CHAPTER 4 ~ Breaking ~

CHAPTER 4

SNOW'S POV

"Saan ka na naman pupunta?"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang kapatid ko na si Freezale na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nitong mga nakaraang araw kahit saan ako magpunta nandoon sila ni Kuya Thunder. Dati naman pinababayaan lang nila ako na magpagala-gala pero ngayon pakiramdam ko stalker ko silang dalawa ni Kuya.

"Pupunta ako ng Craige. Titignan ko kung nakaluto na si Ocean."

"Hinahanap ka ni Phoenix ah. Kaninang tinanong niya ako at sinabi kong nasa training room ka pagpunta raw niya roon wala ka. Nang nasa dining hall ka naman at pinuntahan ka niya dahil doon ka sunod na pumunta bigla ka ring nawala."

Inosenteng sinalubong ko ang tingin niya. "Talaga? Hindi ko naman alam na hinahanap niya ako."

"Tinatawagan ka niya sa cellphone mo. Tinawagan rin kita pero hindi ka sumasagot."

"Naiwan ko sa kwarto ang phone ko."

Naningkit ang mga mata niya. Sa mga pagkakataon na ganito ko nakikita na magkamukha kami talaga. Kadalasan kasing walang emosyon si Freezale kaya mabilis kaming naipagkakaiba. "Snow-"

"Nagugutom na ako. Pupunta muna ako sa Craige ha? Bye bye!"

"Snow!"

Napahinto ako sa pagtakbo at nakangiting nilingon ko siya. "Yes?"

"Bukas na ang kasal ni Phoenix. Wala ka pa rin bang balak na magpakita?"

Pilit na inignora ko ang nais na kumawala na damdamin sa kaloob-looban ko. As long as I don't acknowledge my feelings I will be fine. I don't even understand myself. I don't understand what's happening. I don't want to understand.

"Syempre magpapakita. Ako ang kinuha ni Mira bilang maid of honor niya kaya siyempre pupunta ako."

Wala naman kasing ibang pupunta para kay Mira. Gusto sana ni Phoenix na ako ang maging best man niya...well best woman, whatever that is. Pero dahil nga sa sitwasyon ni Mira ako na lang ang naging maid of honor niya. Wala na ring kinuha na best man si Phoenix kasi ang sabi niya sapat na nandoon ako para sa kanila.

"Snow..."

I stick out my tongue playfully and ran away from my sister. Nang makarating sa Craige ay dire-diretso ako sa kusina kung saan si Ocean lang ang naroroon. Wala naman kasing mga guest pa dahil sa renovation.

"Psst!"

"Anak ng mangga! Snow naman eh!" reklamo ni Ocean na muntik mabitawan ang glass bowl na hawak.

"Ate." pagdidiin ko.

Pinaikot ni Ocean ang mga mata. "Ate ka diyan. Mas isip bata ka pa sakin eh."

Ocean's a few years younger than me. Dati totoy pa siya pero ngayon nagbibinata na. Graduate na rin siya at ngayon nga ay official chef na ng Craige's katulad ng ama niya na dating chef dito na si Yale Anderson.

Wala namang problema na ipagkatiwala sa kaniya ang lugar. Kahit naman numero uno ang katamaran ni Ocean, pagdating sa pagluluto masipag siya.

Lumapit ako sa kaniya at piningot ko siya. "Asa ka. Same wavelength lang ang utak natin, Ocean." binitawan ko siya bago naghila ako ng upuan para umupo. "Ipagluto mo ako. Iyong masarap ha?"

"Kailan ba ako nagluto ng hindi masarap?" nakangusong sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya kanina.

Nagkibit-balikat ako. Masasarap naman talaga ang luto niya kahit noong mga panahon na nag-e-experiment pa lang siya. Ipinatong ko ang isang kamay ko sa counter at nangalumbaba habang pinapanood siya.

Napasinghap na lang ako nang muntik ng humataw sa counter ang mukha ko nang patidin niya ang siko ko. "Ocean!"

"Masama ang nangangalumbaba. Malas."

"Mas mamalasin ka kung nasaktan ako." simangot na simangot na sabi ko. "Dahil tatanggalin ko ang lahat ng imaginary muscles at abs mo."

Malakas na napasinghap siya habang sapo ang tapat ng puso niya na parang aatakihin. "Excuse me! Hindi imaginary ang kadakilaan ko!"

Pinaliit ko ang mga mata ko at inilagay ko ang isa kong kamay sa noo ko na parang inaaninag siya. "Nasaan?"

"Oh no no no! Hindi pwede ito!" sigaw niya at parang si Superman na hinaklit gamit ng magkabilang kamay ang Chef Uniform niya para itambad ang katawan niya. Nagliparan sa kung saan-saan ang butones ng damit niya dahil sa ginawa niya. "Anong kailangan kong gawin para makita mo ang kakisigan ko?"

"Kahit ano gagawin mo?" tanong ko sa pinaliit na boses.

"Oo naman! Lahat kaya kong gawin! Ako ang descendant ni Superman hindi mo ba alam?"

"Hindi." sumimangot siya at kagad naman akong ngumiti. "Alam ko na!"

Nagniningning ang mga mata na tinignan niya ako. "Ano? Ano?!"

"Lahat ng gusto kong lutuin mo sa loob ng isang buwan lulutuin mo. Kahit na anong gusto ko ha?"

"Sus!" sabi niya at pinagpag ang uniporme niya na wala ng tinatakpan dahil sa pag-ala Superman niya kanina. "Ang dali naman pala ng gusto mo. Kayang kaya ko 'yan!"

"Walang bayad."

Natigilan siya at napatingin sa akin. "Hoy! Anong walang bayad? Hindi mo ba alam na ginto ang halaga ng mga ingredient ko-"

Tumayo ako at nakasimangot na naglakad paalis. "Okay. Kung ayaw mo wala namang problema. Sayang may kakilala pa naman ako na naghahanap ng kadate na macho pero dahil hindi mo ako makumbinsi na-"

"Freeze!"

Tumigil ako sa paglalakad at lihim na napangiti. Hinarap ko siya at nagtatanong ang mga mata na sinalubong ang mga mata niya. "Kahit isang taon pa kayang kaya kitang ilibre. Mayaman ako."

"Talaga?"

"Oo naman!"

Matamis na nginitian ko siya. Ayos! "Okay! Sabi mo 'yan ha. Magluto ka na. Ayokong pinaghihintay ako."

Sumaludo ang binata at nagmamadaling nagluto. Nangingiting hinila ko ang upuan ko kanina at dinala ko iyon sa isang tagong bahagi ng kusina kung saan kumakain ang mga kitchen staff kapag break nila.

Sumandal ako sa pader at inaangat ko ang mga paa ko. Umunan ako sa mga tuhod ko habang pinapanood si Ocean sa ginagawa niya pero wala naman doon ang utak ko.

Lagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na ganito. Natutulala. Kaya hanggat maaari ay iniiwasan ko muna ang ibang mga agent. Nahihirapan kasi ako kapag kaharap ko sila. Pakiradam ko pagod na pagod ako kapag kasama ko sila.

Kahit naman noong mga maliliit pa lang kami hindi naman ako ganoong palasama sa ibang mga agents. Palagi lang kaming magkasama ni Phoenix. Gusto ko siyang kasama kasi kahit hindi siya palaimik alam kong nakikinig siya sa lahat ng sabihin ko. Kahit na minsan wala ng kwenta ang lumalabas mula sa bibig ko. Lahat din ng gustuhin ko ibinibigay niya...kahit na dahil sa mga iyon ay napapahamak siya.

Hindi siya nawala sa tabi ko. Hindi siya nagkulang bilang kaibigan. Sobra-sobra pa nga lahat ng ibinigay niya na panahon sa akin. Maybe that's why I'm feeling like this. Like I'm so afraid to lose him.

Kasi matagal na panahon siyang nasa tabi ko. Kasi kaibigan ko siya. Iyon lang 'yon.

Then why? Why did you do that Snow? Kung kaibigan ka niya hindi mo dapat ginawa ang bagay na iyon.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi. Kailangan ko ng kalimutan iyon. Nagkamali lang ako. Alam ko na mali iyon. Alam ko na hindi dapat.

"Ocean? Nakita mo ba si Snow?"

Nanlalaki ang mga mata na napadiretso ako ng upo. Kagat ang ibabang labi na sunod-sunod akong umiling kay Ocean na kaagad namang nakita ang reksyon ko. Kaagad siyang nagbawi ng pagkakatingin sa akin at hinarap si Phoenix.

"Ha? Aba malay ko. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw na 'to."

"Sabi ni Freezale dito raw siya pupunta."

"Ay, oo nga pala! Dumaan siya pero kumuha lang siya ng pagkain tapos umalis din." naiilang na tumawa ang lalaki. "Sorry, masyado akong busy kaya nakalimutan ko."

"Saan siya pumunta?"

"Dude, hindi ako hanapan ng mga nawawala. Sa gwapo kong 'to? Lahat ng nasisilayan ang kagwapuhan ko nakikita bigla ang tamang daan."

"Right."

I sighed in relief when I heard his footsteps walking away. Sumilip ako at nang makita ko na tuluyan ng nakalabas si Phoenix ay binigyan ko ng thumbs up si Ocean.

"Bakit-"

"Don't ask."

Nagkibit-balikat siya. "Fine. Anyways...your friend's number. Can I get it now?"

"Mamaya."

Tinalikuran ko siya at nilabas ko ang phone ko. Kaninong number kaya ang ibibigay ko sa kaniya? Wala namang nakalagay sa contacts ko maliban sa mga agent. Baka naman lasunin ako ni Ocean kapag number ng Kuya ko ang ibinigay ko sa kaniya.

Oh. Right! I scrolled down my contacts and stopped when I found the right letter. H. Brilliant!





TAHIMIK na ang paligid. Karamihan sa mga agent ay nagpapahinga na habang may pangilan-ngilan naman na duty ay nasa loob na ng headquarters. Ako na lang ata ang nasa labas ngayon ng HQ at  naglalakad patungo sa masukal na lugar sa likod ng BHO CAMP.

Inayos ko ang suot ko na backpack at mabilis na naglakad ako. It's too cold tonight. Nakalimutan ko pa naman na magdala ng jacket sa pagmamadali ko na umalis ng headquarters. Hinahanap na kasi ako ng lahat dahil ang huling nakakita lang sa akin ay si Ocean pa kaninang umaga. I've been hiding that long.

Hindi ko alam kung bakit binabantayan nila akong lahat. Wala naman akong balak tumakas at hindi pumunta bukas sa kasal. I won't do that to my best friend.

Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig ako na mga kaluskos. Kunot-noong tinungo ko ang isang puno at dahan-dahan na sumilip ako roon. Siguro kung iyong iba tumakbo na paalis. Para kasing eksena sa horror movie ang ginagawa ko. Kung saan ang curious na babae ay bigla na lang hihilahin ng isang hindi malamang elemento at dadalin sa kailaliman ng lupa at gagawing hapunan.

"Bulaga." bulong ko.

"AAAH!"

Napangisi ako nang sabay pang sumigaw ang dalawang tao na nakita ko. Si Brennan at Laureen. Mga junior agent. "Anong ginagawa niyo riyan?"

Namumulang nagtago si Laureen habang si Brennan naman ay magkasalubong ang mga kilay na tinignan ako. "May date kami. Ikaw anong ginagawa mo dito?"

Ah. Akala ko naman kung ano na. "Nag so-soul searching."

"What?"

"Wala." nginisihan ko siya. "Kung ako sa inyo itutuloy ko na lang iyang date ninyo sa headquarters kung ayaw mo na paghiwalayin kayo ni Dawn. Naka-red alert ka na sa pinsan kong iyon dahil sa napapadalas mo na pag-date sa likod ng puno."

Which is weird. Bakit kaya dito pa eh ang lawak lawak ng BHO CAMP?

"Last time was not me! Kayo ni Storm iyon."

Nagkibit balikat ako. Ang tinutukoy niya ang iyong gayahin ni Storm ang mukha niya sa pamamagitan ng Fake Face. Misyon iyon ni Storm kung saan nang muntik siyang mahuli ni Dawn ay nagkubli siya sa mapupunong parte ng headquarters. Iyon nga lang napagkamalan, o si Brennan dahil mukha niya ang gamit, na nakikipag date at may kinakalantari roon. "Ikaw pa rin ang nakita ni Dawn." nginuso ko si Laureen na gusto na atang magpa-absorb sa puno sa sobrang kahihiyan. "Sige na. Nilalamig na si Laureen oh. Sa lahat naman kasi ng lugar bakit dito pa? Hindi kaya komportable na mag-usap sa ganitong lugar. Ang dilim-dilim pa."

Napatulala si Brennan at Laureen sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at halos sabay nilang ipinilig ang ulo nila.

"Minsan hindi ko alam kung inosente ka ba o slow."

Napasinghap ako sa tinuran ng lalaki. "Ang sama mo!"

He chuckled and pulled Laureen away, leaving me seething with annoyance. Naglakad na sila paalis ng hindi man lang ako nililingon. Ang sama talaga ng ugali ng isang iyon. Ano na naman kayang mali sa sinabi ko? Siya ang nagsabi na nag de-date lang sila. Ano bang ginagawa sa date? Di ba nag-uusap? Depende na lang kung...

Napayakap ako sa sarili ko ng umihip nang malakas ang hangin. Umalis na ako sa likod ng puno at nagmamadaling naglakad ako paalis.

Nang matanaw ko ang lugar na pupuntahan ko ay napangiti ako. Hindi madaling hanapin iyon. Maliban sa bihira ang pumupunta sa likod ng headquarters ay natatakpan din iyon ng maraming mga puno. Kung hindi mo kabisado ang lugar hindi mo iyon mahahanap,

Iyon nga lang noong mga bata pa kami hindi din kami napipigilan ng mga magulang namin sa pagpunta sa mapunong lugar sa likod ng HQ. Nakakalusot pa rin naman kasi kami at isa ako sa mga pasaway na iyon. Kaya kabidong-kabisado ko na ito.

"Hi, Tree house." bulong ko sa hangin.

Simple lang ang pagkakagawa niyon. Noong una hindi pa maganda iyon dahil kami lang ni Phoenix ang gumawa. Pinupuslit namin ang mga materyales na hindi na ginagamit ng mga magulang namin pagkatapos dinadala namin dito.

Wala pang makakaalam sana na gumawa kami ng tree house kung hindi lang bumigay iyong dati at nahulog kami ni Phoenix. Nang malaman ng mga magulang namin ay sila na mismo ang gumawa ng bago at mas matibay.

May kalakihan ang tree house pero sa dami ng laman niyon sapat na iyon para lang sa amin ni Phoenix. Hindi rin pwedeng umakyat ang ibang mga agents dahil pinagbawal ko iyon noong mga maliliit pa lang kami. Kami lang talaga ni Phoenix ang pwede.

Nang nagkaedad na kami nilagyan namin iyon ng security alarm para masigurong walang makakapasok na iba.

Napangiti ako nang makarating ako sa tapat no'n. Nakita ko ang maliit na sign na nakatayo sa tabi ng puno. 'PHOENIX AND SNOW'S PROPERTY'

Inakyat ko ang kahoy na hagdanan. Noong mga bata pa lang kami hirap na hirap ako na akyatin iyon. Kadalasan pinapasan pa ako ni Phoenix dahil lagi akong nadudulas sa pag-akyat. Pero ngayon kaya ko na.

Kaya ko ng mag-isa.

Nang makarating sa taas ay kaagad na sumalubong sa akin ang mga maliliit na sign na pinako namin ni Phoenix sa paligid ng tree house. Ang iba pa sa mga iyon ay may mga drawing namin.

Iniwas ko ang tingin ko roon at tahimik na pinindot ko ang mga numero para sa security code bago tahimik na pumasok.

"Dito lang pala kita makikita."

Napahigit ako sa aking hininga nang bigla na lang may nagsalita. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko roon si Phoenix na nakaupo sa isang tabi ng tree house. "N-Nix nix, anong ginagawa mo rito?"

Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi ng lalaki. "Hindi na ba ako pwede dito?"

"O-Of course not. Nagulat lang ako."

"Mula noong magkita tayo noong nakaraan hindi na kita ulit nakita. Buong maghapon rin kitang hinanap ngayong araw na 'to pero lagi kitang hindi naaabutan sa pinupuntahan mo."

Pilit na tumawa ako. "Nag gagala kasi ako maghapon eh. Naiwan ko pa sa kwarto ang phone ko."

"Snow."

"Hmm?" tanong ko habang ibinababa ko sa isang tabi ang backpack ko. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya.

"May problema ba tayo?"

Napatingin ako sa kaniya sa narinig kong takot sa boses niya at kaagad na umiling ako. "Wala. Wala tayong problema. Bakit mo naman nasabi 'yan Nix nix?"

"Then why are you standing there as if there's a wall between us?"

Nag-aalangan na lumapit ako sa kinaroroonan niya. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay humiga ako sa lapag ng tree house katulad ng kalimitan naming ginagawa. May pinindot siya sa isang gilid dahilan para mapalitan ng glass ang ceiling ng tree house at pagkatapos ay humiga siya sa tabi ko.

Tahimik na nakatingin lang kami sa langit. Walang buwan...wala ding mga bituin. Just the dark night sky.

Lying here beside him, it almost feels like that nothing is different. As if nothing ever changed. Na parang katulad noon, mayroon lang Phoenix at Snow. Dalawang tao na hindi mapaghiwalay ng kahit na sino.

Ang dami kong ala-ala na kasama siya sa lugar na ito. Mga panahon na kuntento lang kami na magkasama. Panahon na pakiramdam ko walang magbabago sa aming dalawa. I remember him pinning my drawings around this tree house, putting me on his back as he climb the stairs, naalala ko na nakipaglaro din siya sa akin ng luto-lutuan kahit na hindi iyon ang gusto niyang laruin, I can remember him combing and braiding my hair...I can remember just lying here looking at the sky.

Masyado akong nakuntento. Kasi akala ko hindi siya mawawala. Pero hindi pwede. Kasi kailangan niya na ring maging masaya. Hindi pwedeng habang buhay na ikulong ko siya.

"Snow..."

"Hmm?"

"I'm getting married tomorrow."

Itinaas ko ang mga kamay ko na parang inaabot ang langit pero ginawa ko lang iyon para matakpan ko ang mukha ko at ng hindi niya makita ang emosyon na nakabalatay roon. "I'm so happy for you. Siguradong hindi na din makapag-intay ngayon si Mira. Kaya ka siguro nandito no? Hindi ka makatulog kasi excited ka na bukas."

Napatigil ako ng maramdaman ko na hinawakan niya ang isang kamay ko at binaba iyon. Nilingon ko siya at bahagya kong hinila ang kamay ko pero hindi niya binitawan iyon. Humarap siya sa akin at matamang tinitigan ako.

"Nix nix..."

"Ask me." he whispered.

"What?" naguguluhang tanong ko. "Itanong sa iyo ang alin?"

"Ask me not to go tomorrow. Ask me not to get married, ask me not to leave you. Ask me to stay here with you."

"A-Ano bang sinasabi mo-"

"She's a great woman. Hindi siya mahirap mahalin. God knows I don't want to hurt her. But I want to know what you want. Dahil alam mo naman di ba? Gagawin ko kung anong gusto mo. And I want you to ask me to stay."

"Phoenix..."

"When we were young, I told you that my dream is to be married to you. But you said that that is not possible. Dahil para tayong magkapatid. When we're teenagers I asked you if it's possible for us to date. But then you said we should stay as friends. Dahil ayaw mo na magulo kung ano ang meron tayo. I understand, Snow. I really do. We managed to be friends for a long time. I managed to be contented just to be with you. The problem is I cannot stay as your friend when I know that I want more from you."

"Y-You said it's okay to be like this. I never thought you were serious before. Sabi mo naisip mo lang...sabi mo nagtatanong ka lang. You were just asking for a possibility. You never said it's true."

"Snow-"

"Paano si Mira? Basta basta mo na lang siya iiwan kapag sinabi ko na ayokong umalis ka? Phoenix all my life I always get what I want. But not this time. Do you think I will rob her this chance just because I'm scared of losing you?"

"Ask me."

"No!" umupo ako at umiiling na sinalubong ang tingin niya. "You're asking me to hurt the woman that you will marry."

Umupo siya at pilit na hinuli ang mga mata ko. "I'm asking you what you want."

"No-"

"I love you, Snow."

Animo pelikulang sunod-sunod na lumabas sa utak ko lahat ng pinagsamahan namin....lahat ng mga pagkakataon na kasama ko siya. Pero kaakibat no'n ay ang mukha ni Mira na masayang nakatingin sa kaniya. I can see her smile while talking about the wedding...talking about Phoenix.

"For a long time there's nothing for me but loneliness. Then I met Phoenix. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko mawawala lahat ng takot...lahat ng sakit."

Mira said those words before. Dati natatakot ako na baka hindi totoo ang nararamdaman niya para kay Phoenix. Dahil masyadong naging mabilis lahat. Hindi ko narinig mula sa bibig niya na mahal niya si Phoenix but I know...I know that she feel something for him. I know that she wants to be happy with him.

I know that with just a word that I can take that happiness from her. I know that but I also know that I shouldn't.

"Marry her."

"Snow-"

"Don't do this to her, Phoenix. Hindi tama." pinilit kong ngumiti at binawi ko ang kamay ko na hawak niya. "Masaya siya sa piling mo."

"Do you love me?" he whispered.

"I...I..."

Pumatak ang luha mula sa mga mata niya. I opened my mouth to speak, my heart breaking as I look at the pain in his eyes, but I can't find the right words to say. "Kahit na maliit na parte lang sa puso mo, Snow. Just tell me. Do you love me?"

"No."

I can feel the chain around my heart falling away. I can feel my feelings that I locked on the deepest part of myself, crying...shouting, because of the lie that escaped my lips.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top