scared
(unedited!) this just breaks my heart...i don't know, it feels so quietly painful...
*
Kabanata 31
scared
"Malapit na ang birthday ni Red, ah?" utas sa akin ni Frairie habang nagla-lunch kami sa cafeteria ng firm.
Napatigil ako sa pagsipsip sa iced tea na aking order ng marinig ang sinabi niya. Madalas na akong sumasama sa kanilang kumain ng lunch since laging busy si Chaser at laging may business meeting. Hindi ko alam kung sinasadya niyang itaon iyon sa oras ng aming lunch break para lang maiwasan ako...well, it isn't a big deal to me at all. Mas okay nga iyon dahil gaanong magiging awkward sa pagitan naming dalawa...
"May plano ka?" ani Crystal kapagkuwan. One week na lang before ang birthday ni Red. Ang usap-usapan ay iyon na ang kukuhaing pagkakataon ng pamilyang Valiente para opisyal nang ipakilala si Red bilang isang Valiente.
Natahimik ako at hindi alam ang sasabihin. Matagal na ko na rin iyong pinag-iisipan ang kaso wala talaga akong maisip. Wala pa rin akong maisip na regalo para sa kanya. At saka, ni hindi niya pa nga ako ini-invite para sa birthday party niya sa mansion ng mga Valiente.
"Niyaya ka na ba niya?" utas uli ni Frai. Mukhang hindi nagustuhan ang pagkatahimik ko. Umiling lang ako. "Hindi pa...at di ko pa rin alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya," ani ko at niyuko ang aking pagkain. Nakita ko ang pagtingin nilang dalawa.
"It's been several months, Ja...why is he still not introducing you as his girlfriend?" nag-aalalang utas ni Frairie.
Natahimik ako. Hindi ko alam. At ayokong malaman.
"Let's just wait for him a little longer, please.." ani ko na lang para tumigil na sila. Ganyan sila lagi, pinaalalahanan ako tungkol sa kung ano na nga ba talaga ang relationship status namin ni Red. I feel so frustrated kasi maging ako ay hindi ko masagot iyon. Sabi ni Red sa akin, I should just trust him. Just let him. Pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang mag-isip na rin. Bakit hindi niya ako mapakilalang girlfriend niya? Hindi kaya sila pa rin ni Yumirah? Bakit hindi ko siya tanungin tungkol kay Yumirah?
I should ask, right? Para once and for all, matapos na 'tong lahat. Matapos na ang walang katapusang tanong nina Frairie at Crysal. Para sa wakas may sagot na sa lahat ng tanong sa aking utak. Lahat ng agam-agam.
I need assurance, yes. I badly need it. I don't want to doubt him anymore. I don't want to feel this bad anymore. I want to feel assured...secured...that we are together. That we belong really together.
"But you should know...still, Jaki," ani Crystal.
Bumuntong-hininga ako at nag-angat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Sige...I 'll ask him," ani ko sa kanila. Natahimik sila pareho at nagkatinginan.
*
"Did you receive Tristan's message?" natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ang tinig ni Red. Napakurap-kurap ako at napatingin sa kanya habang diretso ang tingin sa daan.
"What message?" nagtatakang utas ko.
"He is inviting us...to his wedding," nakangising utas niya at nilingon ako saglit. Nawala lahat ng iniisip ko nang marinig ang kanyang sinabi!
Tristan's wedding?
"T-that means..." hindi makapaniwalang utas ko.
Tumango siya. "Tristan and Kate's awaited wedding," puno ng kumpiyansang utas niya. Pigil ang aking hininga at hindi ko alam ang aking sasabihin.
Wala akong balita sa kanila. Ang huli kong balita ay nag-away sila at umalis si Tristan sa Pilipinas. Naiwan si Kate sa Villa Academy. Si Kate ang lagi kong nakakausap mula noon kahit na lumipat na ako sa Laguna. Sa Skype lang kami nag-uusap, minsan naman ay sa Messenger.
Wala siyang nakwento sa aking kahit ano. And it's been a month since we talked...
And I would hear that they are going to get married!?
Oh my Lord!
"Nagulat din ako...akala ko wala na sila," utas niya. Tumango ako.
"Kailan ang kasal?" excited ang tinig na utas ko.
"Three days from now...beach wedding sa El Nido.."
"Beach wedding?" nanlalaki ang mga matang utas ko. Tumango siya, may tipid na ngiti sa labi. Hindi ko alam kung gaanong saya ang nararamdaman ko para sa dalawa kong kaibigan. It's too surprising for me. Naalala ko pa noon na hindi namin kailanman pinag-usapan ang lalaki sa mga buhay namin mula nang mawala sila pareho. Parang nagkaroon lang kami ng mutual understanding na huwag pasukin ang usapan tungkol kina Red at Tristan...
And now...
I feel so happy!
Hanggang sa makarating kami sa condo niya ay walang pasidlan ang sayang aking nararamdaman. Agad kong tinawagan si Kate nang makarating kami. Rinig na rinig ko ang saya sa kanyang tinig.
"Congratulations, Kate!" ani ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
She sounds so happy and vibrant.
"Thank you, Jaki! Punta ka, ha! Kayo ni Red..." utas niya sa kabilang linya. Nakwento ko na sa kanila nina Nadine ang nangyari nitong mga nakaraang buwan. Nag-kasundo kasi kaming apat na magkita-kita man lang para magkwentuhan sa kung ano na ang nangyayari. Kaya hindi ko talaga in-expect na ganitong may kasalan na!
"Oo..pero ikaw ha! Ang daya, wala man lang pasabi noong nakaraan," ani ko sa kanya.
"Hindi ko rin inaasahan, Jaki...I swear..." malambing ang tinig na utas niya.
I am just too happy. Tumagal kami ng ilang oras sa pakikipagkwentuhan. Panay ang asar ko sa kanya. Syempre, malapit na siyang matali. Iba rin...
Maging si Red, pansin ko ang sayang nararamdaman niya para sa kaibigang si Tristan. Pasipol-sipol pa siya habang nagluluto sa kitchen.
"Ang bango.." ani ko nang maamoy ang niluluto niyang Adobo. It's my favorite dish...well, if the cook is Red, that is.
Agad niya akong nilingon. "You hungry?" napangiti ako nang mahimigan ang lambing sa kanyang tinig. "Yeah..." ani ko at umupo sa may stool na naroon. Nilapitan niya ako habang hinihintay kumulo ang adobo.
"What?" ani ko sa kanya nang titigan niya lang ako gamit ang mabibigat niyang mga tingin. Hindi pa rin ako sanay sa mga kulay-tsokolate niyang mga mata na grabe kung makatitig sa akin. Tila ako isang prey kung kanyang titigan.
"Someday, we'll get there..." mahina ang tinig na utas niya at kinuha ang aking kamay na nakapatong sa may counter. Sinundan ko siya nang tingin nang dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha sa aking kamay at dampian nang magaang halik ang aking kamay.
I felt my skin tingles. His lips are too soft...
Naramdaman ko ang pagbilis ng aking paghinga sa kanyang ginawa. He always have that effect on me...I think it won't ever fade away...
"Red..." untag ko sa kanya nang dahan-dahan niya namang dinadampian ng maliliit at magagaang halik ang aking mga daliri.
"Hmm?" Nag-init ang aking pisngi nang marinig kung gaano kalambing at kababa ang tinig niya. He didn't look up to me. He continuously kissed my fingers one-by-one.
"W-what about Yumirah?" nanginig ang aking tinig ng sa wakas ay mailabas ko iyon. Nakita ko kung paano siya natigil sa ginagawa at napaangat ng tingin sa akin. Ang kulay-tsokolate niyang mga mata ay hindi ko mabasa...
"What do you mean?" matigas ang tinig na utas niya. Malayo...malayong-malayo sa kaninang malambing...
"I-I mean...she is still your fiancee.." utas ko, hindi alam kung paano magpaliwanag. Kung paano ipaintindi sa kanya ang sitwasyon.
Nagsalubong ang perpekto niyang mga kilay at binitawan ang kamay ko. Tumayo siya nang tuwid at sinuksok ang dalawang palad sa bulsa ng suot na pantalon.
"Why are you suddenly bringing this up?" tila galit ang tinig niya. It's like he is snapping at me. He didn't like it. At all.
Nanlamig ang kamay ko sa nakita kong reaksyon niya. "I-I am just w-wondering--"
Naputol ang pagri-reason-out ko nang talikuran niya ako.
"Can we settle this some other time, Jakirah?" matigas at malamig ang tinig na utas niya at tumungo sa kanyang niluluto. Tila may humaplos na malamig na kamay sa aking puso. Nangilid ang luha sa aking mga mata ngunit pinilit kong huwag iyong ipatak. I don't want him to see that I am crying over this. I don't want him to get madder at me. I don't want him to see how afraid...and fragile I am right now...
"Mmhm.." iyon lang ang aking nasabi dahil baka kung ibubuka ko pa ang aking bibig ay mabasag na ang aking tinig.
Hinayaan ko siyang talikuran ako roon. Ako naman ay nanatiling tahimik. Tila ako mabibingi na sa sobrang katahimikan sa pagitan namin. I feel guilty....I don't want him to get upset...I don't want him to turn his back to me again...dammit, I am so scared..
I don't want him to leave me.
Again.
Ang bigat-bigat nang aking dibdib. Yumuko ako at hinayaang tumulo ang luha at agad pinalis iyon. I don't want his cold shoulder. Dammit..I am screwing this up! Dapat talaga hindi na lang ako nakinig kina Frai at Crystal...ano bang alam nila? Hindi naman sila itong iniwan ni Red...
Ayoko na ulit maiwan..sobrang sakit.
Hanggang sa pag kain namin ay sobrang tahimik. Nag try ako na pagaanin ulit ang atmosphere ngunit hindi gumana. Nanatiling malamig ang trato niya sa akin.
What have I done?
He never treated me like this before...siya agad ang sumusuyo sa akin. Siya ang humahabol sa akin...pero ngayon ako yata ang nanlilimos sa kanya...Ako yata ang nagtitiis.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Shit...why? Why does it have to change so much?
He has changed huge. He still that same Red I loved before...but his dark side became worst...I can't even know if he is really my Red. Because the Red I love never wanted me to feel bad. He always put my feelings the first priority. He always there to make me feel better...He is always honest to me..
But now, he's avoiding...hiding...something. And I think it is his first priority now..because he can give me his cold shoulder just to keep that stuff from me...
Hindi ko na alam ang gagawin ko...
"Jakirah." Napaigtad ako nang marinig ang seryoso niyang tinig. Nakatalungko ako sa may kama at nakatalukbong sa buong katawan ko ang kumot.
Bumilis ang kabog ng aking dibdib nang maramdaman ang paglubog ng gilid ng kama, hudyat na umupo siya roon.
"I'm sorry..." Nag-init ang gilid ng aking mga mata nang maramdaman ang yakap niya sa aking likod. Humampas ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg.
"I didn't mean to make you feel bad..." anas niya. I can hear regret in his voice...and sadness...
Humigpit ang yakap niya sa akin. "Jakirah..."
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang mapigilan ang pagkawala ng hikbi. God...this is too painful...I can't even breathe..
"I love you..." he whispered.
Nanginig ang labi ko at hinayaang pumatak ang sunod-sunod na luha sa aking mga mata. Naramdaman ko ang pag harap niya sa akin sa kanya. Agad akong hinanap ng kanyang kulay-tsokolateng mga mata.
"I love you..." ulit niya, titig na titig sa aking mga mata. Tila ba hindi pa siya kontento na marinig ko iyon, gusto niyang iparating din iyon gamit ang kanyang nangungusap na mga mata.
My heart melted. Damn..I don't know what to do with him anymore...
"I-I love you too..." nanginginig ang tinig na utas ko at mahigpit na yumakap sa kanya.
I want to feel his body. I want to feel him so bad. Because I feel like if I can't feel him now, I won't ever feel him again...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top