ready

@chubs_qoh hi! Thank you for reading and supporting my story! This chapter is for you ;) lovelots. x

(UNEDITED)

-

Kabanata 38

ready



Saglit ang usapan namin ni Yumirah. She is like saying goodbye to me. Wala akong maramdamang kahit ano. I feel so numb. Hindi ako makapagsalita o makapag-isip nang maayos.


Nang lumabas na ako ng hospital room na inookupa ni Yumirah ay agad nagsalubong ang tingin namin ni Red. Nakaupo siya sa waiting area roon, pagod ang kanyang mukha. Nakita ko si Ryzen na tumayo at naglakad palapit sa akin.


"You okay?" malambing ang tinig na tanong niya sa akin.


Hindi ko mahanap ang aking tinig kaya't tumango na lang ako. Tumango rin siya at sumenyas na papasok na roon. Hindi ako sumagot at hinayaan siyang maglakad papasok sa kwarto ni Yumi.


Muli kong tinignan si Red. It is obvious that he isn't happy to see me here. Naglakad ako palapit sa inookupa niyang upuan at tumabi sa kanya.


Nakabibinging katahimikan.


Hinayaan ko ang aking mata na gumala sa kabuuang hallway. Walang tao at kami lang ang nandito ngayon. 


"Why...did you not tell me?" halos hindi ko iyon mailabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas ng loob para tanungin siya. Para magsalita ngayon kahit na pakiramdam ko ay ayaw niyang makipag-usap.


"It won't change anything," mababa ang tinig na sagot niya, nakatingin siya sa ibaba. Ang kanyang siko ay nakatungtong sa kanyang tuhod at  nakalagay ang kanyang palad sa magkabilang gilid ng kanyang mukha. Magulo ang kanyang itim na buhok, halatang ilang beses nang pinasadahan ng kanyang mga daliri. He looks so stressed, so unwell.


Naramdaman ko ang pinong kurot sa aking dibdib.


Is that really it? Or maybe you don't trust me at all to understand your situation?


Ayokong sabihin iyon. Ayokong dumagdag sa bigat na nararamdaman niya ngayon. Gusto kong kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. To comfort him. To do something that will make him smile. Damn, I want to help him. To ease his burden.

But I feel like I am so useless right now. I can't do anything to make him feel better.


"I can see how devastated you are. It seems like you really care for her so much...so much that you can let go of me now," mahina ang tinig ko, tila takot makabasag ng kahit ano. I feel so weak, so vulnerable. Gustong tumulo ng luha ko pero walang lumalabas na kahit ano.


Paulit-ulit kong nararamdaman ang sakit sa aking puso pero immune na ang aking katawan doon. 


Hindi siya umimik. Nanatili ang mga mata niya sa sahig. Gusto kong magmakaawa na tumingin siya sa akin. Kahit isang beses lang. Kahit isa lang...


"She helped me to be who I am right now...and hearing her saying goodbye..." narinig ko ang takot sa boses niya. Tinakpan niya ang kanyang mga mata.


Nabasag ang aking puso sa narinig mula sa kanya.


Gusto ko siyang yakapin ngunit pakiramdam ko mali. Hindi  tama. Yumuko ako at hinayaan ang nakabibinging-katahimikan na lumamon sa aming dalawa.


That was the very last time I saw him. We didn't talk about us. Or anything. We just let the time slipped into our own hands. 


Wala akong balita sa kanila. Kay  Yumirah. Until I heard that Ryzen went back to the U.S.


"How are you?" bungad sa akin ni Ry ng tawagan niya ako sa Skype. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Pilit niya lang pinasisigla ang kanyang tinig dahil kausap niya ako.


Simula rin noong dalhin niya ako sa ospital na iyon ay hindi ko na siya nakita. Ngayon lang ulit. After 3 months.


"H-How's Yumirah?" mahina ang aking tinig habang hindi maalis ang tingin sa kanyang gwapong mukha.


Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Nagulat sa aking bungad na tanong. Nag-iwas siya ng tingin at ilang segundo muna ang nakalipas bago dahan-dahang umiling.


Nahigit ko ang aking hininga habang hindi makapaniwalang nakatingin sa malungkot na mukha ni Ryzen sa screen ng aking laptop.


"It has been a week..." tila hirap na hirap siyang sabihin iyon sa akin. Nakayuko siya at hindi masalubong ang aking tingin.


Nag init ang gilid ng aking mga mata at inalala ang maamo at magandang mukha ni Yumirah. Agad pumasok sa aking isip si Red.


Nasaan kaya siya? 


"S-Si Red, kuya?" ani ko sa kanya. 


Nag angat na rin siya sa wakas ng kanyang tingin at pilit akong nginitian.


"Let him be, Ja...he needs time too..." magaan ang tinig na utas niya sa akin dahilan upang mabasag ng ilang libong beses ang aking puso. 


It is a confirmation that Red is hurting so much right now...and I don't even know where on Earth he is....I don't have any power to comfort him...


Tumulo ang aking luha at tumango. "O-Okay..." ani ko.


Ang sakit. Ang sakit-sakit kapag wala kang magawa para mapagaan ang damdamin ng taong mahal mo. Ni hindi ko alam kung nasaan siya...ang sakit...


"Everything will be alright...don't worry," ani Ryzen sa akin ngunit ni hindi niyon napagaan ang bigat sa aking dibdib.


Gusto kong mapagaan ang loob ni Red pero ako mismo, hindi ko mapagaan ang sarili kong damdamin. Maybe that's why the  Universe doesn't want me to see him right now. If I am not okay then how can I help him feel okay with himself, right?


I think I need this time to really, really love myself. To really find myself that I've lost when he left me. I need to really see my own worth.


Maybe that is why Red can't be with me right now. Even though we still both love each other, it is not enough to us to be together.


Because it is not just about love. We also need to grow. To love ourselves before loving us together. 


And that is what I've been missing the whole time. That is why  I've been hurting myself the whole time.


"Hay nako! May bago ka na namang admirer!" nakangising utas sa akin ni Crystal habang tinitignan ang magandang bouquet of flower sa aking desk.


Inikot ko ang aking mga mata at umiling-iling na lang.


"Yung bagong empleyado na naman yan," ani Frairie at nginisihan ako. Napangiti ako dahil tama siya. Ang bagong manager ang nagbigay nito sa akin ng papasok ako sa aking opisina.


"It's been a year,  Jakirah. Don't tell me, you are still waiting for Red?" ani Crystal nang palabas na kami sa aking office.


Ngumiti lang ako sa kanila.


"Crystalline," napatigil kami sa paglalakad nang marinig ang buo at matigas na tinig ni Chaser sa aming likuran. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya.


"Chaser!" gulat na utas ni Crystal at agad kaming nilingon. Nakita ko kung paano namula ang pisngi ni Crystal nang iabot ni Chaser ang paboritong bulaklak ni Crystal.


Napangiti ako habang si Frairie ay nakangisi, nang-aasar.


"Are you going to eat lunch outside?" ani Chaser, nakatitig sa mukha ni Crystal.


"Yes." ani Crystal at hindi tinanggap ang bulaklak. Nagsalubong ang makapal na kilay ni Chaser.


"Can I steal her from you two, ladies?" malamig ang tinig na utas ni Chaser. Sabay kaming tumango ni Frai habang si Crystal ay mukhang magpoprotesta ngunit huli na ang lahat at nahila na siya ni Chaser. Malalaki ang hakbang ng binata papalayo sa amin habang si Crystal ay namumula pa rin.


Walang ikinukwento sa amin si Crystal pero alam kong may something na talaga sa kanila. Of course, I am happy for them! 


"Looks like Crystal will first get married," ani Frai sa akin at kumindat. Natawa ako.


"You're not single though?" ani ko sa kanya.


Nginisihan niya ako at umiling. "I don't plan to get married." simpleng utas niya na kinataas ng aking kilay.


Hindi niya na iyon dinagdagan pa kaya nagkibit na lang ako ng aking mga balikat.


Yes, it has been a year. And it has been a thrilling experience. Wala akong balita kay Red but I'm good. I'm okay even without him. I'm happy being single myself.


Natagpuan ko ang aking sarili through travelling. I love to be with my own self. I become much happier and at-peace with myself.


Kung saan-saan na ako nakarating. Balak ko next year ay lalabas na ako ng bansa para mag-travel. Since nagtatrabaho ako sa Manila ay kailangan ko munang mag ipon para sa plano kong iyon. Nakwento ko iyon kay Ry and Papa, agad nila akong in-offer-an ng bank account na agad kong tinanggihan. Ayokong dumepende sa kanila. Hanggat maaari ay gusto kong sarili kong pera ang aking gagastusin.


"Saan ka naman ngayon?" ani Niccolo sa akin ng magkita kami. Napapadalas ang pagkikita namin, syempre mas close ko na siya kumpara kay Tristan since may asawa na si Tris. Madalas din ang paglabas namin nina Kate, Naddie at Kasey. Si Cade ay nakakausap ko minsan sa telepono at Skype, puro pang-aasar lang ang laging laman ng usapan namin. Naalala ko lagi niyang akong inaasar na binalitaan siya ni Red.


"Bataan," ani ko at uminom sa in-order kong espresso. Ngumiti siya at tumango. "Wala pa rin?" magaan ang tinig na tanong niya sa akin.


Ngumiti ako at umiling sa kanya. Tinitigan niya ako gamit ang kanyang matiim na mga mata.


"He'll come back, Jaki," utas niya, tila ina-assure ako. 


"Yes...I hope so," ani ko sa kanya.


"It's been a year. For sure, he has already moved on," aniya at sumipsip sa orange juice na order nya.


Tumango ako. Ayoko na munang umasa. Basta masaya ako ngayon. I think that's enough.


Nakahanda na lahat ng aking gamit para sa pagpunta ko sa Bataan. Pinasahan ko ng tingin ng huling beses ang aking mukha sa salamin bago naglakad palabas ng condo unit ni Red. Yes, doon pa rin ako nag-s-stay. Pakiramdam ko kasi nandoon pa rin siya kahit wala siya physically sa tabi ko. His condo unit is so full of his presence...


That's why I feel like his unit is my haven. My comfort.


Wala akong kakilala roon sa Bataan at first time ko lang pupunta roon but I feel so excited. I feel like something will come to me. I feel so thrilled to see the place.


That is what I like about travelling. The uncertainty. The adventure. The mysteriousness. I love to embrace all of it.


Agad kong pinatunog ang aking Chevrolet Blazer at sumakay roon. Pinuno ko ng masasayang musika ang loob ng sasakyan bago pinaandar iyon.


I am now ready for the new. I am now ready to ride and go. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top