CHAPTER 6 ~ Flaw ~

CHAPTER 6

PHOENIX' POV

"Bro."

Inalis ko ang tingin ko kay Mira na nagkakasiyahan kasama ang ibang babaeng agent para harapin ang nagsalita. "Hermes."

Tinanguhan niya ang bartender at ilang sandali lang ay binigyan siya no'n ng kopita ng alak. Sumandal siya sa mini bar katulad ng ginagawa ko at tumingin din siya sa gawi nila Mira. "Umalis na si Snow."

"I know."

Nakita ko siya kanina na kasama si Waine na umalis. Alam ko na napansin din iyon ng ibang mga agent pero katulad nila ay wala akong sinabi. Dahil wala na akong magagawa.

Gusto kong magalit pero wala akong karapatan. Pareho naming pinili ito. Pinili ko na maging ganito.

Hindi ko alam kung kailan ko eksaktong minahal si Snow. Dahil unang beses pa lang namulat ang mga mata ko sa salitang pagmamahal wala ng ibang nakita ang puso ko kundi siya. But like her I don't want to ruin the friendship we have. Natakot din ako na masira ang kung ano ang meron kami. Lagi kong iniisip noon, kahit na hindi niya malaman basta nasa tabi ko lang siya. I rather have her as my friend than to never have her beside me.

Pero sa paglipas ng mga panahon hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. I asked her again and again if we can have something more than we already have. At sa bawat pagtanggi niya lalong nababalot ng takot ang puso ko na ipilit ang sarili ko sa kaniya. Because I don't want to lose her. So I tried to move on and I found Mira.

Hindi siya mahirap mahalin katulad ng inaasahan ko noong umpisa. Ginamit ko siya? Siguro oo gano'n nga matatawag ang ginawa ko. Ginamit ko siya para makalimutan ko si Snow. I was in a mission that time. Inutusan ako ni Dawn na bantayan si Storm, isa sa mga agent, na noon ay nagtatago sa pangalan na Serenity Hunt. Tumira ako malapit sa kinaroroonan ni Storm at doon ko nakilala si Mira.

Hindi siya mahirap mahalin. She's a good person, she makes me smile and I feel happy with her. I have feelings for her, yes. Alam ko na totoo ang mga iyon. But I also know that I don't love her as much as I love Snow. I know that perhaps I never will.

Matagal ko ng tinanggap na hindi na ako makakahanap ng babae na magpaparamdam sa akin katulad ng nararamdaman ko kay Snow. I know that and I'm okay with that. Dahil ayokong lumayo siya sa akin kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa kaniya, ayokong masira ang pinagsamahan namin at oo, natatakot ako na hindi niya mabalik ang pagmamahal ko.

I was moving on. I was trying hard to move on.

Pero gago ako. Kasi sa huling sandali sumugal pa rin ako. That time at the tree house I was willing to risk it all. So I asked her. Tinanong ko siya kahit na alam ko na huli na ang lahat. Kahit alam ko na sa maaaring maging sagot niya ay may masasaktan at masasaktan. I could break Mira's heart or Snow can break mine. Tumaya ako kahit na alam ko na kapag hindi niya ako tinanggap ay hindi ko magagawang talikuran si Mira.

"No."

I know I'm a coward. An asshole. But that time I can only think about this small hope in my heart that maybe...maybe this time it will be a different answer.

"No."

"Phoenix!"

Ibinaba ko ang kopita at naglakad ako patungo kay Mira na siyang tumawag sa akin. Nakangiting ipinakita niya sa akin ang kamay niya na may suot na ngayong bracelet. "Look, may iniwan pala si Snow kanina. May kapares pa na para sa'yo-"

Napatigil siya sa pagsasalita nang hinapit ko siya palapit sa akin. Sumubsob ako sa leeg niya at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa buhok ko.

"What is it?" nag-aalalang tanong niya.

"Nothing."

I'm sorry.



SNOW'S POV

"Wake up! Now!"

Sinubsob ko ang mukha ko sa kama at tinakpan ko ang mga tenga ko. Parang tinamtambol ang ulo ko sa sobrang sakit no'n at lalong nadagdagan iyon sa malakas na boses ng gumigising sa akin.

"I said wake up."

"Go away..." I groaned.

Napadilat ako ng wala sa oras ng maramdaman ko na may humila sa mga paa ko hanggang sa tuluyan akong nahulog sa kinahihigaan ko na kama. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkahulog ko ay napuno ang kwarto ng nakakasilaw na liwanag.

Napatili ako ng marahas na kumirot ang ulo ko. Tinakpan ko ang mga mata ko. "Ano ba?!"

"Are you awake now?"

Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ko sa mga mata ko. With squinted eyes I looked at the person disturbing my peaceful sleep. "Seriously? Kahit saan talaga ako pumunta nandoon ka Kuya Waine no? Stalker ba kita?"

"Sa tingin mo ba nasaan ka?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Sa kwarto ko. Duh." Muli akong napahiyaw ng piningot niya ang tenga ko at itinayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. "Aray!"

"Follow me." he brusquely said then walked away.

Kunot noong tinignan ko ang nilabasan niyang kwarto pero hindi ako sumunod sa kaniya. Siya na nga ang nag trespass dito sa kwarto ko ako pa ang uutusan niya-

Napatigil ako sa isiping iyon nang sunod-sunod ko na naalala ang mga nangyari kahapon. Napatakip ako sa bibig ko ng parang replay na pumasok sa utak ko ang huling alaala ko sa mga nangyari.

Omg...did I really...?

"Snow!"

Napatakbo ako palabas ng kwarto. Natagpuan ko sa kusina si Kuya Waine na masama ang pagkakatingin sa akin. Bantulot na lumapit ako sa kaniya. Tinuro niya ang isang upuan at walang salita na umupo ako roon. "Unlike you I have work so let's not waste our time."

"Amm...pwedeng magtanong?"

Imbis na sagutin ako ay nagbaba siya ng plato sa harapan ko na mayroong umagahan. He looked at the plate pointedly when I didn't start start eating. "Kuya Waine-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang panlakihan niya ako ng mga mata. Mabilis na dinampot ko ang kutsara't tinidor at nagsimulang kumain.

"I'm eating." I whispered. "Can I ask you a question now?"

"Fine." he said gruffly.

"Did...did..I...you know? K-Ki...amm-"

"Kiss me?" bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy siya. "Hindi lang iyon ang ginawa mo. After kissing me you dragged me away from the reception, made me drive for you then you threw up on me and my car."

Gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Kaya naman pala parang gusto niya na akog bugahan ng apoy. "I'm sorry." sabi ko at nagbaba ng tingin. Dahil sa ginawa ko ay napansin ko ang suot ko na damit. "P-Pinalitan mo ang damit ko?"

"Sino pa bang magpapalit sa'yo? Alangan naman hayaan kitang matulog sa kama ko na puro suka?"

"K-Kama mo?" Nanlalaki ang mga mata na inilibot ko ang paningin ko sa flat. Oh no...no...this is not my room!

"Halos lahat ng agent nasa reception. Ang mga naiwan dito ay hindi alam ang security mode mo. Si Sky at Adonis na naiwan sa security room may kababalaghan na ginagawa. So yeah, you slept on my bed."

"Where did you sleep?"

Iminuwestra niya ang paligid. "As you can see wala akong sofa."

Oh no. "D-Did...did we?"

Ilang sandali na kumunot ang noo niya. "Wala kang naaalala?"

"H-Huli kong naalala 'yong...'yong h-h-halik..."

"Huh."

Nanginginig ang mga kamay na binitiwan ko ang kutsara at tinidor bago ko pa mabali iyon sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko doon. "What exactly that 'huh' means?"

"Sayang."

"S-Sayang?" nanlalamig na tanong ko.

"It's disappointing that you can't remember anything. The way you acted last night, too bad you can't remember-"

Isang makabasag tenga na tili ang pinakawalan ko at pagkatapos ay walang lingon-lingon na tumakbo ako palabas ng kwarto niya. "Oh no! I'm so screwed!"

NAPATIGIL sa pag-uusap ang mga kapatid ko na kasama sa isang lamesa si Hera, Athena at kuya Hermes na kasalukuyang kumakain dito sa dining hall nang makalapit ako sa kanila. Nagpalingon-lingon ako sa paligid bago ako pasalampak na umupo sa bakanteng upuan.

"Sinong hinahanap mo?"

Sinagot ko si Freezale na siyang nagtanong. "Si Kuya Waine."

"Hinahanap mo si Waine?"

"Oo. Para mas madali siyang taguan."

"Bakit?" singit sa usapan ni Athena na titig na titig sa akin habang may subo na dalawang lollipop. Namumualan tuloy ang bibig niya.

"Bagong pauso namin. Hide and seek." pagdadahilan ko.

"Matagal ng uso iyon."

"May sarili kaming version."

Tumango-tango siya na para bang tinatanggap niya ang paliwanag ko, "Wala dito 'yon. May trabaho." Nang mukhang mahalata niya na naiilang ako na nasa akin ang pokus ng usapan ay nilingon niya ang kapatid ko na lalaki, "Kamusta ang PA mo?"

"Wala akong personal assistant."

"Hindi iyong PA na iyon ang tinutukoy ko."

"Anong PA ba? Parental guidelines?"

Athena rolled her eyes. "PG 'yon."

"Patnubay ng...asawa?"

Halos lahat kami sa lamesa ngayon ay nawe-weirduhan na tinignan si kuya. Bago pa may magsalita sa amin ay inunahan na kami ni Athena, "Prince Albert!"

Halos napalingon sa amin ang lahat ng agent sa isinigaw ni Athena. Namumulang pinanlakihan naman siya ng mga mata ni kuya. "Bakit ba curious kayong lahat sa piercing ko?"

"Because it's weird?" Athena said in question.

"It's not weird."

"It is weird." I whispered. "And freaky...and scary."

"It's not scary." nakasimangot na sabi ni kuya. "Kaniya-kaniya lang ng trip iyan. The girls loves it so I won't remove it."

Binato siya ni Freezale ng celery na nasa plato niya. "Walang matinong babae na matutuwa sa piercing mo? A penis entering a vagina can be painful, ano pa kaya kapag may kung anong nakakabit?"

"It's not painful. It heightens the pleasure actually."

Napanganga kaming lahat sa narinig. Dahil hindi kay Kuya nanggaling ang mga salitang iyon kundi kay Hera na ngayon ay hindi inaalis sa plato niya ang paningin at patuloy lang sa pagkain.

Nilingon ko ang kapatid ko na ngayon ay titig na titig kay Hera. There's something about it. About the way he looks at her that makes me feel really uncomfortable. In a perspective of being his sister to be exact.

"At ano namang alam mo sa mga ganiyang bagay Hera Scott?" salubong ang kilay na tanong ni Kuya Hermes sa kapatid niya.

Napaangat ang ulo ni Hera at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa nakakatandang kapatid. "H-Ha?"

"Hera Scott." he said again and now with a warning in his tone.

"R-Research! Hello? Uso po ang Google guys."

"Bakit mo naman kailangan i-research?" usisa naman ni Athena.

"Dahil...dahil curious ako. Curious din naman kayo ah! Narinig ko sa usapan ni Snow at ni Waine kaya ni-research ko."

"Siguraduhin mo, Hera." seryosong sabi ni Kuya Hermes sa kaniya.

"Whatever! Athena halika na nga! May gagawin pa tayo."

"Ha? Wala naman-"

"Athena!"

Bumuntong hininga si Athena at sinundan si Hera na nagmamartsang umalis. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin ay nilingon ko si Kuya na ngayon ay nakayuko na lang at tahimik na nilalaro ang pagkain niya.

"He's so fucked."

Nilingon ko si Freezale na siyang bumulong. Mukhang hindi naman narinig ni Hermes na ngayon ay busy na sa cellphone niya habang si Kuya naman ay wala pa ring imik. "Ha?"

"Wala."

"Okay."

Mataman akong tinignan ni Freezale. "Ayos ka lang ba?" tanong niya pagkalipas nang ilang sandali.

Nag-iwas ako ng tingin. It's been four days since the wedding. Iniiwasan kong isipin iyon kaya bihira ako lumabas ng kwarto ko. Pinalilipas ko na lang ang oras sa panonood ng movies, anime at kahit na ano pa na maglilibang sa akin mula sa realidad ko. "Oo naman."

Bumuntong-hininga siya. "Binabago mo ang sarili mo sa maling paraan."

"Anong...anong ibig mong sabihin?"

"Nothing." tumayo siya at kinuha ang mga gamit niya. Pero bago umalis ay muli siyang nagsalita. "Don't forget about the conference tonight."

"I know."

"And Phoenix will be back at that time. You can't miss the conference, Snow. I'll drag you out of your room if you try to hide."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top