsan ko kaysa sa ibang mga tables. Siguro dahil marami kami roon.

Naglakad na kami papunta sa kanilang direksyon. "Aga niyan ah," nakangising utas ni kuya Ry nang makita na umiinom na agad ang mga boys. Humalakhak si Kaizer at tinuro si Diamond na ngingisi-ngisi lang.

Hindi ko tinapunan ng tingin ang lalaking kanina pa ako pinagmamasdan. I can feel his eyes on me. Gusto ko siyang sigawa na huwag akong titigan ngunit ayoko nang mag aksaya ng panahon para duon. Bahala siya!

Umupo ako sa tabi ni Crystal na napansin kong umiinom na rin. Mukhang may pinagdaraanan talaga siya. Si Frai naman na nasa kabilang gilid ko ay tahimik lang at nagmamasid.

"Ang tagal naman mag-start!" reklamo ni Kai dahil ilang minuto na ngunit di pa rin nag uumpisa ang emcee.

"Shut up dude...let's just drink," ani Dia. Tinapunan pa ng tingin si Dart at Ryzen at inayang uminom na rin. Napailing-iling ako.

"Hinay-hinay, ni hindi pa nga nag uumpisa eh," ani Lou at uminom ng tubig doon.

Nalipat ang aking tingin sa tabi ni Louissiana. Tila may mga paru-parong nagkagulo sa aking tiyan nang magtama ang mga mata namin ni Red. Nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko matagalan ang intensidad ng kulay-tsokolate niyang mga mata.

"Ayan na!" Napatuwid ako ng upo nang marinig ang excited na tinig ni Dia. Lahat kami ay napatingin sa may mini stage na naroon kung saan ni-focus ang ilaw sa birthday celebrant na si Emerald.

I am amazed when Emerald slowly went up the stage with her beautiful, off-shoulder pink ball gown. Kitang-kita ang pagkinang ng mga diamonds na nakalagay sa bandang dibdib. May design din itong flower embroidery sa bandang laylayan ng palobo nitong gown at sa may baywang.

Naka-bun ang kanyang buhok at bagay na bagay sa kanya ang kanyang makeup. Kitang-kita ko na ang pagkislap ng kulay emerald niyang mga mata habang nakangiti sa mga bisita.

"She looks gorgeous!" utas ni Ryzen. Agad naman kaming nagsisang-ayunan. Napuno ng palakpakan ang garden ng magsalita si Emerald para sa kanyang opening message, nagpasalamat kay tito at tita at maging sa lahat ng tumulong upang mangyari ang kanyang debut.

"Bantayan nyo na yan, Diamond..." nakangising asar ni Kaizer kay Dia na umingos lang.

"Subukan lang nilang lumapit kay Emy," ani Dia at mayabang pang tumungga sa hawak na beer-in-can.

Wait, wine lang ang iniinom nila kanina ah?

Napatingin ako kay Red na beer-in-can na rin ang hawak. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang pagngisi niya sa akin. Tss.

Nang matapos ang speech ni Emerald ay umikot na siya sa mga tables upang batiin ang mga bisita. Tumayo sina Crystal at Dia para samahan ang kapatid at ang kanilang parents sa pagbati.

Nakita kong ayaw umalis ni Crystal at Dia ngunit tinatawag na sila ni tito Yuler at tita Dionyses.

They both groaned and walked towards them.

Inaliw ako ni Louissiana sa mga kwento niya sa akin habang nag uumpisa na ang party. Busy siya sa mga batang tinutulunga niya sa kanyang mission work. Hindi ko alam na iyon na ang nakahiligan niya.

Nagsimula na ang sayawan kaya't unti-unting nalagas sa table ang aking mga pinsan. Maging si Frai at Lou ay tumayo na upang makisaya. Party music muna ang ipinatutugtog habang ang mga bisita ay nagsasaya roon.

Nagkalat ang mga waiters at waitress na nag-iikot para sa mga bisitang gusto ng inumin, mapa-wine pa yan o kaya ay iced tea.

"Di ka sasayaw, Ja?" untag sa akin ng gwapong si Blaster. Simpleng plaided polo shirt lang ang kanyang suit. Ayaw niya sa mga formal suits dahil di raw niya iyon tipo.

"Uh...hindi," ani ko sa kanya. Ngumuso siya at tumango bago nagpaalam na makikisayaw na roon.

Napabuga ako ng hangin at nasalubong ang mga mata ni Red. Kami na lang ang naiwan doon.

"Why don't you want to dance?" utas niya.

"Ayoko lang," wala sa mood na utas ko. Wala akong gana na pansinin siya ngayon.

"Come on, let's dance," aya niya sa akin at tumayo. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang maglakad na siya palapit sa akin.

"Ayoko nga sabi Red," inis na utas ko upang pagtakpan ang kabang nararamdaman.

"Come on, don't be shy. I know you like to dance-" Naiinis ko siyang sinamaan ng tingin ngunit hindi man lang siya natibag.

"Sasayaw ako mag-isa!" ani ko na lang upang matapos na siya at agad tumayo at mabilis na pumunta sa malaking crowd na nagpa-party na sa maingay na musika.

Siniksik ko pa talaga ang aking sarili para lang hindi ako magulo ni Red. Tumalon-talon ako tulad ng mga tayong nasa paligid ko at humiyaw tulad nila.

Napatigil ako sa pagsasaya ng biglang mag-iba ang tugtog. Naging mabagal ang tugtog..

Nagsialisan ang mga taong nakikisaya sa party music dahil naging mellow na ang tugtog.

Sayang, kung kailan naman nag-e-enjoy na ako.

"Perfect," Napaigtad ako nang marinig ang mahinang tinig ni Red sa aking tainga. Naramdaman ko ang pagtaas ng aking mga balahibo sa batok nang tumama ang kanyang mainit na hininga sa tainga ko.

Bago pa ako makahuma ay nahila na niya ako palapit sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata at nanigas ang aking katawan ng maramdaman ang paghapit niya sa aking baywang!

This nerve of this man!

"What the heck are you doing?" I hissed at him. I tried to push him but he's too strong for me.

"I just like a one dance to you, beautiful sister," mapanuyang utas niya sa akin. Naiinis ko siyang sinamaan ng tingin.

"Shut. Up." nanggigil na utas ko.

Nginisihan niya lang ako at ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg ngunit ibinababa ko yun. Nanatili ang kanyang mahigpit na hawak sa aking baywang.

Nanginig ang aking kalamnan ng mapansing kakaunti na lag kaming naiwan sa gitna ng garden dahil halos lahat ay nagsiupuan at nagsibalikan sa kanilang mga table ng tumugtog ang sweet music. Nakita ko pa ang mga mata ng aking mga pinsan sa aming dalawa ni Red!

Jeez! This is utterly insane! Red is crazy!

"Ano ba? Let me go, nakatingin na silang lahat sa atin," inis na bulong ko sa kanya dahil may couple na sumasayaw malapit lang sa amin.

Kinagat ko nang mariin ang aking labi ng mas lalo niya akong ilapit sa kanya. Naramdaman ko pa ang pag-amoy niya sa aking buhok. Darn this man!

"Red!" malakas ang tinig na utas ko ngunit di niya ako pinakikinggan! Shit. Shit!

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kakaibang tingin ng iba naming pinsan, lalo na si Frairie. Kinakausap niya pa si Ryzen, tila galit.

What is happening?

Mabilis ang kabog ng aking dibdib ngunit pinilit ko iyong ikalma. No..baka masyado lang akong OA. They can't find our past....it's been buried long time ago.

"Red, shit!" galit na utas ko at tinulak siya nang hinalikan niya ang tainga ko. I am positive my cousins saw that! Shit!

Nangingig ako aking kalamnan habang nililingon ang table ng mga pinsan ko. Hindi ko mabasa ang ekspreyon ng iba ngunit alam kong nag-uusap sila ngayon. Galit ang ekspresyon ng mukha ni Frai habang ang iba ay naguguluhan.

Nakita kong tinuro ni Frai ang table ng mga tita at tito namin sa di-kalayuan. Bumilis ang sikdo ng aking dibdib at sinundan ang tinuturo niya. Natulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ang mapanuring mga mata nila sa amin. Maging si Emy ay napatigil sa pagsayaw sa lalaking bisita at nawala ang ngiti.

"What are you thinking?" sikmat ko kay Red sa sobrang kaba at inis na nararamdaman. Paano na lang kung malaman nila? Paano na lang?

"Relax...they won't know," puno ng hanging utas niya sa akin. Naiinis ako sa ngisi ng kanyang labi. Hindi niya ba alam na sobra na akong kinakabahan ngayon? At siya...he looks so cool. Na tila ba wala siyang paki kung mabuko man kami ng buong pamilya namin!

"Let's go..." bago pa ako makahuma ay hinila na niya ako at sabay kaming lumayo sa mismong party. Pilit kong binabaklas ang kanyang malalakas na daliring nakapulupot sa aking braso ngunit di ko magawa!

He is always like this! Always!

"Shit! Ano ba, Red!" iritadong utas ko dahil sa ginawa niyang paghila sa akin at paglayo roon sa party. It's like confirming to them that we had our past! We just ran away after being caught of being almost intimate!

I can't believe this!

"Gusto mo ba talagang malaman nila, ha? Di ka ba nag-iisip!" malakas ang tinig na utas ko nang makarating kami sa may madilim na gazebo. Malayo-layo na iyon sa may party.

Walang tao rito at madilim. Nakabibingi ang katahimikan, saktong lugar para sigawan siya!

I am so annoyed!

"Who cares if they did know? It isn't true!" malakas din ang tinig na utas niya sa akin at tila bwisit na bwisit na pinasadahan ang kanyang magulong buhok.

"Kahit na! Magkapatid tayo sa mata ng mga nakakakilala sa atin! The truth doesn't matter at all! They will still judge us!"

Marahas niya akong sinamaan ng tingin. Tila ako napapaso sa nag-aalab niyang mga mata.

He is mad just like I am. So what!?

"Yeah! Diyan ka naman magaling, Jakirah! Facade! You don't care at my feelings at all! You always care about others but never to me!" galit ang tinig na utas niya at tumalikod sa akin.

I was taken aback by what he just said.

What?

He thought all this time that I never care for him?

Nag-init ang gilid ng aking mga mata.

"Take that back," malamig ang tinig na utas ko. Nanatili ang kanyang matipunong likod na nakaharap sa akin.

"Take that back!" malakas ang tinig na utas ko at sinuntok ang kanyang likod sa labis na inis na nararamdaman.

I can't believe he just said that to me! I never cared at him? How would he know that? How would he dare to say that!

If I really never did care for him...then why did I sacrifice all those years! Why did I let myself be miserable for years!

Tears flowed like a river on my cheeks. Damn, it hurts! I thurts hearing it from him!

It hurts knowing he thinks of me like that -- a woman who never cared for her love. GOD! I love him so much! I love him still despite all the pain! Despite being away from him! Despite knowing he has a fiance!

"Take that back!" utas ko at patuloy sa pagsuntok sa kanyang likod. Natigilan ako ng bigla siyang humarap at hinuli ang dalawa kong kamay na sumusuntok sa kanya.

"Why? Why would I take that back? Totoo naman, diba? Ever since, Jakirah...ever since," mariin ang tinig na utas niya.

Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak sa harap niya.

God...my heart is breaking...my heart is..failing.

"Did you ever care for my feelings, huh? When you pushed me hundredth times...when you decided to push me away...when I begged to you several times and you refused me...you never cared for me at all! Sarili mo lang iniisip mo lagi! Sila! Pero ako kahit kailan hindi!" he shouted right on my face.

Nanginig ang aking labi sa narinig mula sa kanya.

His eyes are breaking me more. It is full of pain...hatred...sadness...and betrayal. I never thought he still carries that past with him...I never thought he is still pained from what I did.

"R-red..." hindi na ako makapagsalita sa sobrang sakit na nararamdaman sa aking puso habang pinagmamasdan siya. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

"You left me with so much pain, Jakirah...I-I can't..I-I don't know how to heal myself...sobrang sakit. I fought for us...I tried my best to fought for us!"

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"That was my only wish back then...for you to fight for me...but you never did. Kaya kahit ayoko, kahit masakit na iwan ka...na lumayo sa 'yo, I did it. I took my step back. I went away..."

Humangin nang malakas at sumabog ang aking buhok. Mahapdi ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga habang patuloy sa pagtulo ang aking luha. He looks in pain. I can't believe...he is still in pain.

If only if I could turn back time...

"I tried to love Yumirah...to nurture her...to pour all my love for you to her. Because you know what? She is willing to fight for me...she is willing to live and take risk for me. And that is the biggest difference of the two of you. She cares for me...she is strong for me," malamig ang tinig na utas niya at pinunasan ang kanyang pisngi.

Nanginig ang aking labi. The pain subsided and slowly fading away...it is replaced by something hollow...void, like a vacuum.

The wind suddenly felt cold..and silent.

There's no point in explaining my side to him, right? It is futile...

Nanatili lang kaming nakatayo roon habang hawak niya pa rin ang dalawa kong kamay. Unti-unti siyang bumitaw kaya't nalaglag sa aking gilid ang aking nalupaypay na mga kamay. Wala na akong maramdaman. Maybe this is better...much better.

"I told myself I won't ever see you again. I don't want to see your face ever again..."

Tumulo ang aking luha nang muling mag-angat ng tingin sa kanya.

The emotions in his eyes are replaced by something I can't name...I can't explain.

"But I did. I hate myself...kasi isang beses palang kitang nakita after years...and hell, I am back to my old self again. The old Red that wants to catch your attention..the old Red that wants you so bad..." nanginig ang aking labi ng unti-unti siyang lumapit sa akin.

The anticipation is killing me. I can feel his body heat. I can smell his perfume. Damn. I missed him. I missed him terribly!

Hinayaan ko siya. Shit. Bahala na...I want to get this all right...I want it to be right, this time.

"Dammit...and I succeed...marking you mine," nanghina ang aking tuhod nang unti-unting bumaba ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko napansin na hinigit ko na pala ang aking hininga sa sobrang excitement na nararamdaman.

I just don't care about anything at all...I don't care..

There is a relief swayed over me when I felt his lips onto mine. He is gently kissing me. So gently that it gives mini electricity running down my spine.

"I am so mad at you, I wanted to hurt you so bad. I wanted you to feel how I did when you pushed me away...when you rejected me..." he murmured between our kiss.

I am getting drunk by his lips. His lips are intoxicating...addicting..

His tongue made its way to my mouth. I feel him pulling me closer to him until my breasts collide with his chest.

"You are very first girl that rejected me...no one...no one ever rejects me.." Nababaliw ako sa kanyang halik. It is like a drug that is making me addicted to his lips. I can feel my skin burning from his touch. He is caressing my back as well as my waist.

His palms are rough...that makes my skin tingles more. Shit..

"I'm s-sorry...I am so sorry Red," I managed to say between our kiss. I felt my cheeks burned when he slowly nibbled my lower lip while looking at me.

His brown eyes makes my heart jumps in so much joy.

"I just want to kiss you..right now, at this very moment," his voice are gruff.

I closed my eyes and tiptoed to kiss his lips. I felt his body jolt in surprise but I didn't care.

This time, I will care....for him. I will make sure he will see how much I care for him.

"What the fuck!" Mabilis kaming natigilan at napatingin nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

Nanlaki ang aking mga mata at tila tumigil ang aking mundo nang makita ang gulat na gulat na mukha ni Crystal. Sa kanyang tabi ang walang emosyong si Frairie...



*

Hi there my beautiful friends! I am inviting you to like my FB page Sun & Moon! Here is the link:

LINK: https://web.facebook.com/andmaybeyouwouldhearme/


Thank you! You can always message me and be friends with me! I like to know you more!


Try to visit & read my other works also! 

UNRAVEL : https://www.wattpad.com/story/137587571-unravel

TWISTED (LIKE AN INFINITY): THE CURSE SERIES #1 : https://www.wattpad.com/story/49268311-twisted-the-curse-series-1


THANK YOU, LOVES! SENDING YOU LOVE & LIGHT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top