CHAPTER 3 ~ Nothing ~

CHAPTER 3

SNOW'S POV

Pabagsak na humiga ako sa kama. Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko. Hindi ko kasabay si Phoenix bumalik ng headquarters dahil kanina pa siya naunang umuwi. Mas malakas panigurado ang tama nang mga nainom niya sa kaniya kanina dahil inagaw niya lahat nang ibigay sa akin ni Killian na alak.

Mariing ipinikit ko ang mga mata ko na para bang mababago no'n ang mga nangyari na nagawa ko. Forget about it Snow. Don't think about it. Everything will be alright.

Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at hindi tinitignan ang caller na sinagot ko ang tawag. "Hello?"

"You're really crazy."

"Kuya Waine, 'wag ngayon." sabi ko ng mabosesan ko ang tumawag.

"Crazy girl."

Malakas na bumuntong-hininga ako nang basta na lang niya putulin ang tawag. Gumulong ako pabaligtad at sinubsob ko ang mukha ko sa kama. I want to bury myself in my bed and never resurface again. I want to go away. I want to leave and never return.

"No. Forget about it Snow. He won't remember it."

Never tell another soul. Bury it. Pretend like nothing happened. I'm good at it. I know I will be alright.

I will be.



MALALAKAS na katok ang nagpagising sa akin kinaumagahan. Agad na napatayo ako at kahit hindi tumingin sa salamin ay alam ko na hindi kaaya-aya ang itsura ko. I know I look as worse as I feel.

Napapitlag ako nang muling may kumatok. Kinakabahang lumapit ako sa pintuan at kahit na buong pagkatao ko ang gusto akong pigilan sa gagawin ay pinindot ko pa rin ang maliit na device na hugis kahon sa gilid ng pintuan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sa screen kung sino ang nasa labas ng pintuan ko.

Binuksan ko iyon at bumangad ang nakasimangot na mukha ni Waine sa akin. "Ang aga mo namang mang bulabog, Kuya."

Padabog na sinarado niya ang pintuan at tuloy-tuloy na tinungo ang kusina ko. Nilapag niya ang dala niyang paper bag doon at matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin. "Sit."

Napapabuntong-hininga na sinunod ko na lang siya. Umupo ako sa high stool ng center island habang ang lalaki naman ay sumandal sa counter. Binuksan ko ang paper bag na dala niya at automatikong kumurba ang maliit na ngiti sa mga labi ko nang makita ko na may almusal doon.

"Binili mo?" tanong ko.

"Yong kape, oo. But I cooked the meal."

Nilabas ko ang mga pagkain at hindi na ako nagtanong kung para kanino. Obvious naman na para sa akin. Kaagad na sinimulan ko ng kainin ang mga iyon na hindi man lang siya inaalok. Wow. I must be really hungry.

"Saan ka tumutuloy?" tanong ko sa kaniya bilang pambasag sa katahimikan.

"Dito sa headquarters. May kwarto na pinapagamit muna sa akin. I'm a temporary agent of your organization as well as Chumillo."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bumuka ang bibig ko para magtanong pero umiling lang siya. Mukhang classified ang dahilan kung bakit nandito sila.

"Hindi pa ba nadadala si Dawn sa pagtatago ng sekreto sa'min?" muli kong tanong habang sumisimsim ng kape.

"Wala naman siyang balak itago. Magkakaroon ng conference ang buong team ninyo kaya hindi ko kinakailangan na sabihin sa iyo dahil malalaman mo rin naman."

Tumango-tango ako. Tahimik na pinagpatuloy ko ulit ang pagkain ko pero unti-unti na akong naiilang sa ginagawa niyang pagtingin sa akin. "Kuya Waine-"

"What have you done, Snow?"

"You said I should grow up." I whispered.

Inihilamos ni Waine ang kamay niya sa sariling mukha. "Hindi sa isang tao na halos hindi na makatayo sa pagkakalasing."

Binitawan ko ang kutsara at tinidor bago ko siya hinarap. "Paano mo nalaman?"

"I followed you, dummy."

Inilayo ko ang pagkain na nasa harapan ko at sinubsob ko ang mukha ko sa mga kamay ko. "Kuya Waine, please. Ayoko ng maalala. I know what you're thinking ang you're right. I'm crazy. I'm really crazy." Nagmamakaawa ang mga mata na tinignan ko siya. "Nothing will change even if I grow up."

"Snow-"

"Alam ko ang gusto niyong tukuyin ni Brennan. That I should be real to myself. I know that this is not about my family anymore. Na hindi na ito tungkol sa kung paano ako itrato ng lahat. Na hindi na ito tungkol sa kaignorantehan ko sa mga bagay-bagay. I'm not stupid. Alam ko ang problema sa sarili ko. Isang bagay na kahit na sino hindi ako matutulungan. But that's it. I don't want to help myself. I don't want to be real to myself. Mas masakit kapag nagpakatotoo ako. So please...just let me be."

"Paano kung may tiyansa na-"

Umiling ako at pinutol ang sasabihin niya. "Mira is a great person, Kuya Waine. She doesn't deserve this."

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Tahimik na umupo si Waine sa harapan ko at itinulak palapit sa akin ang plato na inilayo ko kanina. Walang salita na nagpatuloy ako sa pagkain kahit na hindi ko na magawang malasahan ang mga iyon.

I don't know why he suddenly became my friend. But I'm thankful that he's here.

"Vibrator."

Bigla akong napatingin kay Waine habang nanlalaki ang mga mata. Muntik pa akong mabulunan dahil sa narinig. "Kadiri ka talaga Kuya Waine! Kumakain kaya ako!"

Tumaas ang kilay niya. "At least you know that one." ngumisi siya ng tila may naisip. "Tits."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Nagsisimula na naman. But at least we're done talking about the heavy stuff. "Ngipin. At teeth hindi teeths. Plural na ang 'teeth'. Simpleng English lang hindi mo pa alam."

Napanganga ako ng bigla na lang siyang humagalpak ng tawa. Seriously this guy. Bipolar ba ang isang ito?

"I'm gonna enjoy this." he said after he's done laughing at my expense.

"Enjoy what?"

"You'll know if you do your assignment."

Muli kong pinaikot ang mga mata ko. Kahit kailan hindi pa ako naka-meet ng lalaking kasing gulo kausap ni Waine. At saka ano bang nakakatawa sa sinabi ko kanina? Teeth naman talaga at hindi teeths ah.

Ay ewan!

NANGANGALIT ang mga ngipin ko habang nakatingin ako sa cellphone ko kung saan kasalukuyan akong nakakonekta sa internet. Hindi ko pinansin ang mga taong nasa paligid ko rito sa dining hall ng BHO CAMP headquarters dahil mas nakapokus ako sa mga nababasa ko.

That freaky Waine. Fellatio is not a Gelato Ice Cream, it's a stimulation to a man's...you know? And Cunnilingus is the opposite because it's a stimulating to a woman's clitoris. And tits! It means nipples.

"Hoy, Snow. Mukhang busy ka ah? Anong tinitignan mo diyan?"

Hindi lumilingon na sumagot ako. "Wala naman. Nalaman ko lang naman ang ibig sabihin ng Fellatio, Cunnilingus at Tits."

Mabilis pa sa alas kwatro na nawala sa mga kamay ko ang cellphone ko. Nag-angat ko ng tingin at nakita ko na hawak iyon ng kapatid ko na si Thunder na hindi ko namalayan na siyang nakaupo na pala sa harapan ko habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa phone ko.

"Akin na 'yan!"

"No. Sabihin mo muna sa akin kung bakit nag se-search ka ng ganito."

Ngumuso ako. "Tanungin mo si Kuya Waine. Iyan lang ata ang mabisang paraan na alam niya para mag "grow up" ako."

"You can grow up without reading these things."

I didn't missed the fact that he didn't deny that I should grow up. Alam ko naman ang pinupunto nilang lahat. Alam ko rin na pinagtitripan na ako ni Kuya Waine. But I rather have that than to face every truth in my life that wants me to recognize their presence.

"Right. At ano naman ang alam mo sa pagtanda Kuya?"

Napakamot siya sa pisngi niya sa tanong ko. "Well...err..."

"Alam mo ang mga iyan di ba?"

"Oo pero-"

"And are you a grown up?"

"Oo naman!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh di dahil nga alam mo ang mga iyan kaya mo nasabing matanda ka na. Ang gulo mo kausap Kuya."

"Snow-"

"Hindi kasi dapat si Kuya Thunder ang kinakausap mo kung gusto mo na mag mature."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isa pa namin na kapatid na si Freezale. We're triplets pero kami talaga ni Freezale ang magkamukhang-magkamukha.

"Ate Freezale!" masiglang bati ko.

"Mas nauna kang lumabas."

Ngumisi lang ako sa sinabi niya. Sanay naman ako sa katarayan niya. Alam ko naman na kahit ganiyan siya ay malambot pa rin ang puso niya.

Umupo siya sa tabi ng kapatid namin na lalaki at kinuha niya ang cell phone ko na hawak pa rin ni Kuya. Halos saglit lang tumagal ang mga mata niya roon dahil kaagad siyang napatingin sa akin. "Why the hell are you searching for these kind of things?"

"Assignment ko daw sabi ni kuya Waine. Malay ko ba na iyan ang meaning."

"This is not the way to maturity."

"Oo nga." singit ni kuya Thunder. "Hindi ka diyan dapat nagsisimula. Siyempre dapat mag start ka sa basics. Like French kiss, Aussie kiss, finger- aray! Freezale naman eh!"

Binitawan ni Freezale ang tenga ng kapatid namin at hinarap ako. "Sa akin ka lang makinig. Okay?"

"Okay!" nakangiting sabi ko.

"If you want to be mature then start acting like one. You'll always be the baby of everyone but that doesn't mean that you should just stay forever inside your protective shell."

"Okay!" I said, not planning to broaden the topic.

"Snow."

"Yes?"

"Nandito lang ako."

Nawala ang ngiti sa labi ko at sinalubong ko ang nakakaunawa niyang tingin sa akin. Pilit na pinananatili ko ang sigla sa boses ko. "Okay."

"So...Freezale..." singit ni kuya Thunder nang ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan namin.

"What?"

"Ikaw na ang magtuturo kay Snow ng mga terminologies na ito- aray! Maawa ka sa tenga ko! Nag-asawa ka lang naging dominatrix ka na."

Bago pa makasagot ang kapatid kong babae ay nauna na akong nagsalita. "Dominatrix? Ano 'yon?"

"Wala." magkasabay na sagot nila.

Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil may biglang humila ng bahagya sa buhok ko. Lumingon ako sa may-ari ng kamay na iyon at naningkit ang mga mata ko nang makita ko si Kuya Waine. "Ano na naman?"

"Prince Albert."

I rolled my eyes at him. Sa tingin niya ba hindi ko alam iyon? Automatiko na sumagot ako. "Stalker na bakla ni Kuya Thunder na dahilan ba't laging sumisigaw ang mga girlfriend niya."

"I see." he said with a chuckle. Sumaludo siya sa Kuya ko bago walang salitang naglakad papunta sa counter ng dining hall.

"Seriously hindi mo pa rin tinatanggal 'yang Prince Albert na iyan?" nakangiwing tanong ni Freezale.

"Ba't ko naman tatanggalin?"

Nagtaas ako ng kanang kamay para makasingit sa usapan. Kaagad namang bumaling sa akin ang mga ulo nila. "Dahil nakakagulo na siya sa mga girlfriend mo? Paano kung bigla na lang niyang murderin ang mga girlfriend mo dahil sa selos?"

Napasubsob si Freezale sa mga kamay niya habang si Kuya Thunder naman ay hindi malaman kung ano ang isasagot sa akin.

"Snow?" alanganin na sabi ni Kuya Thunder.

"Yes Kuya?"

"Prince Albert is not a person."

"Oh."

"It's a piercing."

"Oh." I repeated with a knotted forehead. "Pero bakit sumisigaw ang mga nagiging girlfriend mo? Ikaw ba ang nag pi-piercing sa kanila?"

"Umm no."

"Then what is it?"

"It's my piercing." Tumuro siya sa ibaba niya. "Down there."

Sinundan ko ang tinuro niya na direksyon pero muli ko lang binalik ang mga mata ko sa mukha niya. Ilang segundo na nakatingin lang ako sa kaniya hanggang unti-unting rumehistro sa akin ang ibig niyang sabihin.

I opened my mouth at the same time both my siblings covered their ears as if they're expecting it. And they are right. Isang makabasag pinggan na tili ang pinakawalan ko.

"What the hell is going on? Snow? Okay ka lang ba?"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Phoenix na maputla pa ang itsura at parang hindi pa rin makatayo ng ayos na lumapit sa akin. He looked like he has a terrible hangover.

Umangat ang kamay niya para hawakan ang mukha ko pero mabilis akong nakalayo. Mukhang hindi naman niya napansin ang ginawa ko dahil nag-aalalang nakatingin pa rin siya sa akin. "Anong nangyari? Sumakit na naman ba ang ngipin mo?"

"N-No. I'm fine. Nagulat lang ako."

Tumango-tango siya habang nanghihina na napaupo sa tabi ko. Ipinatong niya pa ang siko sa lamesa para may masandalan ang ulo niya. Mukhang hindi pa rin siya nakakabawi mula sa pag-inom niya kaninang madaling araw.

"O-Okay ka lang ba Nix Nix?"

"Yes, I'm fine."

"Ano...kagabi...I mean kaninang madaling araw-"

Nagmulat siya ng mga mata. "God, I'm sorry Snow."

Parang sinaklot ang dibdib ko sa sinabi niya. No. No, no, no! Naalala niya. Ano ng gagawin ko ngayon? Paano kapag nalaman ni Mira?

"Dahil sa kalasingan naiwan kita sa Paige's. Si Killian daw ang naghatid sa akin sa headquarters. I'm so sorry. Hindi na ako ulit iinom para kapag gusto mo ulit na sumubok uminom ng alak hindi na kita mapapabayaan-"

"No." mabilis kong sabi. "I'm fine. Hindi naman ako masyadong tinamaan kagabi."

"I'm still sorry."

"I'm fine, I promise." Mukhang nakuntento naman siya sa sinabi ko dahil hindi na siya muling nagsalita pa. Nang hindi makatiis ay muli akong bumulong sa kaniya, "Nix nix?"

"Yes?"

"Wala ka na bang naaalala na iba?" tanong ko sa kaniya. Tinapunan ko pa nang mabilis na tingin ang mga kapatid ko na nag-uusap din para masiguradong hindi sila nakikinig sa amin.

"Wala naman. Killian said I passed out. May iba pa ba na nangyari? May hindi ba ako maalala? I'm sorry, Snow, I was too hammered last night. What is it?"

Umiling ako at nginitian siya. Itinulak ko palapit sa kaniya ang bagong bili ko na kape na mainit pa at hindi ko pa naiinom.

"Nothing. There's nothing to remember."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top