Chapter 23: Chase

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP
A/N: This upcoming March 30, 2019 may gaganaping booksigning sa Grand Fans' Day ng Precious Pages Corporation. 1pm-6pm sa Precious Pages New Building (JRich Building) #16 Sto. Domingo Ave., Quezon City. Visit BHO CAMP page para makita ang detalye at link so you can register.
The event would launch BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant and various amazing books! Freebies would be given at the event.
See you guys and thank you! <3
AIERE'S POV
Unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko dahil na rin sa antok at init ng araw na ngayon ay tumatama sa akin nang makaramdam ako ng pagkilos sa tabi ko. I turned my head and look with my sunshades clad eyes to the person who suddenly sat on the lounger next to mine. Bahagyang napaangat ang kilay ko nang makita ko si Hera na ngayon ay inalis na ang suot niya na roba hanggang sa katulad ko ay tanging ang two piece swimsuit niya na lang ang natira.
"Himala. Mukhang hindi alcohol ang dugo mo ngayon." sabi ko sa kaniya. Ilang beses na rin kasi kaming nagkikita na kung hindi hangover siya ay lango naman siya sa alak. Pambansang party girl ng BHO CAMP.
"I needed a break. Dalawa lang kasi ang pastime ko nitong mga nakaraan. Si Thunder at alak. At dahil busy ang mokong na 'yon baka makita ko na lang ang sarili ko na ni-re-rehab ng parents ko dahil hindi rin ideal ang isa ko pang pinagkakaabalahan."
Pinaikot ko ang mga mata ko. Maniwala naman ako na iyon lang ang iniitindi niya sa dami ng mission na nakita kong nakapila sa pangalan niya. May ganoon kasing ugali si Hera. Kapag may ayaw siyang maalala na problema sa buhay niya ang gagawin niya ay hahanap siya ng pagkakaabalahan dahilan para ma-challenge siya sa bagay na 'yon. It's either she'll challenge who's stronger, the alcohol or her liver, or she'll get herself addicted on something until she excel on it. Sa pagkakataong ito ay mga misyon ang pinagdidiskitahan niya.
"Nakabalik na sila Thunder ah? Eh di may pagkakaabalahan ka na ulit ukod sa pagwawalwal mo."
"He's becoming more of a problem than a pastime."
Sumandal ako sa kinauupuan ko at itinutok ko na lang ang mga mata ko sa nagsasayawan na dahan ng mga puno na nakatunghaw sa amin. Wala akong komento sa sinabi niya dahil kahit ako ay problema rin ang kaparehas na specie ng taong tinutukoy niya.
And they say that women are complicated? Mas mahirap intindihin ang mga lalaki dahil nakatatak na ata sa kanila na kaya nila lahat ng problema na ibagsak sa kanila ng mundo at hindi sila maaaring maging mahina.
"I mean, look at me? Ano pa bang kulang sa akin at hirap na hirap siya na ibaba ang pride niya at hayaan akong manatili sa tabi niya?"
Same girl. Same. Hinayaan ko lang siya na magsalita kahit hindi ko anman alam kung anong eksakto ang tinutukoy niya. Wala naman kasi siyang inaamin at wala rin naman siyang tinatanggi. The agents know Hera well so they try not to ask. Pero siguro ako na tanging ang bestfriend niya na si Athena ang nakakaalam sa mga drama niya ngayon sa buhay at kung ano ba talagang nangyayari sa kanila ni Thunder.
"Everyone thinks we're just fucking like rabbits but we're more than that. Kahit hindi niya magawang aminin 'yon sa sarili niya. We normally just hang out. Nanonood ng movies, pinakikinggan ko ang mga bago niyang compositions, or sometimes we just laze around his room and talk about random things. It's not just about the sex. Like hello? Fuck buddies don't do what we do."
"Hindi gano'n ang iniisip namin, Hera." sabi ko sa kaniya at bahagya siyang nilingon. "We never thought that's all you are. Sa tingin ko ay gano'n din sa kaniya."
"Right." she said sarcastically.
"Maraming dumaan na babae sa buhay ni kuya Thunder at alam mo 'yan. But he never mess around his own home. Alam niyang hindi dapat. Alam niya kung anong sakit ng ulo ang dala ng pagkakaron ng relasyon sa BHO CAMP na wala siyang balak seryosohin. He respects the agents and that includes your parents. So why do you think he let you inside his life if you're just like the women that come and go in his life?"
Saglit na hindi nakaimik ang babae at nanatiling nakatingin sa kawalan na para bang iniisip ang sinasabi ko. Napabuntong-hininga ako at napailing. This is what we get from falling in love with rockstars. Their loud and messy music is a reflection of their lives. Sa kahulugan pa lang ng mga kanta nila ay kita na 'yon. The angst and the pain...it was all written in their music. Nakita na namin ang sakit ng ulo na dala ni King kay Freezale noon hindi pa kami nadala.
"They will continue to push us away, you know that right?" I asked her.
"Yeah." she whispered and turned her head towards me. "Are you done with him?"
Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang naumid ang dila. Sinalubong ko ang panibagong taon na dala ang bigat sa puso dahil sa mga nangyari sa aming dalawa. I know that I love him...and God knows I want to believe that I have a place in his heart too. But I can't stay close to him knowing that with each lash from him will hurt me and eventually break me.
"I will never be done when it comes to him." I said in a quiet voice the same as hers. "But I can't force him to be with me when he can't. Kahit anong gawin ko hindi niya makikita ang nakikita ko sa kaniya hanggang hindi niya tinutulungan ang sarili niya na maintindihan ang katotohanan."
She looked away and sighed. "I wish it can be that easy for me."
"Magkaiba tayo na tao. Magkaiba rin tayo ng pinagdadaanan. Ikaw na ang nakakaalam kung tamang lumayo ka na lang para sa sarili mo o manatili sa tabi niya para sa kaniya."
"We don't have much time."
I felt my heart squeezed in pain when I realized what she meant. We all tried not to talk about it. Dahil lahat kami ay hindi iyon matanggap. Lahat kami umaasa na katulad sa nangyari sa ama ni Thunder ay maayos din ang lahat sa kaniya. But we all know the risk. We all know that it wouldn't be easy.
I can barely handle my own problems but I wish with all I got that Hera would survive this...as well as my cousin. Lahat naman ng tao ay magkakaroon ng pagkakaton kung saan susubukin sila ng tadhana para malagpasan kung ano mang problema ang nasa harapan nila. Lahat naman kinakailangan lumaban. Specially when you know that there's something that is worth fighting for.
"You'll find a way, Hera." I said to her. Trying to reassure her.
"Sa tingin mo?" tanong niya na bakas sa boses ang pag-aalinlangan. It's the first time I here doubt in her voice. Katulad ng bestfriend niya ay puno siya ng kumpiyansa at tapang. Pero siguro gano'n talaga kapag nakaharap na namin ang mga bagay na hindi namin magagawang kontrolin kahit subukan pa namin.
"Umaasa ako."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at kinuha ko ang maluwag na t-shirt ko para ipatong iyon sa suot ko na swimsuit. Mahinang tinapik ko ang tuhod ni Hera bago ako humakbang na paalis. Nang makapasok sa loob ng headquarters ay akmang maglalakad na ako patungo sa elevator nang may mapansin akong nakapatong sa barandilya ng hagdanan.
Lumapit ako ro'n at kinuha ko iyon. I felt tears forming in my eyes when saw that it's the hoodie that I returned to Archer a few days ago. Ipinikit ko ang mga mata ko at kinipkip ko iyon sa katawan ko. Hugging it as if he's the one with me right now.
There are battles in this life that are worth fighting for. The are battles that are worth the pain and the scars. We only just need to wait until the war is done. The war that is worst than the wars where you need to fought against the flock going against you. The war that resides in you. Where you need to fight your own battle against yourself.
MABILIS ang mga hakbang na tinungo ko ang opisina ni Dawn nang makatanggap ako ng mensahe mula sa VEIL na pinapatawag niya ako. VEIL was the experiment department of The Camp before its merging with BHO. Ngayon a parte na ito ng system ng experiment department at ginagamit kapag kinakailangan ng mas mabilis na responses mula sa amin.
It is usually active when it comes to sending us messages through the contact lenses that all agents are required to wear.
Nakakapagtaka lang na ngayon pa ako nakatanggap ng command mula roon samantalang naghahanda na kami para sa mission na gaganapin ngayong gabi. I was in the control room and I just finished suiting up my Chameleon Black Suit when I received the message.
Nang magawa kong makarating sa office ni Dawn ay kaagad akong tumapat sa scanner. Pero bago pa magpatuloy ang napakahabang proseso bago makapasok sa office niya ay tumunog na iyon at kusang bumukas. Dawn overrided it so I can get inside quickly.
Kunot-noong pumasok ako sa loob at pagkatapak pa lang doon ay tila may kung anong kumabog sa dibdib ko nang mamataan ko ang lalaking nandoon kasama ni Dawn. It seems too long since I last saw him. I only got glimpses of him...because I'm scared that I will fall apart if I see him face to face. Natatakot ako na baka hindi ko mapanindigan ang desisyon ko. Because I want him. I want him to be with me and not some other girl that he will meet in the future.
I thought I have loved more than I should. I fell so many times that I got bruised countless of times. Iyon lang ang akala ko. I thought every relationship I had are all the definition of what love is when they are all just a glimpses of what is about to come when I finally found that one person.
I didn't just fell in love with Archer. He took ownership of my own heart the moment he held me in his arms.
"Do you need something, Dawn?" I asked when I finally find the strength to speak.
Kuyom ang mga kamay na naglakad ako papasok ng opisina at huminto ako hanggang sa halos magkalapit na kami ng kinauupuan ni Archer. Naramdaman kong lumingon siya sa akin pero nanatiling nasa pinsan ko ang mga mata ko na ngayon ay matamang nakatingin sa akin.
Nakita kong bahagya niyang nilingon si Archer bago muling bumaling sa akin. "Gusto ni Archer na alisin kita sa mission."
Sandaling natigilan ako ngunit nanatiling diretso lang ang tingin ko. I can feel his gaze heavy on me but I stayed focus. I can't break now. "Now? May plano na tayo Dawn. This is not just a game that I can pass on to someone just because I'm not allowed to finish it."
"Matagal ko ng sinabi na hindi kita gustong maging involve sa kung ano ang nangyayari sa akin."
God. I miss his voice. I miss him so much that I could feel my whole body reacting to him. Drawing me towards him when I shouldn't be. Hanggang hindi siya mismo ang nagsasabi na bumalik ako sa kaniya at hanggang hindi niya nagagawang tanggapin na maaari ko siyang mahalin...na karapat dapat siyang maging masaya ay hindi ako dapat kumapit sa kaniya. I don't know how long that will take. I don't know if that time would ever come.
I can feel my fingernails against my palm as I clenched my fist hard. Pilit pinapatatag ang sarili na nilingon ko siya. "This is my mission. Hindi ko pakakawalan 'to at hahayaang mapunta sa iba."
He brushed his fingers through his hair in frustration. "Aiere, you know why I don't want you involve-"
"Dahil gusto mong protektahan ako. Oo. Naiintindihan ko. Pero hindi mo ako pag-aari. Pinakawalan mo na ko. Hinayaan mo akong lumayo. I no longer have any connection to you except this mission. And even before, I wouldn't let you take me out of this mission because whatever you might think, I am an agent. Naiintindihan ko ang rason mo. Naiintindihan ko kung anong pinagdaanan mo. Pero kailangan mo ring isipin na ito ako. Ito ang trabaho ko. Ito ang kaya kong gawin."
"Aiere-"
"You let me go." I whispered. "You want me to stay away and I did. This is me staying away from you. Wala ng kahit na ano sa pagitan natin. You are just my mission."
Lie. I know that it's a lie because he will always be more than that. Hindi lang siya ang lalaking takbuhan ko kapag nasasaktan ako. He's not just Mr. Creep who acts as if he knows everything about me. Hindi lang siya ang lalaking binibigyan ako ng mga bagay na ayoko ng maalala para lang inisin ako. He's more than just a person who keep on lending me his hoodie.Hindi lang siya ang lalaking walang pagdadalawang isip na magsasayang ng pera para lang alisin ang isip ko sa mga bagay na patuloy na nananakit sa akin. He's more than the man who would hold my hand because he knows that I need his strength.
He's more than that.
He's the moon that I've been waiting for to light up my dark sky after all the satellites that came into my life.
"You don't need to worry if something happens to me. If I get hurt tonight that would be on me. Dahil katulad ng mga taong nakapaligid sa iyo mula noon pa ay sarili kong desisyon ito. I take full responsibility. Something that your parents never did."
Pagkasabi ng mga iyon ay tinanguhan ko si Dawn bago ko sila tinalukuran at tuluyan na akong lumabas mula roon. I keep the hold on my heart tight as I walked away from him.
I can't break now.
Not now.
WALANG maririnig sa paligid maliban sa bahagyang pag-ugong na nagmumula sa malakas na paghangin tanda ng papalapit na ulan. Sa mga oras na ito ay dapat nakakonekta na ako sa mga agent na kasama ko pero kilala ako ni Freezale. Kapag ganitong pagkakataon na hindi namin kabisado ang lokasyon na kinaroroonan namin ay umiiwas muna ako sa kahit na anong distraction ilang minuto pagkatapos magsimula ang misyon.
From my location, I can see the huge mansion surrounded by a wide open space. Malayo ang iba pang bahay na katabi nito hindi katulad sa iba na may mga kalapit naman. It looks snobby and out of place because even though all of the houses in this place are all huge too, this particular one stood out. Matataas kasi ang mga bakod nito na para bang sinasabi na walang maaaring makapasok doon...o makalabas.
The cool breeze roared again sending the grass that are tall enough to reach my full height to whipped around me. Fortunately I'm wearing my Chameleon Black Suit or its coarse sharp edges would probably break some skin.
Nagbaba ako ng tingin sa relos ko na may maliit na touch screen at pumindot ako roon. Iginalaw ko ang mga Sky Chameleon na ngayon ay umaandar na paikot sa malaking bahay. It's a security camera controlled so it can fly as well as adapt to its surrounding so it won't be seen. Iginalaw ko ang anim sa mga iyon na nasa magkakaibang pwesto at pinababa ko at inilapit sa pader na nakapaikot sa bahay.
"Attach Snapshot." I said to my mic knowing that they can hear me in the control room even though I can't hear them.
Kita ko sa maliit na screen ng relos ko ang pagkapit ng mga maliliit na bilog na kanina ay nakakabit sa Sky Chamelon sa malaking pader na gate at pagkatapos n'yon ay nagkulay berde ang mga iyon. The green buttons flicker shot before it brightened into a green light again. Tanda iyon na namatay na ang kulay sa mismong kinalalagyan ng mga iyon at tanging makikita na lang na nakabukas iyon sa mga device namin at hindi na sa aktwal na kinalalagyan n'yon.
"Activate Snapshot." I whispered to my microphone.
Mabilis ang naging responde ng control room at ilang sandali lang ay lumabas sa contact lenses na suot ko ang visual ng buong bahay kung saan animo pinapakita ang buong straktura n'yon maging ang mga tao sa loob. I can even see the agents loitered around the tall grass surrounding the place.
Tatlong tao lang ang kasama ko; si Stone, Erebus, at Nyx. Magkakaiba ang pwestong kinaroroonan nila at mukhang naghihintay na lang sila ng hudyat ko.
I stood up from the crouch I was positioned to and ran fast towards my north. Nagagawang ikubli ng ugong ng hangin ang mga ingay na maaaring kong magawa pero duda ako kung magagawang marinig ng kahit na sino ang bawat tapak ng mga paa ko sa lupa kahit wala ang ingay na nakapaligid sa akin.
The agents usually tells me that I move like a cat and I blend with darkness better than anyone in BHO CAMP. Lahat naman kasi ng mga agent ay may mga tinatagong kakayahan at isa iyon sa kaya kong gawin. I can tone down even the sound of my breath and the beat of my heart no matter how heavy the tension around me or the exertion my body is going through. But for me that's just me being patient. Kinakalma ko lang ang sarili ko kahit sa mga tensyonadong sitwasyon sa mga misyon na dumadaan sa mga kamay ko. Maybe that's why I can endure longer than the others.
"Activate LD." I said to the mic, commanding the Eyes for this mission to open up my connection to the others. Sa pagkakaalam ko ay bukod kay Freezale ay nasa control room din ngayon si Athena at Chalamity.
Naulingan ko ang mga agent na nag-uusap. I can hear Erebus voice with the listening device. "How long are we gonna wait for because I'm starting to get sleepy."
"Lagi ka namang inaantok." mahinang asik ni Nyx sa lalaki.
"Wrong. Nakapikit lang ako hindi ibig sabihin lagi akong tulog. Kayo lang ang nag assume n'yon."
Pinigilan kong mapabuntong-hininga at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Ako ang pinakamalayo ang lokasyon sa kanila dahil iniikot ko pa ang perimeter kanina bago ako tumuloy dito. Bukod pa ro'n ay inayos ko rin ang mga Sky Chameleon na gagamitin namin at pinagana ang mga iyon. It was a last minute decision. Dapat ay lahat kami ay puposisyon na agad malapit sa mansyon pero gusto kong magpakasigurado. Lalo na at hindi pa namin alam kung gaano kalalim ang ugnayan ng Claw sa ama ni Archer.
We managed to upgrade every devices that we have so it can go against Claw. Dahil ang Claw lang ang bukod tanging nakakadetect ng mga kagamitan namin dahilan para magawa nila kaming lamangan ng ilang beses. What we don't have is a counter attack for the so that we can detect them back. Iyon ang inaayos pa ng experiment department. It went into trial for a couple of times but it's back again on the experiment department because it's not done yet.
Kaya ginamit ko ang Sky Chameleon imbis na umasa lang sa mga na-hack na na security camera sa mansyon. Mabuti na may mga mata kami sa paligid ng bahay na alam naming hindi magagawang i-manipulate.
"Assume your position everyone. Malapit na ako." pagbibigay alam ko sa mga kasamahan ko.
"Ang layo mo pa-"
Hindi na natapos ni Nyx ang sasabihin niya nang magawa ko siyang lagpasan at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Nakaupo pa rin siya at naikukubli ng mga talahib at ganoon din ang iba. Narinig ko ang mahina niyang pag-irit mula sa listening device dahil sa bigla kong pagsulpot.
"Naka multo mode na naman po si Aiere." nang-aasar na sabi ni Nyx na nakitakbo na rin.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang mataas na pader na nagsisilbing harang sa mansyon ng mga Chase. I pressed my palms at the concrete and waited for a few seconds.
"Sticky, activated." Freezale said.
Nagsimula akong umakyat sa mataas na pader. Dahil sa tulong na rin ng CBS o Chameleon Black Suit ay nagagawa nong mag-adapt sa natatamaan ng katawan ko dahilan para makuha ko ang kulay n'yon at maitago ako mula ulo hanggang paa. The suit includes a head mask, a skin tight suit, gloves, and boots. Dahil sa ilang beses na din itong na-enhance ay nilagyan na ang suit ng iba't-ibang addition. Now it even got the strength of Incredible, a device that hardens any clothing it's been attached to protect the wearer from any harm. Kahit pa sa bala.
Nang magawa kong makaakyat sa pinakatuktok ng pader ay akmang baba ako sa kabilang panig n'yon nang may mapansin ako.
"Shit." I whispered.
"What is it?" tanong ni Athena mula sa control room.
"Laser alarm."
Kita ko ang mga kasamahan ko na nakaakyat na rin ngayon at nakatingin sa tinitignan ko. Sa damuhan malapit sa pintuan ay may nakatusok na maliit na bagay na sa unang tingin ay aakalain na sprinkler lang iyon.
"Defensive?" Nanggaling ang tanong kay Freezale na malamang ay sinusuri na ang struktura ng paligid mula sa Snapshot.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng mansyon. Nasa gitna ang engrandeng bahay habang sa baba n'yon ay malawak ang espasyo na nakapaligid. Sa likod din ay may natatanaw ako na malaking garden na mukhang alagang-alaga.
Ang tanging nakakapagtaka lang ay ang mga fence sa loob ng bakuran na kung hindi ako nagkakamali ay hanggang bewang ko. Nakadikit ang mga iyon sa dalawang gilid ng bahay papunta sa pinakapader ng nakapalibot na barikada.
My eyes zeroed at the back of the house and I saw two large dogs on separate side of the garden walking back and forth. Kasama nila ang dalawang lalaki na mukhang parte ng security ng mga Chase. I watched their movements intently.
"They're not moving close to the fence." I said at the mic.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Stone.
"May harang ang bahay na humahati sa likod at harapan ng bahay. Maliit na fence na hanggang bewang lang. Sa likod ay may garden habang sa harapan ay walang kahit na anong dekorasyon. There are two men at the garden, each of them holding a dog. Naglalakad-lakad sila pero walang kahit na sino sa kanila ang lumalapit sa fence."
"And?"
"I think the laser alarm is not simply defensive."
Akmang magpapaliwanag pa ako nang makita ko ang pagbagsak ng mga dahon mula sa punong malakas na hinahampas ng hangin. Sinundan ko ng tingin ang mga dahon pero bago pa tuluyang makarating iyon sa lupa ay sa pagkabigla ko ay nahati ang mga iyon sa gitna.
Bukod pa roon ay napansin ko rin na ang ilan na bumagsak sa bubong ay ganoon din ang kinalabasan. I can feel the tension emitting from around me when I spotted a similar device at the roof. Laser. Mukhang sinigurado ng mga Chase na kahit sa ibabaw ay hindi sila madadaanan.
I continued to watch the leaves falling when I noticed something. Some leaves that were cut from the roof cascade downwards until it reaches the well tailored grass of the mansion. Ang mga napiraso ng mga dahon sa bubong ay tanging nahahati na lamang kaparang natatamaan n'yon ang panibagong laser na nakapusisyon sa lupa. It means there's a dead space between the roof and the ground. Mismong bubong lang ang may laser at maging ang lupa pero hindi ang pinakagitna ng bahay o ang espasyo ilang dangkal lang mula sa bubong. The only difference is that the laser on the ground is located near the door whereas the laser on the roof is on the center. Which made the roof laser to be more difficult than the ground one.
The alarm doesn't went off. Hindi na rin naman kailangan. Dahil kung may magtatangka na pasukin sila ay sigurado naman na walang kawala ang mga iyon. Now we need to make sure that that's not the case for us.
"Wow." Freezale muttered.
Halos kasing taas ng fence sa magkabilang gilid ng bahay ang taas n'yon na base sa nakikita ko. Isa pang problema ay hindi lumalabas ang laser beam kahit pa tinamaan na iyon ng mga bumagsak na dahon. Unlike to the other laser systems that I encountered, this one remained invisible despite being disturbed.
"I'm going first." I told them.
Mabilis na pumapasok sa mga utak ko ang gma posibilidad pero pilit kong hinahanap ang maaaring maging paraan namin sa mga iyon. We need to move quick but we also need to work smart. One wrong move and it will literally be our end.
"Aiere let me try to-"
Pinutol ko ang sasabihin ni Freezale. "We don't have that much time. Ayokong intayin pa na dumating si Christopher Chase dito kasama pa ang mas marami niyang tauhan. The people inside the house are more than enough."
Bukod sa dalawang lalaki na nasa likod ng mansyon ay may apat pa na lalaki sa living room n'yon. Sa pangalawang palapag naman ay may tatlo pa at sa panghuling palapag ay may nag-iisang tao lang na nasa kwarto; ang pakay namin sa misyon na ito.
I looked down at my waist and saw my rapeling equipment. This won't be enough. "I need your rapel cord guys."
Hindi naman na nagtanong pa ang mga kasamahan ko at naramdaman ko ang pagkilos nila apra mapalapit sa kinaroroonan ko. Habang hinihintay sila ay kinalas ko sa bewang ko ang belt na nakakonekta sa rapel cord na siyang kadalasan naming ginagamit sa mga ganitong sitwasyon. We just usually shoot its hook towards a solid object while we dangle from the waist. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko maaaring basta na lang gawin iyon.
Itinali ko sa solidong gate ang kanina ay nakapulupot sa bewang ko at pagkatapos ay hinawakan ko ang pinaka dulo ng rapel cord kung saan naroon ang hook at pinusisyon ko iyon. Nang matiyak kong tama ang kinapupuwestuhan no'n ay may pinindot ako na buton. A soft wheeze went out of the cord as it was sent flying towards the lower part of the roof of the mansion. Lumikha lang iyon ng mahinang kalabog nang tuluyan ng kumapit ang hook sa bubong. This gave the cord a lot of distance from the ground and the possible location of the laser.
Nag-angat ako ng tingin sa mga kasama ko nang maramdaman kong inaabot nila sa akin ang mga cord nila na maingat na nakarolyo. Maingat na isinukbit ko ang dalawa sa balikat ko habang ang isa naman ay ikinabit ko sa bewang ko ulit. Instead of using the hook, I wrapped it around the rapel cord I already positioned and make sure that it's knotted perfectly. Just enough that I can adjust the length if I want to.
Bago pa may magawang makapagsalita sa mga kasamahan ko ay itinulak ko na ang sarili ko at nagpatihulog ako mula sa kinapupuwestuhan ko.
I heard their murmured exclamation and expletives but I ignored them. I can feel the breeze hitting my body despite the suit I'm wearing but I fought pass through it and clench my hands on the end of the cord that I'm holding as I sailed straight to the house.
I brace my lower body with my legs extended, my entirety on a horizontal position. At the next moment I found my self dangling, my back facing the ground, and my feet safely attach to the wall of the mansion.
Hinila ko ang hawak ko na cord dahilan para mas lalo pa akong mapaangat palapit sa unang cord na nakapusisyon at pagkatapos ay inipit ko ang tali na hawak ko sa hita ko para masiguro na hindi ako gagalaw at babagsak. Pagkatapos n'yon ay kinuha ko ang isa sa rapel cord na nakasukbit sa balikat ko at iginalaw ko ang dulo n'yon pababa sa lupa.
Gaya ng inaasahan ay tumama iyon sa laser at naputol ang dulo ng cord dahilan para bumagsak iyon sa lupa. I moved the cord again but this a few centimeters on the right away from my first try. Hindi katulad sa nauna ay mas mababa ang kinalalagyan ng laser n'yon dahilan para mas malaking cord ang maputol.
The alarm as expected is not even. I patiently moved the cord I'm holding around. Bawat babaan ko ng cord ay iba-iba ang sukat ng taas at baba ng kinalalagyan ng laser. Dahil dito iba't-iba rin ang sukat ng napuputol na cord sa hawak ko.
I can feel sweat building around my face as I continued doing this over and over again. Nararamdaman ko na ang pagkangalay sa buong katawan ko pero hindi ko ininda 'yon. I trained my eyes on what I'm doing. Focusing...and memorizing.
Nananatiling tutok doon na hinawakan ko ang natitirang cord na nakasukbit sa akin nang tuluyang maputol lahat ng nauna. At katulad sa ginagawa ko kanina ay iginalaw ko ulit iyon at ibinaba patungo sa laser. Bawat maputol ay bumabagsak sa lupa, iba't-iba ang haba, depende sa distansiya ng laser.
Nang magawa kong ubusin ang pangalawang cord ay mariin kong ipinikit ang mga mata. I visualize all the information I have...all the movements I memorized. Each cut, each cross, and each distance.
My eyes snapped open and I let out the breath I was holding and inhale again before I clasp my hand on the end of the cord I pinned between my ties. Mahigpit kong hinawakan iyon at pagkatapos ay inalis ko ang mga paa ko sa pagkakakabit sa pader. I flipped my body until I am vertically positioned, my head facing the ground.
Gamit ng kaliwang kamay ay hinawakan ko ang dulo ng cord habang ang isa ay idikit ko sa pader kung saan automatikong gumana ang Sticky.
"Aiere." may babala sa tono na sabi sa akin ng pinsan ko na si Stone.
"I need silence please." I said to him.
Muli akong huminga ng malalim bago ko hinayaang bumagsak ng dahan-dahan ang katawan ko palapit sa laser. Base sa mga piraso ng cord na nakakalat sa lupa at sa haba at ikli n'yon ay nagagawa kong malaman kung malapit na ba sa akin ang beam ng laser. Kapag mahaba ang ibig sabihin n'yon ay malayo pa ang kinaroroonan ng laser dahil mahaba pa ang naibaba ko bago iyon naputol. Kapag maikli ibig sabihin no'n ay malapit sa akin ang susunod na beam. Dahil din sa mga piraso ng cord sa ibaba ay nagawa kong makita kung paano ang crisscross ng mga laser beam.
Kaya ko lang daanan ang mga laser sa pinakagilid ng bahay. That's the only way the rapel cord attached to my body won't be cut with the laser. I need to be very careful.
I pulled my hand away from the wall which took a bit of effort since the Sticky is still active. But I can't make them turn it off because I still need it.
Mabilis kong iginalaw pababa ang cord, exactly sixteen centimeters from where I was at. Hindi ko maaaring diretsuhin pababa kahit pa na alam kong may espasyo para sa akin sa kinapupuwestuhan ko dahil may sukat na tama lang para sa kamay ko. Iyon ang dahilan kung bakit kinakailangan kong ilusot ang kamay ko sa direksyon ng pader para mabawasan ang laki ng espasyong gagamitin ko sa mga pagkakataon na lumiliit iyon.
I continued descending, my breathing slow. I carefully reached from my thighs and retrieve a device from it then I moved my hand downwards again. Nang abo't kamay ko na ang maliit na aparato na nakatusok sa lupa ay inabot ko iyon gamit ng libre kong kamay. The space above the object is so narrow that I know that it will be impossible for me not to get hit by the laser.
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko nang gaya ng inaasahan ay nakaramdam ako ng init sa kanang parte ng naka-stretch kong braso. The Chameleon Black Suit might be bullet proof and its durability is outstanding but some part of it are vulnerable. Like on the arms and legs where we need quick mobility.
"Aiere, that laser might be poisonous." Freezale warned.
It happened before. Naaalala ko pa kung gaano katagal bago naka-recover ang head ng BHO na si Dawn nang madisgrasya siya ng offensive laser. Especially it was made by Claw. But I don't think this one is. I don't feel anything that Dawn described when she was sounded by Claw's laser invention.
"I'm clear." I told her. "Once I deactivated this I want you all to get ready fast. Hindi ako sigurado kung may backup system sila. And I'm pretty sure once I turned this off that it will be a signal for those inside."
"Affirmative." Nyx murmured.
"Copy." si Stone.
Erebus was the last one to speak. "Acknowledge." he said. "Assume position everyone."
I slowly moved my hand, sliding the BHO CAMP device I'm holding towards my fingertips to operate it. Pero bago ko pa magawang buksan iyon ay dumulas iyon mula sa mga kamay ko dahilan para mahulog sa lupa.
I breathe between my clench teeth and with my left hand holding the rapel while the other outstretched in front of me, I let go of the cord a few centimeters again so I can descend closer to the ground, fully aware that I'm only holding the last length of it.
Halos hindi na ako makahinga dahil alam kong isang maling galaw lang ay tatama sa akin ang laser na nasa ibaba na lang ngayon ng leeg ko. I can feel my shoulders tightening, my head angled away from the laser, while my right hand continued reaching for the BHO CAMP device. Naramdaman ko ang muling paghapdi sa braso ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Rinig ko sa listening device ang mahinang paghinga ng mga agent, ang tensyon at kaba ay mabigat na nanggagaling mula sa kanila. I know they're eyes are all on me. Kahit pa ang mga tao sa control room na ngayon ay may koneksyon sa pamamagitan ng Sky Chameleon at ng mga security camera na kontralado ngayon ni Freezale.
I stopped myself from exhaling when I finally able to reach the device. Mahigpit na hinawakan ko iyon at inikot ko ang nakapalibot na dial sa device para magawa kong I-adjust ang lakas n'yon. Nang matiyak kong mahina lang iyon ay itinutok ko iyon sa laser apparatus sa ibaba. A laser coming from the BHO CAMP device I'm holding pierced the exterior of the apparatus, cutting through it until I can see the inside. Hence the name of the device, Pierce. It can pierce on any kind of solid object.
"Focus your eyes on it so I can see properly." Freezale commanded.
Bahagya kong ginalaw ang ulo ko at napasinghap ako nang maramdaman ko ang maliit na pagkagat ng init sa leeg ko. Dahil sa sakit ay naramdaman ko ang muntik na pagdulas ng hawak ko na dulo ng rapel cord pero mabilis ko iyong nahigpitan. I tried to block out the pain and focused my eyes on the object below me.
"Cut through the two lines above the last cable below." muling sabi ni Freezale. "Hindi ma-a-activate ang sound alarm at mabibigyan pa kayo ng kaunting panahon bago malaman ng mga nasa loob na nakapatay na ang offensive laser sa labas."
"Copy." I answered and cut the lines as she said.
Kulang ang sabihin na nakahinga ako ng maluwag nang umilaw ang aparato sa ibaba. I also felt the absence of the heat surrounding me, especially below my neck. With my hand stretch towards the ground, binitiwan ko ang rapel cord dahilan para bumagsak ako sa lupa.
Mabilis kong inikot ang katawan ko at tumakbo ako patungo sa pader ng bahay. Not wasting anytime, I started climbing up the house towards the third floor. I can feel a throbbing pain on my neck and arm but I continued pushing it aside. Kailangan na naming magmadali. We already wasted too much time.
"I'm entering through the front. Nyx come with me. Erebus will take the second floor." Stone said, his breath even despite his run.
"Acknowledge." Nyx answered which Erebus echoed.
Nang makarating sa bintana sa pangatlong palapag ay muli kong binuksan ang Pierce at binutas ko ang maliit na parte ng salamin. Tama lang para maipasok ko ang kamay ko at buksan ang bintana. I slide the window the my right and grasp on the edge of the window tightly so I can pull myself up. Using the strength of my upper body, I able to perched myself on the edge, balancing so I wouldn't fall.
"Guards are already alerted agents. Be warned." Freezale informed us.
Mabilis akong pumasok at saktong pag-apak ko sa kwarto ay ang siyang pagbiling naman ng babaeng nakahiga sa kama. Veah Kristel Chase. Her eyes are blank, looking at the now open window where she can't see me because of the CBS. Before I can even approach her I heard the door opening. With big quick strides I went through the door, hiding my body behind it. Kita ko ang kamay ng lalaki na nagbukas ng pinto.
"Mrs. Chase-"
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang lalaki at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya ay hinila siya papasok ng kwarto. I pulled his hand towards his back, earning a pained and surprised noise from him.
Gamit ang isa kong paa ay sinipa ko ang likod ng tuhod ng lalaki dahilan para mapaluhod siya sa sahig. With one of his arm behind his back, his knees to the ground, I jumped on his back and pinned him to the ground.
I reached for the back of his neck and pushed him with force to stop him from moving. Inipit ko gamit ng sarili kong mga tuhod ang kamay niya na binitawan ko na para magawa kong abutin ang bulsa ng suit ko. When I felt the familiar shape of a tablet, I pulled it out and crushed it below the nose of the man, making him inhale the powdery substance. Unti-unting huminga ang pagkilos ng lalaki hanggang sa hindi na siya gumagalaw sa ilalim ko. He's not dead but he's sleeping. This BHO CAMP experiment is called Black Sand.
Tumayo ako at lumapit ngayon sa babae na nahihintakutang nakatingin sa akin. Hindi ko siya masisisi. I am covered from head to toe after all.
She looks scared...but she didn't try to run. Like she have no fight left in her.
As I look at her I can see Archer's resemblance to her. Ang pagkakaiba lang nila ay ang mga mata nila. Archer's eyes shows the demons he's trying to battle so he can hide them. Hers looks like they already won and they killed her.
"You need to come with me." I said to her. My voice distorted from my real voice to cover up my identity. It's an automatic function of CBS.
"Padating na ang asawa ko."
I can feel the chills running through me when I heard her voice; an exact reflection of her eyes. Bleak. Lifeless.
She could have protected Archer. She's his mother. Ang dami niyang maaaring gawin para hindi maranasan ni Archer...o ni Ashely ang mga pinagdaanan nila. Why must they suffer for their mistakes? For their spineless decisions?
Lumapit ako sa kaniya at umuklo. I raise my hand and click a button on my collar. Lumikha iyon ng mahinang tunog at kasunod n'yon ay ang pagkawala ng maskarang nakatakip sa buong mukha ko. A flicker of emotion crossed her eyes when she saw me. Babae rin katulad niya.
"First floor neutralized." Nyx said, almost out of breath.
"I'm nearly done." Erebus answered back. No trace of exhaustion in his voice.
Walang pangamba na sinalubong ko ang mga mata ng nanay ni Archer na hindi naman nag-iwas ng tingin. But not because she's fighting back. More like because she can't comprehend the weight of what's happening.
"I'm not asking, Mrs. Chase. You need to come with me." I repeated.
"Hindi ako maaaring umalis. Kailangan ako ng asawa ko-"
"Mas kailangan ka ng anak mo."
Muling naging blangko ang mga mata niya sa sinabi ko na para bang isang sumpa ang lumabas sa bibig ko. I gritted my teeth in anger, my hands balling in fists. "It's your fault."
Pumitlag ang katawan niya na para bang punyal ang sinabi ko na tumarak sa kaniya. Umawang ang bibig niya at umiling siya. "H-Hindi...hindi ko alam ang sinasabi mo."
"It's your fault and your husband's. Your ruined your children's lives."
Christopher Chase might be the one who pulled the trigger but she's not untainted. Dahil katulad ng asawa niya ay nabigo siya sa isang napakaimportanteng bagay.
Ang pagiging isang magulang.
She's too weak. Too weak that she can't even protect anyone...even herself. And that shouldn't be because she's a mother. Responsibilidad niya ang protektahan ang mga anak niya. Hindi man niya magawang kontrolin ang lahat but she should have tried. At base sa nakikita ko ay siya ang klase ng tao na hindi ginawa ang bagay na iyon. O kahit subukan man lang.
"Wala kang alam." puno ng pait ang boses na bulong niya.
"Wala nga ba?" balik ko sa kaniya. "Look at my face and memorize me well. Dahil ako lang naman ang babaeng sumusubok na isalba ang natitirang parte ng anak n'yo. I'm trying my best to keep whatever part of him you haven't destroyed but I'm already failing. And that's on you."
"H-Hindi ko maintindihan."
"Archer Lucas Chase. Nakalimutan mo na ba? Iyong natitira mong anak na hindi kasamang namatay ni Ashley."
A gasp escape her lips. Her eyes wide as if she can't believe how casual I'm speaking of her daughter. "H-How dare you?"
Inignora ko ang sinabi niya at nagpatuloy ako. "Nakalimutan mo na ba ang isa mo pang anak na hanggang ngayon dinadala ang guilt na hindi para sa kaniya? Dahil kahit iyon ay pinapasan n'yo sa kaniya. Buong buhay niya dala niya ang pagsisisi na dapat kayo ang nagdadala. He's such a great man that he keep on torturing himself for the things that out of his control. Hindi ako nakarinig ng paninisi mula sa kaniya. Hindi ako nakarinig ng galit niya para sa inyo. Because from the very young age he already shielded you from his pain and he carried it with him for you. For someone as weak as you."
"Aiere." awat ni Freezale mula sa listening device.
I didn't let her stop me. Pakiramdam ko ay tila bukal na tuluyang napakawalan ang emosyon sa puso ko. Galit para kay Archer na patuloy na nagdudusa. Galit na hindi niya magawang maramdaman sa mga taong sumira sa buhay niya at sa kapatid niya.
"You need to come with me so I can save him. So you can save him. Isang bagay na dapat matagal mo ng ginawa."
"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko." she whispered with her chilling lifeless voice.
"At ikaw alam mo ba ang pinagdaanan at patuloy na pinagdadaanan ng anak mo?!" Tuluyan nang kumawala ang natitira ko pang kontrol sa sarili ko. I can't believe her. I can't believe that she can't still see how she helped ruined her children's life. "You think he's saved because he's breathing? Because he didn't died with Ashley? Sa tingin mo ba nang makaligtas siya nang gabing iyon ay ayos na ang lahat? He's been living inside that place for years. He never left. Your daughter died in there. But he died with her and he keep on dying everyday because he never left."
"Stop saying her name!" she screamed.
Mahigpit ko siyang hinawakan ko sa magkabilang balikat dahilan para mapaigik siya sa sakit. "You will testify against your own husband. We will drain you of every information that will convict him and lock him down. You will save your son through that and I will make you do that even if I need to physically get it out from you. More than that you will save your son, the man that I love, by fighting for yourself and doing what is right. Dahil kahit anong gawin ko hindi ko kayang burahin ka bilang ina niya. Kahit anong gawin ko hindi ko kayang ialis sa kaniya ang pagmamahal na meron siya para sa'yo. Even if you're never been a mother as far as I can see, that's how great of a man your son is. Dahil kahit ga'no ka karupok. Kahit na lason ang tumatakbo sa dapat ay naging pundasyon niya ay nagawa niyang ibangon ang sarili niya. He managed to be the man who he is now. So you will save yourself and you will save him."
The life entered her eyes through an unmistakable pain coloring her eyes. Pain that is so old that I know that I will never be able to fully grasped. I don't know the person she was before her husband broke her. What I do know is that she let that pain chained her to the bottom of the vessel that she is now while her children suffered the consequences.
So I don't feel any remorse from the words I uttered. Dahil alam ko...nakita ko, kung ano ang kayang gawin ng isang magulang para sa mga anak nila. Our lives as agents were surrounded by risks but more than that our eyes were opened long before we could fully understand life. Bata pa lang kami gising na kami sa katotohanan ng mundo. We already saw the monsters lurking behind the shadows of life.
But despite the life we grew up with, our parents made sure that it will not touch us. Kahit sarili nilang buhay alam kong kaya nilang itaya para sa amin. And that's not just for agents. Dahil alam ko lahat ng magulang handang gawin iyon sa mga anak nila. Lahat ng magulang kayang yakapin ang naglalagablab na apoy wag lang magawang dilaan n'yon kahit maliit na parte ng balat ng mga anak nila.
"H-Hindi ko alam kung...kung paano." tila may bikig sa lalamunan na bulong niya.
Umangat ang kamay niya sa leeg niya at mariing humawak siya roon na para bang nahihirapan siyang huminga. Then like the barricade pushing the water away from the walls finally cracked and split open, her tears cascade down her eyes.
"You can start by keeping your son alive."
_______________End of Chapter 23.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top