CHAPTER 9 ~ Possibility ~

CHAPTER 9

SNOW'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang marahang dampi ng kung ano sa aking mukha. Sa bahagyang nanlalabong paningin ay nabungaran ko si Mira na kasalukuyang may hawak na bimpo sa kamay niya.

"Mira?"

Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga ko pero pinigilan niya lang ako. "Huwag ka munang kumilos. Tatawag lang ako ng doktor."

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago siya tahimik na lumabas ng kwarto. Naguguluhang tinignan ko ang nakapinid na pinto. Ano bang meron? At nasa'n ako?

Sa kabila nang sinabi ni Mira ay nagtangka ako ulit na umupo. Nang tuluyan akong makaayos ay sa pagkagulat ko naramdaman ko na may pumisil sa kamay ko. Nagbaba ako ng tingin para lang manglaki ang mga iyon nang makita ko si Phoenix na nakasubsob sa kama habang ang kamay niya ay hawak ang akin.

Seeing him, I instantly remember everything. Nasa training area kami ng bigla na lang akong mag collapse. I can remember him bringing me here. And now it looks like he never left. Halata ang pagod sa mukha niya at suot niya pa rin ang damit na suot niya nang mag training kami.

He stayed with me.

Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay marahan kong hinaplos ang natutulog niyang mukha.

"I wish that you'll just walk away and let go like you said. I wish that you stop being here beside me. I wish that you stop caring. But at the same time...I keep on wishing that you won't."

I'm not that blind. Alam ko na pinipigilan niya na mapalapit sa akin ulit ng sobra. He's my best friend, of course I will notice the changes. I know he's really trying hard. Pero dahil sa mission namin hindi namin magawang magkalayo. And I know that being close to me tortures him.

Alam ko dahil iyon din ang nararamdaman ko. A part of me wants to let go. But even if I deny it there's a part of me that wants to keep on holding on too.

Napapitlag ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Inalis ko ang kamay ko sa mukha ni Phoenix kasabay nang pagpasok ni Tita Autumn na kasunod ang mga magulang at kapatid ko. Kasunod nila si Mira na tahimik lang na pumasok ng kwarto.

Gumalaw si Phoenix na mukhang naalimpungatan. Nag-angat siya ng ulo at bumakas ang gulat sa mukha niya nang makita ako na gising na, "Snow!"

Bahagya ko siyang nginitian. "Hi."

"I'm sorry..." sinuklay niya ang buhok niya sa pamamagitan ng kamay niya. "Nakatulog ako. I just...I...I'm sorry."

"For being human?" I chuckled lightly. "It's okay Nix nix. Ilang oras na ba mula ng dinala mo ako dito sa clinic?"

"A day."

Saglit na napaawang ang bibig ko sa sinabi niya bago ko iyon muling tinikom. Nilingon ko ang pamilya ko at nakabakas sa mga mata nila ang pag-aalala.

"Phoenix, magpahinga ka na. Okay na ako. Mukhang kailangan mo nang matulog ng maayos. Thank you for bringing me here."

"Snow-"

"You need to bring Mira home. Pareho kayong mukhang walang tulog dahil sa pagbabantay sa akin." Itinaas ko ang kanang palad ko. "Promise sasabihin ko sa iyo kung ano ang pag-uusapan namin nila Tita Autumn."

Akmang may sasabihin pa siya pero napatingin siya kay Mira na tahimik pa rin na nakatingin lang sa amin. Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ng lalaki bago siya tumango. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil bago siya tumayo. "I'll be back tomorrow."

I just nod at him and watched him walk way. Even though that's the last thing I want him to do. Stop that now, Snow.

Humiga ako at mariing pinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. I'm so confuse with myself. Bakit ba ang hirap ipaintindi sa puso ko na ito ang tama? Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na kilala ang sarili kong nararamdaman.

"Snow..."

Nagmulat ako ng mga mata. Nasa tabi ng kama ko ang mga magulang ko at si Tita Autumn na siyang nagsalita. Sa bandang paanan ng kinahihigaan ko ay nandoon ang mga kapatid ko.

"Tita, anong nangyari sa akin? I...I heard things before. My father's..." my gaze went to my father, Rain Dale Night, who's quietly looking at me. "My father's heart disease do I have it? Is it really hereditary?"

Tita Autumn nod. "It is hereditary."

"They cured my disease but it looks like my genes are not." my father said with a bitter voice. "Kung alam ko lang-"

"What, Pa? Would you have terminate our mother's pregnancy if you've known?" putol sa kaniya ng kapatid ko na si Freezale.

Pain crossed our father's eyes as he looked down at my mother who's now sitting behind my bed, holding my hand. "No. I just...I just don't want any of you to suffer because of me."

Umiling ako sa sinabi niya. He's the best dad that a child could ever wish they have. Wala siyang ginagawa na hindi para sa kinabubuti namin. "Hindi ka naman po namin sinisisi. Hindi mo naman ginusto na magkaroon ng sakit na ganito. We will be fine, Papa."

Akmang magsasalita sana siya ulit pero itinaas ni Tita Autumn ang kamay niya. "Sandali. Alam kong seryoso ang usapan pero pwedeng ako muna? Ako ang doktor eh. Pwede? Medyo inagawan niyo ako ng space para magsalita ano?"

"Autumn." my momma Wynter said with a warning tone.

"Wynter. Hindi ako nag-aral, nabugbog at gumapang sa hirap para lang mawalan ng dialogue. This is my time to shine." sabi ni Tita Autumn at idinipa pa ang mga kamay. Nang mapansin niyang wala sa amin ang natawa man lang sa sinabi niya ay tumikhim siya. "Anyways. Let's get back to the topic."

Tumango si Momma. "Mabuti pa nga."

Tinignan ako ni Tita Autumn. "Naipapamana ang sakit ng ama mo but fortunately you don't have it. I'm one hundred percent sure you don't have it."

"Then why?" I asked her. I can remember the pain clearly. Pakiramdam ko may nagliliyab sa dibdib ko.

"It was a heartburn. Hindi ibig sabihin may sakit ka sa puso dahil may heartburn ka. It could be just because of indigestion. But we will still run some test just to be sure."

"And the pain on my stomach?"

"Menstrual cramps."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Imposible, tita. Dalawang linggo pa bago ang date ng period ko. Regular po ang menstrual cycle ko."

Nagkatinginan ang mga magulang ko habang si Tita Autumn naman ay magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin. "You were bleeding lightly."

"But that's impossible I never get my period early."

Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid. Nanatiling nakatingin ako kay Tita Autumn na kahit tikom ang bibig ay kulang na lang marinig ko ang utak niya na paniguradong kinakalkula na ang lahat ng posibilidad na maaaring nangyayari sa akin.

"Freezale paki tulungan si Snow na pumunta sa CR." pagkaraan ay sabi ng ginang. Tumingin siya sa akin, "Check if you're still bleeding. And Thunder, can you find my husband please and bring him here."



AUTUMN'S POV

Sinundan ko ng tingin si Snow na inaalalayan ng kapatid niya. Si Thunder naman ay tumayo at tahimik na lumabas para sundin ang inutos ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga kailangan si Wynd. Kailangan ko lang na umalis sandali si Thunder.

"What's going on Autumn?"

Nilingon ko si Rain na siyang nagsalita at ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. I know he's scared of what's happening. Alam naming lahat kung gaano naging kahirap para sa kaniya na labanan ang sakit na 'to. No one would ever want the same thing to happen to anyone, much less to one of his children.

Hindi ko masasabing alam ko ang eksakto nilang nararamdaman. Pero isipin ko pa lang na mangyari ang mga ito sa mga anak ko parang hindi ko kakayanin.

"I'm sure that the girls don't have your disease, Rain. By now Freezale should have an attack too if she have it. But I told you about Thunder. He went to me months ago so I can have a test on him. Mukhang sa lalaki lang naipapasa ang sakit. We're not one hundred percent sure about this theory but we really need to observe the progress of his condition. Right now he's not having any attacks again but we don't know the future, Rain."

Mahinang napamura si Rain habang si Wynter naman ay lumuluhang sumubsob sa mga kamay niya. Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Snow's alright except her heartburn attack was quite confusing. She's not overweight and she's not even eating too much. Nagtanong din ako kaila Hermes at sa kitchen staff sa dining hall kung saan siya laging kumakain at okay naman daw ang mga kinakain ni Snow. Nothing can cause an acid indigestion except the orange juice she drunk before the training."

"So that's what causes it?" Rain asked.

"Maybe or something else." Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "Nagkaroon siya ng light bleeding. And Rain, heartburn can be because of hormonal changes too."

Napatigil sa mahinang pag-iyak si Wynter at bakas sa mga mata ang pangamba na tumingin sa akin. "A-Anong gusto mong ipahiwatig?"

"She might be pregnant."

SNOW'S POV

Nagtatakang tinignan ko ang mga magulang ko at si tita Autumn nang makalabas na kami ni Freezale ng CR. Mukhang may pinagtatalunan sila bago kami pumasok ng kapatid ko. "What's going on?"

Walang sumagot sa kanila at sa halip ay nakatingin lang sa akin. Kunot noong pinagmasdan ko sila habang inaalalayan ako ni Freezale na makabalik sa kama. "Tita?"

Bago pa siya makapagsalita ay bumukas ang pintuan at pumasok si Kuya Thunder at Tito Wynd na humangos na sumunod. "Anong nangyari, sweetheart? Kailangan mo ba ang rescue ng macho gwapito na si ako?"

Tumikhim si Tita Autumn at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming lahat. "Actually, yes. Can you please bring Freezale and Thunder to the lab and get what we need for the test?"

Sumimangot si Tito Wynd. "Akala ko naman kung ano na. Dapat inutusan mo na lang ang isa sa mga nurse."

"Gusto din kasi kitang makita. Alam mo na. Namimiss kita." straight faced na sabi ni Tita.

"Really?"

"Yup. So...can you take them to the lab?"

"Oo naman! Leb et to meh dahling!"

Halatang nagtataka din si Freezale sa inaakto nila pero wala na siyang nagawa ng parang shepherd na hinerd sila paalis ni Tito Wynd na kumindat pa sa asawa bago sila tuluyang makalabas.

Sa pagkabigla ko ay pagkasarado na pagkasarado ng pinto ay sabay-sabay na nagsalita ang mga magulang ko at si Tita Autumn.

"I'm just telling you the possibility!"

"That's not a possibility!" my mom exclaimed.

"That's insane!" segunda naman ng ama ko.

"Come on people! Can't we just relax and think about-"

"We can't relax. There's no way that's possible!"

Sunod-sunod na umiling ang ama ko na para bang hindi siya makapaniwala sa nagiging takbo ng usapan. "No this can't be happening! There is just no way that this can be happening! Bawiin mo ang sinabi mo Autumn. She's not even dating!"

"We need to think about the possibility! She said she have another two weeks before her period. Paano kung buntis nga siya?"

"My daughter is not pregnant!" namumula ang mukha na sigaw ng nanay ko.

My daughter is not pregnant... Pregnant...

Pakiramdam ko ay naging mahihinang tunog na lang ang malalakas nila na pag-uusap. It feels like I'm drowning and I can barely hear them or even see them. I can only hear those words. It's not even three weeks. How can that be possible? Is that possible?

"Snow!"

Napakurap ako at nag-angat ng tingin kay Tita Autumn. Seryoso ang mukha na tinignan niya ako sa mga mata. "Have you or have you not engaged into an intercourse?"

"Autumn!"

Hindi niya pinansin ang ina ko at nanatiling sa akin lang nakatingin. "Have you?"

Flashes of memories of my drunken state entered my mind. Animo pinapanood ko lang sila sa harapan ng mga mata ko.

"Snow. Have you?" Tita Autumn prompted.

"No."

"Snow, kailangan mong magsabi sa akin ng totoo."

"No." I said shaking my head. No. This can't be happening to me. "I haven't."

Pilit na sinalubong ko ang tingin niya at pinakita sa mga mata ko ang katotohanan ng mga salita ko. Pero sa kabila ng pagpapanggap ay alam ko.

Alam ko na hindi siya lubos na naniniwala.



BINABA ko ang hood ng jacket ko hanggang sa matakpan niyon ang mukha ko. Maingat na binuksan ko ang pintuan ng kwarto na kinaroroonan ko. Napakagat labi ako ng makita ko ang mahabang pasilyo. Wala ako sa clinic katulad ng inakala ko kanina. Mukhang inilipat nila ako sa BHO CAMP Hospital nang wala pa akong malay.

Muli kong sinarado ang pinto at tinakbo ko ang kinaroronan ng bintana. First floor thank goodness.

Binuksan ko ang bintana at walang pag-aalinlangan na lumabas ako mula roon. Hindi na ako huminto at tumakbo ako palayo sa establisyemento. Pilit na inignora ko ang sakit sa mga paa ko. Wala akong suot na sapatos dahil wala namang dinala sila Freezale. Tanging jacket lang ang nakita ko sa kwarto na maaaring pag-aari ni Phoenix o ni Kuya Thunder base na rin sa laki no'n.

Nagpapasalamat na lang ako at gabi na. Wala ng mga agent ang nasa labas. Hindi pwedeng may makakita sa akin dahil paniguradong ibabalik nila ako sa ospital.

Nang marating ko ang headquarters ay dumaan ako sa kadalasang dinadaanan namin ni Phoenix noong mga bata pa kami kapag gusto naming iwasan ang mga security cameras ng BHO CAMP. Sa mapupunong bahagi niyon.

Nang marating ko ang gilid ng HQ ay patakbong tinungo ko ang isang pamilyar na bahagi. Pinalis ko ang mga damo at lupa na nakatabing. Sa kabila ng nangyayari ay bahagya akong napangiti. Hindi pa rin nalalagyan ng kandado.

Itinaas ko ang bakal na nakatakip sa lupa at iniangat ko iyon para makapasok sa loob. Pumasok ako at muli kong hinila iyon pasara bago ako bumitaw. Inilibot ko ang paningin ko. Isa ang lugar na ito sa mga storage area ng headquarters. Nasa basement iyon at ang pinasukan ko kanina ay ang bintana no'n.

Lumapit ako sa pintuan at dahan-dahan ko na binuksan iyon. Nang matiyak ko na walang tao ay inayos ko ang hood sa ulo ko at mabilis na naglakad ako patungo sa kinaroronan ng taong kailangan ko na makita.

Kuya Waine.

Nang marating ko ang kwarto niya ay sunod-sunod na pinindot ko ang doorbell niya. Wala akong pekialam kahit may importante pa siyang ginagawa. I need to see him now. Nang hindi pa rin bumukas ang pintuan ay sunod-sunod na kinalampag ko na iyon.

"What the fuck! Somebody needs to be dying or else- Snow? What the hell are you doing here?!"

Imbis na sagutin siya ay itinulak ko siya papasok ng kwarto niya at pabalibag na sinarado ko iyon nang makapasok na rin ako.

"What's wrong with you?"

"Ikaw! Ikaw ang problema!" sigaw ko sa mukha niya habang nakaduro ang kamay ko sa dibdib niya.

"What? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka dapat nandito. Di ba dinala ka sa ospital dahil bigla ka na lang nag collapse? Halika na ibabalik na kita-"

"No!" I shouted at him and flinched when he touched my arm to guide me out. "You need to help me!"

"With what?"

"I...I...I'm..."

"What?!" he asked impatiently.

"I might be pregnant!"

Napanganga siya sa sinabi ko. Itinikom niya iyon para lang muling ibuka na parang may sasabihin pero walang salita na lumabas mula sa bibig niya.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" kuyom ang mga kamay na tanong ko.

"Umm...wow."

"Wow? That's it?"

Nabahiran ng pagtataka ang pagkagulat sa mukha niya. "Congrats?"

"Congrats? Fuck you!"

Akmang lalabas na ako ng kwarto niya nang maramdaman ko na hinawakan niya ako sa braso at hinila paatras ng ilang dipa mula sa pinto. Kunot na kunot ang noo na tinignan niya ako. "Una, marunong ka ng magmura ngayon? Good. Pangalawa, bakit ba galit na galit ka sa akin?"

"Ganiyan ba talaga kayong mga lalaki?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Pagkatapos niyong gumawa ng problema bigla na lang kayong walang naaalala?"

"Ako?" takang tanong niya. "Anong ginawa ko?"

"May amnesia ka ba?!"

"Bakit?"

Nangangalit ang ngipin na tinignan ko siya. "Anong bakit?! Are you serious?!"

Itinaas niya ang mga kamay niya na tila sumusuko. Tanging pagkalito lang ang nakabalatay sa mukha niya. "Akala ko babanat ka."

"What?!"

Napatakip siya sa magkabilang tenga nang muli akong sumigaw. "Shh! Hinaan mo ang boses mo dahil sumasakit ang ulo ko. Okay? Kumalma ka muna para magkaintindihan tayo."

"Hindi ko kayang kumalma!"

"Bakit?"

"Bakit na naman?! Puro ka bakit! Wala ka bang ibang sasabihin bukod sa wow, congrats at bakit?"

"Umm, yeah. Anong ginagawa mo rito?"

"Ahhhhh!"

Hindi na ako magtataka kung mabasag lahat ng babasagin dito sa kwarto ni Kuya Waine dahil sa pagsigaw ko. Kahit siya ay napatakip rin sa tenga habang naguguluhang nakatingin sa akin.

Dinuro ko siya at matalim na tinignan. "I'm gonna torture you, kill you, then burn you!"

"What? Snow, ano bang nangyayari sa iyo? Binigyan ka ba ng droga nila Mrs. Roqas kaya ka nagkakaganiyan?"

"I'm not on drugs!"

"Well, you shouldn't. Masama iyon sa baby."

"Iyan! Buti naman alam mo kung ano ang problema dito. I might be pregnant. I might be having a baby. At kasalanan mo ang lahat ng ito. I was drunk that night but you took advantage. You shouldn't have done that!"

Napakurap-kurap siya sa sinabi ko. Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago nawala ang pagtataka sa mukha niya. "You think I'm the father of your baby?"

"May iba pa ba?!"

"You know the answer to that, Snow."

Napatigil ako sa sinabi niya. You can't keep it buried anymore, Snow. Umiling ako. "Hindi. Alam kong ikaw-"

"Snow, it's impossible for you and I to have a baby. I didn't took advantage on you. Ikaw pa nga itong pinagsamantalahan ako. Bigla ka na lang nanghalik."

"W-What?"

"It was just a joke. Binibiro lang kita kaya kapag tinatanong mo ako hindi kita sinasagot tungkol sa kung ano ang nangyari nang gabing iyon kung saan lasing na lasing ka dahil kinasal ang best friend mo. You kissed me, you asked me to take you away and I did. But I didn't take you like what you are thinking. You're just like a kid sister to me. An annoying little sister."

"But-"

"You don't even like me that way, Snow. You're just convincing yourself because you know that the truth is complicated. And it will be more complicated because of this new possibility." bumuntong-hininga siya. "Walang nangyari sa ating dalawa, okay? But you know that if you're right, if you're really pregnant...you know who will be the father."

"Stop talking."

"You can't forget that night Snow. That night that I followed you when I saw you going in his room."

"Stop talking!"

"Snow-"

Umiling ako at napaupo sa sahig. "Hindi pwede. Hindi pwede. This will hurt a lot of people. I can't...I..I..."

Narinig ko ang muli niyang pagbuntong-hininga bago siya umupo sa harapan ko at pilit na hinuli ang mga mata ko. "Hindi pa naman sigurado di ba?"

"I still need to wait for two weeks for my period." I whispered.

"Then if it's positive...what would you do?" he whispered back.

"I don't know...I'm scared...this shouldn't be happening. Madaming masasaktan. Madaming maapektuhan dahil nagkamali ako. I can't do this. This isn't right. I should-"

Umangat ang kamay niya at mahigpit na hinawakan ang akin. "Don't say that. You need to fight for this whatever happens."

Lumuluhang sinalubong ko ang tingin niya. I want to. I want to fight for the baby. Pero paano kung hindi ko kaya? Paano kung hindi ko siya kayang protektahan? Nagkamali ako. Ako ang may kasalanan. What if I cannot shield my own baby from all of this? What if I'm not even worthy to keep him?

"Alam mo ba kung anong kaya kong ibigay para lang mahanap ang anak ko? O kahit malaman lang na ligtas siya? And here you are thinking of terminating your own blood and flesh. I know you're just scared that's why you can think about doing something like that. Pero desisyon mo ang dahilan kung bakit naging ganito ang resulta. Kahit mali ginawa mo ang bagay na iyon. This is not your baby's fault. You made this with your own hands. For once, Snow, have the guts to fight and not give up." Mariin niyang pinisil ang mga kamay ko. "Look at me. You can't run away from this."

"I-I'm sorry. I won't I promise. I'm sorry..." humahagulhol na bulong ko. "Natatakot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko dapat inisip man lang na gawin iyon...mali ako...mali na naman ako. I'm so stupid...so stupid."

"Snow..."

Hindi ko dapat ginawa iyon. Hindi dapat nangyari ang gabing iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top