Reverse 3: Falling Petals

REVERSE 3

FALLING PETALS

RAINA'S POV

Comets are beautiful. They come like a giant bright light, leaving a trail of magnificent beauty. They are up above, towering over us and yet as quick as they appear in our lives...they disappear. Dahil kahit gaano pa sila kaganda ay hindi sila nagtatagal.

They said that what makes a comet beautiful is also the same thing that eventually ends it. What held it together is also what makes it disintegrate into nothing.

I know a comet just like that. He was a beautiful person. I saw so much kindness in his eyes and I saw so much beauty in his heart. But he was gone too quickly. He loved too much. Loved despite and in spite...and in the end, that's what pushed him into his demise.

It was so unfair. He didn't deserve it. Not one bit.

His life could have been more. He could have given this world so much more. But his life was like falling petals. Bawat pagbagsak ng mga iyon sa lupa ay bawat panahon na nababawas sa kamay ng oras na para sa kaniya.

And all I could do was watch. Watch as his petals get blown by the wind until it withered into dust.

NAPAPITLAG ako nang maramdaman ko na may pumalo sa braso ko. Naiinis na hinila ko ang nakapasak sa tenga ko na earphone at masama ang tingin na nilingon ko ang umistorbo sa akin. Iyon nga lang mas matindi ang matalim na tingin na ibinalik sa akin ng taong ngayon ay nasa tabi ko na.

"Rachele Diana Eleazar!"

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. "Ma naman eh! Ang lapit mo na sa akin nakasigaw ka pa."

"Baka kako bingi ka na dahil kanina pa kita tinatawag."

"Iba po ang bingi sa ayaw lang makinig- aray!"

Nakasimangot na hinimas ko ang braso ko na pinalo niya na naman. Sasagot pa kasi alam namang mahahataw lang. Si Mama pa naman iyong klase na kapag masaya nakahataw, kapag kinikilig sa pinapanood namamalo rin, at kapag galit...alam niyo na. Namamalo pa rin. Kung may taong expressive ang mga mata ang nanay ko expressive ang kamay.

"Magbantay ka sa shop. Aalis ako at walang tatao ro'n."

"Bakit, Ma, saan ka pupunta?"

"Sasamahalan ko iyong kaibigan ko. May sakit iyong kaibigan niya. Naawa naman ako at walang kasama eh humingi lang ng pabor."

"Sus. Nagdahilan ka pa, Mama. For sure ikaw ang nag-volunteer kasi gusto mong mag-avail ng bulaklak iyong kaibigan mo para may maidala sa kaibigan niya. Maganda pa ro'n kapag..." Pinadaan ko ang hinlalaki ko sa leeg ko na parang ginigilitan ko ang sariling leeg. "Kapag nadedz iyon siyempre gusto mo na sa atin kumuha ng bulaklak."

Tumayo ako nang makita kong humakbang siya palapit sa akin habang nakataas ang kamay. Bago pa niya ako tuluyang mahataw na naman ay tumakbo na ako pababa ng bahay. Nasa baba lang kasi ang flower shop namin.

Bata pa lang ako ay aware na ako sa negosyo ng pamilya namin. Bulaklak kasi talaga ang source of income namin. Kahit ang namayapa ko na ama ay bulaklak din ang pinagkakaabalahan noon. May maliit kasi kaming flower farm.

Sari-saring mga bulaklak ang meron kami. May panahon na dinadayo talaga kami lalo na kapag valentines, mother's day, Christmas, at kung anu-ano pa na okasyon. Pero sa araw-araw? Mga patay talaga ang puhunan namin. Araw-araw naman kasi may namamatay talaga.

Kaya sa Eleazar Bloom, pinangangatawanan talaga ng pamilya ko ang slogan namin na 'Flowers for everyone and every occasion.'

Kaya nga ang nanay ko masigasig sa paghahanap ng mga future client niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay madalas siyang magpacheck-up sa ospital para makakilala ng bagong "friends" niya. Tibay ng loob at tibay ng dibdib 'yon si Mama eh. Tibay ng mukha rin.

Nang makababa sa shop namin ay kinuha ko kaagad ang kulay yellow na vest na parte ng uniporme ng Eleazar Bloom. Nag peace sign lang ako sa nanay ko na sinamaan ako ng tingin bago lumabas na.

Binuksan ko ang drawer malapit sa cash register. Pinaikot ko ang mga mata ko nang makita ko na naman ang mahaba ko na pangalan na pinagkasya talaga ni Mama sa name tag ko. And tindi talaga eh. Kahit halos kulangin sa space ang maliit na name tag ay pinasiksik niya iyon. Rachele din kasi ang pangalan niya at Diana naman ang pangalan ng nanay niya. Ibinigay sa akin pareho at dahil Rachele na siya ayaw niya akong tawagin sa isa lang na pangalan. Kailangan buong-buo talaga.

Nakangusong kumuha ako ng post-it at ginupit ko ang madikit na parte no'n. Sinulat ko ro'n ang nickname na ginagamit ko. Raina. Maikli na tunog reyna pa.

Kasalukuyan kong kinakabit ang maliit na papel sa name tag at pilit na pinagpapantay iyon nang marinig ko ang tunog ng chime namin na nakasabit sa may pintuan. Imbis na mag-angat ng tingin ay pinagpatuloy ko lang ang ginagawa.

"Hello."

Pagawa kaya ako ng bagong name tag? Pero gusto ko kulay pink para cute.

"Umm...Miss?"

Siniguro kong maayos ang ipinatong ko sa name tag ko at idiniretso ko pa iyon para walang lukot nang marinig ko ang tunog ng bell na nasa harapan ko lang naman. "Miss magtatanong lang sana ako."

Lahat naman kayo may tanong. Nakayuko pa rin na kinabit ko na ang name tag ko. Pero bago ko pa iyon maayos ng husto ay narinig ko ang sunod-sunod na pagpindot ng bell na para bang ginagawa iyong drums. Kailangan talaga mag bell eh nasa harapan niya lang naman ako?

"Kuya hindi laruan 'yan-"

Natigilan ako sa kung ano pa man na sasabihin nang mag-angat ako ng tingin at makita ko ang taong tumatawag sa atensyon ko. Ramdam ko ang panlalaki ng mga mata ko habang ang mga labi ko ay napabuka sa pagkabigla.

Siya na ata ang pinakagwapong lalaki na nakita ng mga mata ko. Matangkad siya, malinis ang pagkakagupit ng buhok, may natural na mamula-mulang mga labi, matangos na ilong, katawan na parang ang sarap paglambitinan....at ang mga mata niya, sobrang ganda ng mga mata niya.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mga mata niya. Para kasing biglang gumaan ang loob ko na hindi ko maintindihan. Ang bait kasi ng bukas ng mga mata niya. Iyon bang tipong parang sumasalamin kung ano siya bilang tao.

Iyong iba kasi hindi madaling mabasa ang bagay na iyon. Pero siya parang wala sa pagkatao niya ang itago kung ano siya.

"Sorry. Hindi mo kasi ako pinapansin." napapakamot sa batok na sabi niya.

"Ako? Hindi ka pinansin? Kailan?"

Napakunot ang noo ng lalaki. Bumaba ang mga mata niya at nakita kong saglit na napatitig siya name tag ko. "Cute name."

Ano raw? Cute daw ako? "Maliit na bagay." nakangising sabi ko.

Napakurap siya habang nakatingin sa akin. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na pagmasdan ang mahahabang pilik mata niya. Parang sa manika. Pero hindi siya nagmukhang feminine. Mas lalo pa nga iyong nakadagdag sa kagwapuhan niya.

Sa tingin ko mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Mga tatlo siguro o apat. Pero wala namang problema iyon. Age doesn't matter. Eighteen naman na ako. Single at available na available para maging sa kaniya.

"Pwede na ba akong bumili ng bulaklak? I want it to be beautiful. Espesyal kasi ang taong pagbibigyan ko."

Tila pinompyang ako sa ulo at nagising ako sa pag i-ilusyon ko. Hoy, Raina! Iyan ang napapala mo sa kaka-marathon ng korean drama. Bukod sa sabog ka na sa antok, nanananiginip ka na rin ng dilat!

"Wala ba iyong may-ari? Kasi siya iyong naabutan ko dati."

Humalukipkip ako, "Ako ang anak ng may-ari. Marunong din akong mag-arrange ng bulaklak. Hindi porke bata pa ako ay wala na akong alam."

Imbis na mainis sa katabilan ng dila ko ay kuminang lang ang mga mata niya. "Amaze me then."

Mabibigat ang mga hakbang na lumabas ako mula sa likod ng counter at pumunta ako sa hanay ng mga bulaklak namin. Humarap ako sa kaniya para sana tanungin siya kung anong gusto niyang bulaklak nang mapaatras ako dahil sa lapit niya sa akin. Nasa likod ko na pala kasi siya at nakatayo.

"A-Ano?"

"Ha?" takang tanong niya.

"Ha?"

Napakamot na naman siya sa ulo niya sa naging tanong ko. "Anong ibig mong sabihin na ano?"

Ipinilig ko ang ulo ko. Kawawa naman si koyang gwapo parang malapit na rin maging sabog ang utak dahil sa akin. "A-Ang ibig kong sabihin ay kung anong bulaklak ang gusto mo? Yellow? Red? Pink?" Ako?

"Ano bang bulaklak ang bagay para sabihing mahal mo ang tao?"

Wala! "Red siguro."

"Sige, kuha mo na ako ng one dozen."

"Mahal 'to." Kaya yellow na lang. Para friendship lang at magkaroon pa ng chance ang pagkatao ko na pagpantasiyahan ka.

"Okay lang. I love the person I'm going to give the flowers to so it's worth it."

Ewan ko! Goodbye, Earth!

Pinigilan kong bumalatay sa mukha ko ang nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ewan ko kung dahil sabog lang ako o dahil talagang nagulo ang buong sistema ko nang makita ko ang lalaki.

Hindi nagtagal ay nagawa ko ng maiayos ang bulaklak sa isang magandang bouquet. Kahit na masama ang loob ko.

"Pwedeng ikaw na ang magsulat sa card? Hindi kasi kagandahan ang sulat ko."

Nagdadabog na humila ako ng card mula sa lalagyanan namin no'n at kumuha ako ng ballpen. "Anong ilalagay ko?"

"Happy birthday, Mama."

Pakiramdam ko ay bumukas ang kalangitan dahilan para sumilip ang araw habang sa paligid ay may nagkakantahang mga anghel. Si kupido naman na kanina ay sumisilip-silip lang ay ngayon ay para bang sunod-sunod ng namamana habang ako ay willing victim na sinasalo lahat ng iyon.

Pinigilan ko ang kasiyahan ko bago na naman ako magmukhang kakaiba sa paningin niya. "From?"

Kumislap ang mga mata ng lalaki at sumilay ang napakagandang ngiti sa mga labi niya. "From, Comet."


NGINITIAN ko si Aaron at kumaway ako habang palabas na siya ng pintuan ng shop. Kanina sinamahan niya kasi akong magbantay ng flower shop pero dahil umuwi na si nanay at pagabi na rin ay nagpaalam na siya para umuwi.

"Tawag ako mamaya, babe." sabi niya.

"Sige-"

Hindi niya napansin ang bigla kong pagkatigalgal dahil tuluyan na siyang lumabas. Napaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa taong kita ko mula sa salamin na bintana ng shop.

I haven't seen him for a year. Pagkatapos niyang bumili ng bulaklak noon dito ay hindi ko na siya nakita ulit. Ilang buwan din akong masipag na nag vo-volunteer sa Eleazar Bloom dahil inaabangan ko siya pero hindi na siya bumalik muli.

Ang tunog ng chime ang nagpagising sa akin. Napadiretso ako ng tayo at ikinuyom ko ang mga kamay ko nang maramdaman ko ang panginginig no'n.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ko sa kaniya...at kung bakit hindi siya nawala sa isip ko kahit na isang beses ko lang naman siyang nakita.

"Hi." may maliit na ngiti sa mga labi na bati niya.

"H-Hello." Tumikhim ako. "Bulaklak ulit? Para pa rin sa nanay mo?"

"Oo eh. Saka para na rin sa kapatid ko. Sila lang naman ang babaeng binibigyan ko ng bulaklak. Sila lang naman kasi ang importante sa buhay ko."

Wow. Single pa rin. Tahimik na lumabas ako ng counter at lumapit ako sa mga bulaklak. Itinuro niya ang kaparehas na bulaklak na kinuha niya noon para sa nanay niya. "Sa kapatid mo gusto mo pink na lang?"

"Sige."

Mabilis ko namang inayos ang mga bulaklak niya. Gamay na gamay ko na kasi talaga ang pag assemble ng mga bulaklak.

"Boyfriend mo?"

Nag-angat ako ng mukha mula sa ginagawa. Bahagyang kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Ha?"

"Iyong lalaki kanina. Boyfriend mo?"

"Ah si Aaron. Oo, boyfriend ko."

Hindi siya nagsalita pa at sa halip ay tumingin na lang siya sa mga kamay ko na abala pa rin sa ginagawa. Nagtataka man sa naging tanong niya ay pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga bulaklak. Baka gumagawa lang ng small talk.

Ilang sandali lang ay ipinatong ko sa counter ang dalawang bouquet at pagkatapos ay bumalik ako sa may cash register. Mabilis siyang nagbayad nang sabihin ko sa kaniya kung magkano ang balanse niya.

"Balik ka ulit." nakangiting sabi ko sa kaniya.

Sandaling nakatingin lang siya sa mukha ko na para bang may gusto pa siyang sabihin pero sa halip ay tumango lang siya at ngumiti. Kinuha niya ang dalawang bouquet pero imbis na umalis na ay sa pagtataka ko humila siya ng isang stem ng pulang rosas mula roon.

"May problema ba sa bulaklak? Pwede ko namang palitan-"

Hindi ko na nagawang tapusin ang kung ano pa man na sasabihin ko nang ibaba niya ang rosas sa counter at nginitian lang ako. Pagkatapos no'n ay walang salitang tumalikod na siya at lumabas ng shop.

"Sila lang naman ang babaeng binibigyan ko ng bulaklak. Sila lang naman kasi ang importante sa buhay ko."


PINUNASAN ko ang luha na panay ang agos mula sa mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na chime hudyat na may nagbukas ng pintuan ng Eleazar Bloom. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa likod ng counter at hinarap ko ang customer.

Iyon nga lang sa pagkagulat ko nabungaran ko ang lalaking ilang beses pa lang napaparito sa shop namin pero hindi ko makakalimutan. Comet.

"Hi." mahina ang boses na bati ko sa kaniya.

Dahan-dahang nabura ang ngiti sa mga labi niya nang mapagmasdan ako. Siguradong halata pa rin ang pula ng mga mata at ilong ko. Kung bakit naman kasi nagmumukha akong kamatis kapag umiiyak.

"Are you okay?"

Maybe it's the kindness in his voice or maybe it's the warmth in his eyes...I don't know what exactly. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na muling lumuluha. Umuklo ako para magawa kong itago ang mukha ko sa likod ng counter pero bago pa ako muling mapaupo sa sahig ay narinig ko ang mga yabag palapit sa kinaroroonan ko. Hindi nagtagal ay may mainit na bagay na bumalot sa akin.

Nag-angat ako ng mukha at sa kabila ng mga matang tigmak ng luha ay malinaw kong nakita ang mukha niya na may pag-aalala habang nakatingin sa akin.

Gusto kong tumigil na lang ang oras nang mga panahon na iyon. Gusto kong manatili sa mga bisig niya. Kasi kahit paano...pakiramdam ko magiging maayos din lahat. Kahit paano ay napapawi ang sakit na nararamdaman ko.

"What happened?" he whispered.

"Si...si Mama." Naramdaman ko ang marahan na paghaplos niya sa buhok ko. Sandaling napapikit ang mga mata ko habang patuloy pa rin bumabagsak ang luha sa magkabila kong mga pisngi. "W-Wala na siya. Iniwan niya na rin ako. Ang daya nila ni Papa. Ang bilis nila akong iniwan. Paano na ako ngayon kung wala sila? How can I even wake up everyday without seeing anyone of them? Hindi pa nga ako nakakabangon sa pagkawala ni Papa. Ang nanay ko na lang ang meron ako tapos kinuha pa siya sa akin."

Wala akong narinig na kahit na ano sa kaniya pero naramdaman ko ang paghigpit nang mga bisig niya sa pagkakayakap sa akin. I've seen him twice. He's still a stranger. But I don't why...hindi ko alam pero parang kilala siya ng buong sistema ko. Hindi ko alam kung bakit...pero parang ayokong bumitaw.

"Hindi ka mag-isa."

"Iniwan nila akong lahat." garalgal ang boses na sabi ko.

"Kapag may taong importante sa atin, imposible kahit buong mundo pa ang gumawa ng paraan para burahin sila sa buhay natin. They contributed to who we are as a person and they already touched our lives. Sa puso natin mananatili silang nandoon. Because that's their legacy. Ang manatili sa puso ng mga taong naging importante sila." Muli niyang hinaplos ang buhok ko at nang iangat ko ang mukha ko para tignan siya ay kaagad na binalot ng init ang puso ko nang magawa kong makita ang mga mata niya. "People are like flowers, Raina. They have a purpose. And sometimes when they reached the end of their journey, they wither away. That doesn't mean that the memory of their beauty should only cause pain to those who still remembers. It's a reminder of a celebration, of a special occasion, of the lives it helped. They mattered and they always will because they are remembered."


HINDI KO mapigilan ang ngiti na sumilay sa mga labi ko habang pinapanood sa cellphone ko ang paborito ko na banda sa lahat. To be exact, ang nag-iisang paborito ko na banda. Ang Royalty. May concert kasi sila noong nakaraan at ngayon nga ay available ng panoorin online sa mismong page nila. 

Sa katunayan nga ay bumibili pa ako ng mga merchandise nila hindi lang para sa akin kundi para intinda rin sa shop. Bagay na ipinagtataka ng ibang mga bumibili rito dahil wala nga namang koneksyon sa bulaklak ang tungkol sa banda. Walang pakielamanan ng trip sa buhay. Isa pa hindi lang naman ako ang nag-iisang adik sa banda na iyon. Ang dami ngang bumibili sa akin ng mga merch nila.

"Kuya King, alam kong guwapo ka at idol din kita pero pwedeng tabi ka ng kaunti? Hindi ko kasi makita iyong pinakapaborito ko sa lahat eh." sabi ko sa cellphone. Iginalaw ko pa ang kamay ko na para bang pinapatabi ang bokalista ng banda na bigay na bigay sa pagkanta.

Maganda naman kasi talaga ang boses ng bokalista ng Royalty. Sa totoo lang lahat naman ata sila napaka-talented. Pero iyong drummer talaga nila ang the best para sa akin.

"Sinong pinakapaborito mo?"

Muntik kong mabitawan ang cellphone na hawak ko nang marinig ko ang baritonong boses na nagsalita. Nanglalaki ang mga matang napatingin ako sa kabilang panig ng counter nang makita ko roon ang kanina ay pinagmamasdan ko lang sa video na pinapanood ko.

"Hi, Raina." nakangiting bati niya at ikinaway pa ang kamay niya. "Kamusta?"

Sa loob ng mga nakalipas na taon ay hindi iisang beses siyang dumalaw sa shop. Sa isang taon nga ay parang ilang beses na siya kung bumili ng bulaklak. Minsan naaabutan niya pa si Aaron dito sa shop at ilang beses din niyang nakahuntahan ang lalaki habang inaayos ko ang mga pinamili niya. Iyon nga lang nabawasan ang pagpunta niya nang magsimulang makilala ang banda nila.

"B-Bulaklak ulit? Para sa nanay mo?"

"Hindi eh. Sa US kasi talaga nakatira ang parents ko noon. Pabalik-balik lang kami pero ngayon kasi nasa ibang bansa sila." Bahagyang namula ang mukha niya. "Para sa girlfriend ko sana iyong bouquet."

Pakiramdam ko ay biglang may sumaklot sa dibdib ko at piniga ang puso ko sa narinig. Hindi ko nagawang makagalaw sa kinatatayuan.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Wala namang kahit na ano sa pagitan namin. Hindi naman ako dapat makaramdam ng ganito. Customer lang siya ng shop na minsan akong dinamayan sa pagdadalamhati ko. Iyon lang.

He's just a kind person with a big heart. Mabait lang siya. Iyon lang.

"Si Aaron pala? Weekend ngayon ah."

Wala na kami. "K-Kasama ang parents niya. Nag out of town ata."

"Hindi ka sinama?"

Nilapitan ko ang mga bulaklak at pinigil ko ang kahit na anong ekspresyon sa pagbalatay sa mukha ko nang itinuro niya ang pulang mga bulaklak. "Hindi na ako sumama. Wala rin tatao rito sa shop dahil nag sick leave iyong empleyado ko."

After arranging the bouquet I went back to the counter to calculate his purchase. Inabutan niya ako ng cash nang sabihin ko sa kaniya kung magkano na ang bulaklak ngayon.

"Matagal na kayo ni Aaron no?"

"Medyo."

"Wala pa kayong plano?"

Inabot ko sa kaniya ang sukli niya at sinalubong ko ang tingin niya. "Plano?"

"Na magpakasal?"

Napalunok ako sa tanong niya. Ito ang mahirap sa pagsisinungaling. Kapag nasimulan mo na ang hirap ng bitawan.

Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya na naghiwalay kami ni Aaron dahil inalok niya ako ng kasal? Na hindi ko magawang makita ang sarili ko na kasama ang lalaki sa pagbuo ng pamilya? Paano ko sasabihin sa kaniya na isang tao lang ang laman lagi ng isip ko?

Pakiramdam ko para akong baliw. Hindi naman namin lubos kilala ang isa't isa pero hindi siya kahit kailan na wala sa isip ko. Para rin akong baliw kasi binitawan ko ang relasyon na matagal kong binuo kasama si Aaron dahil lang sa taong imposible naman maging akin.

He has a girlfriend now.

"May plano naman."

May kung anong nagdaan sa mga mata niya pero kaagad nawala iyon at napalitan ng natural na nakangiti niyang mga mata. "Imbitado ba ako?"

"Oo naman." pilit ang ngiti sa mga labi na sabi ko.

Lumawak ang ngiti niya at pagkatapos ay kinuha niya na ang bouquet. But just like that one time, he stopped and started pulling out one of the roses.

Huwag. Huwag na please.

Ibinaba niya ang rosas sa counter at muli akong nginitian bago nagpaalam na para umalis. Wala akong nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin.


NAKANGITING pinagbuksan ko ng pintuan ang mag-asawang suki na ng shop na bumili na naman ng napakaraming bulaklak. Kapag ganito kasing pasko ay lagi silang bumibili ng bouquet para sa paborito nilang mga pasyente sa ospital na pinagtatrabahuhan nila.

Akmang isasarado ko na ang pintuan pero natigilan ako nang makita ko ang dalawang taong bumaba sa isang sasakyan na pumarada sa tapat ng shop. Ang isa ay babaeng maganda na halata sa suot na damit at sa bag na bitbit na marangya ang buhay na pinanggalingan. Ang isa pa ay si Comet.

"Raina!"

I put up all the imaginary walls to guard my heart. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung sino ang kasama niya.

"Hello." bati ko sa kanila. Niluwagan ko pa ang pagkakabukas ng pintuan kahit iyon ang huli kong gustong gawin. "Pasok kayo."

Palihim na pinagmasdan ko ang babae. Kita ko ang pagsuri niya sa shop ko na ngayon ay napalakihan ko na. Pati kasi ang katabing establishment ay binili ko na. Hindi na rin isa lang ang empleyado ko kundi tatlo na.

"Are you sure about this, Comet?" the woman asked.

Nilingon ng lalaki ang babae at ngumiti. "Of course, Kelly. Dito ako laging bumibili ng bulaklak noon pa man. Saka magaling mag-arrange ng bulaklak si Raina. Na-feature pa nga siya sa ilang mga article."

Bahagyang namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Comet. "Alam mo 'yon?"

"Oo naman." baling niya sa akin. "Paborito ko 'tong lugar na ito eh."

Sa pagkakataon na ito ay totoong ngiti ang sumilay sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. Kuminang naman ang maganda niyang mga mata dahil doon.

"Her name is Rachele Diana." singit ng babaeng kasama niya.

"What?"

"You called her Raina. Ang nakalagay sa name tag niya, Rachele Diana."

"Oh. She likes to be called Raina." nilingon niya ako. "Right?"

"Right." bulong ko.

Hindi man kakikitaan ng reaksyon ang mukha ng babae pero kita ko sa mga mata niya na hindi niya nagustuhan ang narinig. Tumikhim ako at pinagsalikop ko ang mga kamay ko na bahagyang nanginginig. Wala kaming ginagawang masama ni Comet. But I don't want the woman to see how the presence of his boyfriend affects me.

"Kailangan niyo ng bulaklak? For what occasion?" tanong ko.

Bumuka ang bibig ng lalaki para magsalita pero naunahan siya ng babae. "Para sa kasal namin."

It was like the air in my body was suddenly sucked out off me. Ikinuyom ko ang mga kamay ko hanggang sa halos maramdaman ko na ang pagbaon ng mga kuko ko roon.

"You're invited." sabi pa ng babae.

I mustered all my strength and smiled at the woman. "That's so kind of you."

All I can think about at that moment were the dried petals of the flowers that Comet gave me. Nakatago pa rin iyon sa kuwarto ko at pinagkakaingatan ko. They were so important to me but it's just flowers for Comet.

Kasi hindi ibig sabihin na mahalaga sa akin ay isang bagay ay ganoon din ang nararamdaman ng iba para doon. Hindi ibig sabihin na may nararamdaman ako para sa kaniya ay ganoon din siya sa akin.

"You'll come right?" Comet asked.

"Of course."

I lied.

I lied because there's no way I can watch the man I love silently be with someone that is not me.


I HEARD the chime of the flower shop's door. I was a bit surprise when I saw the man that came in. Lagi siyang pumupunta rito kapag birthday ng kapatid niya, nang asawa niya, o kapag anniversary nila. Alam ko iyon dahil nakikita ko siya sa security cameras ng shop. Alam ko iyon kasi kapag dumadating siya lagi kong sinisiguro na hindi niya ako makikita. Minsan nasasaktuhan niya ako pero sobrang dalang lang no'n.

Kabisado ko na ang mga petsa ng pagpunta niya and this is not one of those days. Lalong hindi sa ganitong oras kung saan malapit na akong magsara ng shop. Kanina pa nga nakaalis ang mga empleyado ko.

"Raina."

I can't help but stare at him. He's still the same man I met before pero ang dami ng nagbago sa kaniya. He's even taller, his body is more built, and his face matured gracefully. Pero hindi iyon ang pinaka nagbago sa kaniya kundi ang bukas ng mukha niya.

There's still kindness in his face but the warmth of his eyes are missing. The familiar smile and twinkle in his eyes are gone.

"Ngayon lang kita naabutan." may maliit na ngiti sa mga labi na sabi niya.

He's not even smiling the way he smiles at me before. "Medyo naging busy lang. Kamusta ka?"

Inangat niya lang ang mga balikat niya bilang sagot. Hindi ko napigilan ang sarili ko at imbis na manatili sa kinaroroonan ay lumabas ako ng counter para lapitan siya. "You need flowers?"

"Yes." he whispered quietly. "For my wife."

Imbes na lapitan ang hanay ng mga bulaklak ng shop at ayusin ang kailangan niya ay nananatili ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang ginawa ko. Hindi ko alam kung tama ba. But at that time I didn't think. I just followed what I felt was right.

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya nang basta na lang akong lumapit sa kaniya at ipinalibot ko ang mga braso ko sa bewang niya. Bahagya siyang gumalaw para lumayo pero hindi ko siya binitawan.

"Raina..."

"Dinamayan mo ako noong kailangan ko ng kadamay. You hugged me even though you were just a stranger that time. You offered me safety even just for a moment. I'm giving you back the kindness you gave me."

I felt his body relaxed around my arms. Pero sa pagkakataon na ito ay ako naman ang natigilan nang maramdaman ko ang pagbalot ng sarili niyang mga braso paikot sa akin. I felt his head dropped to the side of my neck, his chin on my shoulder.

I don't know how long we stayed there. There's nothing around us except silence. He didn't explain what he's going through. He didn't need to because I can feel the weight of his pain.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang tila pagkabasa ng balikat ko. I felt my eyes watered because I know...I know that he's not only giving me his pain but also his tears.

I just wish I didn't stayed quiet. Sana may sinabi ako. Sana may iba pa akong nagawa. Sana nagawa kong sabihin sa kaniya lahat-lahat.

But I didn't because that's not what he needed from me.

Still...I wish I could have done more. Maybe the course of our fates would be different. Maybe it wouldn't end like the way it did.

But that's just it.

Just maybes.


BINUKSAN ko ang pintuan nang shop sa pamamagitan ng paa ko dahil madami akong mga bitbit. Mabuti na lang ay lumapit sa akin si Angelica na isa sa mga empleyado ng Eleazar Bloom para tulungan ako.

"Ang dami niyo namang dala, Ate."

"Marami pa sa sasakyan. Kunin niyo na lang." sabi ko at inabot sa kaniya ang susi ng kotse.

Galing kasi ako sa flower bazaar. Sayang din kasi at sobrang mura ng mga bulaklak. Kahit pa sabihing may supplier na kami ay talaga namang ubusan ng mga bulaklak sa panahon ngayon. Na-feature na naman kasi ang flower shop dahil kinuha ang serbisyo ng Eleazar para sa kasal ni Adonis Lawrence noon. Isang sikat na direktor.

"Ate kanina pala may tumatawag. Tinanong ko kung anong kailangan pero ikaw ang hinahanap. Tatawag na lang daw siya ulit kapag nandito ka na. Sabi ko kasi baka pabalik ka pa lang." sabi ni Renzel, ang isa pa sa babae kong empleyado.

"Sino-"

Naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang telepono ng shop. "Baka iyan na iyong tumawag kanina, Ate."

Kunot ang noo na lumapit ako sa kinalalagyan ng landline at inangat ko iyon para itapat sa tenga ko. "Hello?" Lalong lumalim ang gatla sa noo ko nang hindi kaagad nagsalita ang nasa kabilang linya. "Hello? This is Eleazar Bloom's."

"Raina."

Pakiramdam ko ay natigil ang mundo nang marinig ko ang boses mula sa kabilang linya. Hindi ko magagawang ipagkamali ang boses na iyon sa kahit na sino. Imposible rin na hindi ko makilala iyon. "Comet?"

"Hi."

The last time I talked to him, he was in so much pain that all I could do was lend my shoulders to him. Hindi na siya bumili ng bulaklak noon katulad nang sinabi niyang rason kung bakit siya pumunta. He just stayed with me for awhile. Hindi ko nga alam kung bakit sa lahat ng lugar na puwede niyang puntahan ay sa akin siya pumunta.

But he needed me. For some reason he went to me.

"How are you?" I whispered.

"I'll be fine."

That's not the answer I wanted to hear. "Kailangan mo ko?"

"Oo. Kailangan kita."

Napahigpit ang hawak ko sa telepono sa tinuran niya. I wish I could travel the distance at puntahan kung saan man siya naroon. Sana pwede. Sana okay lang. Sana may karapatan ako.

"Kahit ano." Nanatiling mahina ang boses ko habang kausap siya. "Kahit na anong kailangan mo."

Muli siyang natahimik. I didn't mind. If I could stay forever holding that phone while he's on the other line, I wouldn't mind.

I spent years loving him silently. He was there when I needed him, I was there when he needed me. I watched him fell in love, I watched him be with someone else. Nagawa ko lahat ng iyon na tahimik siyang minamahal. I could bear to do it forever as long as I know that I still get to see him.

Kahit sandali lang. Kahit sobrang saglit lang.

"My friends are getting married. Gusto ko sana na ikaw ang maghanda ng kakailanganin nilang bulaklak sa kasal."

Whatever he needs. "Kailan?"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. Sa kabila niyon ay may naririnig akong kalungkutan doon. "Hindi ko pa alam kasi hindi pa rin nila alam. Hopefully they can get their heads out off their asses and finally admit their feelings. But when they do they will come to you. O ang kapatid ko."

"Bakit hindi ikaw?"

"Baka kasi wala na ako dito pag nangyari iyon."

May kung anong takot na bumundol sa dibdib ko sa sinabi niya na iyon. "Aalis ka? Saan ka pupunta?"

"Hindi ko pa alam."

"Hindi ka na babalik?"

"I don't know if I could, Raina." he whispered.

I felt my lips quivered as tears suddenly fell from my eyes. Pinahid ko ang mga iyon at pilit pinatatag ang boses na muli akong nagsalita. "Why?"

"Because I made a promise. I always keep my promise."

Muli kaming binalot ng katahimikan. I can still hear his breathing from the other line. I know he can hear mine. Walang nagsalita sa aming nang matagal na panahon pero wala ring kahit na sino sa amin ang nagbaba ng telepono.

"I wanted to hear your voice for the last time."

"Y-You can still call me, you know? Mayaman ka naman. Hindi ka mamumulubi kahit long distance ang tawag."

He chuckled but he didn't say anything more. Instead he bizarrely mentioned a memory that we both had. "Remember that time? Noong nakita kitang umiiyak?"

"Yes. When my mother died."

"Remember what I said?"

"Kapag may taong importante sa atin, imposible kahit buong mundo pa ang gumawa ng paraan para burahin sila sa buhay natin. They contributed to who we are as a person and they already touched our lives. Sa puso natin mananatili silang nandoon. Because that's their legacy. Ang manatili sa puso ng mga taong naging importante sila."

I don't know why I'm crying. Pero habang pinapakinggan ko ang boses niya kasabay ng alaala na naglalaro sa isip ko ay pakiramdam ko nababasag na ang puso ko. Like I'm losing another person and I don't even know why.

"Comet, alam mong nandito lang ako di ba? We don't need to change. Basta nandito lang ako para sa'yo." He didn't answer for quite some time kaya muli ay nagsalita ako. "I shouldn't have let you leave that night. Not when I know that you're going through a tough time."

"You already gave me so much at that moment." he whispered. "Take care of yourself, Raina. And be happy with Aaron."

I know that the call is ending. I know he's leaving. And I can't help but think of what he said that this could be the last time. Ayoko pang matapos. Ayoko pa siyang bitawan. "Matagal na kaming hiwalay. Noong tinanong mo ako noon...hiwalay na kami. Pero nagsinungaling ako."

"Raina..."

"Sana noong unang beses kitang nakita kinausap pa kita. Sana tinanong kita noong pangalawang beses na pumunta ka rito kung bakit binigay mo sa akin ang bulaklak na iyon. Sana noong sumunod hindi ako nagsinungaling."

"I hope I asked you out the first time I saw you. I hope you didn't have a boyfriend the second time that we met. And the third...I hope I didn't fell in love so quickly to the woman I'm now married with. I wish life gave me a chance to fall for the girl with the prettiest smile surrounded by beautiful flowers and yet she always stood out." A sobbed escaped my lips before I can even stop it. Alam kong narinig niya iyon pero nagpatuloy siya. "Ang daming sana na hindi na puwede. But maybe in the next life our paths will cross again. Sa pagkakataon na iyon siguro hindi na lang magiging sana lahat."

"Comet-"

"Thank you, Raina. Don't cry again when the petals wither and fall. You have a beautiful smile. Kaya sana maging maligaya ka lang buong buhay mo. I want that for you."


COMETS ARE beautiful. They come like a giant bright light, leaving a trail of magnificent beauty. They are up above, towering over us and yet as quick as they appear in our lives...they disappear. Dahil kahit gaano pa sila kaganda ay hindi sila nagtatagal.

They said that what makes a comet beautiful is also the same thing that eventually ends it. What held it together is also what makes it disintegrate into nothing.

I know a comet just like that. He was a beautiful person. I saw so much kindness in his eyes and I saw so much beauty in his heart. But he was gone too quickly. He loved too much. Loved despite and in spite...and in the end, that's what pushed him into his demise.

It was so unfair. He didn't deserve it. Not one bit.

His life could have been more. He could have given this world so much more. But his life was like falling petals. Bawat pagbagsak ng mga iyon sa lupa ay bawat panahon na nababawas sa kamay ng oras na para sa kaniya.

And all I could do was watch. Watch as his petals get blown by the wind until it withered into dust.

Huminto ako sa paglalakad at nagbaba ako ng tingin sa puntod na nasa harapan ko. Umuklo ako at pinalis ko ang mga tuyong dahon na bumagsak sa ibabaw niyon hanggang sa nakita ko na ang pangalan na nakasulat doon. I didn't look at the tomb beside his. Just like I always do when I go here, I only have eyes for one name.

Comet Ferrel.

The first time I heard about what happened to him, I couldn't believe it. Mahal niya ang asawa niya. Sa kabila ng sakit na noon ay nararamdaman kong pinagdadaanan niya noong magpunta siya sa akin ay alam kong mahal pa rin niya ang asawa niya. But it was his wife that cause the end of both their lives and almost took out other people with them too.

Comet died loving a person that didn't deserved him.

Just like he said...he made a promise. He made a promise to his wife and he kept that promise until the end.

Mahirap maghanap ng taong katulad ni Comet. Taong hindi tatalikuran ang pangako na binitawan sa harapan ng Diyos kahit na ano pang mangyari. Despite everything, Comet didn't lose himself. Iniwan niya ang mundo na ito na hindi nababago nang mga pinagdaanan niya ang puso niya. He didn't become bitter but instead he kept on loving until the end.

Years already passed since the tragedy happened. But still every year, I come here. Hindi sa death anniversary niya kundi sa araw kung kailan ko siya unang nakilala.

"Ako ang nag arrange nito." sabi ko at ibinaba ang bulaklak na nasa paso pa. Inayos ko iyon at inilagay sa bandang itaas ng puntod. "Busy ang shop ngayon. Dinadagsa pa rin kami kahit na lumipat na kami sa Tagaytay. Ibang klase rin kasing magpromote ang mga kaibigan mo. Kada kasal pa nila kami ang kinukuha. May sarili na rin akong bahay at hindi na kakabit ng shop. Pero malapit pa rin kasi tamad akong magbyahe. But now I have a big two storey building. Nagtuturo rin kasi ako ng flower arranging ngayon kaya ginawa kong seminar room ang second floor."

Inilapat ko ang kamay ko sa may kalakihan ko na na tiyan at bahagyang ngumiti. "May balita pala ako sa'yo. Baby boy ang baby namin ni Julian."

I got married a year ago. Julian was a kind man. He know my story. Alam niya ang tungkol kay Comet. He respect the kind of love I had and will always have for a man that didn't became mine.

He's not Comet. He's not anything like him. But I love him just the same.

"I'm naming him Comet. Julian's okay with it. Sa totoo lang siya pa nga ang nag suggest. I was thinking about it pero ayokong hilingin sa kaniya iyon. Pero ewan ko ba. Ang bait ng mundo sa akin dahil binigyan ako ng pagkakataon na magawang magmahal nang dalawang beses sa dalawang taong napakabuti." Tumayo ako at inunat ko ang likod ko na bahagyang nananakit. Malaki na rin kasi talaga ang tiyan ko. "Binubulungan mo ba si Lord? Kayo nila Mama at Papa?"

Napangiti ako nang umihip ang hangin at yumakap sa akin. Inipit ko ang nilipad ng hangin na buhok ko sa likod ng tenga ko at tumingin ako sa langit.

"People are like flowers, Raina. They have a purpose. And sometimes when they reached the end of their journey, they wither away. That doesn't mean that the memory of their beauty should only cause pain to those who still remember. It's a reminder of a celebration, of a special occasion, of the lives they helped. They mattered and they always will because they are remembered."

Minsan siguro sa buhay may dadating na tao sa atin na magpapabago ng lahat. We could love a lot of people in our lifetime and even if we lose them it doesn't mean that what we felt was invalid. Na hindi totoo dahil lang wala na sila sa buhay natin.

Hindi naman kailangan naririnig ang pagmamahal. Pagmamahal pa rin na matatawag kahit tahimik lang tayong umiibig.

"I don't cry anymore when the petals fall. Because I'm still here...and I will always remember." I whispered to the wind.

Our heart is big enough to love. Maraming klase ng pagmamahal. Pero ang pinakamahalaga ay maramdaman mo iyon sa puso mo. What I had with Comet were just small parts of my life but still they have a big significant to who I am now.

There's a lot of what ifs. A lot of maybes. Sana may nagawa pa ako. Sana may nasabi ako. Sana nabigyan kami ng pagkakataon. Sana ako na lang ang naging kaniya. Madaming sana na imposible na. But if there's one thing I'm sure of is that I don't regret giving a part of my heart to him. 

"Thank you, Comet."

END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top