Chapter 2
Diana's POV:
Ang aga ko ata nagising ngayon kaylangan ko pa mag beauty rest. May naririnig akong sigawan sa labas pero hindi ko na lang pinansin baka madamay pa ako.
Habang bumababa ako biglang tumunog yung phone ko. Akala ko tumatawag na si Brianna kaso alarm lang pala.
Kumuha ako ng isang tinapay at nagtimpla ng gatas. Hindi kasi ako marunong magluto. Wala kasi si Ate Mari , siya yung naging pangalawang magulang ko dahil wala naman sila Papa.
Pagpasok ko sa kwarto ko at tiningnan yung closet ng damit ko. Wala na akong uniform, dahil hindi ako marunong naglaba kaya araw-araw akong bumibili ng uniform.
Nagsuot ako ng tube top at maong pants at leather black jacket. Kinuha ko na yung 8-inches kong heels with real diamonds then my outfit is already done.
Tiningnan ko kung anong oras na baka masyado pang maaga para pumasok. It's 10:32 am, gosh ang aga pa para pumasok.
Start ng klase namin 7:00 am then pumapasok ng ako 11:00 or 12:00. Hindi ko makakasabay si Brianna dahil maaga siya pumapasok. Valedictorian ako nung elementary and high school at Salutatorian si Brianna.
Paglabas ko sa pinto ng bahay, ang daming lalaki sa harap. Mga boyfriends ko sila.
"Babe, sino tong mga lalaki sa harap ng bahay mo?" Tanong ni Justin
"Ilang beses ko na sinabi na boyfriend niya ako!" Sabi ni Kurt
"Ako lang ang nag-iisang lalaki sa buhay niya"
"Tumigil na nga kayo! Ang iingay niyo! Kilala niyo naman ako diba, madami akong boyfriend." Sabi ko at sumakay ng kotse ko.
Nag-ring yung phone ko, nakita ko na tumatawag si Brianna. Ano kayang problema nito.
"Anong problema mo? Agad-agad kang tumatawag!" Sigaw ko sakanya
"Ang tagal mo naman! Kanina pa ako naghihintay dito sa Cafeteria. Nasaan ka na ba?"
"I don't care kung maghintay ka ng ilang oras diyan. Kakaalis ko lang sa bahay, dumating yung mga patay na patay sakin."
"Patay na patay sayo like ghost?"
"Gaga! Yung mga bf ko. Padami na sila ng padami!"
Pinatay ko na yung call at bumama na ng sasakyan. Habang naglalakad papuntang Cafeteria, nakita ko si David na may hawak na bouquet of flowers at chocolates.
"For you" sabi ni David then binigay niya yung flowers at chocolates.
"Thank you David for flowers and chocolates but I have to go." Hinalikan ko siya sa cheeks at umalis na. Nakita ko naman na nag-blush si David. Haha
Pagdating ko sa Cafeteria, ang daming camera na tumutok sakin. Ipopost lang naman nila yan sa fanclub ko. Nung nakita ko na si Brianna umupo ako sa tabi niya.
"Kanino galing yan?" Tanong ni Brianna.
"Kay David" sabi ko.
"What the?! Si David Smith, yung pinaka-magaling na artista sa America?" Sigaw niya kaya narinig nung mga tao sa Cafeteria.
"Ang swerte niya talaga"
"Sana mapansin din ako ni David"
Mga naririnig kong bulungan sa likod ko. Yung kagandahan ko umabot hanggang America. Ganyan talaga yung kagandahan ko umaabot hanggang ibang bansa.
Habang naglalakad ako sa hallway may nakita akong babae at hindi siya nakauniform tsaka yung hair color niya kaparehas nung sakin. Ginagaya niya ba ako? Humanda siya sakin.
"Anong plano mo dun sa babaeng yun?" Tanong ni Briana.
"Boba! Tinatanong pa ba yan. Shempre wasak!" Sabi ko sabay smirk. Napaka boba talaga nito.
Naglalakad ako papunta dun sa babaeng mukhang unggoy. Kumekembot ako habang naglalakad at nakiki-sama yung hangin kaya nakikita yung sexy kong body.
"Excuse me, sinong nagsabi na hindi uniform ang isusuot ngayon?" Tanong ko sa mukhang unggoy na babae na to.
"Excuse me din ha, kung uniform dapat yung isusuot ngayon. Eh bakit ka naka-ganyan?"
"You don't care Bitch! Bawal dito yung hair color. Tsaka ginaya mo pa yung hair color ko. Nagbasa ka na ba ng student handbook?" Siguro hindi pa niya nabasa yung student handbook.
"Teka lang ha! Ano bang pake mo kung may kulay yung buhok ko ha?! Wala pa akong uniform!" Sigaw niya sakin. What the fvck!
"How dare you?! Wala kang karapatan na sigawan ako! Hindi mo ba ako kilala?!"
"I don't care! Pare-parehas lang tayong istudyante dito!" Sigaw niya ulit sakin.
"Hindi mo kilala yung sinisigawan mo girl!" Sigaw ni Brianna.
"I'm Diana Primrose Harvey." Sabi ko sakanya.
"Anong klase pangalan yan? Diana Primrose? Haha." Tumawa siya ng tumawa. Maya-maya nawala yung ngiti sa mga labi niya.
"Primrose? Pati pa naman ba pangalan ng school gagayahin mo? What the hell!" Sabi niya sakin.
"Why don't you ask your principal why the school was named Primrose" sabi ko
"My Principal? Baka 'our Principal' haha."
"Ang principal natin, magulang ko kasi nasa America sila para sa company namin. I'm only child of my parents. Sino pa ba ang magmamana ng company namin at ng school namin diba ako? Kaya habang wala ang parents ko dito, ako ang principal dito!" Sigaw ko sakanya.
Dumami ang tao sa paligid namin at nag-sign ako kay Brianna na videohan niya yung gagawin ko dito sa babaeng unggoy.
"Are you transfer student?" Tanong ko.
"Oo, ganyan mo ba wine-welcome yung bagong istudyante sa school?" Tanong ng chaka.
"Yup, dapat sa simula pa lang maranasan mo na yung gagawin nung mga istudyante sayo"
"Talaga lang? I don't care. Hindi ako natatakot sayo bitch!"
"Right, I'm bitch and Queen Bee of this school"
Lumapit ako isa sa mga tsismosa sa school ko. Humiram ako ng gunting psra sa new student ng school ko. May plano ako para dito sa babaeng to. Watch me.
Sinabunutan ko yung new student para matikman niya yung pagkainis ko sakanya. Siya palang yung nakakagawa sakin nun, yung sigawan ako at sumagot! I don't care kung new student siya sa school ko hindi ko kaylangan ng pera kasi marami na kami nun.
"Itong nababagay sayo! Ikaw kasi eh sinigawan mo ako at sumasagot ka sakin dahil wala pang nakakagawa nun sakin kundi ikaw!" Sigaw ko sakanya.
Ginupit ko yung buhok niya, wala akong paki kung hindi pantay-pantay yung gupit ko sakanya. New style ng buhok tong gagawin ko sakanya. Unique na yung style ng buhok niya.
"Opss, new style na ba yan ngayon?" Sabi ni Brianna. Epal tong si Brianna dapat ako ang magsasabi nun.
"Boba ka talaga Brianna! Dapat ako magsasabi nun!"
Tinapon ko yung gunting baka magkaroon pa ako ng germs sa napakasoft kong kamay. Kumuha ako ng 5,000 sa wallet para ibigay dito babaeng to para magpakulay ng buhok at pambili ng damit ayoko na may kaparehas akong damit.
"Ayan, magpalit ka ng hair color yung kulay itim parang budhi mo. Joke haha. Ipaayos mo yang buhok mo napakaganda kasi nung naggupit sayo. Bumili ka ng damit at pumili ka ng style wag yung katulad ng sakin" sabi ko at inihagis ko sakanila yung pera. Tumalikod na ako sakanya at umalis na.
"Walang hiya ka!" Sigaw niya. GRRR. Sinigawan niya nanaman ako, ayoko kasi yung sinisigawan ako. Nag-init nanaman yung dugo ko. Bumalik ako dun sa babaeng nakakainis.
Lumapit ako ulit sakanya at tiningnan ng masama. Sinanabunutan ko siya at sinabunutan niya din ako. Ganon pala ah sabunutan yung gusto mo, pagbibigyan kita. Tinulak ko siya kaya siya na-out of balance at saka siya sinampal ng malakas.
"Sa susunod wag mo ako sisigawan! Ayoko ko kasi sa lahat yung sinisigawan ako! Wala kang uniform? Go to the 3rd floor and turn to the right. When you see a corner then you turn left. Maglakad ka ng 5 meters and when you see red tiles you turn right at andun kana sa kuhanan ng uniform." Sabi ko sakanya at tawa ako ng tawa.
"Seryoso kaba?" Tanong ng chaka.
"Are you stupid? Kahit siguro bata hindi maniniwala sa sinabi ko! Boba!" Sigaw ko sakanya at umalis na. Nakakasira siya ng araw.
Pumunta kami ng canteen para bumili ng chocolate drink at bumili ng soda si Brianna. Mahilig siya sa soda baka in future magkaroon siya ng sakit haha.
Habang naglalakad kami papuntang room nakita namin si Pimple girl at tinawag siya ni Brianna. Sakto may dala akong chocolate drink minsan lang ako umiinom nito pero ibibigay ko na lang kay Pimple Girl haha.
"Ibigay mo sakin yung wallet mo! Dalian mo!" Sigaw ni Brianna. Nanginginig si Lycia habang binibigay yung wallet niya.
"Hey! Gusto mo ba ng Chocolate drink? Ayaw ko na kasi eh" tanong ko sakanya. At ang laki ng ngiti niya.
"Bumait ka na ba Primrose?" Tanong ni Brianna
"Siraulo! Mabait na ako kay Lycia"
"Lycia, gusto mo?" Tanong ko at ibibigay ko na yung chocolate drink
Kukuhanin niya na sakin yung chocolate drink. Get ready Pimple Girl. Ibubuhos ko na kay Lycia yung chocolate drink.
Nagulat ako dahil sakin bumuhos yung chocolate drink. GRRRRR. Yung mahal kong damit natapunan ng Chocolate drink.
"HOY! BAKIT MO SAKIN TINAPON YUNG CHOCOLATE DRINK! ANG MAHAL MAHAL NG DAMIT KOO! GRR!" Sigaw ko say Lycia
"Hindi siya ang gumawa niyan" sabi nung lalaki. Siya ba yung tinatanong ko? Epal.
"Mind your own business" sabi ko at nag cross arm.
"Miss, inaabuso niyo yung kahinaan ng iba"
"So? I don't care. Kilala mo ba yung kinakausap mo?" Na-iinis na ako dito sa lalaking to.
"Im transfer student" sabi niya at may nilabas siyang tubig.
"So you're the transfer student in my university"
"Your university?" Tanong niya. Tiingnan ko yung name tag niya.
"Ikaw pala yung nabigyan ng scholarship"
Ibinuhos niya sakin yung dala nitang tubig. Hindi ko inaasahan na gagawin niya sakin yun. Wala pa nakakagawa sakin nito.
"HOW DARE YOU!" Sigaw ko sakanya
"Hoy! Ibigay mo sakanya yung wallet niya" sabi niya kay Brianna
"Bakit ko naman gagawin yung sinasabi mo? Hindi ako utos-utusan" Sabi ni Brianna
"Isa ka lang basura dito! Pagbabayaran mo tong ginawa mo sakin" sabi ko dun sa mayabang na lalaki at umalis na.
Walang hiya yung lalaking yun, lahat ba ng transfer student ng school ko matatapang? What the hell?! Hindi pwede mangyari yun kasi dapat ako lang ang matapang at ang nang-bubully dito! Hindi pa tayo tapos Scholar boy! Grrrr!
Author's Note:
Ang arte ni Brianna diba haha. Pasensya na po kung may typos or mali yung grammar ko. Hindi po kasi ako magaling sa English eh hehe. Thank you in advance sa mga votes haha.
Sana po supportahan niyo yung Bitch is in Love.
VOTE ● COMMENT ● SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top