CHAPTER 30 ~ Martins ~

CHAPTER 30

SNOW'S POV

3 weeks later...

"Snow, you need to stop eating."

Sinimangutan ko ang kapatid ko na si Freezale nang tangkain niyang kunin sa akin ang tupperware na naglalaman ng hiwa na mga mangga. Dala ito nila Momma kahapon. Pinadadala daw ni Phoenix. Kahapon kasi hindi na kami pinayagang magkita. Because of the tradition of course.

"Ayoko nga. Nagugutom pa ako eh."

Nameywang si Freezale. "Hindi ka nagugutom, okay? Stop eating this. Mamaya atakihin ka na naman ng heartburn. Natatandaan mo pa ang bilin ni Tita Autumn di ba? Too much is not good. Pati na ang stress dahil inaatake ka ng stomach cramps."

"Anong gagawin ko eh gustom pa ako?" nakangusong reklamo ko.

"Kinakabahan ka lang."

"Bakit naman ako kakabahan eh si Phoenix naman ang pakakasalan ko? Hindi ako kinakabahan, promise."

Hindi ko alam kung para sa kapatid ko ang sinabi ko o para sa akin dahil kanina ko pa pilit na iniignora ang imaginary drummer sa loob ng dibdib ko. Katatapos lang akong ayusan at nasuot ko na rin ang damit ko. Iniintay ko na lang sila Momma.

"Akin na..." sabi ni Freezale at hinila ang hawak ko. "Sabi!"

Lalong nalukot ang mukha ko nang tuluyan na niyang makuha ang tupperware. Sandaling napatigil ako ng may maisip at pagkatapos ay lalo ko pang pinalukot ang mukha ko na tipong bubunghalit na ako ng iyak.

Imbis na umepekto ay tinaasan lang ako ng kilay ni Freezale. "Hindi na 'yan tatalab sa akin. You're getting married. Meaning, malaki ka na."

Natawa na lang si Athena at Serenity na nanonood sa amin. My maid of honors.

"Ate Freezale!" angal ko.

"Mas nauna kang lumabas."

Akmang makikipagtalo pa sana ako nang mapatigil kami dahil sa pagkatok sa pintuan. Mabilis akong napatayo dahilan para mabangga ko ang lamesa sa tabi ko. Gumalabog iyon pero hindi ko pinansin.

"Omg! Is it time? Nandiyan na sila momma? Omg! I think I'm gonna throw up! Omg omg omg!"

Naiiling na lumapit si Freezale sa pintuan. "Hindi daw kinakabahan."

"Don't open the door!" I shouted.

Pero tila bingi na binuksan pa rin iyon ng kapatid ko. Impit na napatili ako para lang mapatigil nang makita ko kung sino ang nasa kabilang panig ng pintuan, "Tita Ruby?"

Nakangiting pumasok ang matandang babae na sandaling napatigil nang mapatingin kay Freezale. Of course magugulat siya. Hindi ko naman nasabi sa kaniya na may kakambal ako o na isa ako sa triplets.

It's been almost two months since I last saw her. Inimbitahan ko siya pero hindi ako lubos na sigurado kung makakarating siya. I even sent her an invitation before I even finalize my wedding gown. Ang kaso ng mga panahon na iyon ay umakyat pala siya ng Sagada dahil doon siya orihinal na nakatira. Ang mga anak lang niya ang nasa Manila.

"You look beautiful, dear."

Napangiti ako. "Thank you, Tita. Buti po at nakapunta kayo."

"I wouldn't miss it for the world." she whispered, her hand reaching for the pendant on my necklace. "I'm glad that this ring can finally bring two people together."

Napangiti ako at nagbaba ako ng tingin sa sing sing ni Tita Ruby na ginawa kong pendant ng kwintas. "Ang liit ng mundo. Hindi ko alam na ang ring band na itinago ng mapapangasawa ko ay ikaw pala ang nag ma-may ari, Tita." akmang aalisin ko ang kwintas pero pinigilan ako ng babae.

Umiling siya at bahagyang tinapik ang sing sing na nakalawit sa tapat ng puso ko. "Keep it, Snow."

"Tita..."

"It already witnessed my love. Ngayon, ang pag-ibig mo naman ang sasaksihan nito." pinisil niya ang kamay ko at ngumiti. "Tutuloy na kami sa simbahan. Thank you so much for inviting me, Snow."

"You're welcome, Tita." I said, smiling back at her. "Sino nga po pala ang kasama mo?"

"Ang anak kong si Calvin."

Itinuro niya ang pinto kung saan may lalaking tahimik lang na nandoon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Hindi na nakakapagtakang gwapo ang anak ni Tita Ruby dahil maganda siya sa kabila ng kaniyang edad. Hindi ko nga lang akalain na ganto kagwapo ang anak niya.

"Freezale, tawagan mo si Tita Wynter." mahinang sabi ni Athena.

Inalis ni Freezale ang tingin niya sa lalaki at ibinaling niya ang atensyon kay Athena. Si Freezale lang ata ang walang reaksyon sa lalaki. Wala namang ibang nakikita 'yan kundi si Kuya King. Ang asawa niya lang kasi ang nag-iisang malakas ang loob na bigyan ng emosyon ang kapatid ko. "Bakit ko tatawagan si Momma?"

"Sabihin mo kailangan ng isa pang wedding gown. ASAP." mahina pa rin na sabi ni Athena habang nakatingin sa lalaki. "May double wedding na magaganap."

Napailing ako ng makita kong namula ang mukha ni Calvin at walang salitang lumabas ng kwarto. Umangat ang kamay ni Athena at umarte na parang hahabulin ang lalaki. Napatigil lang siya ng paluin siya sa braso ni Freezale. "Tumigil ka nga. Nakakahiya o nandiyan ang nanay niya."

Natatawang umiling si tita Ruby. "It's okay. You're really pretty, iha. Pwede kitang ireto sa anak ko kung gusto mo."

Napatigil sa pag-arte si Athena at nakangising napakamot sa ulo niya. "Joke lang po. Taken na po ako."

"Nag hahallucinate ka na naman, Athena." sabi ng kapatid ko.

"Hindi naman ibig sabihin ng walang commitment ay hindi ka na pwedeng maging taken. Oo nga hindi kayo. Pero paano naman ang puso mo?"

Nagkatinginan kami ni Freezale sa sinabi ni Athena na ngayon ay sumeryoso ang ekspresyon. Wala na ang ngiti sa mga labi niya. Sandali lang tumagal iyon dahil ipinilig niya ang ulo at muling ngumisi sa amin. "Samahan ko na kayo palabas, Tita. Para masilayan ko ulit ang anak ninyo." sabi ng babae kay Tita Ruby na lumingon sa akin at muling nagpaalam.

Nang makalabas na sila ay nanatiling nakatingin lang ako sa pintuan. Ano kayang meron kay Athena? Mula ng makabalik ako mula sa Seattle lagi kong napapansin na may kakaiba sa kaniya. Lagi pa siyang wala sa BHO CAMP.

"Snow, lalabas na kami ni Serenity ha? Nagtext si Momma. Paakyat na sila." sabi ni Freezale.

Tumango ako pero hindi na ako muling nagsalita. Umupo na lang ako sa tapat ng vanity mirror at tinignan ko ang repleksyon ko. Bahagya kong tinapik ang mukha ko. "You're really getting married, Snow." I whispered to myself.

Kahit na buong buhay ko na nakasama si Phoenix, iba pa rin pala kapag ganito. The feeling of belonging to someone, knowing that you'll share every moments in life. 'Yung alam mo na sa bawat oras hindi ka na mag-iisa.

Phoenix has always been my wings. Nandiyan siya parati para sa akin at nakasuporta, umaalalay...nagmamahal.

"I'm gonna cry again!"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sa repleksyon si Momma na nagmamadaling lumabas muli ng pintuan. Nangingiting pinabayaan na siya ni Papa at sa halip ay lumapit ang ama ko sa akin. Bago pa ako makatayo ay inilagay ni Papa ang mga kamay niya sa balikat ko habang nakatingin sa salamin...sa akin.

"My beautiful daughter."

Nginitian ko siya. "Syempre mana sa inyo ni Momma."

"Alam mo ba ang pinakakatakutan ko?"

"Na mag-experiment si Momma ng luto?" nangingiti kong tanong, pilit na pinapagaan ang atmospera.

Umiling si Papa, "I always been afraid of this day. Since the very first moment I held you in my arms...kayo ng mga kapatid mo, alam ko na dadating ang araw na ito. The time when me and your momma need to let go of you."

"Papa..."

"Iyon ang isang bagay na kinakatakutan ng lahat ng mga magulang...nang mga tatay. That your little child who used to run in your arms crying, knowing that when Papa's finally holding her, everything will be alright...will have another set of arms to run into. This is the most wonderful day for a parent yet it is also the most heart breaking.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ako at niyakap ko siya. Hinapit niya ako palapit pa sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you, Papa. You will always be the best father on the universe. I'm so happy na naging anak niyo kami nila Freezale at hindi ipinunas sa bed sheet-"

"Snow!" gulat na sabi ni Papa.

Nagtatakang umatras ako at nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Bakit po? Sabi ni Kuya sabihin ko daw 'yon kapag nagiging madrama na daw kayo ni Momma. Ang gulo nga ng explanation ni Kuya eh. Pero sabi niya basta daw sabihin ko."

HInihilot ang sentido na bumuntong-hininga si Papa. "Bakit ba hindi na lang si Thunder ang naunang ipakasal?"

"Po?" naguguluhang tanong ko.

"Nothing. Let's go."



BUMUNTONG-HININGA ako at nilingon ko si Momma na katabi ko. Si Papa sa unahan na umupo dahil hindi kami magkasya sa likod dahil sa laki ng suot ko na gown. Halos sakupin na nga rin niyon si Momma.

Pilit na inignora ko ang pag-iyak ni mama at nagsalita ako sa hawak ko na cellphone, "It's okay BDW. Hindi mo naman kasalanan na na-aksidente si Deck, ano ka ba? Pwede ka namang dumalaw dito kapag okay na siya."

"I just so disappoint with my destiny. How can I be no appearance at your super day? It feels hurt you know?"

"Okay lang. I understand. And thank you so much for calling me. I was really nervous." nangingiting sabi ko.

"Nervous? Why? Are shotgun on you? They no pointing it at you. This a wedding! A heart of two turn into one! Be happy!"

Napangiti ako at tumango-tango. "Yes, yes. I'll be happy."

Sandali pa kaming nag-usap bago siya nagpaalam dahil tinatawag na daw siya ng nurse. Naaksidente kasi sa pagdadrive ng motorsiklo si Deck. He's safe kaya lang kailangan i-cast ang paa.

Itinago ko ang cellphone at nilingon ko si momma na umiiyak pa rin. "Momma, baka naman maubos na ang make up mo. Stop crying na please?" sabi ko at nagpapacute na kumurap-kurap pa ako.

Pero imbis na tumahan ay lalo lang siyang umiyak. Muli akong napabuntong-hininga at nangingiting niyakap ko siya. Sa abot ng makakaya ng gown ko.

"Momma, it's not like I'm gonna be a continent away. Hindi naman ako aalis ng BHO CAMP. 'Wag ka ng umiyak, Momma. You're not losing me. You'll just have another addition to the family."

Inabot ko ang tissue na inaabot ni Papa at pinunasan ko ang luha ni Momma. Sumisinghot-singhot na kinuha niya sa akin ang tissue at siya na mismo ang nagpunas niyon.

"Are you afraid that he will hurt me?" I asked.

"No. Phoenix respect us too much and he loves you very much to do that." she whispered. "Looking at you wearing that gown, knowing that you're no longer my little girl, breaks my heart and makes me feel elated at the same time."

Hinawakan niya ang kamay ko at iniipit iyon sa dalawa niyang mga kamay. Numiti siya sa akin sa kabila ng mga luha sa mga niya. "You'll know one day, how incredible this feeling is."

Napatingin ako sa labas ng sasakyan ng may kumatok roon. Bumukas iyon at nakataas ang kilay na sumilip si Freezale. Bago pa may makaimik sa amin ay walang babalang pumasok siya at sumiksik sa tabi ko.

"Momma, bakit parang mas umiiyak ka nang si Snow na ang ikakasal? Bakit sa akin hindi masyado?" sunod-sunod na tanong ni Freezale.

Hindi pa nakakasagot si Momma ay bumukas ulit ang pintuan at waang babalang nag dive papasok si Kuya Thunder. "Wow! So fluffy!"

"Kuya!" angal ko. "Ang bigat mo!"

"Maganda palang higaan 'to eh." sabi niya at inilagay pa sa likod ng ulo niya ang mga kamay niya at kampanteng humiga.

"Momma, gusto ni Kuya Thunder ng wedding gown." sabi ni Freezale. "Baka siya na ang susunod kaya ganiyan."

"Sige, ako na ang bahalang mag design ng gown ng mapapangasawa mo. Ano bang size niya?"

Mabilis pa sa alas kwatro na nawala ang bigat ng kapatid ko sa ibabaw ko at nagmamadaling lumabas siya ng sasakyan. As always, takot pa rin sa salitang may kinalaman sa kasal.

"Bumaba na tayo, momma. Hayaan na muna natin si Snow dito at ng makapag-isip pa siya kung tatakas ba siya at magiging run away bride."

Binelatan ko si Freezale na pigil ang ngiting lumabas ng sasakyan. Si Momma naman ay marahang pinisil ang kamay ko bago tuluyang lumabas. Kasunod nila ay si Papa na tahimik lang.

Nang may aalala ay binuksan ko ang bintana at sinigawan ko si Freezale, "Ate Freezale! Pakitawag si Fiere at si Athena! Saka si Kuya Waine!"

"Nauna ka!" sigaw niya pabalik.

Nangingiting isinarado ko ang bintana at nag-intay. Nakalimutan kong ibigay ang baller bands ng mga best man at maid of honor. Ang ibang mga agent sinesekreto pa ang maid of honor at best man hanggang sa mismong kasal. Para mapilitan ang mapipili. Hindi ko na iyon ginawa dahil alam ko namang hindi aangal si Kuya Waine kung sakaling malaman niya ang tradisyon namin. O kahit si Athena na alam na alam ang tradisyon.

Since the time of our grandfathers and grandmothers, they said that whenever a bride and groom chooses their maid of honor and best man, that they usually end up together. Naging tradisyon na tuloy na pag partnerin ang mga agent na gusto naming magkatuluyan kapag may kinakasal.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at sumilip ang mga pinatawag ko. Inilabas ko ang mga paa ko at nagtangkang bumaba pero muli akong napaupo.

"Ammm...patulong?"

"Fiere, let's help this cake." sabi ni Kuya Waine kay Fiere na nakangiting sumunod naman. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at hinila.

Nang tuluyan akong makalabas ay nakangiting hinila ko ang parte ng gown ko na nasa loob pa rin ng sasakyan. Nang masiguro ko na lahat na ay nakalabas ay nakangiting hinarap ko sila.

"O." sabi ko kay Waine at inabot ko sa kaniya ang dalawang baller. "Ibigay mo kay Serenity 'yang pink at ang isa sa'yo."

"Para saan?" nagtatakang tanong niya.

"Tradisyon."

Nagtataka pa rin na tinalikuran na niya kami at tinungo ang kinaroroonan ni Serenity. Nang makalayo na siya ay hinarap ko si Athena at si Fiere. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Athena.

"Yes please!" sigaw niya at walang babalang inagaw sa akin ang dalawang band. Mabilis na isinuot niya ang pink at pagkatapos ay hinila niya ang kamay ni Fiere at isinuot iyon. "So...Fiere. Kailan ang kasal natin?" tanong niya at kumikindat-kindat pa.

"Amm..." naiilang na sabi ni Fiere at napatingin sa akin.

Bahagyang umangat ang kilay ko sa ginagawa niya. Para kasing may nababother pa siya sa presensiya ko kesa sa tanong ni Athena. Ano kaya talaga ang score sa dalawang 'to?

"Mamaya? Bukas? O ngayon na?"

"Kung gusto mo-"

Lalong tumaas ang kilay ko habang iniintay ko na tapusin niya ang sasabihin niya. Iyon nga lang bago pa niya masagot iyon ay may isang boses na nagpatigil sa kaniya sa pagsasalita.

"Kuya!"

Lahat kami napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita kong lumapit si Aiere sa kinaroroonan namin at agad siyang dumikit sa kapatid niya. "Tawag ka na sa loob."

"Okay. Let's go."

Naunang maglakad si Fiere habang ang kapatid niya na si Aiere ay lumingon kay Athena. "That won't work on my brother. Unless you can give him everything that he deserves."

Sinundan ko ng tingin ang magkapatid bago ako tumingin kay Athena na tahimik na nakatingin lang sa kamay niya na suot ang baller.

"Athena?"

"Hmm?" she said, looking up at me.

"It will work."

Pilit na ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Siguro." Ipinilig niya ang ulo niya at pagkatapos ay ngumiti. "Halika na. Baka naiinip na ang lovey dudes mo sa loob at magpatiwakal na iyon."

Tinulungan niya ako sa gown ko hanggang sa tuluyan na kaming makaakyat sa may simbahan. Animo nagsimula na naman ang imaginary drummer sa dibdib ko nang makita ko na nakapila na ang mga babae at lalaki sa magkabilang entrance ng simbahan.

Nakangiting nagpaalam si Athena at sumama na sa kanila habang ako ay naiwan sa gitnang entrance. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtabi sa akin ng mga magulang ko pero pakiramdam ko ay nanigas na ang buong katawan ko.

"Ready?" I heard momma whispered.

"I think I wanna throw up." Natatawang ikinawit ni momma ang braso niya sa akin at ganoon din ang ginawa ni Papa. Isinandal ko ang ulo ko sa aking ama at huminga ako ng malalim. "Kilala ko siya buong buhay ko pero pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang nerbyos."

"You're not that nervous, baby. You're just too happy. So happy that you feel like your heart is gonna burst out of your chest."

Tumingin siya kay Papa na kahit hindi ko tignan ay alam kong nakatingin din sa kaniya. May kung anong nagdaan sa mga mata nila. Na para bang bumalik sila sa mga oras na sila ang kinasal. There's so much love in my mother's eyes as she look at my father.

I can't help but think that one day...Phoenix and I will be standing here. Sa kabila ng mga panahon na lilipas ay maalala rin namin ang araw na ito. Araw kung saan ipinagbuklod kami ng Diyos. Panahon kung saan alam namin,na tapos na ang tadhana na paglayuin kami. Na sa mga oras na ito...hinahayaan niya na kami na maging magkasama.

"I'm ready." I whispered.

At the same time that those words escaped my lips, the doors opened, revealing everything. I can hear the song we chose, The Greatest Gift Of All. I can see the wonderful decorations. Nagkalat ang mga dekorasyon na phoenix...kulay puting phoenix. Puting bulaklak, at puting garland na nakakabit sa daraanan ko at nakasabit roon ang mga larawan namin ni Phoenix mula pagkabata.

But despite all that, I can't look away from him. Phoenix Martins. My best friend. My love. And the man that I will marry today.

It's not the flowers, wrapped in fancy paper

It's not the ring, I wear around my finger

There's nothing in all the world I need

When I have you here beside me, here beside me

He's not smiling. Not like when he married Mira. He's not smiling because I can see tears pooling from his eyes as he look at me. Nanginginig ang mga kamay na hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa bouquet. I can feel emotions rushing through me as I look straight into his eyes. His eyes that are full of love...and happiness.

So you could give me wings to fly

And catch me if I fall

Or pull the stars down from the sky

So I could wish on them all

But I couldn't ask for more

'Cause your love is the greatest gift of all

No one will ever love me as mush as he do and I will never love anyone as much as I love him. Alam ko na dapat maaga kong nalaman. Maaga kong natanggap. Wala na sanang nasayang na mga panahon. But I want to forgive myself...forgive him because we learned so much.

We learned not to let go. We learned to fight. We learned to accept defeat. We learned to love freely.

Naramdaman kong huminto na sila Momma at Papa nang makarating kami sa dulo pero kusang humakbang ang mga paa ko palapit kay Phoenix dahilan para maramdaman kong mabitawan ni Papa ang mga kamay ko.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko na nakayakap siya kay Momma. Nakangiting tinanguhan niya ako at pagkatapos ay tumingin siya kay Phoenix at nagsalita, "I won't tell you to take care of her because I know you will. I won't tell you to love her, because you already do. Instead, I want to thank you. For making her happy. I don't need to give her away when I know that she's been yours since the very start."

Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Sinundan ko sila ng tingin nang tuluyan na silang umalis at nagtungo sa kinaroronan nila Freezale. Humarap ako kay Phoenix. I smiled at him and reached for his face and then I gently wiped his tears, "Let's get married."

Tinungo namin ang pari na nakangiting pinagmamasdan kami. Muli kaming nagkatinginan ni Phoenix bago nakangiting humarap kami sa pari na nagsimula na ng kaniyang seremonya. Seremonya na siyang magbubuklod sa amin sa araw na ito bilang mag-asawa.

We listened with our head bows, letting God bless us...and this love that Phoenix and I know that we will treasure for the rest of our lives. Gaano man katagal ang panahon na lumipas. Kahit mabilis pang tumakbo ang oras ay mananatili ang pagmamahal namin hindi na nagbabago.

"My dear brothers and sisters, you came here today to witnessed the union of Phoenix Martins and Snow Night as the Lord above seal them together in a faithful bond, blessing their love. May the Lord strengthen and enriches your marriage for the years to come. And so, in the presence of God, I ask you to state your intentions." The priest look at Phoenix and speak, "Phoenix Martins will you have Snow Night to be your wife, to live together as friend and mate? Will you love her as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep her beside you as long as you both shall live?"

"I do, father."

"Snow Night will you have Phoenix Martins to be your husband, to live together as friend and mate? Will you love him as a person, respect him as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep him beside you as long as you both shall live?"

Sunod-sunod na tumango ako. Itinapon ko kung saan ang bouquet at pinagsalikop ko ang mga kamay ko. "I do, father."

Tumikhim ang pari pero hindi niya napigilan ang mahinang pagtawa niya sa iginawi ko. Nilingon ko si Phoenix at nakangiting umuklo siya sa akin at bumulong. "Should I throw the garter?"

"Medyo mahihirapan kang hanapin. My gown...you know." bulong ko pabalik sa kaniya.

He chuckled under his breath and straightened. He looked at the priest who nod his head and gesture his hand towards me. Pagkatapos niyon ay lumapit si Storm na kasa-kasama ang anak niya na si Ale na siyang ring bearer. Kinuha ni Phoenix ang isang sing sing at humarap sa akin habang hawak niya ang isa kong kamay.

"Snow Night, my best friend and the woman that I love. Mula ata ng malaman ko kung anong ibig sabihin ng salitang pagmamahal ay ikaw na ang nasa isip ko. Kahit na noong mga bata pa lang tayo ginusto ko...pinangarap ko na makasama ka habang-buhay. Pero alam ko na hindi mo gustong masira ang relasyon na meron tayo. Ang pagiging magkaibigan.

You were always beside me. One moment you're this cute little girl who keeps on riding my back, wishing for things I didn't know if I could grant but knew I will try my very best to give you, a little girl with a smile that could warm every person's heart....then the next you're this beautiful woman that I couldn't help but love.

Being in love with you wasn't easy. So I gave up. I turned my back and tried to move on only to realize that I could never stop myself from loving you. That there's no way I can erase you from my heart.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti sa buhay ko para ibigay pa rin sa akin ng Diyos ang oras na ito. Na ibinigay ka pa rin Niya sa akin sa kabila ng mga desisyon na naging dahilan para masaktan ka...at siya.

Marami pang panahon na dadaan. Marami pa tayong pagdadaanan. And I promise...I promise to stay with you as long as this life will let me. I promise to be your best friend forever. I promise to carry you on my back until I can't anymore. To love you as much as a heart can possibly can. And even though life might give us struggles that will be hard to face, I will not stop loving you because I can never see myself not loving you, Snow.

And In the name of God, I vow to take you as my wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my solemn vow."

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kumawala mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko siyang isuot sa daliri ko ang sing sing na tanda ng pag-iisa namin sa araw na ito. Instead of letting go of my hand, iniangat niya iyon at binigyan ng magaang halik habang nanatiling nakatingin sa mga mata ko.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang sing sing na isusuot ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at pagkatapos ay nagsalita. "Phoenix Matins, ang best friend ko na gagawin lahat maibigay lang ang gusto ko, ang best friend ko na siyang taga-braid ng buhok ko, taga-kuha ko ng mangga kahit napapahamak na siya sa pag-akyat sa mga puno, ang best friend ko na kahit na noong mga bata pa lang kami ay kaya ng itaya ang buhay niya para sa akin at ang best friend ko na alam ko na buong puso kong minamahal.

Lumaki ako kasama ka sa bawat bahagi ng buhay ko and I was scared because I don't want to lose that. Dahil alam ko na hindi magiging madali ang buhay pag-ibig. Nakita ko iyon sa mga kaibigan ko at maging sa kapatid ko. It was easy convincing myself that I was just being selfish by keeping you with me. Na nakasanayan ko lang na nandiyan ka. So I let you go.

I was a messed. I was wrecked. I was dying by my own decision. Dahil ng tuluyan ka ng mawala sa akin pakiramdam ko ay hinugot ang puso ko mula sa dibdib ko. And that's the moment I realize how wrong I was. That it would never be the same without you. That you were never just a best friend.

Even now, with you standing in front of me, pakiramdam ko nananaginip pa rin ako. Dahil hindi ko inakala na magkakaroon ako ng pangalawang pagkakataon. Pagkakataon na maiparamdam sa iyo ang totoo kong nararamdaman.

I am still afraid but it's okay because I rather be frightened than be without you. I rather be scared of the future...than to not spend my present with you

Dadating ang oras na magiging pasaway ako, na mahihirapan ka sa akin, na mag-aaway tayo. But please bear with me and remember this day. That I love you, and will always will. That I am here following what Mira said...to be happy. To love freely. To follow my heart. And my heart leads me to you, Phoenix Martins.

And In the name of God, I vow to take you as my husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my solemn vow."

Isinuot ko ang sing sing sa daliri niya at bago ko pa maialis ang kamay ko sa kaniya ay walang babala na hinila niya ako palapit sa kaniya. Iniangat niya ang veil na tumatakip sa mukha ko at masuyong pinagmasdan ang mukha ko.

Yumuko siya para halikan ako pero tumigil siya nang ilang layo na lang ang pagitan ng mga labi namin. "Father?"

I heard the priest chuckled but I can't look away from Phoenix who is staring down at me. His eyes shining with emotions.

"Now that Phoenix Martins and Snow Martins have given themselves to each other by the promises they have exchanged, I pronounce them to be husband and wife, in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. Phoenix Martins, you may now kiss the bride."

And without further do, he take my lips into a deep and intense kiss.

Napakapit na lang ako sa kaniya at ipinikit ko ang mga mata ko. I answered back his kisses. Giving him back the exact intensity that he's giving me. Telling him with my lips what words cannot say.

"Bantayan niyo 'yang dalawang iyan."

"Bakit naman, Freezale?" narinig kong tanong ng kapatid kong lalaki.

"Baka tumakas. Tignan niyo nga. Daig pa ang hindi nagkita ng sampung taon."

Nakangiting naghiwalay na kami ni Phoenix. May kumikinang na kapilyuhan sa mga mata niya at alam ko na ganoon din sa akin. Sabay na hinarap namin ang pari at halos sabay din kaming nagsalita.

"Father, may iba pa po bang daan palabas mula rito?"

Nakangiting itinuro ng pari ang isa pang daan. Muli kaming nagkatinginan at pagkatapos ay walang salitang magkahawak ng kamay na kumaripas kami ng takbo.

"Sabi ko na eh!" narinig kong sigaw ni Freezale.

"Follow them!" galing kay Thunder

"Hala paano ang mga inihanda ko na pagkain?!"

"Mamaya mo na intindihin 'yon Ocean! Just run after them! Ruuun!"



PABAGSAK na humilata ako at hinihingal na tumingin ako sa langit. Puno ng mga bituin ang langit at halos wala ring ulap na tumatakip sa buwan. It's so beautiful being up here, looking at it, as if it's up close.

"That dress is a death trap."

Nakangiting nilingon ko si Phoenix na humiga din sa tabi ko. Halos siya kasi ang sumalo ng buo kong gown makaakyat lang kami rito. Sa tree house.

"Hinahanap pa kaya nila tayo?" tanong ko.

"Siguro hindi na. Mga gutom na 'yon kaya malamang kinakain na ang mga niluto ni Ocean."

"Ikaw hindi gutom?"

"Nope."

"Ako hindi rin." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at inilobot ko ang paningin sa tree house. "Bakit nga pala may kutson na rito?"

"Lagi kasi tayong pumupunta dito. So I thought I should put one incase you decided to sleep here."

"And?" I prompted, looking back at him.

Namula ang mukha niya. "Malinis ang hangarin ko ng maglagay ako ng kutson dito."

Pakiramdam ko ay nagbalik ang imaginary drummer sa dibdib ko at hindi lang iyon. Ngayon ay kasama na niya ang buong banda at sabay-sabay silang nag-iingay at nambubulabog.

"Nix Nix..."

"Hmm?"

"Eh ngayon?"

"Ha?" naguguluhang tanong niya.

"Ngayon...malinis pa rin ba ang hangarin mo?"

Ilang sandaling katahimikan ang namayani at sa isang iglap ay nasa ibabaw ko na ang lalaki. Bahagya akong napatawa nang halos hindi siya dumikit sa akin dahil sa suot ko na wedding gown.

"We should probably take this off." he whispered.

"Wait." Umupo ako at nakangiting sinalubong ko ang mga mata niya. "May ikukuwento muna ako sa'yo."

"Snow..." he said with a pained look on his face.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako. Iniangat ko ang mga kamay ko at tinanggal ko ang veil sa pagkakabit niyon sa ulo ko, then followed by the hair decoration. "I was too heartbroken so I decided to get drunk. Pero dahil noon pa man ay ikaw na ang super hero ko ay kinaniya mo ang mga alak na iinumin ko dapat. So you got drunk more than me."

Inabot ko ang zipper ng gown sa likod ko at dahan-dahang ibinaba ko iyon. So absorbed on my story that I didn't see what I looked like at this moment. And I didn't see...the fire that ignited in his eyes.

"I followed you. Tumuloy ako sa kwarto mo dahil alam ko naman ang code mo. You were passed out on your bed but you were calling me. Over and over again. Lumapit ako sa'yo para marinig ko pa ang sinasabi mo at pagkatapos ay hinila mo ako. Bumagsak ako sa ibabaw mo and you just hugged me. You hugged me tightly and said my name again."

Tuluyan ko ng naibaba ang damit pero sa loob niyon ay may puti pa akong corset at petticoat na makapal.

"Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I kissed you and you...kissed me back. Inalis mo ang damit ko at ganoon din ang ginagawa ko sa'yo. You touched me all over my body, whispering my name and then-"

Napatigil ako sa pagkuwento nang maramdaman ko ang kamay ni Phoenix sa baba ko. Iniangat niya iyon at walang salitang hinalikan ako.

When he finally let me go, I was grasping for air. My eyes widened when I saw the burning desire in his eyes. "Hindi pa ako tapos sa kuwento ko, Nix Nix." reklamo ko.

"You can tell me next time. For now we will just recreate those moments."

Pagkasabi niya non ay hinila niya ang petticoat ko. Napanganga siya nang makita niya na may isa pang palda sa loob niyon. "Is this dress supposed to torture me?" he whispered.

"Nope."

"Do I need to take off a bazillion of this skirt?"

I smiled at him and lay down on the foam. "I think that's the last one." I whispered.

Marahan niyang ibinaba ang palda. Napakagat-labi ako at pinagkrus ko ang mga paa ko pero naramdaman ko na pinigilan niya ang mga iyon. "Scared?"

"Nervous." I corrected in a whisper.

"Don't be."

Inalalayan niya ako para makaupo ulit at pagkatapos ay dumako ang mga kamay niya sa likod ko. Looking right into my eyes, he slowly pulled the strings of my corset. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon ng hindi tumitingin...but his hands was fast. When he finally pulled it off of my body, revealing myself to him, he gently touched the swell of my bosom...his eyes still on me. "Beautiful."

He gently lead me back down, his body covering mine. Naramdaman kong kumilos ang isa niyang kamay para alisin ang pang-itaas niya. I watched him took off his tie, his polo, then his hand went on his belt buckle.

"C-Can...I?" I whispered.

Tumango siya at marahang hinawakan niya ang kamay ko at iginaya iyon patungo sa katawan niya. Sa nanginginig na mga kamay ay inalis ko ang sinturon niya at binuksan ang kaniyang pantalon.

"I love you." he whispered.

Iniangat ko ang katawan ko at idinampi ko ang labi ko sa kaniya. "And I love you."

He finally lose his last piece of clothing as my eyes wander, taking all the sight of him. Umangat ang isa niyang kamay at lumapat iyon sa balikat ko. Pakiramdam ko ay kay init niyon at nagbibigay ng apoy na unti-unting gumagapang sa bawat himaymay ko.

Bumaba ang kamay niya sa braso ko at hindi tumigil ang paglalakbay niya hanggang sa marating niya ang tagiliran ko. With his hands sending trail of sparks on me, his eyes captured mine, he lowered his head and place a gentle kiss on my shoulder.

Sinunod niya lahat ng dinaanan ng kamay niya. He was so gentle as if he's afraid of breaking me. "Phoenix..."

"I never thought I could have you completely. To worship you the way you should, to love you the way you should be loved." he murmured as he covered me with his body, his mouth close to my ears. Kumawala ang mahinang ungol mula sa mga labi ko nang maramdaman ko ang mainit na bagay na humaplos sa sensitibong parte ng tenga ko. "To make you mine."

Napaarko ang likod ko nang matunton ng isa niyang kamay ang pagitan ng mga hita ko. His fingers played with the sensitive flesh as his breath continued to hit the side of my face. "I remember it. I remember your softness, I remember your scent, the little sounds you made...I remember it but I thought it was just a dream that could never happen."

I know he's trying to remember the first time and with his words it's like I was being transported back to that moment. Pero hindi iyon nagtagal dahil pakiramdam ko ay hindi no'n mapapantayan ang kasalukuyan. What happened before is special. We were inhibited, we were not bounded by our realities. Sinunod lang namin ang nararamdaman namin.

But this time everything felt right. We don't need to wake up from this because this is our reality. Without fear, without a timeline. We just have our forever.

Bahagya kong ipinaling ang mukha ko upang magawa kong hulihin ang kaniya na nakasubsob pa rin sa leeg ko. I reached for him and he immediately give me what I want.

Sinakop niya ang mga labi ko sa isang marubdob na halik. He tongue probed mine, clashing it with mine as I answered it with everything I have. It feels like I was drowning but I didn't mind because there's no place that I'd rather be than here with him.

"Take me." I whispered when he finally let go of my lips. "I'm yours."

"As long as we both shall live?" he said in the same quiet voice.

"Maybe even then."

There on that tree house who witnessed the start of our journey, our heart breaks, how we healed...there, he finally took me as his woman, his wife, and made me all of his. There, he made love to me while the moon and stars that are shining brightly, watched above us.

At that place where fire ignited around us, our body melted into each other, our hearts beat together...and our soul...became as one.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top