nuisance

(UNEDITED!!)

-

Kabanata 20

nuisance


Lumipas ang mga araw at naging payapa ang pagtatrabaho ko sa accounting firm ni Chaser. Mula nang ihatid ako ni Red noong nakaraang araw ay hindi ko na muli siya nakita. Si Ryzen na lagi ang naghahatid sa aming tatlo nina Frai since nasa bakasyon mode siya ngayon.


Naging madalas na rin ang paglabas-labas namin ni Chaser. Hindi ko siya mahindian dahil napakabait niya sa akin at idagdag pang boss ko siya.


Alam kong nakakapansin na ang ibang mga katrabaho namin sa pagiging malapit ko kay Chaser...

Paano ba naman lagi kaming sabay na nagla-lunch at lumalabas. Minsan nga ay nag-abot pa siya sa akin ng bouquet of flowers sa harap ng mga empleyado..


"hey," napatigil ako sa aking ginagawang pagtipa sa keyboard ng marinig ang malalim na tinig na iyon. Hindi ko na kailangan pang mag-angat ng tingin dahil sa boses niya palang ay kilala ko na.

"Sir.." ani ko at agad siyang nginitian. Gwapong-gwapo si Chaser sa suot niyang itim na suit.


Nakita ko kung paano magsalubong ang kanyang makakapal na kilay pagkarinig sa sinabi ko.


"Sir?" aniya sa akin at sinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Nag-init ang aking pisngi ng makita ang mga matang nanonood sa amin.


"Let's go, let's have lunch," utas niya sa akin pagkakuwan. Tumango ako at inayos na ang aking gamit bago tumayo.


"I told you not to call me sir..." utas niya sa akin ng nasa elevator na kami. Nag-init ang aking pisngi ng mapatingin sa amin ang iilang empleyado na kasama namin sa loob ng elevator.


"Good afternoon, sir Domino," panabay na pagbati nila kay Chaser. Ngumiti lang sa kanila si CHaser. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang kanilang kilig. 


Nang tuluyan na kaming makalabas sa firm ay agad niyang pinatunog ang sasakyan. "Get in, beautiful," nakangising utas niya sa akin. Ngumiti ako at umiling-iling bago sumakay na sa shotgun seat.


Umikot na siya upang makasakay naman sa may driver's seat.  "Where do you want to eat?" utas niya sa akin ng inilalabas niya na ang kanyang sasakyan sa parking lot.


Nagkibit lang ako ng aking mga balikat. Ngumisi siya at umiling-iling. "You aren't craving for anything?" malumanay na utas niya at saglit pa akong sinulyapan.


"Fast food?" utas ko at nginitian siya nang kimi.


Humalakhak siya. "Okay, Jaki.." nakangiting utas niya at tinutok na ang mata sa daan.


Actually, hindi ko alam kung ano itong ginagawa niya. I know he clearly told me the other day he wants to court me...


Habang patagal nang patagal ay nasasanay na rin ako sa presensiya ni Chaser sa tabi ko. He's always beside me. Always there for me.


Alam na alam ni Chaser ang gusto kong bilhin sa fast food. Siya na mismo ang nag-order sa akin at nagpasyang kainin na lang sa loob ng kanyang Audi.


"I like this moment with you.." Natigilan ako ng bigla niyang basagin ang mabining katahimikan sa pagitan naming dalawa.


Napaangat ako ng tingin sa gwapo niyang mukha na nakatunghay sa akin. Naramdaman ko ang pagtuyo ng aking lalamunan.


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o sabihin man lang.


"I am happy you are allowing me to be with you, Jakirah. It means a lot to me," mahina ang tinig na utas niya. Ngumiti ako nang alangan at nag-iwas ng tingin.


"Of course Chaser. We've been friends for years...although we weren't consistently talking..." utas ko na lang.


Narinig ko ang kanyang pagngisi. "You moved on..." utas niya na nagpabilis ng tibok ng aking puso.

Sinadya kong hindi iyon pansinin.


"Balik na tayo..." ani ko sa kanya nang maubos ko ang aking pagkain. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Agad akong na-conscious.


"C-Chaser.." ani ko sa kanya. Kumurap-kurap siya at ngumisi sa akin.


"Sorry...you are just so beautiful, Jakirah. I can't help myself..." nakangising utas niya at lumabi. Nag-init ang aking pisngi at nag-iwas sa kanya ng tingin.


"S-salamat," ani ko at tinutok na ang tingin sa labas.


Umayos na siya ng upo at pinaandar na ang kanyang Audi.


Nagpasalamat ako dahil muling gumaan ang aming usapan habang nasa biyahe. Hindi na niya muling inungkat ang kung anumang gusto niyang marating kasama ako...


"Jakirah! Don't tell me, hindi ka na naman sasama?" nakabusangot ang mukhang utas ni Crystal nang sabihin kong pass muna ako.


"Crystal, ayoko lang talaga sa mga ganyan.." ani ko sa kanya habang busy sa pagliligpit ng aking gamit.


"Last Friday night, di ka na rin sumama!" maktol niya sa akin na kinabuntong-hininga ko.


"I wanted to rest..." pagsisinungaling ko sa kanya.


"Dali na! Gusto ko lang mapanuod ang banda..." aniya sa akin at nakita ko pa ang mga mata niyang nanghihingi nang tulong kay Frairie na tahimik lang sa isang tabi.


"Edi manood ka..di naman kailangang nandoon ako," ani ko sa kanya at tinignan sila ni Frai pagkatapos maayos ang aking gamit.


Nginisihan niya ako na tila sa aso . "We want you there! Gusto naming mag-enjoy ka! Kasama naman si Ryzen...at nandon pa si Red!"


Kaya nga ayaw ko sumama.


"Wag mo na siyang pilitin, Tal," ani Frai sa kanya. Napatingin ako kay Frairie na blangko ang ekspresyon ng mukha.


"Pero, Frairie!" iritang utas ni Crystal, hindi nagustuhan ang hindi pagsang-ayon ni Frairie.


Bumuntong-hininga si Frairie at umirap. "Bahala ka." utas niya.


Napapansin kong tila lumalayo sa akin si Frai...hindi ko alam ang dahilan ngunit pakiramdam ko talaga ay may iba.


"Jakirah!" ani Crystal sa akin.


"Oh? Alis na kayo?" Sabay-sabay kaming napatingin nang dumugaw bigla si Chaser sa office na inookupa ko.


Medyo magulo ang kanyang buhok at naka-loose ang kanyang necktie.


"Sir!" ani Crystal at agad akong nginisihan nang malaki.


Napabuga ako ng hangin nang makita iyon. Mukhang may binabalak na naman siyang hindi  maganda.


"Chaser na lang...wala naman nang tao," ani Chaser at nginitian ako. Nginitian ko na lang din siya pabalik.


"Uhm Chaser! Ito kasing si Jakirah, ayaw sumama sa Valkyrie..." agad sumbong ni Crystal kay Chaser. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"What?" ani Chaser at nilingon ako.


Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Fine. I'll go," sumusukong utas ko nang matapos na ang usapan. Agad kong narinig ang "YES!" ni Crystal habang si Frai naman ay umiling-iling.


"Me too..I will go with you...if that's fine?" utas ni Chaser.


"Of course!" masayang utas ni Crystal at kinindatan ako.


Napailing-iling na lang ako.


Napagkasunduan namin na bumalik muna sa condo unit upang makapagpalit ng damit. Sumang-ayon naman kaagad si Chaser.


"Ano? Magsisimba ka ba, Jakirah?" puno ng sarkasmong utas ni Crystal ng makita ang aking suot na dress. Nakita ko ang pagtawa ni Frairie at binato pa si Crystal ng unan.


"Ito ang suotin mo!" aniya sa akin at binato ako ng isang body hugging red dress. Napangiwi ako nang makita na may slit iyon kaya't pagmaglalakad ako, for sure ay bubuka iyon at ma-e-expose ang aking legs.


Mataas pa ang hati ng slits, kulang na lang ay maipakita ang suot kong undies!


"No way!" utas ko kay Crystal na inirapan lang ako.


"For once!" aniya sa akin.


Napabuntong-hininga na lang ako at sinunod siya. Sabagay, sobrang dalang ko naman kasing magsuot nang ganito...


Napangiwi ako sa aking repleksyon sa salamin. Kitang kita ang kurba ng aking katawan. Medyo mababaw rin ang harapan niyon kaya't sumisilip ang aking cleavage. Argh! Ano ba tong damit na 'to!


Tinernuhan ko iyon ng red wrap heels. Itinali ko ang aking mahabang buhok sa isang bun at nag-apply ng kaunting make up.


"Hindi bagay ang pink lipstick sa attire mo, Jakirah." ani Frai sa akin kapagkuwan.


"This! Red!" Bumilis ang sikdo ng aking dibdib ng marinig ang utas ni Crystal. Kasabay noon ang pagbato niya sa akin ng isang lipstick.


"A-ah...thanks," ani ko at pilit sinawalang bahala ang naramdaman.


Binura ko ang unang lipstick na nailagay ko at nilagay ang red lipstick na ibinigay ni Crystal. Nang maayos na kami ay lumabas na kami ng condo unit. \

Agad naming nakita ang naghihintay na si Chaser sa labas.


"Woah.." mahina ang tinig na utas niya nang makita ako.


"Sexy Red, right?" mapanuksong utas ni Crystal at humagikgik pa. Nag init ang aking pisngi lalo pa at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.


"Let's go.." ani Chaser at inalalayan pa ako sa pagsakay.


Maingay na ang club nang makarating kami. Marami na akong nakitang nagpa-party. Malakas din ang tugtog at rinig na rinig kahit sa labas palang.


"there!" masayang utas ni Crystal at tinuro ang isang table sa di-kalayuan. Agad kong namataan ang pigura ni kuya Ryzen na nakaupo sa sofa na naroon. Kinawayan niya kami.


Nararamdaman ko ang pag-alalay ng kamay ni Chaser sa aking baywang. Hinayaan ko siya hanggang sa makarating kami sa table nina Ryzen.


"Ry!" masayang utas ni Crystal at agad umupo sa kanyang tabi. Nag angat ng tingin sa amin si Ryzen at nagtaas ng isang kilay.

"Who is this, sis?" utas niya agad at pinasadahan ng tingin si Chaser.


"Good evening. I am Chaser Domino," pakilala agad ni Chaser at naglahad ng kamay kay kuya.


"Ryzen. Ryzen Villamor," malalim ang tinig na utas ni Kuya at inabot ang kamay ni Chaser.


"He's our boss, Ry..." ani Frairie at umupo sa may tapat nina Ryzen. 


"Oh..yung nanliligaw kay Jakirah?" ani Ryzen na muntikan ko nang ikaubo.


Pinanlakihan ko siya nang mata ngunit nginisihan lang ako nang loko.


"I just heard from Crystal and Frairie.." utas niya pa.


"Yes, sir.." ani Chaser. Napangiwi ako nang marinig ang kanyang sinabi.


"Si Red?" bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig ang sinabi ni Frairie. 


Nagkibit nang kanyang balikat si Ryzen.


"Let's sit.." bulong sa akin ni Chaser na agad kong sinang ayunan.


Malakas ang party music at magulo ang mga nagsasayawang ilaw sa loob. Hindi ko gaanong maaninag ang mga tao. Agad nag-order ng drinks si Chaser habang sina Crystal at Frairie ay nagsasayaw na sa may dance floor.


"I'm gonna leave you two..." malalim ang tinig na utas ni Ryzen kapagkuwan. Medyo natamaan na siya nang alak. Kanina pa yata siya nandito at umiinom..


"Where are you going?" nag aalalang utas ko.


"Just...somewhere.." utas niya at tumayo na.


"But you're drunk!" ani ko sa kanya at akmang tatayo sana nang pigilan ako ni Chaser.


"I am not, Ja...you behave tonight, okay?" aniya at nginisihan ako. Naiinis ko siyang tinignan hanggang sa makalayo siya.


"He can handle himself." ani sa akin ni Chaser nang maiwan na lang kaming dalawa roon.


"Let's dance?" untag niya. Napabuga na lang ako ng hangin at uminom ng Vodka roon.

"Sure," ani ko at tumayo na. 

Nakisabay kami sa mga taong nagsasayawan sa may dance floor. Nararamdaman ko ang lapit ni Chaser sa akin dahil na rin sa dami ng tao. 


"God, you're so hot.." bulong niya sa aking tainga, sapat upang aking marinig.


Nag-init ang aking pisngi at kinuha ang hawak niyang beer-in-can at tumungga roon. That's why I don't wanna go in here. I always wanted to get drunk...and be wasted.


"Shit!" mura niya nang tumapon ang beer sa damit ko dahil sa kalikutan ng mga tao sa paligid namin. Agad nabasa ang aking damit sa harapan.


"Sorry, Jakirah..." aniya sa akin.


"No, no, it's fine," ani ko, medyo natatamaan na ng alak.


"Let's dance!" ani ko at humiyaw kasabay nang malakas na party music. Naramdaman ko ang paghapit niya sa aking baywang at pagdampi ng kanyang mainit na labi sa aking tainga. Nakiliti ako dahil doon.


"I want you to be mine..." bulong niya. 


Itutulak ko na sana siya dahil hindi ko gusto ang sobrang lapit naming dalawa nang may lalaking biglang tumulak sa kanya. Muntik nang ma-outbalance si Chaser na kinalaki ng aking mga mata.


"What the.." utas ko at agad nilingon ang walang habas na gumawa noon kay Chaser. Nakita ko ang madilim na mukha ni Red.


"Damn you!" malutong na mura ni Red kay Chaser at agad akong nilingon. Nanginig ang aking tuhod nang makita ang galit sa kanyang mukha. Ilang beses ko na bang nakita iyan sa kulay-tsokolate niyang mga mata...


"Let's go," iritadong utas niya at agad akong hinila. Magpupumiglas pa sana ko ngunit wala akong magawa. Masyado siyang malakas.


"Fuck! You're just her brother, asshole!" narinig kong sigaw pa ni Chaser ngunit di na lang siya pinagtuunan ng pansin ni Red.


Mabilis ang bawat hakbang ni Red. Kulang na lang ay kaladkarin ka rin niya ako. Mabilis ang kabog ng aking dibdib habang hinihila niya ako palabas ng club.


"What the fuck are you thinking!" galit na utas niya sa akin nang maitapon niya ako sa kanyang Rush.


Napamura ako ng mauntog ako. Mabilis siyang sumakay  sa may driver's seat at pinaharurot ang sasakyan.


"You! What the fuck are you thinking!" malakas ang tinig na utas ko habang umaayos nang upo.


Nakita ko kung paano niya sinundan ng tingin ang pagbuka ng slit ng aking dress. Malakas siyang napamura at tinuon ang tingin sa daan.


Agad kong inayos ang aking damit. Damn. It!


"Ibaba mo na ako! Ibalik mo ko roon!" iritang utas ko sa kanya nang mabilis niya pa ring pinahaharurot ang sasakyan. Di niya ako sinagot at nagtagis lang ang kanyang bagang.


Fuck!


Hindi ko alam kung bakit ang gwapo niya pa rin kahit galit! That is so illegal!


"Sa tingin mo ipapakita pa kita sa iba? Ganyan ka!?" galit ang tinig na utas niya. May mga paru parong nagwawala sa aking tiyan at gusto kong kastiguhin ang aking sarili.


"What's your problem? Ha?" ani ko sa kanya. Bwisit na bwisit ako sa ginagawa niya ngayon!


"Ikaw! Ikaw ang problema!" malakas ang tinig na utas niya.


"Hanggang ngayon, ikaw lagi ang problema! Damn!" utas niya at malakas pang hinampas ang manibela.

Nanginig ang aking labi sa narinig mula sa kanya. "Edi ibaba mo na ako! Problema naman pala ako!" ani ko at bubuksan na sana ang pinto ngunit agad niyang tinigil ang sasakyan. Muntik na namana kong mauntog sa dashboard!


"Fuck! Stop being a nuisance, Jakirah!" galit ang tinig na utas niya at agad akong hinila palapit sa kanya. Agad kong naamoy ang bango niya. Shit!


"Stop causing troubles! Just stop making me see you!" utas niya at walang sabi-sabing siniil ako ng halik.


Hindi ako nakahuma sa kanyang ginawa at nanatiling nakadilat. He is kissing me hungrily. Tila uhaw na uhaw. Tila kay tagal hindi nakatikim na tubig..


"I am so mad at you.." mahina ang tinig na utas niya sa pagitan ng aming halik.


Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata habang ninanamnam ang kanyang halik.


I've been missing him...I've been missing his kisses..


Tumulo ang luha sa aking mga mata. God, I love him so much...



(next chapter is the awaited one! *laughs devilishly*  if u know what i am thinking ;) )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top