lost
(unedited)
-
Kabanata 10
lost
Hindi ako nakatulog buong magdamag. Ramdam ko ang antok pero di ako makatulog. Nakatulala lang ako sa puting kisame ng inookupa kong kwarto habang ang utak ko ay kanina pa inililipad. Ilang beses na kong umiyak...paulit-ulit. Buong akala ko ay hindi na mauubos ang luha ko.
I'm not dumb...and Frairie...even saw them..
Kinagat ko nang mariin ang aking labi. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko dahil alam ko naman na ang ibig sabihin nuon. Muling nangilid ang luha sa mga mata ko. Paulit-ulit kong tinampal ang noo ko. Ayoko na...gusto ko nang matapos to...
Pagod na ako..
Hinayaan kong kumawala ang isang hikbi. Dalawa...tatlo...hanggang sa hindi ko na mabilang pa. Damn. I deserve this..I deserve all of this!
"Ja...kakain na raw..." nagising ako sa mahinang tinig na iyon mula sa labas ng aking kwarto. Hindi ko maayos na maidilat ang aking mga mata. Shit...namamaga.
Mabagal akong bumangon. Ayoko pa sanang buksan ang aking bibig ngunit paniguradong kakatukin ulit ako ni Louissiana.
"S-sige...bababa na.." hindi ko makilala ang tinig ko. Iba..ibang-iba.
I refused to look at myself in the mirror. Dumiretso na ako agad sa banyo at paulit-ulit hinilamusan ang mukha ko para magising na ang diwa ko ng tuluyan at mabawasan kahit kaunti ang pamamaga ng aking mata.
Hindi ko alam kung paano sila haharapin...hindi ko alam kung ano ang alibi na sasabihin ko dahil sa maga ng mga mata ko.
Sinapo ko ang aking ulo. Ayoko nang mag-isip...pagod na pagod na ako..
Pinigilan kong mapunta ang isip kay Red at Yumirah. Umagang umaga...ayokong umiyak..
Tinignan ko ang aking cellphone. Nanigas ako sa kinatatayuan ng mabasa ang text ni Red.
Halos hindi ako nakahinga.
From Red
2:33AM
I just woke up...sorry nakatulog pala ko..
Lalong inatake ng sakit ang puso ko. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha ngunit may nakatakas pa rin. Shit. Buong akala ko ubos na to kagabi pa.
Nag-ayos ako upang makababa na. Hindi ako nag isip ng pwedeng sabihin tungkol sa maga kong mata. Mamaya na siguro pag napansin na nila dahil ngayon ang nasa isip ko ay si Red.
Fuck.
Hinayaan kong nakalugay ang mahaba at straight kong buhok. Black short shorts at maluwang na white shirt lang ang suot ko. Ilang beses muna akong huminga nang malalim bago lumabas ng aking kwarto.
Hindi pa ako tuluyang nakabababa ay naririnig ko na ang maingay na flat TV screen at ang speaker ni Blaster. Rinig ko rin ang maingay nilang usapan sa dining table.
"Morning, Ja." Bati sa akin ni Blaster at hinalikan ako nang mabilis sa sentido.
Nanigas ako sa kinatatayuan at sa akmang pagbati pabalik kay Blaster ng agad magtama ang mata namin ni Red. Naka-gray V-neck shirt siya at shorts.
Nanginig ang tuhod ko ngunit agad ko ring iniwas ang tingin sa kanya. Bullshit.
"Morning, Blaster.." ani ko.
Bumalik sa pagkakasalampak ng upo si Blaster sa sofa. Mukhang tapos na siya kumain ng breakfast.
"Just go sa dining room..andon na sila," aniya na kinatango ko. Di ko na muling tinignan si Red. Buong akala ko ay magiging peaceful ang pagpunta ko sa dining room ngunit di pala..
Napasinghap ako ng may humawak sa braso ko at ilapit sa kanya. Sa amoy palang ng kanyang natural na bango ay alam ko na kung sino. Hindi ko na kailangang mag angat ng tingin.
"Good morning..." agad tumama ang mainit niyang hininga sa tainga ko. Nag init ang pisngi ko pero agad kong kinastigo ang sarili. Muli na namang bumalik sa akin ang kagabi.
Damn.
Tumango lang ako at akmang aalisin na ang hawak niya sa braso ko ng maramdaman ko bigla ang masuyong pagdampi ng kanyang malambot na labi sa noo ko.
Hindi ko alam na pinipigilan ko na pala ang paghinga.
Matagal...masuyo...
Gusto kong pumalahaw ng iyak. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang saktan. Mawala lang ang mabigat na dinadala ng aking dibdib.
"my queen." bulong niya sa tapat ng aking noo.
Damn you!
"Wow! Ang sweet!" malakas ang tinig na utas ni Crystal dahilan upang mabilis kong itulak si Red.
Fuck! Bakit ko nakalimutang nandito lang sa malapit ang mga pinsan ko. Agad lumagpas ang tingin ko sa likod ni Red kung saan kanina pa nanonood sa amin si Blaster. He's eyeing us curiously.
Napalunok ako ng ilang beses. Damn!
How come I'm so careless?
"Epal, naglalambingan lang ang magkapatid oh." ani Dia at kinindatan pa ako. Tila ako bangkay sa sobrang lamig ng buo kong katawan. Di ko alam kung dapat ko bang sabayan sa tawa si Diamond...
Tumagos ang tingin ko sa babaeng pababa ng hagdan. Yumirah is looking at me with her pained eyes. Bakit? Bakit ganyan siya makatingin?
Nanginig ang labi ko at mabilis na pumasok sa dining room. "Sweet nyo palang magkapatid..." tikhim ni Frairie at pinagtaasan ako ng kilay.
"A-ah...pag maganda lang ang gising ni..Red." utas ko, di alam kung paano nakahagilap ng sagot.
"He's like kuya Dart. Ganyan din naman sa akin si Kuya..Dart.." ani Louissiana.
Tumango si Frairie at pinagpatuloy ang pagkain.
"What happened to your eyes?" usisa ni Emerald na katabi ko. Naging balisa ang mga mata ko. Hindi mapirmi. Nakita ko sa gilidng aking mga mata ang pagpasok nina Yumirah, Red at Crystal sa dining room.
"N-Nanood ako ng drama kagabi...n-nakakaiyak." utas ko habang nakatingin sa may plato ko.
"Kain ka na, Ja," ani kuya Dart at ibinigay sa akin ang bowl ng rice.
"T-thank you..." ani ko. Ramdam ko ang pagtagal ng tingin ni Frai pero pinagkibit balikat ko yun.
Kumain ako...paunti-unti kahit na ramdam ko ang titig ni Red. Hindi ko alam kung paano ko yun nagawa. Paminsan-minsan ay nakikinig ako sa usapan pero agad din akong nawawala. Ang hirap mag focus. Ang hirap-hirap...
"Don't do that again, Jaki please...matulog ka na lagi nang maaga.." pangaral ni kuya Dart sa akin. Mukhang bothered talaga siya sa maga kong mata. Alam kong lahat sila, pero di lang nila sinasabi.
"Okay lang yan, kuya...minsan lang naman.." ani Louissiana. Maging si Crystal ay dinipensahan ako. I somehow felt relieved because I have them...
Nalihis ang usapan..noong una ay gusto ko pa ang topic pero nang ilihis muli ni Frairie..
"Ganon na ba talaga kayo, Yumirah, Red? Sleeping together?" kaswal ang tono ng kanyang pananalita ngunit di nakatakas ang panunuya.
Natigilan ako sa pagnguya at muntikan ko pang mahulog ang hawak na kubyertos. Shit.
Ayokong mag angat ng tingin...fuck.
"Ha?!" OA na bulalas ni Crystal habang nanlalaki ang mga mata.
Mukhang kami lang talaga ni Frairie ang may alam...
"Stop it, Frai..nasa hapag tayo," ani Louissiana.
"What? I'm just asking?" kinagat ko nang mariin ang aking labi.
Mali ako. Mas bitchy pala si Frairie..kaysa kay Crystal...
Pakiramdam ko ay bato na ang nginunguya ako. Wala rin akong malasahan kundi pait..
"What are you talking about, Frairie?" matigas ang tinig na utas ni Red.
"Oh please. Don't conceal it to us. We saw you..." ani Frai.
Kinakabahan ako. Paulit ulit akong nagdarasal...na sana hindi niya mamention na ako ang kasama niya.
"We?" naguguluhang utas ni Red.
"Are you stu--"
"Frairie Adriane!" ani Kuya Dart.
Natahimik si Frairie at nagpatuloy na lang sa pagkain.Naging tahimik ang buong hapag.
"Tss...ang ingay kasi ni ate.." ani Kaizer at nagbukas na lang ng panibagong topic.
"What does it mean?" usisa ni Crystal kay Frairie nang matapos ang breakfast.
Huminga nang malalim si Frai.
"We saw them...sleeping together last night.." utas ni Frairie at sinulyapan ako.
Nag iwas ako ng tingin. Nahuli kong nagtitipa si Red sa kanyang cellphone. Saktong pag vibrate ng phone ko.
Nilabas ko iyon sa bulsa ng aking suot na shorts.
From Red
What is she talking about?
Piniga ang puso ko. "Ja, tara na.." ani Crystal sa akin. Di ko napansin na paakyat na ulit sila.
Hahakbang palang ako ngunit nag vibrate ulit ang phone ko.
From Red
Let's talk. See me in my room.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag angat ako ng tingin at nasalubong ang tingin ni Louissiana.
"Red, akyat na tayo.." rinig kong utas ni Yumirah.
"Mauna ka na.." iritang utas ni Red.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Jaki?" ani Frai.
Tumango na lang ako. Damn...di ko na alam.
Sumabay ako kay Crystal. Nagpaiwan si Emerald sa sala kasama sina Blaster, Dia at Kaizer. Habang si Kuya Dart ay dumiretso sa may labas. Nasa likod ko lang si Yumirah. Si Red ay nanatili sa kinatatayuan niya. Nakatingin pa rin.
I am torn. Ayoko siyang makasama pero...may parte sa akin na...
"Edi malandi nga!" utas ni Crystal nang matapos na si Frairie sa pagkwento ng nangyari. Tahimik lang ako sa buong durasyon ng pagkukuwento, maging si Loui.
"Tsss....sabi na nga ba..." dagdag niya pa.
"That's too early for them.." ani Frai at umirap sa kawalan.
Kinagat ko nang mariin ang aking labi.
Red:
Hey, you mad at me?
Red:
Jakirah. Talk to me. Reply.
Red:
Please, reply naman....
Nanlulumo ako...ayoko na..
"Ja, okay ka lang?" pansin sa akin ni Frai. Mabagal lang akong tumango at nginitian sila...
---
Dumating ang hapunan. Nalibang ako kina Louissiana at sa mga kwento nina Frairie at Crystal. Maging sa panggugulo nina Kaizer at Dia. Kahit papaano na-divert ang atensyon ko...
"May sakit pa rin si Yumirah, dude?" tanong ni Kaizer kay Red. Nasa sala kami, movie marathon.
"Ah...pagaling na.." ani Red. Hindi siya nanunood...ako ang pinapanood niya.
Bumuntong hininga ako. Naiihi na ako...at nauuhaw pa. Gusto ko sanang magpasa kami Crystal kaso mukhang engrossed na engrossed siya sa panonood. Si Louissiana at Frairie naman ay nasa kanya-kanyang kwarto. Si Emerald ay busy sa cellphone.
Mukhang wala na akong choice...
Tumayo ako. "San ka?" usisa kaagad ni Crystal.
"Cr lang..."ani ko.
Tumango siya at muling tinuon ang mata sa flat TV screen.
Huminga ako nang malalim lalo pa't nararamdaman ko ang pagsunod ng mata niya sa akin. Nakapatay ang mga ilaw dahil nga nanonood ng movie. Ang tanging tanglaw ko lang ay ang ilaw mula sa TV. Okay lang, kabisado ko naman na ang bahay.
Una muna akong nag CR bago lumabas. Nanigas ako sa kinatatayuan ng maabutan si Red na naghihintay sa labas ng pinto.
Nagkunwari akong wala siya roon at nilagpasan siya. Dumiretso ako sa kitchen. Nauuhaw ako.
Inabala ko ang sarili sa pagkuha ng tubig sa ref. Alam ko...alam kong nasa likod ko siya.
"You're avoiding me." Hindi iyon tanong. Hindi rin kaswal. Puno iyon ng pagtatampo.
Nanatili ang pagiging kalmado ko kahit na naghuhuramentado na ang sistema ko. Ayokong maiwan lang kaming dalawa...that's too dangerous.
"Jakirah..." mababa ang tinig niya, nangungusap.
Ayokong mag angat ng tingin. That's just too much for me..
Kinulong niya ako. Hindi ako makawala. Hindi ako makaalis dahil ref na ang nasa likod ko.
"Why? May mali ba akong nagawa?" naguguluhan ang tinig niya.
Dahan dahan ko siyang tinignan. His eyes look lost. Damn.
"Ba't mo ko iniiwasan..." paos ang tinig na utas niya. He looks so tired..
"Tell me...tell me.." aniya.
Nanginig ang labi ko. Gusto ko siyang saktan pero nanghihina ang buo kong katawan.
"Damn you. Get...fucking lost..." mahina kong utas bago isa-isang nagbagsakan ang kanina ko pa pinipigilang luha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top