EPILOGUE

EPILOGUE

SNOW'S POV

5 months later...

"It's been five months after the wedding, Tita. I'm still not pregnant. I'm taking another PT this month but..."

Naramdaman kong pinisil ni Phoenix ang kamay ko na hawak-hawak niya. Sa kaniya na lang ako kumukuha ng lakas. Natatakot ako. Paano kung hindi ko siya mabigyan ng pamilya na gusto niya? What if I cannot give him a child?

"Nakuha ko na ang resulta ng test niyo ni Phoenix. He is capable of giving you a child-"

"And me?" I whispered.

Bumuntong-hininga si Tita Autumn. It's me right? Ako ang problema. I'm not capable. I can't give him a child. Akmang hihilahin ko ang kamay ko na hawak ni Phoenix pero pinigilan niya ako. Tumingin ako sa kaniya pero imbis na paghihinayang ay tanging pagmamahal lang ang nakikita ko sa mga mata niya.

"You have problems with your hormones and it will be hard for you to conceive. Hindi ibig sabihin niyon imposible. Hindi nga lang magiging madali."

"In short, keep on trying. You know? More sex."

Namula ako ng magsalita si Tito Wynd na katabi ng asawa niya. Tahimik lang siyang naglalaro ng Criminal Case sa tablet niya kanina.

"Wynd."

"Yes, sweetheart?"

"Just keep playing."

"Okay! I love you!"

"I love you too." sagot ni tita Autumn at muling bumaling sa amin. "As I was saying, hindi magiging madali na mabuntis ka, Snow. Make sure lang na uminom ka ng vitamins mo, kumain ka ng healthy at umiwas ka sa stress."

"Sometimes I still get terrible cramps even without period. Minsan akala ko...akala ko buntis ako dahil nagkakaron ako ng spotting."

"A human body is hard to understand, Snow. But your test is clean. Wala kang cysts at wala kang kahit na anong sakit. You're just stressed out at alam ko na dahil ito sa kapatid mo na si Thunder, hindi ba?"

Nagbaba ako ng tingin. Sa loob ng limang buwan ang dami ng nangyari. Ang daming nagbago. Natayo na ang isa pang building na katabi ng headquarters. Doon tutuloy ang mga papasok ng BHO CAMP academy. Where we train future agents of the organization. Kung paano sila nahanap ay tanging si Dawn na lang ang nakakaalam. But it also means more job for us.

My brother...he's been receiving treatment for his heart. Positibo na tanging lalaki lang sa lahi namin ang napapasahan ng sakit ni Papa.

"I can't control my feelings, Tita. He's my brother." I whispered.

"I understand, Snow, but let me also reassure you that we will do everything we can." inabot niya ang isa kong kamay at bahagyang ngumiti. "Trust me."

"No! Trust me!" singit ni Tito Wynd.

Napapakamot sa pisngi na nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila, "Err...girl power?"

"Orayt!" sigaw ni tita Autumn. Kumekendeng-kendeng na inikot niya ang isang white board na nakatayo sa isang gilid at hinarap niya iyon sa amin. Nilagyan niya ng puntos ang tapat ng pangalan niya na may ilan ng mga nakaguhit.

"What's that Tita?" tanong ko.

"Contest namin ni Wynd kung sino ang pinakamaraming magtitiwala sa amin. Galing no? Ako ang nakaisip niyan."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Phoenix sa kanila at pagkaraan ay napailing. "Nakakapagtaka ho na hindi nagmana ang kambal sa inyo."

"Sinond may sabi sa'yo?" tanong ni Tita Autumn. "Hindi lang sila Enyo at Eris ang pwedeng tawagin na Disaster Twin. Kung sila disaster ang kambal ko terrible."

"I can still remember those times..." Tito Wynd whispered, looking at the ceiling as if reminiscing.

"Tinago namin ang mga paboritong laruan ni Fiere at Aiere dahil ayaw nilang kumain ng gulay. Na kahit ako hindi ko makain, actually." sabi ng ginang.

"So ayun sinabihan kami na kinidnap namin ang mga laruan nila." sabi ni Tito Wynd. "Nang mag gabi natulog na kami ni Autumn. Pag gising namin nakatali na kaming dalawa."

Ngising-ngisi na tumingin si Tita Autumn sa amin. "Ang astig ng mga anak ko no? Syempre genius ang mga iyon. Parang ako lang."

"At ako." singit ng asawa niya.

Napapakamot sa pisngi na tumayo na ako. Hinila ko si Phoenix at sabay na umatras kami. Nagsisimula na kasi ang bangayan ng mag-asawa.

"Snow." tawag ni Tita Autumn.

"Po?"

"Drink your vitamins, eat healthy foods, stop stressing-"

"And more sex!" singit ulit ni Tito Wynd.

Nakangiwing hinila ko na ang natatawang si Phoenix. Mabuti ng umalis na lang kami bago pa kami mahawa sa dalawa.



NARAMDAMAN kong inayos ni Phoenix ang kumot na tumatabing sa akin. Tumabi siya sa akin at sumuong sa kumot at pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap

"And we're back again in this tree house." I whispered.

"Walang maingay dito."

"That's true."

Sumiksik ako sa kaniya at umunan sa kaniyang dibdib. Naramdaman kong marahan niya akong hinalikan sa ibabaw ng ulo ko dahilan para bahagya akong mapangiti.

"Any news about Mira?" I whispered.

"Wala pa rin. But we'll keep trying, I promise."

"Okay." I said, still whispering.

Wala kaming natatanggap na balita mula sa babae. Walang magandang balita at wala ring masama. Hinahanap na rin siya ng mga agent. Katulad ng sabi ni Serenity, Mira will probably work as our spy but all the agents agreed that we need to make sure first that she's okay first.

Pero iyon nga, animo hindi siya nag e-exist dahil wala kaming mahanap na kahit na ano tungkol sa kaniya.

"Phoenix?"

"Hmm?"

"What if...I can't give you-"

"Hush."

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakapikit siya. Nang tila naramdaman niya ang titig ko ay nagmulat siya ng mga mata. Umangat ang kamay niya at marahang hinaplos niya ang pisngi ko. "Stop worrying."

Umalis ako mula sa pagkakayakap niya at umupo ako. Niyakap ko ang mga tuhod ko at sumubsob ako roon.

Bata pa lang kami pangarap na ni Phoenix ang magkaroon ng malaking pamilya. Dahil nag-iisang anak siya ay naghahangad siya ng ganoong klase ng pamilya and I want to fulfill that dream.

"Just answer me please..." I whispered.

"Snow."

"Paano kung hindi kita mabigyan ng anak?"

"Then we'll adopt. Maraming mga bata ang kailangan ng mga magulang."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "It won't be the same."

Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya niya akong hinila patungo sa kaniya. Until I'm almost sitting on his lap. "Adonis? Hermes? Sa tingin mo ba may pagkakaiba sa pagmamahal ng mga magulang nila sa mga kapatid nila at sa kanila?"

I know the answer to his questions. Dahil nakita namin kung paano itrato ng mga magulang nila sina Kuya Hermes at Adonis. Walang pagkakaiba sa totoo nilang mga anak. They love them just the same."I-I just...I just don't want you to think that I'm broken."

"You're not broken." he said with a strength in his voice. "A child just need one thing, Snow. They just need love and we can give that to them. Nabuo man sila sa atin o hindi. It's the same love. Dahil hindi naman sa dugo nasusukat ang pagiging pamilya. You are not my family by blood, Snow, but you are my family.

I can feel my heart warming with his words. Dahil alam kong tama siya. "And we will name him or her, Daiquiri. Kasi ayokong magpatalo sa kanila." I whispered, tears pooling from my eyes.

"Yes." Bulong niya at pagkatapos ay bumaba ang mga labi niya sa akin at magaang dinampian niya ng halik ang mga labi ko.

We are just starting our journey. Marami pa kaming matutuklasan sa isa't isa. Marami pa kaming pagdadaanan. Marami pa kaming masasayang sandali na mararanasan. Together...we will be okay.

We started as best friends. Two innocent people who offered their hands to each other and walk to a path that leads to now. A path where we are still walking hand in hand but now as husband and wife.

Hindi naging madali para sa amin ang marating ang kinaroroonan namin. Nagkasakitan kami at nakasakit. Nagsisi at lumaban. Hanggang tuluyan naming makamtan ang pagmamahal na hinahangad.

Yes, every love is different. Iba-iba kung paano magmahal ang mga tao, iba-iba kung paano lumaban at iba-iba ng desisyon. But in the end, nothing matters, except...being happy. Being in love. Being free.

"Phoenix, I love- argh!"

"Snow!"

Tinakpan ko ang bibig ko nang muling tila parang hinahalukay ang sikmura ko. Naduduwal na tinignan ko si Phoenix, "Anong amoy 'yon?"

"What?" takang tanong niya. Sumilip siya sa labas ng bintana at nagpalingon-lingon siya. Then he stopped. "I think you're smelling the mangoes. Mga hinog na."

Akmang magsasalita ako ulit pero tinakpan ko na lang ang ilong ko nang muli akong maduwal. "Close the window!"

Imbis na sundin ako ay dahan-dahang lumingon siya sa akin. Nanglalaki ang mga mata na tinignan niya ako. "Snow...are you pregnant?"

I didn't answer him only because my body rocked again from stopping myself from vomiting. "Phoenix!" I said, gasping.

"I love you."

"I love you too! Now close the window!"

FIN

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top