Chapter 11: Heroic
AIERE'S POV
Yakap-yakap ang tuhod na ipinatong ko ang baba ko roon habang pinagmamasdan si Archer na kasalukuyang kinakalikot ang mga kable sa ilalim ng TV ko. Katatapos ko lang magpanggap na maglinis kahit wala naman akong balak talagang gawin 'yon.
Kung nahalata man niya na hindi naman dumating si mama para mapatunayan ang sinabi ko na dahilan ay hindi na siya nagkomento pa. Mabuti na lang din dahil hindi ko na alam kung ano namang katangahan ang lalabas sa bibig ko kapag pinansin pa niya ang kabaliwan ko.
We're back to what we are before. Sort of. Parehas kaming nagpapanggap na walang nangyari. Na hindi na ganap ang namagitan samin sa fountain na iyon.
But despite the fact that we're both pretending, I can still feel the difference. For one, we wouldn't hang out like this is if we were just like what we are before. Hindi dito kung sa lugar na may mga taong makakakita sa amin na magkasama kami.
"There."
Napakurap ako nang umayos na siya ng tayo at naglakad palapit sa akin. Kasalukuyang naka-display na sa TV na kinukutingting niya kanina ang display picture ng DVD player ko. Nabanggit ko kasi kanina sa kaniya na hindi ko ginagamit ang TV dahil hindi ko din naman mapanood ang mga naka-CD ko na movies dahil akala ko sira ang player.
"Bakit kasi hindi ka na lang mag Netflix?" tanong niya nang makaupo na siya sa tabi ko habang hawak ang remote control at may pinindot doon.
"Hindi naman ako laging may oras para manood. Sayang lang ang subscription hindi naman necessity 'yon."
"Kesa naman wala kang mapanood kapag free time mo."
Nagkibit-balikat ako habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon kung saan pinapakita na ang mga commercial bago magsimula ang movie. I think he played one the many of my fantasy movies. Iyon lang naman halos ang laman ng movie cabinet ko dahil mga ganong tema ang kadalasang hilig ko panoodin. Maybe he picked out a superhero movie. Like Marvels perhaps. "Pwede naman akong magbasa. O manood sa phone."
"Iba parin kapag sa wide screen TV."
Pinaikot ko ang mga mata ko at nilingon ko siya, "Kayong mga lalake, ang lakas talaga ng tama niyo sa TV no? Baka kahit kidney niyo kaya niyong ipalit basta may TV kayo."
His nose wrinkled at my morbidity. Bilang sagot ay iniangat niya ang hood ng hoodie niya na suot ko na naman at hinila niya ang tali no'n para ikulong ang mukha ko. Naiiritang pinalo ko ang kamay niya at pinakawalan ko ang mukha ko bago pa ako mawalan ng hininga.
Kung hindi ko lang alam na masasayang lang ang laway ko ay pinaalis ko na siya ulit. Kanina ko pa kasi siya kinukumbinsi na iwan na ako pero ang hudyo ay hindi ako pinapansin at nag tour pa sa flat ko. Kaya rin niya nakita ang collection ko ng mga DVD na naging dahilan para lalo siyang hindi umalis.
And may I just point it out that I have his hoodie on again! Kapapahiram niya nito sakin hindi ko na 'to maisasauli. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang niyang dala 'to at kung bakit naman lagi kaming nabibigyan ng pagkakataon para ipahiram na naman niya sa akin 'to.
"Shit."
Napalingon ako sa kaniya at sinundan ko ang tingin niya na humantong sa TV kung saan nagsimula na ang palabas. Napatawa ako nang makita ko na hindi ang inaasahan kong pinili niya ang pinapalabas ngayon. "May pinagdadaanan ka ba, Archer?"
"What?" he asked, confused. His eyes surveying the movie in front of us. Mga bata ang artista no'n kung saan obvious na na hindi nahaluan man ng action o romance man lang ang palabas. It's a family movie. "I just randomly pulled out a movie from your cabinet."
"Bridge of Terabithia 'yan." sabi ko at tinapik-tapik ko pa ang balikat niya. "Kaya mo 'yan."
He plopped down on the sofa and crossed his arms. Hindi naman na siya nagreklamo at tahimik na lang na nanood. As the movie continued, I found myself getting engrossed to the story again. Matagal na mula nang huli ko 'tong mapanood. But still, the way the movie was executed is still so captivating. Para sa isang family movie, ang ganda talaga ng cinematography niya. The exaggeration of the effects were a perfect fit for the tone of the flow of the movie.
"This is so much better than your Netflix and Chill. Movie and Chill, o ha?" sabi ko sa mahinang boses para hindi matabunan ng boses ko ang tunog na nangagaling sa telebisyon.
I felt Archer moved a bit towards me and whispered as we watch the movie, "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng Netflix and Chill?"
Sandaling naagaw ang atensyon ko mula kay Jess at Leslie, mga karakter sa palabas, at tumingin ako sa kaniya. Mukha bang hindi ko alam ang meaning no'n? I might not be familiar with a lot of internet lingo nowadays but I still know the basic. "Duh. Do I look like I live in a different millennium? Netflix and Chill, manood ng Netflix at mag-relax lang. Basic."
Sa pagtataka ko ay bigla siyang tumawa at naiiling na inilabas ang cellphone niya. Tumipa siya roon at natatawa paring ibinigay sa akin 'yon pagkaraan. Nagtataka man ay kinuha ko sa kaniya ang phone at binasa ko ang nasa search result niya.
Netflix and Chill: A phrase that means to watch Netflix with a romantic prospect with the expectation of sexual activity. This phrase is a euphemism for sex in the modern lingo.
Halos ibato ko sa kaniya ang cellphone pagkatapos kong basahin iyon. Mabuti na lang nasalo niya 'yon kundi paniguradong wasak na at nagkapirapiraso ang aparato na 'yon.
"Mga pauso niyong mga manyak!" mahinang asik ko sa kaniya na para bang may iba pa kaming taong maiistorbo sa kaingayan naming dalawa.
"Ba't ako nadamay? Sa 'yan ang meaning niyan talaga."
Mga tao nga naman. Porke uso dapat iyon na ang paniwalaan? Kaya ang daming napapariwarang tao sa mundo eh. Kailan pa naging tama basta marami ang naniniwala? A right is a right. Not just because a lot of people think so.
"Netflix is an online platform or application that wants to lead the online entertainment industry. It was created by Netflix Inc., with the aim to provide media services. Chill on the other hand means cold. But nowadays people uses it as a slang for relaxing. So paano na-sexualize ang walang kamuang-muang na bagay?"
Nanatili siyang nakatingin sa akin nang matapos ko ang mahaba kong litanya. Titig na titig siya sa akin na para bang pilit niyang iniisip kung saang planeta ako galing sa mga pinagsasabi ko sa kaniya. Pagkaraan ay tila sumusukong tinulak niya na lang ang ulo ko para humarap ako sa TV pero hinataw ko lang ang kamay niya at tinignan ko siya ng masama.
Tinangka kong abutin sa kaniya ang remote control pero inilayo niya lang sakin 'yon. Matalim na tingin ang sumunod na iginawad ko sa kaniya at inilahad ko ang kamay ko na parang sinasabi na kapag hindi niya inabot sakin 'yon ay ihahataw ko sa kaniya ang unang maabot ng mga kamay ko.
He chuckled under his breath and hand me the control. Hinablot ko 'yon mula sa kamay niya at pumindot ako do'n para ma-pause muna ang palabas. Pagkatapos niyon ay umikot ako ng upo para buong katawan ko ay nakaharap sa kaniya. Ginaya niya ako at may pigil na ngiti na inintay ang sasabihin ko.
"Magkalinawan nga tayong dalawa." simula ko. "Kung ano man ang mga nangyari, temporary insanity lang ang tawag do'n. Wala akong gusto sa'yo at wala kang gusto sakin. Parehas lang tayong magulo ang utak at dahil lagi tayong magkasama...nangyari ang gano'n."
"Okay."
Natigilan ako sa mabilis niyang pag sang-ayon. Bakit hindi man lang siya tumanggi? Parang agree na agree siya na wala lang ang lahat. Bakit gusto mo ba iba ang isagot niya? Bakit parang affected ka na wala lang sa kaniya ang nangyari sa fountain na 'yon eh ikaw 'tong gustong makalimutan 'yon?
Ipinilig ko ang ulo ko at ibinalik ko ang atensyon ko kay Archer, "Kaya tigilan mo ang kaaasar sakin, naiintindihan mo? May nalalaman ka pang 'You can use me all you want. I wouldn't mind, babe'. Isa pa 'yan! Tigilan mo ang pagtawag sakin ng babe dahil hindi mo ako babe!"
Napapikit siya dahil kung nagbubuga lang ako ng apoy ay malamang tumama na iyon sa kaniya sa lakas ng impact ng boses ko. Nag-init ang pisngi ko nang ibukas niya ulit ang mga mata niya ay inangat niya ang kamay niya para punasan ang mukha niya.
"Okay. Sorry." he said with a controlled smile. He reached for a lock of hair that escaped from my hair tie and he tucked it behind my ear. "Inaasar lang naman kita dahil sa pagbili mo ng eco bag na 'yon. Wala namang ibig sabihin."
Pilit pinakalma ko ang biglang nag ragundon na puso ko sa inakto niya. "Good."
"Sa pagtawag ko naman sa'yo ng babe, I don't think I can stop that. You're a babe so I call you that."
"Hindi ako baboy!"
Tuluyan na siyang napatawa sa sinabi ko. Binuksan niya ang phone niya at tumipa do'n bago sakin hinarap iyon. May search result na naman do'n. "You call person a babe either because you're involved romantically, or you just find someone attractive. You're an attractive person. So you're a babe."
Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin at mabilis na nag-iwas ako ng tingin para ibalik ang atensyon ko sa TV. Pinindot ko ang remote control para muling magsimula ang movie.
Mukhang naintindihan naman niya na tinatapos ko na ang usapan dahil hindi na siya muling umimik pa. Kalaunan ay nagtagpuan ko ang sarili ko na kumakalma sa tabi niya habang tuluyan ng napukaw ang atensyon ko ng palabas na pinapanood namin.
Lumipas ang halos mahigit isa't kalahating oras na dumating na ang palabas sa climax niyon. Iniangat ko ang throw pillow sa kalahati ng mukha ko na para bang matatakpan no'n ang pagragasa ng emosyon mula sa akin. Bago ko pa mapigilan ay tuluyan ng pumatak ang mga luhang nag-uunahan sa pagdaloy mula sa mga mata ko na nasundan ng mahinang paghikbi.
"Babe..."
Nilingon ko si Archer dahilan para lalong mag-blurred ang paningin ko dahil sa mga luhang bumabalong mula doon na para bang dahil mas lalong pinansin ay lalong nagpakitang-gilas sa pagtulo. I know that my eyes are all puffy and red. Alam ko din na namumula na rin ang ilong at labi ko na nangyayari kapag ganitong umiiyak ako.
Pero ano bang magagawa ko? Life was just too unfair for Jess and Leslie! Masyado pa silang bata para pagdaanan ang lahat ng 'yon.
"Why are you crying-"
"It's not fair!" I bawled. "Jess would live all his life blaming himself! He will be a broken man because Terabithia will not be the same again without Leslie!"
"Jesus, babe."
Sumisinghot na pinahid ko ang mga luha ko at masamang tinignan ko siya. Hindi ko na pinansin ang pelikula na nagpapatuloy parin. "Don't say the Lord's name in vain."
Itinaas ng lalaki ang mga kamay niya na para bang sumusuko at pagkatapos ay naiiling na kinuha niya ang tissue box sa ibabaw ng coffee table. Kumuha siya roon bago niya itinapal 'yon sa mukha ko at binitawan.
Naiinis na inalis ko 'yon dahil nakadikit lang iyon sa mukha ko na basa ng luha. Sinimangutan ko siya bago ko pinunasan ang mga mata ko na unti-unti ay tumitigil na sa pagluha. Kung bakit naman nakalimutan ko na sobrang naapektuhan ako sa palabas na 'to nang una kong napanood.
"Terabithia and Leslie will live through Jess."
Napatingin ako kay Archer na nasa likod ng ulo niya ang mga kamay niya habang prenteng nakasandal at nakatingin sa TV. "Hindi na katulad dati kasi wala na si Leslie."
Nagkibit-balikat siya, "Kapag nawalan ka naman ng taong importante sa'yo hindi naman na talaga babalik sa dati ang buhay mo. You will always have this feeling of emptiness in your life that you cannot fill even how hard you try."
Animo may humaplos sa puso ko sa paraan ng pagkakasabi niya no'n. Dahil alam ko na may iba siyang naaalala sa binibitawan niyang mga salita. Nanatili akong tahimik na naghihintay sa sasabihin niya. I want to know his heart. No matter how dangerous it could be. Dahil pakiramdam ko, 'yon lang ang paraan para mas maintindihan ko siya.
"Jess and Leslie could have died together. Kung magkasama sila ng araw na 'yon, one would probably try to save the other person. They could have die just by trying to save one another. Pero maaari ding hindi. Maaaring mabuhay parin ang isa. It would still be the same. He would still carry the guilt and pain of losing someone for the rest of his life. Habang-buhay nakakabit na sa kaniya ang mga bagay na 'yon. That person he lost will live through his memories. And the guilt and pain comes with them."
"But how can that be a good thing?" I whispered. "Kung masasaktan ka lang sa memorya ng nakaraan, bakit mo pa bubuhayin ang bagay na 'yon sa'yo?"
Lumingon siya sa akin at pakiramdam ko ay parang may humaplos sa puso ko sa nakikita ko sa mga mata niya. It's like he's not afraid to show me the dark behind the light of his eyes. Na para bang ako lang ang hinahayaan niya na makakita ng mga iyon.
"Because letting go is not easy."
As I looked at him, I can't help but ache for the child in him that suffered for losing a person the way he lost Ashley. Kahit hindi niya aminin, nararamdaman ko sa kaniya ang pagsisisi na hindi naman niya dapat maramdaman. Dahil wala siyang kasalanan.
He see himself as a villain that wrecks a life of another. But I don't think he is. Because the way I see it, there's something heroic with a man that can be a good person despite the things life put in his way. Wala namang pinanganak na masama. Pero maraming tao ang naging masama dahil sa buhay na namulatan nila. Dahil sa mga bagay na pinagdaanan nila. It's not an excuse to do bad things but it is a reason.
Archer could have been different. He could have ruined his life. Pero hindi iyon ang ginawa niya at sa halip ibinaling niya lahat ng nararamdaman niya sa bagay kung saan siya magaling. Music.
Nahugot ako mula sa isipin ko nang may nag-flash sa contact lenses na suot ko. All agents have this so the control room can contact us easily. I felt my body stiffened, readying myself with what is coming. My eyes went unfocused as I read the information in front of me.
"Aiere?"
Itinaas ko ang isa kong kamay para pigilan siya sa pagsasalita at nanatili akong nakatingin sa kawalan habang binabasa ko ang impormasyon. Nang tuluyan ko ng maintindihan 'yon ay napasinghap ako at napatayo sa sobrang pagkabigla.
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Archer na humawak sa balikat ko kasabay nang pagkawala ng mga lumalabas na teksto mula sa suot ko na lenses.
"Oh my gosh."
"What is it?" Archer asked.
Hindi ko na nakuhang magpaliwanag pa sa kaniya. Kailangan naming magmadali dahil sigurado ako na papunta narin ang iba pang mga agent doon.
"We need to go!"
TANGING tunog lang ng mga yabag ng mga staff ng ospital ang naririnig sa paligid. Walang umiimik na mga agent pero alam ko, pare-parehas lang ang nararamdaman namin. Halos lahat kami nandito maliban sa ilang mga agent na may mission at ilan naman na katulad ni kuya Fiere at Athena na wala sa BHOCAMP.
Lahat kami nabigla sa nangyayari. We were all excited at first. But when the hours ticked by and my mother told everyone that there's some complication, fear grew in all of us. Lalo na kay Phoenix na kanina pa nakatayo malayo sa amin at inaabangan ang paglabas ni mama at ng mismong obstetrician ni Snow.
Dapat kasi ay cesarean si Snow dahil iyon ang advise ng doktor niya. Iyon nga lang ay hindi raw alam ni Snow na nitong mga nakaraang araw ay nag le-labor na siya hanggang sa tuluyan ng pumutok ang panubigan niya.
Phoenix was with Snow awhile ago when the baby got delivered and we all have a glimpsed of the baby wrapped in pink cloth, being rushed into the NICU. That's when we all realized that something is happening. Dahil hindi dapat nasa NICU ang baby nila at bigla na lang pinalabas si Phoenix mula sa delivery room.
The expression on his face told us everything. Dahil puno ng takot ang mukha niya at sakit na wala siyang magawa sa mga oras na ito.
We all know that they've been trying so hard to have this baby. Alam din naming lahat na hindi madali para sa katawan ni Snow ang magdala ng bata. Kaya nga ng magawa nilang lagpasan ang kritikal na stado ng pagbubuntis ay lahat kami naging masaya para sa kanila.
And now this is happening.
"I...I need to see my daughter." Phoenix whispered, his body jolted as if the thought rouse him up from the bottom of the pit that he is falling into.
Nakita kong lumapit sa kaniya si tito Rain na marahang humiwalay sa asawa niyang yakap niya at kay Freezale. Naiwan si Thunder na hinapit palapit sa kaniya ang ina at kapatid niya habang si tito Rain ay lumapit kay Phoenix at pinisil ang balikat ng lalaki. I bit my lip when Phoenix looked at him blankly as if even that can't register to him. "Ako na ang pupunta. Just stay here with Snow. Wait for the doctors."
"I-I...but-"
"Trust me. Riri would be fine and so is her mother."
Napipilitan man ay tumango si Phoenix at tahimik na muling bumaling na ulit sa pintuan kung saan pumasok si mama kanina. Nanatili lang akong nakamasid sa kaniya. Pakiramdam ko ay may kumikirot sa puso ko sa katotohanang kahit natatakot kami sa nangyayari kay Snow ay hindi namin magagawang maintindihan kung gaano kahirap ito para sa kaniya.
Isa ako sa mga naging saksi ng buhay pag-ibig nila. Hindi naging madali sa kanila ang lahat. Ilang beses silang nagkasakitan, ilang beses na parang imposible na. But despite everything, they managed to push through.
So I know in my heart that whatever happens, they will still push through this.
Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ko ang init na bumalot sa isa kong kamay. Nagtama ang mga mata namin ni Archer pero walang kahit na anong salita na lumabas mula sa bibig niya. Marahang pinisil niya lang ang kamay ko at bahagya akong hinila palapit sa kaniya, ang mga kamay namin na magkahugpong ay nakatago sa pagitan namin.
I didn't stopped him and I didn't moved away from him. I shut down my mind and just let the comfort of his hand warm the coldness of mine.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin nang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang obstetrician ni Snow na si Doctor Ruiz. Nanginginig ang katawan na lumapit si tita Wynter kay Phoenix na sa kabila ng lahat ay iniangat ang kamay niya para ipalibot 'yon sa mother-in-law niya. Sabay nilang hinarap ang doktor.
"How's my daughter, doctor?" Tita Wynter asked. Her voice so shaky as if she's barely holding on.
"We can't get out the placenta and we tried to induce it but it wouldn't come out. We tried to manually locate it dahil mararami ng dugo ang nawawala sa kaniya. As we were about to put her on anaesthesia, she arrested for a minute and a half."
Napatakip ako sa bibig ko kasabay na naramdaman ko ang muling paghigpit ng hawak sa akin ni Archer. Ngunit nanatili akong nakatingin kaila Phoenix. We can't lose it now. Not when we all know that they're suffering the most.
"She's stable now but we need to put her in ICU so we can monitor her. The baby should also stay for awhile in NICU for further observation."
May lumapit na nurse sa kanila at iginaya sila papunta kung saan nila makikita si Snow. Sumunod sa kanila sina Thunder at Freezale habang kami ng iba pang mga agent ay nanatili na lang sa kinatatayuan namin.
Sandaling muli na napuno ng katahimikan ang paligid na naputol lamang nang makaramdam kami ng pagkilos sa gawi nila Sky.
"Bibili muna kami ng mga kakailanganin nila Snow." paalam sa amin ni Adonis na inalalayan ang asawa niya na makaalis mula roon.
Para bang naging hudyat na iyon para sa iba na kumilos para makagawa ng mga bagay na makakatulong sa pamilya nila Snow. Akmang susunod na rin ako sa kanila nang lumapit sa gawi ko si Dawn na buhat pa ang anak niya. Marahang iginalaw ko ang kamay ko na hawak parin ni Archer at naramdaman kong bantulot niya iyong binitawan na para bang ayaw niya pang bumitaw.
"Aiere, Phoenix would need your help with something." walang paligoy-ligoy na sabi niya.
"Help with that?" Nakita kong tumingin siya kay Archer na nanatili sa tabi ko pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. "It's okay, Dawn. Just tell me."
"May mission si Phoenix na papalapit na. I told him not to get it but at that time no one is available for it. Alam kong kahit na ganito ang nangyayari ay hindi niya bibitawan ang mission dahil kinuha niya na iyon but I want to take this off from his shoulder. He needs to focus on his wife and daughter."
"I understand." Ngayon ko naiintindihan kung anong nagiging resulta sa pag-iwas ko sa mga mission. Kada hindi ako tatanggap, napupunta iyon sa ibang agent. An agent like Phoenix who already have so much in his hands. "Will I have enough time to study it?"
"Yes. I will find a junior agent for you so someone can come with you. This is not an extreme one but it could take a bit longer depends on how you can work on this."
Tumango ako at bahagyang ngumiti kahit na pilit iyon. "Sa control room ko na lang kukunin ang mission. So I can run this down with whoever my eyes would be."
"Noted."
Nagpaalam na sila sa amin at naglakad na palayo habang ako ay nanatiling nakakulong sa isipin ko. I feel guilty. Kailangan kong bumawi sa kanila. Dahil kung hindi ko kayang seryosohin ang trabaho na ito, sana tumigil na lang ako. A lot of people needs us and we took an oath to help them no matter what.
"Let's go?"
Nag-angat ako ng tingin kay Archer at bahagyang umiling, "You can go first. Mas malapit ang villa mo rito."
"Ihahatid na kita sa headquarters."
"You don't need to-"
Pinutol niya ang kung ano pa mang sasabihin ko at hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako paalis sa lugar na iyon. "Kay Thunder naman ako tutuloy kaya sa headquarters din ang tuloy ko."
"Bakit doon ka tutuloy?"
"I've been staying there for awhile. Lalo na kapag inaabutan ako ng gabi dahil nag-aayos kami ni Thunder ng set namin sa banda. We're both trying to come up with new songs too kaya doon muna ako tumatambay minsan."
Kaya pala ilang beses ko siyang nakikita sa headquarters kahit na sa mga alanganing oras. May villa naman kasi sila kaya nakakapagtakang lagi siyang nandoon. Sa banda kasi si kuya Thunder na lang ang nasa headquarters.
Usually kasi sa mga agent na nagkakaron na ng pamilya, either mag i-i-stay sila sa family rooms sa headquarters o kukuha na lang sila ng villa. It's up to them. Usually kapag newly weds nasa family room lang tapos lumilipat na lang sa villa kapag nagkakaron na ng mga anak. It really depends on the parents. Minsan naman kasi sa headquarters din sila tumutuloy kung gusto nila kasama ang mga pamilya nila lalo na kapag sobrang busy sa mission ng BHO CAMP. Mas mabilis kasi ang access sa lahat ng bagay kapag nasa headquarters.
Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay namin na magkasalikop nang kahit nasa labas na kami ng ospital ay hindi parin niya ako binitiwan. "You can let go now."
Tumingin siya sa akin pero hindi niya pinakawalan ang kamay ko at sa halip ay nagpatuloy lang sa paglalakad. "Hindi mo ko gusto, hindi kita gusto. So this should be okay. This should mean nothing, right?"
Muling napuno ng kaguluhan ang puso at utak ko pero pinatili ko na lang tikom ang bibig ko. Dahil hindi ko din kayang ipaliwanag kung ano ba ang dapat. Hindi ko din kayang pigilan siya sa mga bagay na ginagawa niya.
This should be okay. We should be okay.
No. He should be okay and me as well. Dahil walang salitang 'tayo' sa aming dalawa. Meron lang siya at ako. Iyon lang.
"Right."
And I answer that, I know that somehow, there's a part of me that is lying. Dahil kahit wala mang sagot sa mga katanungan ko, alam kong may nabago na. I'm just not ready to know them yet because I know that there would be no turning back once I look for those answers.
I'm not ready.
And so is he.
_________________End of Chapter 11.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top