Chapter 27: Ask

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

AIERE'S POV

Hindi mapuknat ang mga mata ko sa pagkakatitig sa banda na nasa harapan ko. Kahit na paulit-ulit na ang tinutugtog nila at malapit na rin akong mawalan ng pandinig dahil sa lakas ng musika na nililikha nila ay wala akong balak umalis sa kinauupuan ko.

"Gusto na talaga kitang kurutin minsan. Titignan ko lang kung ikaw pa rin ang Aiere na kilala ko na mangangalmot."

Labag man sa loob ay inalis ko ang mga mata ko sa banda na patuloy sa pag e-ensayo. O mas tamang sabihin ay sa partikular na miyembro nila. I mean, come on? Sino bang matinong babae ang hindi mahahalinang tignan si Archer na kahit pawis na pawis ay parang mas lalo lang nakadagdag sa kagwapuhan niya. And of course the hotness. Never forget his hotness.

"Kakalmutin pa rin kita." naniningkit ang mga matang sabi ko kay Hera. Nakaupo siya sa sahig at nanginginain ng chips na dala ng manager ng Royalty na si Locke.

"Parang hindi ako naniniwala. I think you got your claws fixed."

Inangat ko ang isa kong kamay at inamba ko sa kaniya ang mga kuko ko. "Sinong may sabi?"

"Love made you soft."

Nagkibit-balikat ako. Kahit ano pang isipin niya o ng ibang tao wala akong pakielam. Life is too short to dwell on stupid things. Kung sa tingin nila I'm mellow because of Archer then maybe I am. If loving him made me like that so what?

Ang pagbabago na nakikita nila sa akin ay dahil sa wala na akong dinadala na mabigat sa puso ko. I'm happy with my life and I'm moving on from the past. Iyon lang ang nabago sa akin. Iyon lang ang nabago ng pag-ibig sa akin.

"Wag kang ano diyan, Hera. Ang tawag diyan love glow. Hindi ibig sabihin no'n hindi ka na kayang itapon sa Taal volcano ni Aiere." singit ni Den sa usapan. Nakadikwatrong nakaupo siya sa isang panig ng sofa na kinauupuan ko rin. Katulad ko ay busy din siya sa panonood sa Royalty. Or specifically, sa asawa niya na si Rushmore. "Tignan mo 'yang si Freezale. Mukha bang nag mellow 'yan?"

Sabay-sabay na lumingon kami kay Freezale na nakatutok ang mga mata sa laptop niya at mabilis na tumitipa. Hindi katulad namin ay nandoon lang ang atensyon niya at hindi sa asawa niya. "Wag niyo akong idamay diyan sa kalokohan niyo."

"See?" sabi ni Den kay Hera. "Glowing din ang ateng pero hindi nabawasan ang katarayan."

Sumimangot ang babae at humalukipkip. Inangat niya ang cellphone niya para tignan ang repleksyon niya bago nagdadabog na muling binaba 'yon. "Bakit ako hindi nag go-glow?"

"Ibig sabihin wala ka pa sa stage na narating na namin." sagot sa kaniya ni Den na puno ng laman ang sinabi at tumingin sa akin para kumindat.

Pinigilan kong mapangiti. Dahil kung noon niya sinabi iyon malamang ay hindi ko maintindihan. But now I know what she meant.

There are a lot of external and internal factors that would try to take you away from someone that will change your world. Gano'n ang nangyari sa amin ni Archer. My issues and his affected the progress of our relationship. Parang inilagay kami sa isang bangka at pinaanod sa rumaragasang ilog. Tumama kami sa kung saan-saan, nasaktan, nasugatan, ilang beses kaming muntik bumitaw, at hanggang sa tuluyang nahulog. But we both managed to get back up on the boat and continued rowing our way out. Ngayon ay kalmado na ang dating rumagasang ilog na kinaroroonan namin at malapit na naming makita ang dulo ng paglalakbay namin.

"It can also mean that you're not getting some." Freezale said in her calm and collected voice. "Which I hate to think about because it involves my brother."

Natameme si Hera at itinikom niya ang bibig niya. Hindi pa naman kasi sila umaamin ni Thunder. Though they are making it obvious ay hindi rin naman nila inaamin kung ano ang meron sa kanila. Hera implied to me a couple of times the score between them but I can't really be exactly sure.

"What?" tanong ni Freezale na nilingon si Hera. "Hindi ba? Wala mang nagtatangka na magtanong pero alam naman na naming lahat. Hindi ibig sabihin no'n hindi nag-uusap ang mga agent."

"Ang daldal mo Freezale." imbis na sumagot ay sabi ng babae. "Balik ka na lang ulit sa pagiging yelo mo, please?"

Umangat ang gilid ng labi ni Freezale at pagkatapos ay isinarado ang laptop niya kasalungan sa sinabi ni Hera. "Ayoko. Kasalanan niyo kung bakit nandito ako."

"Hindi kita inimbitahan no. Si Aiere lang." nakasimangot na sabi ni Hera. "Si Den nauna pa samin dito dahil hindi naman pinalalagpas niyan na pagnasaan ang asawa niya."

Tumango si Den at nag thumbs up. "True."

"Kasalanan niyo na nainggit ang asawa ko na nandito lahat ang "significant others", his words not mine, of his band mates."

Pinagmasdan ko si Hera. Kaugali niya kasi talaga ang best friend niya na si Athena. Parehas silang mapaglihim. But I don't think Hera wants to hide the truth between him and my cousin. Pakiramdam ko gustong-gusto niya na iyong isigaw sa mundo. Iyon nga lang parang may pumipigil sa kaniya na gawin iyon.

I know she's in the middle of a lot of things that are slowly pinning her down. Alam ko dahil pinagdaanan ko na rin iyon. Iyong mga panahon na pakiramdam ko gusto ko ipagsigawan sa lahat ang nararamdaman ko. Lahat ng sakit. Lahat ng pagmamahal. Lahat. Pero mahirap dahil walang kasiguraduan.

Nandoon siya sa sitwasyon na ang hirap humingi ng tulong sa iba dahil pakiramdam niya ay hindi siya maiintindihan. It's a world full of confusion and no one can help her beside herself. Dahil sa pagkakataon na ito ay siya lang mismo ang makakaresolba ng kaguluhan na nararamdaman niya. And when she's done taking it all in, she'll reach the point where she will ask for someone's help. O kahit maghanap man lang ng taong makikinig sa kaniya.

Pero sa ngayon sa tingin ko ay wala pa siya sa oras na 'yon. Kaya alam ko rin na hindi niya alam sa sarili niya kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman at isipin.

"May glow din naman ako." sabi ko dahilan para mapatingin sa akin ang mga kasama ko. "At ang tagal na simula ng huling may mangyari sa amin ni Archer. We do make out but he keeps on pulling away when things gets heavy."

"Hala bakit?" nagtatakang tanong ni Den.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko din alam."

"Baka ayaw niya lang pagurin ang sarili niya. He got shot on the chest after all." sabi ni Freezale.

Palihim na nginitian ko si Hera na mataman na nakatingin sa akin bago ako bumaling sa iba pa naming mga kasama at sumagot. "Maybe."

"Hello? Magaling na 'yan no. Sinong lalaki ang iiwas sa sex? Let me tell you who." sabi ni Den na ibinitin pa ang sasabihin niya. "No one!"

Ako naman ngayon ang tila nababagabag sa mga sinasabi nila. It's been nagging at me for quite awhile. Ayokong ma-pressure si Archer kaya hindi rin ako nagtatanong. At saka hindi madaling buksan ang usapin na iyon. I'm still a woman and I still have my pride.

"Do you think he's pulling away from me?" I whispered, fear lacing my voice.

"Of course not." mabilis na sabi ni Hera bago pa makapagsalita ang kahit na sino sa dalawa. "Sa mga pinagdaanan niyo sa tingin mo magpapakatanga ng gano'n si Archer? I don't think so. Maybe he wants to take it slow."

"We're never slow."

"Then you need slow. Masyadong mabilis ang mga nangyari sa inyo. You both need some normality."

"Maybe."

Siguro nga tama si Hera. Ang dami naman kasing nangyari sa pagitan namin. Ang dami naming natuklasan sa isa't-isa. Siguro nga kailangan lang namin ng sense of stability. Dahil parehong nayanig ang mga mundo namin sa mga naging kaganapan.

"May paraan naman para malaman mo."

Kunot ang noo na tinignan ko si Hera. "Ano?"

"Just ask."

Napabuntong-hininga ako. "Hera hindi gano'n kadali 'yon."

"Of course it is." she said. "If you don't want to keep on wondering about the feelings of a person then just ask. If he's man enough then he will tell you why and won't keep you guessing."

Tila dumadagundong na ang puso ko sa dibdib ko. Hindi na ako magtataka kung maririnig nila iyon. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang niyayakap na ako ng takot na naipon ko dahil sa kakaisip sa nangyayari sa amin ni Archer.

We're happy, yes. Pero pakiramdam ko may kulang. It feels like he's hesitant towards me.

Alam kong mahal niya ako. Alam ko iyon. Pero sapat ba iyon para manatili siya sa akin?

Sapat na ba iyon para sa kaniya?








MARAHANG idinampi ko ang brush sa mukha ko para matanggal ang ilang excess ng powdered make-up na bumagsak sa ilalim ng mga mata ko. I checked myself out on the mirror and when I was satisfied by what I saw, I reached for my my setting mist and sprayed it on my face.

Napatingin ako sa likod ng repleksyon ko at napangiti ako nang makita ko roon si Archer na amuse na amuse sa panonood sa akin. Nang makita niyang tapos na ako ay tumayo siya at lumapit sa akin. May kinuha siya sa drawer sa tabi ko at sa pagtataka ko ay may nilabas siya na kahon mula roon.

May kung anong sumipa sa puso ko nang makita ko ang maliit na kahita pero bago pa ako makapagsalita ay binuksan na niya iyon. Tumambad sa mga mata ko ang pares ng hikaw na ang isa ay korteng buwan na may nakalawit na bituin habang ang isa ay bilog lang na korteng planeta.

"It's beautiful." I whispered and looked up at him.

If I'm being honest, I was expecting a different thing. But maybe Hera's right. Masyado kaming mabilis. We need to slow down.

Nakangiting pumunta siya sa likod at hinawi niya ang buhok ko para magawa niyang ikabit ang hikaw sa akin. Mabilis niya iyong naikabit at pagkatapos ay hinawi niya ang buhok ko sa kanan. He gently trailed his fingers to the upper part of my ear down to its base. Nagtama ang mga mata namin sa repleksyon ng salamin at nangniningning ang mga matang yumuko siya para bigyan ng magaang halik ang balikat ko.

"Perfect." he whispered. Akmang tatalikod na siya pero mabilis na nahawakan ko ang kamay niya. Nagtatakang nagbaba siya ng tingin sa akin. "What is it, babe?"

"We're okay right?"

I can hear the fear in my own voice. I can't help it. Ayoko siyang mawala sa akin. I don't know how I can make it through if he will.

Pinisil niya ang kamay ko at tumango siya. "We're okay."

"You'll tell me if we're not, right? Para mapaghandaan ko. Para hindi masyadong masakit. Para kaya pa kitang ilaban."

Kumunot ang noo niya at inilalayan niya ako para tumayo. I bit down on my lower lip and looked down but he just nudge my chin gently with his fingers so i can look at him. "Do you trust me?"

"I trust you, Archer. I really do." I whispered. "Pero hindi mo maaalis sa akin na matakot. Laging nangyayari 'to sa akin. One moment I'm happy then the next I'll just find my heart shattered into pieces."

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko habang mataman akong tinititigan. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa mga mata niya. He's just looking at me as if he's contemplating. "You will never lose me, Aiere."

Inangat ko ang kamay ko at inilapat ko iyon sa tapat ng puso niya. "Akin lang 'to?"

"Sa'yo lang."

Pagkasabi n'yon ay bumaba ang mga labi niya at idinampi niya iyon sa akin. It was just a quick kiss but I felt his sincerity though it. Nang maghiwalay kami ay marahang pinaglandas niya ang kamay niya sa likod ko.

"Let's go?" he asked.

Tumango ako at iginaya niya na ako palabas ng kwarto. Tumuloy kami sa labas ng villa kung saan nakaparada na ang sasakyan niya sa labas.

Ilang sandali lang ay tinatahak na namin ang daan papunta sa Paige's. It is BHO CAMP's state of the art bar that is seated on the highest part of BHO CAMP. Nilagay iyon doon para maiwasang maistorbo ang mga guest na nasa ibaba at namamahinga na.

Nang makarating doon ay sandaling naghanap muna kami ng parking dahil marami ng mga sasakyan na nakaparada ro'n. Malamang ay sa mga agent na pumuporma at ayaw sumakay sa golf carts na nagkalat naman sa BHO CAMP. It's the usual transport of the guests. Para nga naman pwede silang magpakalasing ng hindi kinakailangan mangamba para sa kaligtasan nila. Kahit naman kasi malapit lang ang distansiya ng mga lugar sa BHO CAMP ay hindi ibig sabihin no'n ay maiiwasan na ang aksidente. Lalo na at mapuno sa lugar namin.

After a few minutes, Archer found a parking spot. Nang maayos niya na ang pagkakaparada no'n ay bumaba na siya ng sasakyan at umikot sa gawi ko para pagbuksan ako ng pintuan. Nang makababa ako ay isinarado niya ang pintuan para sa akin at pagkatapos ay pinalibot niya ang isa niyang braso para kahit paano ay hindi ako balutin ng lamig.

"You should have brought a sweater."

I rolled my eyes at him. "Hello? Pupunta tayo sa bar."

"Ano naman?" tanong niya rin. "Dapat pala dinala ko ang hoodie natin."

Hindi ko napigilan ang ngiti na sumilay sa mga labi ko. Nakatago kasi ang hoodie na iyon sa kabinet niya at bukod tanging kaswal na damit na naka hanger pa at katabi ng mga polo niya. That hoodie is special. Kahit pa na maraming katulad iyon dahil merch 'yon ng Royalty.

"We're going to a bar. Everyone's on a dressed up mood." I said to him and pointed at the people walking towards the bar like us.

"I can see that."

Nag-angat ako ng tingin at napailing na lang ako nang makita kong nakatingin siya sa likod ko. O mas tamang sabihin, ang kawalan ng likod ng damit ko.

It's a simple little black dress. Konserbatibo ang tabas no'n sa harap. Pero hapit na hapit iyon sa katawan ko at may manipis na chain straps lang na nag-uugnay sa bandang gitna ng likod ko. Business on the front, party on the back.

Archer gently pushed me towards the entrance, probably worrying that I'm getting cold. Fast and loud music greeted me and I secretly smiled to myself. Parang kailan lang lagi kaming nakatambay dito ng kapatid ko.

We usually just people watch. Nakakatuwa kasing panoodin ang mga agent na kung ano-ano ang pinaggawa kapag mga lasing na sila. Though sometimes, my brother and I did join the fun. My brother looked for his own conquests while I flirted with some guys. Pero kada matatapos ang gabi ay sinisigurado naming magkapatid na uuwi kaming mag-isa. Mahirap kasing gumawa ng mga desisyon kapag may influence ng alak.

"Archer!"

May kung anong tila lamig na dumaloy sa dugo ko sa narinig kong tumawag kay Archer. Boses iyon ng babae. It was not familiar to me but it sounded like a voice that any girlfriend would hate. Shrill, high, too girly, and with tons of familiarity that I certainly don't like.

Blangko ang mga mata na nag angat ako ng tingin kay Archer na alanganin na ang ngiti nang makita ang reaksyon ko. Bago pa ako makahuma ay nahiwalay ako sa lalaki dahil animo ipo-ipo na dumaan ang babae dahilan para mabangga ako.

Kumuyom ang mga kamay ko nang makita ko ang babae na humalik sa pisngi ng lalaki bilang pagbati. Bahagyang umatras si Archer pero sumunod lang ang babae at nakangiting iniangat ang kamay at pinatong sa dibdib niya.

It was like what I did with Archer earlier. Ang pagkakaiba lang ay nagtataas-baba ang kamay niya sa paraan na malayo sa nangyari sa pagitan namin ng lalaki.

Hinuli ni Archer ang kamay ng babae at muling umatras. He smiled uncomfortably at the woman. "Sheridan."

"Omg ka, Archie. I told you to call me Sheri. Masyadong formal ang Sheridan." sabi ng babae na sinundan pa ng paghagikhik. "After a night of fun, siguro namin lagpas na tayo sa pagiging formal with each other."

Ipinikit ko ang mga mata ko. Alam ko ang nakaraan niya dahil hindi iisang beses na nakita ko siya na may kasamang babae noon. He's part of a band, he's popular, he's handsome, and he's rich. Alam ko iyon.

Hindi ko lang gusto na isampal pa sa akin.

"Do you want to go somewhere? Naiinip na rin ako eh." she asked and then she seductively ran her fingers on Archer's chest.

"Sheridan, listen-"

"Sheri."

"Sheridan." giit ni Archer. "I'm with someone."

Mukahang no'n lang napansin ng babae ang presensiya ko dahil sa unang pagkakataon ay tinapunan niya ako ng atensyon. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pagkaraan ay ngumiti siya na para bang hindi mang lang nangamba.

"Hi." she said then she turned to Archer. "She can go with us if you want."

Huminga ako ng malalim pero kahit iyon ay hindi nakatulong sa nararamdaman ko. Calm down, Aiere. Calm down.

"Sheridan, no."

"Okay." umangat ang kamay ng babae at ikinawit niya iyon sa leeg ni Archer. "Tayo na lang."

Fuck calm. I don't want to be calm. I crossed the short distance between us and I grab the woman's wrist tightly. Imbis na isalya iyon ay hinigpitan ko lang ang pagkakahawak sa kaniya at hinila ko siya hanggang magkaroon na sila ng distansiya ni Archer.

"Aray! What do you think you're doing?!" she shrieked.

"Inilalayo ka sa taong akin lang." sagot ko sa kalmadong boses. "Masyado bang makapal ang pagkaka-apply mo ng make-up na naging manhid ka na?"

"Girl, if you want to share him then just say so. It's not like it will be the first time."

"Sheridan, I don't think it's wise to rile Aiere." Archer warned.

I'm not angry at Archer. Wala naman kaming relasyon nang mga panahong iyon. I was even probably dating someone else at that time. But I am irritated with this woman.

Masyado ng magulo ang mundo para dumagdag pa ang mga babae na nagiging problema ng kapwa nila mga babae. Generations of women already handled so much. Hindi na kailangan na kapwa babae pa ang maging sanhi ng problema sa iba pa.

"Wala akong pakielam sa kung anong namagitan sa inyo. That's all in the past. If you want to stay in the past and reminisce on the memories you had with him then go ahead. But his present and his future is mine. Swerte ka dahil may alaala ka na kasama siya dahil 'yan lang ang pwedeng maging iyo."

"How dare you?" she asked in disbelief. "Sino ka ba?"

Binitawan ko siya. Kunot-noong tinignan ko si Archer. "Toto ba 'tong taong 'to?"

"Aiere." he said with a sigh before he turned to the woman. Hawak ng babae ang nasaktang kamay. "Aiere's my girlfriend."

"Hindi ka nagkaka-girlfriend."

"I have one now."

The woman rolled her eyes. She looked at me briefly then she turned to Archer again. "I give it a month. Kapag natapos ang experiment mo, you know how to contact me."

Napasinghap ako at hindi makapaniwalang tinignan ko ang babae. How dare she say that in front of me? Gan'to na ba talaga ang mga tao ngayon? Akala ko sa mga libro at palabas lang ako makakaengkwentro ng ganito.

Dahil nakatingin ang babae kay Archer ay hindi na niya nakita ang paglapit ko. Archer's eyes widened before he looked at the ceiling, probably praying that I won't send this woman to a hospital. Of course I won't. Not quite.

Napairit ang babae nang magawa kong makalapit sa kaniya at marahas na hinatak ko ang kwelyo ng damit niya. Hinigpitan ko iyon dahilan para maipit ang leeg niya sa kamay ko at sa dami niyang malamang ay sumasakal na sa kaniya.

"I-I can't...breathe..." she gasped.

"Listen to me very well because I will make this quick. Because if you won't listen then this will take longer and it will probably mean that you will lose air."

"L-Let go..."

"Hindi ka lalapit kay Archer. Hindi ka magtetext. Hindi ka tatawag. At hindi mo na gagawin ito ulit sa kahit na sinong babae." puno ng asido ang boses na bulong ko sa kaniya. "You will never find happiness by being awful to people. You might get the chance to sleep with a lot of handsome and rich men but that's it. They will call and you can have fun again and again but again...that's it. When the times comes that they finally have their shit together, you will not be the one they'll call. Hindi ikaw ang babaeng magiging katabi nila hanggang sa paggising nila sa umaga at sa susunod at susunod pa."

"I-I..."

"Naiintindihan mo ba?"

Sunod-sunod na tumango siya. Marahas na itinulak ko siya at binitawan dahilan para mapaatras siya habang hawak-hawak ang leeg niya.

Hindi ko na nagawang intayin kung ano man ang magiging reaksyon niya dahil hinawakan na ako sa kamay ni Archer at mabilis na hinila niya ako palayo. Tumigil kami sa naghihintay na mga kasamahan namin na mukhang kanina pa kami pinapanood dahil kaniya-kaniya sila ng tago ng kanina ay mga nakaangat nilang cellphones.

Kinuha ni Archer sa akin ang purse ko at inihagis niya iyon sa lamesa. "We'll be back."

Pagkasabi n'yon ay hinila ako ni Archer. Malalaki ang mga yabag niya at dahil mataas ang takong ko at hindi naman kasing haba ang mga binti ko katulad sa kaniya ay ilang beses akong muntik madapa. Kung hindi lang siya nakahawak sa akin ay malamang tuluyan na akong natumba.

"Archer, I can't keep up!"

Hindi siya angsalita at nagpatuloy lang sa paghila sa akin. Huminto kami sa isang pasilyo kung saan sa pagkakatanda ko ay nag le-lead sa exit papunta sa likod at sa kusina.

"Archer ano ba-"

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong nakasandal sa pader, ang mga kamay niya ay nakaharang sa magkabilang gilid ko, at tuluyan na niyang sinakop ang mga labi ko. I gasped in pleasant surprise and he didn't slow down. He thrust his tongue inside me and kissed me hungrily. It was as if he's parched and I'm the only source of water.

I answered his kisses with the same intensity that he's giving me. My hands curled on the cloth of his shirt as I clashed my tongue with his, tasting him.

His hard chest pressed on mine so close that I can feel his heat seeping through me. His kisses are the best thing that I ever tasted. I want more from him. I want him so bad.

Pero gaya ng inaasahan ay pinutol niya ang halik. Parehas na hinihingal na nagbaba ng mukha si Archer at sinubsob niya iyon sa leeg ko. I felt him gently kissed my neck. "God, I love you."

Marahang hinaplos ko ang buhok niya at bumulong ako pabalik sa kaniya. I trust him because I love him. Whatever is happening to him...I'm going to trust him.

"I love you too."


______________End of Chapter 27.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top