CHAPTER 26 ~ Confab ~

CHAPTER 26

SNOW'S POV

"Earth to Snow. Hello? Hellooo? Nasaang planeta ka na? Isama mo naman kami sa mga pangarap mo."

Sunod-sunod na napakurap ako. Muntik pang sumalpok ang mukha ko sa lamesa nang may kung sinong pumatid ng siko ko na nakapatong sa lamesa habang nangangalumbaba ako. Tinignan ko ng masama ang mga bagong dating.

Si Athena at Hera.

"Ewan ko sa inyo." Tinignan ko ang taong dahilan kung bakit muntik ng maging pancake ang mukha ko. "Hoy Ocean!"

Lumingon siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. "Hoy ka din!"

"Wala ka talagang galang. Mas matanda ako sayo, no. Isusumbong kita kay Tita Eika."

Ngumuso siya. Wala namang ibang kinakatakutana ang tong iyan maliban sa nanay niya. Si Tito Yale kasi na tatay niya ay kinukunsinti lang siya. "Hoy ka din po! Okay na po?"

"Walang originality. Kasuhan kita ng plagiarism diyan eh."

Lahat kami ay napatingin sa bagong dating na si Den. Bitbit niya ang anak niya at kasunod niya ang asawa niya na si Rushmore. Kilala siya dito sa BHO CAMP bilang pinakamatanda- este pinakamagalang na bata. Mahilig kasi iyang mag Po at Opo pero sa paraan na para bang sarkastiko ang pagkakasabi niya. Kahit na noong bata pa siya. Kaya nga aliw na aliw sa kaniya ang mga Elites noon.

Inilibot niya ang paningin niya sa amin. Huminto ang mga mata niya kay Hera at Athena na kaagad na umatras. Nagtatakang tinignan ko sila pero bago pa ako makapagsalita ay may naramdaman akong dumagan sa akin.

"A-Ate Den!" angal ko nang makita kong ang anak niya ang inaabot niya sa akin.

"Hawakan mo kung hindi ikaw ang pagagawin ko ng kapalit niyan."

Napalunok ako at kinakabahang kinuha ko ang anak niya. Nagbaba ako ng tingin sa bata na nakatingin lang din sa akin at pagkatapos ay walang imik na sumandal sakin na para bang matagal na kaming magkakilala.

"Ganiyan 'yan. Genius katulad ko." sabi ni Den na umupo sa harapan ko. Ang asawa niya naman na si Rushmore ay tinanguhan lang ako at pagkatapos ay tinungo ang lamesa na inookupa ng kabanda niya na si Archer.

"Ate Den!" ngiting-ngiti na sigaw ni Ocean at akmang susugod sa babae pero nagtaas lang ito ng isang kamay dahilan para mapahinto ang lalaki. "Wag kang lalapit sa akin. Ang Rushmore ko lang ang may karapatan na apakan ang personal space ko."

Napalingon sa amin si Kuya Rushmore na nangingiting napailing na lang habang si Ocean naman ay parang tuta na nakangiti lang habang sunod-sunod na tumatango. "Ate Den-"

Pinutol ni Den ang sasabihin pa ng binata. "No. Hindi kita ipapakilala sa mga kakilala kong dalaga na artista. No, hindi din kita ipapakilala sa junior ng team namin na si Analie. At no ulit. Hindi ka papatulan ni Bailie dahil may girlfriend na iyon."

Nagkandahaba ang nguso ni Ocean. "Grabe ka naman, Ate Den. Ayaw mag share? Akala ko pa naman si Kuya Rushmore lang ang type mo. Iyon naman pala..." sabi niya na ibinitin pa ang salita.

Pinameywangan siya ni Den at pagkatapos ay tinuro ang anak niya na hawak ko. "Nakikita mo ba iyan? 'Yan ang produkto ng mga bagay na ginagawa ng mga taong nagmamahalan. Ngayon kung handa ka nang magkaroon niyan, irereto kita sa kahit na sinong babae na gusto mo."

"Woopie doopie! Look at the time!" Ocean exclaimed while looking at his watch. "Marami pa pala akong lulutuin. Bye guys!"

Napapalatak na lang ako habang sinusundan ng tingin ang lalaki na nagmamadaling pumasok ng kusina. Ang bata pa kasi masyadong nagmamadali na magkaroon ng love life. Kung alam niya lang kung gaano kahirap.

Muli akong nagbaba ng tingin sa anak ni Den na si Raja. Para siyang carbon copy ng mga magulang niya. Siguro kung natuloy...siguro, kamukha din namin siya.

Nag-angat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang mabibigat na tingin sa akin. Natagpuan kong nakatitig sa akin si Den pati na si Hera at Athena na ngayon ay nakaupo sa magkabilang gilid niya.

"Anong-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bumukas ang pintuan ng Craige's at pumasok ang ilan pang mga babaeng agent ng BHO CAMP. Maliban kaila Aiere, Nyx at sa kapatid ko na si Freezale na malamang ay nasa control room.

Binuhat nila ang ilang mga lamesa ng Craige at itinabi iyon sa amin. Kaniya-kaniya din sila ng kuha ng mga upuan. "A-Anong meron?" tuloy ko sa nais kong sabihin kanina.

"Confab." sabi ni Den.

Napakunot ang noo ko. "Meaning?"

"Confab. An informal private discussion. Bow." sabi ni Chalamity na nagtaas pa ng kamay na para bang ulirang estudyante.

Tinanguhan siya ni Den. "Thank you so much genius. Pero dahil mas genius ako eh iba ang ibig sabihin sa akin ng confab. It means Conference of the Fabulous. Ayos di ba?" proud niyang sabi.

Napabuntong hininga ako ng magpalakpakan ang mga babaeng agent na para bang nagbigay ng presidential speech si Den. "So ano ngang meron. Para saan ang Conference of the Fabulous niyo? May ikakasal ba? May magkakatuluyan? Anong meron?"

Humalukipkip si Den. "Meron. Kung magtitino ka at hindi mo tatakbuhan."

Napatigil ako at kaag nag-iwas ng tingin nang mapagtanto ko kung ano ang gusto niyang iparating. Nitong nakaraang apat na araw kasi ay wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto ko. Kung hindi naman ay pumupunta ako sa lugar na alam kong wala si Phoenix. At ngayon nga ay nabili ko na ang ticket pabalik ng Seattle.

Alam ko na parang tumatakbo na naman ako. Pero kasi pakiramdam ko ito ang tamang gawin. Siguro kasi...natatakot din ako. Natatakot ako kahit na alam kong mahal niya ako. Natatakot ako kasi alam ko na minahal niya din si Mira.

I don't know if I can ever ease his pain. If I can make him happy. Gusto kong lumaban pero natatakot ako.

"Alam niyo sa tingin ko tama lang na lumayo muna si ate Snow." Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita na si Chalamity. "Kasi hindi ba unfair sa kaniya? Na nagmahal ng iba ang taong mahal niya?"

"Wow. You have no chill, my dear Chalamity. Mabigat agad?" nangingiwing sabi ni Hera.

Nagkibit-balikat ang babae. Akmang magsasalita ako para pahintuin sila pero naunahan na ako ni Storm. Nakatingin siya kay Chalamity. "Bakit naman unfair?"

"Kasi hindi nagmahal si Ate Snow ng iba. Si Kuya lang ang mahal niya pero hindi niya ipinaglaban si Ate Snow."

"Hindi din naman lumaban si Snow." singit ni Enyo.

"Pero hindi siya nagmahal ng iba." bulong ni Eris na kakambal ng babae.

Nagkatinginan kami ng ilang mga agent. Bihirang bihira na magkasalungat ang opinyon ng dalawa at hindi nakalagpas iyon sa dalawa dahil nakangangang napatingin si Enyo sa kakambal.

"So kailangan magmahal din ng iba si Snow para fair?" balik ni Enyo.

Nagtangka ako na itaas ang dalawang kamay ko para awatin sila pero kaagad na ibinalik ko iyon nang muntik tumagilid si Raja na nasa kandungan ko at kaagad ko siyang niyapos sa katawan ko. "Amm...guys. Hindi naman natin kailangang pag-usapan ito-"

"I agree with Enyo." sabi ni Athena. "It may seem cowardly for Phoenix for moving on with someone else but does that mean that Snow's love should be shallow?"

"Pero-"

Pinutol naman ni Storm ang sasabihin ni Chalamity na magsasalita sana ulit. "In love you cannot attain balance all the time. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang una. Hindi pwedeng magbilangan kayo. Hindi pwedeng burahin ang nakaraan niya. In the end of the day those ridiculous hypocrisy would not matter. Because people with the same situation like this would agree with me when I say that when you love you will accept all of him. You will accept what he can give."

Animo may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi ni Storm. Napayuko ako at tinignan ko ang maliliit na kamay ni Raja na humawak sa daliri ko.

"Kung mahal mo hindi ka dapat sumuko agad. Kapag mahal mo hindi ka hahanap ng iba pang mamahalin. You shouldn't be in love with another person in the first place. Kung totoo ang pagmamahal mo dapat siya lang." bulong ni Chalamity.

"Guys..." awat ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin. "Ibig bang sabihin hindi totoo ang pagmamahal ko kay Hermes?" mahinang tanong ni Storm.

Lahat kami ay napatingin sa kaniya pero ang mga mata niya ay nasa gawi ni Sky na ngumiti lang sa kapatid niya at pagkatapos ay tumango.

"I was in love with Adonis. I loved him first. Ang ganoong damdamin ay hindi basta-basta nawawala. Sa tingin ko nga hindi na iyon nawawala. Does that make my love for Hermes a lie? Because he wasn't the only one in my heart?" Nang walang nakaimik ay muli siyang nagsalita. "Every love cannot be the same. A person can love a million times yet there will only be that one person he cannot live without."

"Mas tanga ka kapag pinakawalan mo pa ang lalaking mahal mo at mahal ka rin ng dahil lang sa nagawa niyang magmahal ng iba. Mas pagpapakatanga iyon kesa ang tanggapin siya na alam mong may piraso sa puso niya na hindi mo makukuha." walang patumaga na sabi ni Den. "Kung gusto mo ng fair na relationship, kung gusto mo ang relasyon na binibilang niyo ang bawat ginawa niyo para sa isa't-isa...I suggest you give him up. That makes you not worthy of him instead of him not being worthy of you."

"Ikaw." sabi ni Hera na nakatingin kay Harmony na tahimik lang sa kabilang dulo ng lamesa. "May sasabihin ka ba?"

Nag-angat ang babae ng tingin mula sa papel sa harapan niya at inilibot niya ang paningin niya sa amin. Huminto ang mga mata niya sa akin. "Kahit ano pang sabihin ninyo wala kayong magagawa kung naka-set na ang utak ng sinasabihan ninyo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Bakit ba ako nakasali rito? Hindi ko nga kayo kilalang lahat eh. Kuya Archer! Ilibre mo nga ako! Saka pakibili ako ng gamot sa allergic reaction. Nangangati ako dahil sa mga in love dito!"

Naiiling na napangiti ako. Si Chalamity at Eris ay nagkatinginan at sabay na napabuntong-hininga at napangiti na rin. Siguro ganto talaga minsan. People don't need to walk on egg shells around you. Sometimes you just need a head smack so you'll wake up.

"Guys-"

"Paging. Snow Night."

Lahat kami ay napanganga nang my marinig kami na boses na nagmumula sa mga speaker na nakapalibot hindi lang sa Craige's kundi maging sa buong BHO CAMP. Napatayo ako ng wala sa oras at mabilis na inabot ko kay Athena na nasa malapit sa akin si Raja ng makilala ko ang boses. Natatarantang hinawakan ng babae si Raja at akmang ibabalik sa akin pero hindi ko na siya pinansin dahil nakatutok ako sa boses mula sa speaker.

My sister Freezale.

"You have two votes that are against the total votes of infinity. But I guess that two votes will change theirs right at this moment."

Nagtaas ng mga kamay si Chalamity at Eris na umaktong sumusurrender. Pinaikot ko ang mga mata ko habang nakikinig pa rin.

"Screw their opinions. Screw my opinion. Do what makes you happy. And if that happiness is him...then go to your special place. But if you decide to let him go, then walk away. Never look back."



HUMINGA ako nang malalim habang tinatahak ang daan patungo sa desisyon ko. Naiintindihan ko ang mga sinabi nila. Naiintindihan ko iyon ng buong puso. Pero sa huli alam ko naman na ako din ang maglalagay ng tuldok sa kwentong ito.

Iyong mga masayayang panahon na kasama ko siya, pakiramdam ko ang layo na. Pakiramdam ko ang tagal-tagal na ng panahon na iyon. Pakiramdam ko ang dami ng nagbago.

Nagsinungaling ako sa sarili ko sa kabila ng pagmamahal na alam kong meron ako para sa kaniya, nagmahal siya ng iba, dumistansiya ako, nagpakasal siya, inamin ko ang nararamdaman ko at tumakbo ako palayo.

Naniniwala ako na hindi imposible na magmahal ng dalawang tao. The only thing that is impossible when it comes to love is stopping it. Erasing it. I could be old and gray and in my dying years, but I will always remember the person that I fell in love with.

Pero ayokong dumating ang panahon na iyon na ang tangi kong magagawa. Ang maalala siya. Dahil sa natakot na naman ako. Dahil nangamba ako sa isang bagay na hindi ko na mababago. Dahil tumakbo na naman ako palayo.

So here I am walking the path towards our special place. Kung saan nagsimula lahat. Kung saan kami nasaktan. At sana kung saan kami magiging masaya.

Nang tuluyan kong marating ang lugar na iyon ay bahagya akong napangiti nang makita ko siya na nakatayo sa ibaba ng tree house at naghihintay. There he stand...the only person that I will ever love.

Nakangiting huminto ako ilang dipa mula sa kinatatayuan niya. Humakbang siya palapit sa akin pero umatras lang ako. Inulit niya iyon pero katulad ng nauna ay muli akong lumayo sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin at kita sa mga mata niya ang pangamba pero nanatili akong nakangiti. "I'm still going to Seattle, Nix Nix."

Bumakas ang sakit sa mga mata niya pero pilit na ngumiti siya. "Then I will follow you there."

"I want you not to do that."

"No. Snow. This time, I will do it without your permission. Alam mo tama sila. Tama ang mga sinasabi nila. Dapat ipinaglaban kita. Dapat hindi ako nagmadali. But I cannot change what already happened, Snow. I can't go back and erase all those things. I can only go forward with the hope that you will still accept me. That someday I can call myself worthy of your heart."

"Phoenix-"

"Hindi ko magagawang burahin si Mira sa pagkatao ko. All I can promise is that I will never give up on you again. All I can promise is that I will wait for you. I want you to be happy, Snow. Hindi ko pagsisisihan na muling maghintay kahit na sa huli ay hindi ka maging sa akin. But please...don't ask me to stop loving you."

"Phoenix!"

Napatigil siya sa ginagawa niyang paghakbang palapit sa akin sa bigla kong pagsigaw. Naiiling na lumapit ako sa kaniya at nilagpasan ko siya. Bago siya makaharap sa akin ay walang salitang tinalunan ko siya sa likod at pagkatapos ay pinalibot ko ang mga braso ko sa leeg niya.

"Snow-"

"Walk."

Sandaling hindi siya nakapagsalita pero pagkaraan ay nagsimula siyang maglakad. Hinilig ko ang baba ko sa balikat niya. Tila nagbalik sa mga ala-ala ko ang mga panahon na ganto ang ginagawa namin, "Nix Nix, I'm still going dahil kailangan kong ayusin ang mga gamit ko roon. Kailangan ko ding magpaalam sa trabaho ko dahil wala naman akong official leave."

"Snow-"

"And...we need that time. Oo marami na tayong oras na nasayang pero kailangan natin ang kaunting panahon pa na iyon. Out of respect for our hearts at kay Mira. Di ba sabi nga nila kailangan maka forty days ka muna bago ka mag move on?"

"Sa patay 'yon, Snow."

Natigilan ako sa sinabi niya bago pagkaraan ay napanguso ako. Malay ko ba. Narinig ko lang iyong sa tabi-tabi eh. "Basta ganoon 'yon."

I felt his body vibrate softly with his contained laughter. Tuluyan na rin akong napangiti. I love his laugh more than his smile. "And Phoenix..."

"Yes?"

"I don't want you to forget her." I whispered as I tightened my hold to him. "I don't want you to think of your love to her as something as erasable. I love her too, you know?"

Katahimikan ang naging sagot niya sa akin. But I heard his answer through that silence. His agreement to what I just said and understanding to why I asked that from him.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang nakalabas na kami sa mapunong parte ng BHO CAMP at ngayon ay nasa likod na kami ng headquarters. Nag-angat ako ng tingin at napailing ako ng makita ko ang mga agent sa loob na nakasilip sa mga bintana. Namataan ko pa si Athena at Hera na sumasaya-sayaw sa loob habang nakatingin sa amin.

"I have a question." I whispered.

"What is it?"

"Eventually, gagawa ka din ba ng paraan para makasama ako?"

Napahinto siya sa sinabi ko at pagkaraan ay nagsalita siya, "Nang maghiwalay tayo sa parke na iyon, I know in my heart that sooner or later I will let go of her hand. I know that I will hurt her because of my decisions but I also know that I can't keep on lying to her. She doesn't deserve that. You don't deserve that. Alam ko na hindi magiging madali para sa ating tatlo at alam ko na maaaring pagbalik ko ay nagbago na ang nararamdaman mo but I know that it was the right thing to do. For all of us."

Tumango ako kahit na alam kong hindi niya iyon nakikita. Muli siyang naglakad habang nanatili akong nakasandig sa balikat niya.

"I'm happy you know..." I whispered. "I'm happy that you're the man that I love. That you have a big heart enough to love us both."

"Snow..."

"I don't want you to think that your love for her is wrong. Katulad ng ayokong habang buhay ay sisihin ko ang sarili ko na wala akong nagawa. Na natakot akong kumilos. We can't change the life that have been given to us. We can only forward and be happy. Para sa ating dalawa at para sa kaniya." Marahang ngumiti ako at napagtuloy, "Kapag sinabi ng iba na marami pang lalaki sa mundo ng mas higit pa sa iyo...alam mo ba kung anong isasagot ko?"

"That they're probably right."

"No. Sasabihin ko. To hell with you! Kung gusto niyo eh di pakasalan niyo sila! Dahil sa akin lang si Phoenix Martins! Walang taong kayang akyatin ang lahat ng puno ng mangga mapasaya lang ako, walang kahit na sino ang hindi man kukurap kapag ibinangga ko ang sasakyan nila, walang kahit na sinong lalaki ang papayagan ko na itirintas ang buhok ko, at wala ng mas gagaling pa sa MEETING kesa kay Phoenix Martins!"

Napatili ako sa pagkagulat nang bigla na lang akong mabitiwan ni Phoenix. Mabilis akong umayos ng tayo nang humarap siya sa akin at nakangangang tinignan ako. Sa likod niya ay nagsilabasan na rin ang mga agent na mukhang nakikinig sa ipinag-uusapan namin. Damn those audios!

Ngumiti ako ng matamis at pinagana ko ang Snow's Puppy-Kitten eyes ko. "Oops!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top