Chapter 26: Arrow
#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP
AIERE'S POV
Itinaas ko ang mga kamay ko na hawak ang cellphone ko at napatili ako sa inis. Pinagpapadiyak ko ang mga paa ko bago ako pabalabag na sumandal dahilan para tumama ang likod ko sa matigas na katawan ng taong nakaupo sa tabi ko. I heard a grunt followed by a chuckle.
"It's okay, babe. Mas marami pa rin ang tower natin kesa sa kanila."
"But I don't want to die! Gusto ko na maging MVP. Matatalo na nga niya ang dami ng kills ko eh!" naghihimutok na sabi ko habang hinihintay ko na ma-resurrect ang hero ko.
Hindi ko na lang kung gaano kami katagal na naglalaro ng Mobile Legends. It's a game that I just tried at nag-enjoy ako dahil mas marami siyang mga hero kesa sa dati ko na nilalaro. Kaya mula ng simulan ko siyang laruin ay talagang hindi ko tinigilan hanggang hindi ko napapataas agad ang level ko.
Muling tumutok ang mga mata ko sa cellphone nang muling mabuhay ang character ko na gamit. I'm using a support hero. Kaya nga kanina pa ako pinadidiskitahan ng iba naming mga ka-team na naririnig ko sa earphone na nakakabit sa magkabila kong tenga dahil gusto nila tangke ang gamitin ko. Anong magagawa ko kung ayokong gumamit ng tank? Eh sa hindi ko pa nabibili ang gusto kong tank hero eh!
Naririnig namin sila pero hindi nakabukas ang voice namin. Mabuti na rin iyon para hindi nila marinig kung paano ko sila insultuhin.
Halos mapaangat ang pang-upo ko sa pakikipaglaban ko habang sumusunod ang mga kamay ko sa pag-atake na ginagawa ko. Naramdaman ko na hinila ako ni Archer dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya at binalewala ko naman iyon at sumandal lang sa kaniya.
Napairit ako nang makita ko si Archer na kasama ang dalawa pa naming ka-team na pinalilibutan ng mga kalaban. Pinindot ko ang retreat button habang nagmamadaling tumakbo ako kung nasaan sila. "Retreat!"
Nanghihiklabot na napanganga ako nang makita ko sa screen na biglang umatras ang mga kasama ni Archer kung kailan malapit ng mamatay ang tatlo na kalaban. Dahil bigla silang umatras ay naiwan si Archer na unti-unti ng nagiging pula ang buhay. Ilang sandali lang ay namatay na siya habang ang mga kalaban ay inaatake na ang tore.
"Ang tanga naman ng assasin natin! Bakit hindi umatras? Greedy masyado."
Nagtagis ang mga ngipin ko at nanggigigil na binuksan ko ang speaker habang tinatakbo ko ang tore na iniwan nila. Ini-stun ko ang mga kalaban gamit ng third skill ko at pagkatapos ay pinaulanan ko sila ng atake.
"Mga wala kayong kwenta! Mga cancer!" sigaw ko. "Ang yayabang niyo! Anong utak meron kayo? Kokonti na lang ang buhay ng kalaban iniwan niyo pa? Saka kanina niyo pa iniinsulto ang pagiging support ko ah? Ang swapang niyo lahat kayo naka marksman mga gunggong samantalang mas madami ang solo kills ko sa inyo!"
Napatawa si Archer na nasa likod ko. "Babe."
"Hindi eh!" sigaw ko habang pinapatay ko na ang pangatlo sa mga kalaban na pumatay kay Archer. "Ang yayabang nitong mga 'to eh!"
"Hala babae pala." bulalas ng isa sa mga marksman.
"Oo babae ako! May reklamo ka? Kayo nga lalake eh pero mga cancer sa lipunan!"
"Tama 'yan ate. Parang ewan maglaro puro satsat naman."
Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang isa sa marksman na nagsalita. Babae din. Siya iyong gusto kong talunin sa pagiging MVP.
Nilingon ko si Archer na inuupuan ko na prenteng nakasandal lang ssa sofa kung saan nando'n kami. "Okay na akong hindi maging MVP basta itong player na ito ang manalo. Hindi 'tong mga alien nating ka-team."
"Ang harsh mo namana te." sabi ng isa sa mga kinaiinisan ko na player at tumawag na tanga kay Archer.
"Hindi kita kapatid!" sigaw ko at nakasimangot na pinatay ko na ang speaker.
Nagpatuloy ako sa paglalaro at nilayuan ko na ang mga toxic namin na member. Kay girl player at kay Archer na lang ako dumikit. Nang matiyak namin na walang kalaban ay dumiretso kami sa lord at hindi nagtagal ay agad namin napatay iyon habang mga tukmol ay busy sa pag-farm.
Five minutes later we able to infiltrate the enemy's main tower. Napahiyaw ako at itinaas ko ang mga kamay ko habang kumekembot-kembot. Ngiting-ngiti na pinindot ko ang screen at muli na namana kong napasigaw nang makita ko na ako ang MVP. Next sa highest kills iyong babae kanina at pagkatapos ay si Archer. Parehong silver lang ang dalawang tukmol namin na ka-team.
At dahil wala akong planong magpatawag, nakangising ni-report ko ang dalawa.
"You're like a warrior when you're playing this game." Archer said with a chuckle.
Ibinaba ko ang phone sa lamesa at umikot ako ng upo para mapaharap ng bahagya sa kaniya. "Ikaw nga napaglaban ko ito pa kaya."
Lumawak ang ngiti niya at natatawang sumubsob siya sa leeg ko. Nakikiliting napatawa na rin ako nang maramdaman ko na pinauulanan niya iyon ng maliliit na halik. "Uy ayoko na! Nakakahiya!"
"Sus. Ngayon pa kayo nahiya. 'Wag na. Ipagpatuloy niyo na lang 'yan, mga manhid!"
Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Archer at namataan namin si Hera na suot ang uniform ng Craige's dahil duty siya ngayon na masama ang tingin sa amin. Humalukipkip siya at pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Archer.
"FYI lang ha? Lahat ng tao pinapanood na kayo." sabi niya at itinuro ang mga BHO CAMP guest na halos sabay-sabay na nag-iwas ng tingin. "Kaya 'wag na kayong magtaka kung laman na naman kayo ng social media."
Tumingin ako kay Archer at sabay pa kami na nagkibit-balikat. Wala naman siyang sinasabi sa madla pero wala din naman siyang tinatanggi. Hinahayaan na lang namin ang fans nila ang mag-isip kung ano ba talaga ang papel ko sa buhay ni Archer.
"Nanggigigil talaga ako." nakasimangot na sabi ni Hera.
Natatawang sumandal ako kay Archer dahilan para lalong naningkit ang mga mata ng babae. Kahit naman gumaganyan 'yan alam ko naman na masaya rin siya para sa akin. Sa amin. She didn't even mind taking a hit because of us. Bukod kasi sa amin ni Archer ay na-injured din siya noong inaasikaso pa namin ang mission kay Archer. Kaya naman nakuha si Archer ay dahil inuna ng mga tauhan ni Christopher Chase si Hera. She was really bleeding a lot that time. Mabuti na lang at naitakbo siya ng pinsan ko sa ospital agad.
She even said sorry because she failed but to be honest we're all just glad that she's okay. Hindi ko alam kung anong gagawin namin kapag nasaktan siya ng lubha. Lalo na ang magiging reaksyon ni Thunder.
A junior agent said that when my cousin brought Hera at the hospital, it was like a scene out of a movie. Malapit na rin talaga sila. Ramdam na ramdam ko na. Kaunting untog pa sa ulo ni Thunder mahihimasmasan din iyon.
"Ano na naman?" tanong ko.
"Masyado kang masaya. Masyado kang blooming. Masyado kayong in love! Ayoko na sa Earth!" malakas na sabi niya at pagkatapos ay nagmamartsang umalis na.
"Hoy sa'n ka pupunta?!"
"Sa ibang planeta!"
Tinawanan ko lang siya at nag-angat ako ng tingin kay Archer na nagbaba naman ng mga mata sa akin. Kinintalan niya ng magaang halik ang noo ko na nasa ibaba niya lang dahilan para lumawak ang ngiti ko.
I heard a loud noise followed by a hurried footsteps but I just continued looking at Archer. Pakiramdam ko nalulunod ako sa mga mata niya. Kahit na lagi kaming magkasama pakiramdam ko hindi ko magawang magsawa na tignan siya. Pakiramdam ko ang ikli-ikli pa lang ng mga pagkakataon na nagkakasama kami.
Gano'n siguro kapag mahal mo. Pakiramdam mo ang ikli ng oras kahit sa paligid niyo ay mabilis na tumatakbo ang relos ng mundo.
It's been a month since the incident. Isang buwan kung saan hindi ako humiwalay sa kaniya at hinintay ko na tuluyan na siyang gumaling. Alam ko na aware ang pamilya ko na sa villa na ako ni Archer tumutuloy nang lumabas siya ng ospital pero wala silang sinabi. Dahil alam kong nauunawan nila ako. Alam nila kung gaano kahirap para sa akin ng akala ko mawawala na siya sa'kin.
Walang nagtanong. Wala kaming salita na narinig. Pero nakikita ko na masaya sila para sa amin.
Masaya ako para sa amin.
Mas naging open kami ni Archer sa isa't-isa. Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nangyari mula ng mangyari ang gabi na iyon kung saan nadakip kami ng ama niya. Inamin ko sa kaniya na dapat ako lang ang makukuha ng ama niya. Planado na namin na ako ang magiging pain. He didn't like that but he tried to understand why I did that.
I explained to him everything at sinabi niya rin sa akin ang mga nangyari. He said he knew that his father will soon get to him. He was waiting for it to happen. I didn't like that too but like he did pinili ko na mas intindihin siya.
"Aiere Roqas."
Mabilis na nagpadulas ako pababa dahilan para malakas na bumagsak ako sa sofa nang marinig ko ang pamilyar na boses ng kapatid ko. Naniningkit ang mga matang nagpapalit-palit ang tingin samin ni kuya.
"Anong ginagawa mo rito kuya Fiere?" tanong ko.
Nawala ang balak niyang pagsusuplado at bumuntong-hininga siya. "Hinahanap ang asawa ko. Dito daw tumakbo eh. She said she needed Hera."
"Nag-away kayo? Hala bago pa lang kayong mag-asawa nagtatalo na kayo. Luh. Wala talang forever." Natigilan ako sa sinabi ko at nilingon ko si Archer na nangingiti lang. "Exemption tayo. Walang titibag bro."
Inumang ko pa sa kaniya ang kamao ko na natatawang idinikit niya rin sa sariling kamao. Kahit gaano talaga ako ka-corny pinapatulan pa rin niya talaga ako.
Lumulutang sa kasiyahan na nilingon ko ang kuya ko na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha sa pagkakatingin sa amin. Kaparehas na kaparehas ng reaksyon ni Hera kanina. Ganto siguro ako sa kanilang mga in love noon. Kung sabagay kung iisipin pakiramdam ko noon magkaka-allergy reaction ako sa sobrang cringey ng mga taong napana na ni kupido. And I've been shot by an archer's arrow. Woo!
"Hello? Earth to my sister?" my brother said as he clapped his hands in front of me.
Kumurap ako at ngumiti. "Ano ulit 'yung tanong mo kuya?"
"Nakita mo ba ang asawa ko?"
"Feeling ko...hindi ko siya nakita." Nang akmang tatalikod na siya papunta sa pintuan palabas sa Craige's ay nagsalita ulit ako. "Pero alam ko kung nasaan si Hera."
"Where is she?"
"Bakit muna kayo nag-away ni Athena?"
Binigyan niya ako ng matalim na tingin. "Hindi kami nag-away. Basta kanina nilalambing ko siya kasi gusto kong-"
"Next!" sigaw ko. Wala akong balak marinig kung anong gusto niya at naglalambing siya sa asawa niya. For pete's sake we're close but he's my brother.
"Gusto kong mamasyal kami kasama si Ainsley. Pero ayon sinungitan ako tas pinagsarahan ako ng pintuan ng banyo. Ang tagal niya do'n tas paglabas niya bigla niyang hinanap si Hera." pagpapatuloy niya na parang walang narinig. "Is this a girls' thing? Pag ba malapit na ang dalaw kailangan ng support ng best friend?"
I wrinkled my nose. "Of course not."
Bumuntong-hininga ulit ang kapatid ko. "Nasaan na ba si Hera?"
Tinuro ko ang kusina at akmang maglalakad na sana siya papunta do'n pero napahinto siya at nilingon kami ni Archer. Naningkit ulit ang mga mata niya at pagkatapos ay tinuro niya ang lalaking katabi ko. "Pag sinaktan mo ulit ang kapatid ko..."
Tinaasan ko ng kilay si kuya. Malamang sa hindi nag-iisip siya ng magandang banta na hindi magtutunog insensitive considering ang pinagdaanan ni Archer.
"Pag sinaktan mo ulit ang kapatid ko hindi na kita bati."
Napanganga ako nang pagkasabi niya no'n ay nagmamadaling pumasok na siya ng kusina. Nakangiwing nilingon ko si Archer. "Pagpasensyahan mo na. Medyo weird ang pamilya ko."
He put his arms around me and he nuzzled my neck again. "Okay lang. Ang Papa mo nga tinatawagan ako every Saturday para sabihan ako na kapag pinaiyak kita gagastusin niya raw ang kayamanan niyo para i-boycott ang Royalty."
"What?" I whispered while my face is in a state of shock.
"It's okay, babe. I love your family. They're cool and supportive and they love you."
Napatigil ako dahil alam kong naaalala niya ang sarili niyang pamilya. Hindi niya binabanggit ang tungkol sa tatay niya pero ilang beses na niyang binisita ang ina niya na ngayon ay tumutuloy na sa bahay na pag-aari ng grandparents niya na namayapa na. She's receiving the right care and treatment there. Both physical and mental.
Sabi niya okay naman daw sila. Hindi nga lang agad-agad na magiging ayos ang relasyon sa pagitan nila dahil hindi naman madaling gawin iyon. But they're both trying.
"Mahal din naman kita." sabi ko.
Bumadha ang pagkagulat sa mga mata ni Archer sa bigla kong deklarasyon na napalitan naman kaagad ng kasiyahan. He brushed my hair with his fingers and gently played with it. "I love you too, baby."
It's easy for him to say those words now. Nakakatuwang isipin na parang kailan lang ay hindi pa niya magawang maamin iyon sa sarili niya.
Napapitlag ako at napatingin sa pintuan ng kusina nang bumalibag pabukas iyon. Napatayo ako ng makita ko ang kapatid ko na tulalang naglalakad palabas habang si Athena naman ay mugto ang mga mata habang nakayakap sa bewang ni Hera na umiiyak na rin.
"Hala anong nangyari sa inyo?" gulat na gulat na tanong ko. Nag-aalalang sinalubong ko si kuya na tulala pa rin. "Athena anong ginawa mo sa kapatid ko? 'Wag mong sabihin na nakikipaghiwalay ka dahil kaya kong i-recite ngayon lahat ng pinagdaanan niyo para magbago ang isip mo."
"O-Of course not! Kahit mag end of the world at ang pakikipaghiwalay kay Fiere ang natatanging solusyon para masalba ang mundo hindi ako makikipaghiwalay sa kapatid mo!" atungal ng babae.
"Bakit mo ako sinisigawan?!"
Akmang makikipagtalo pa ang babae nang sa pagkagulat ko ay natabig ako ni kuya. Naramdaman ko ang mabilis na pag-alalay sa akin ng mga kamay ni Archer pero kaagad din iyong nawala na parang napaso ang lalaki. "Anong-"
Malakas na napatili ako nang paglingon ko ay nakita kong magkalapat na ang mga labi ng kapatid ko at ni Archer. Mabilis na pumagitan ako sa kanila at itinulak ko ang sarili kong kapatid. "Anong ginagawa mo kuya?!"
Hinataw ko siya sa braso na nakapagpatalon sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin sa akin sa pagkagulat. "Bakit ka nanakit diyan?"
"Adik ka kuya? Hinalikan mo lang naman ang boyfriend ko! May asawa ka na kaya wag mong agawin ang sa akin! Hindi na kita bati!"
Ipinilig ni kuya ang ulo niya. Alam ko namang naaalala niya kaya lang talagang mukhang wala siya katinuan. "H-Hindi kita inaagawan!"
"Anong hindi?! Kanina hinahanap mo si Athena tas pag labas mo para kang zombie-" natigilan ako sa pagsasalita. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Athena na napabunghalit na naman ng iyak. "Buntis ka?!"
"Oo!"
"Hala!"
"I cannot magiging ninang na naman ako!" sigaw naman ni Hera.
"Pwe! Pare kadiri ka!" angal ni Archer.
"Hoy ang ingay niyo! Nakakaistorbo kayo sa mga guest!"
"Pakielam mo ba?!" sabay-sabay na sigaw namin sa bagong nagsalita.
Lahat din kami natigilan nang maisip namin kung kaninong boses ang sumaway sa amin at tila nasa horror movie na lumingon kami sa likod namin. Alam kong pare-pareho ang ekspresyon sa mga mukha namin nang makita namin doon si Dawn na ngayon ay madilim na ang anyo na nakatingin sa amin at sa tabi naman niya ay nagyeyelong tingin ang ibinabato sa amin ni Freezale.
Dawn stepped forward and looked at each of us. Hindi pa siya nakuntento at iniangat niya ang kamay niya at itinuro kami isa-isa.
"Lahat kayo sumunod sa'kin."
PAKIRAMDAM ko mawawalan na ako ng ulirat sa pagod at sa sobrang init. Ang tindi ng sikat ng araw at kahit pa sabihin na nasa Tagaytay kami ay hindi ibig sabihin no'n immune sa init ang lugar na 'to. The sun is still blazing hot.
Nahahapong humiga ako sa damuhan at itinakip ko ang braso ko para maprotektahan ako mula sa araw. Ilang sandali lang ay naramdaman kong may tumabi sa kaliwa ko at sa kanan. Then I heard another grunt.
Inalis ko ang braso ko at namataan ko si Archer na pagod na nasa kaliwa ko habang sa kanan naman ay nandoon si kuya. Si Hera naman ay nasa tabi ng kapatid ko at nakaupo pero nakasubsob sa mga tuhod niya.
"Bakit ba ang laki nitong swimming pool niyo?" hinihingal na sabi ni Archer.
"Bakit pa kamo may pool dito? Dapat wala na 'to eh para hindi nagdudusa ang mga napaparusahan ni Dawn." sabi ko.
Pinalis lang naman kasi sa amin ni Dawn ang napakalaking pool dito sa headquarters. Una pinasungkit niya lang sa amina ng gma tuyong dahon na nasa pool. Akala naman iyon lang kaya tatawa-tawa pa kami pero ang siste eh pinahirapan lang kami ni Dawn dahil ipapadrain niya rin sa amin ang tubig at pagkatapos ay pinascrub.
Sanay akong maglinis ng pool dahil pinagagawa sa amin iyon ng mga magulang namin pero di hamak na maliit ang pool namin kesa dito sa pool sa BHO CAMP. Malaki kasi masyado ang mga pamilya sa BHO CAMP kaya gigantic din ang pinagawa nila.
"Ang daya ni Athena." reklamo ni Hera na nilingon ang kaibigan niya na prenteng nakaupo lang sa ilalim ng malaking payong sa tabi ng pool at umiinom ng iced tea.
"Malamang buntis eh." sabi ko.
Tumayo si Hera at nag-inat. "Makaalis na nga. Tapos na din naman tayo dito."
"Sa'n ka pupunta?"
Nginisihan niya ako. "Magpapabuntis."
Binato ko siya ng nabunot ko na damo pero binelatan niya lang ako at tumakbo sa kinaroroonan ni Athena. Nakiinom muna siya ng iced tea bago kumakaway na pumasok na sa loob ng headquarters. Tumayo na rin si Athena at lumapit sa amin at nang makarating sa tapat namin ay inilahad niya ang kamay niya sa kapatid ko na tumayo na rin naman.
"Dito lang ba kayo?" tanong ni kuya.
"Yep. Mauna na kayo. Balitaan niyo na si Ashley for sure matutuwa 'yon na magkakaro'n na siya ng kapatid." sabi ko.
Ngumiti siya at inakbayan na ang asawa niya. Pero bago sila makalayo ay tinawag ko ulit ang kapatid ko na lumingon naman ulit sa akin. "Ano?"
Ang dami na nilang pinagdaanan ni Athena. Alam ko hindi naging madali para sa kanila. Matagal nilang itinago sa isa't-isa ang nararamdaman nila dahil sa parte ni Athena, natakot siya na ang sikreto niya ang maging dahilan para mawala si kuya. Ang kapatid ko naman ay natakot na pag minadali niya ang babae ay mawala ito sa kaniya. He was also so busy taking care of me. Kaya deserve nila 'to. Deserve nila na maging masaya sa piling ng minamahal nila. "I'm happy for you both. Love you, kuya."
Sandaling natigilan siya bago muling ngumiti. "Love you back."
Itinakip ko ulit ang braso ko sa mukha ko habang prenteng nakahiga sa damuhan. Pero sandali pa lang akong namamahinga ro'n ay naramdaman ko ang pag-upo ni Archer na nasa tabi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan ko siya.
Nakangiting hinila niya ako para mapaupo at sa pagkagulat ko ay hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt ko at hinila niya iyon pataas. "Archer! What are you doing?"
"Nag e-enjoy sila kaya dapat mag enjoy din tayo."
Pakiramdam ko namula ako mula ulo hanggang paa sa sinabi niya. Since the incident, kahit pa na lagi kaming magkasama ay wala na kaming iba pang ginagawa na...activities. We do kiss and make out but he always make sure to stop when things are getting serious.
Napanganga ako nang walang salitang hinubad niya rin ang sariling pang-itaas. Because of his sweat and the scorching rays of the sun, his body looks like it's glistening. Yum. Ulam na ulam. Parang gusto kong manguyapit sa katawan niya at hindi na kumawala.
Bago pa lumalim ang pangmamaniyak ko sa kaniya sa utak ko ay hinila na niya ako patayo. Sa pagkagulat ko ay dumukwang siya at pagkatapos ay binuhat ako. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung ano ang binabalak niya. "Archer, don't you even dare-"
Napairit ako nang bigla na lang niya akong itinapon na para bang wala lang ang bigat ko. My body hit the water with a loud sound followed by Archer's exuberant exclamation when he too jumped in the water.
Nakasimangot na hinawi ko ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko at binigyan ko ng masamang tingin ang tatawa-tawang lalaki. Akala ko pa naman.
"What?" he asked.
"Ewan ko sa'yo! Hindi kita bati!"
Lumapit siya sa akin at akmang iiwas ako pero kaagad niya akong naharangan. Hinila niya ako palapit sa kaniya at pagkatapos ay naramdaman kong humawak ang mga kamay niya sa magkabila kong hita para iangat ako. I instinctively wrapped my legs around his waist and my arms around his neck.
"Hindi tayo bati?" tanong niya.
Nakasimangot pa rin na sumagot ako. "Hindi."
Kinintilan niya ako ng magaang halik sa noo. "Hindi?"
"No." I said with a pout.
Muli niya akong hinalikan pero sa pagkakataon na ito ay sa tungki naman iyon ng ilong ko. "Hindi pa rin?"
"No-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sakupin ang mga labi ko. I felt him gently nip my lower lip, earning a gasp from me. The moment my lips opened, he thrust his tongue inside my mouth and played with mine.
It was not a gentle kiss. It wasn't steamy nor hot. It was scorching. I can feel my body being engulfed by the fire that his kisses are giving me. I was drowning with his expert lips but I didn't mind. This is the kind of drowning that I'm willing to bury myself into.
Mahinang pag-ungol ang kumawala sa bibig ko nang putulin niya ang halik. Nangniningning ang mga mata niya nang muli siyang magsalita. His voice rough with unmistakable desire. "Bati na tayo?"
"If you kiss me again then yes."
And he did.
Over and over again.
___________________End of Chapter 26.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top