CHAPTER 25 ~ Letter ~
CHAPTER 25
SNOW'S POV
Pagkapasok pa lang sa loob ng conference room ay ramdam na ang tensyon sa paligid. Namataan ko si Aiere na dumiretso sa kinaroroonan ni Storm na nakabaluktot pa rin at nanginginig. Sa tabi niya ay nandoon si Tita Autumn na sinusuri ang babae.
"Syringe." Aiere said.
Nag-angat ng tingin si Tita Autumn kay Aiere. Sa kabila ng composure na ipinapakita ng ginang ay makikita sa mukha nito ang pagbabago nang magtama ang mga mata nila ng kaniyang anak. "What is it, Aiere?"
May iniangat ang babae na maliit na bote. "Two milliliter for us, four for Storm since hers has been activated."
Nakita kong kumuyom ang mga kamay ng asawa ni Storm na si Kuya Hermes. "Explain, Aiere."
"Nyx and I tried to escape. We almost did of course. Hindi naman ganoong kahirap tumakas roon. But because of it, they activated Storm's implanted detonating poison. And it looks like we all have it too."
Walang imik na kinuha ni Tita Autumn ang hawak na botelya ni Aiere pero kita sa mga mata niya ang nagbabagang galit. Ilag sandali lang ay ginamit niya na iyon kay Storm na kaagad kakikitaan ng pagbabago. Her body stopped quivering terribly.
"We should have killed those bastards." galit na sabi ni Fiere.
"And what good will that bring?" Lahat kami ay napatahimik ng magsalita ang kanina ay tahimik lang na si mommi Mishy.
"Mamita-"
Pinutol ni mommi Mishy ang sasabihin ni Fiere. "As an agent, the first thing you should understand is your opponent. Ano bang atake ang kailangan mo? Ano bang laro ang nilalaro niyo? Is it an actual game or a mind game?"
"Right now for Claw, it's a twisted mind game." Dawn said, supporting mommi Mishy's words. "Nagtatago siya dahil nagpapalakas siya. Kailangan niya si Warner for some reason and that's the only thing he needs. Those men you saw are replaceable. Hindi na ako magtataka na malalaman natin sa balita na basta na lang itinambak sa kung saan ang mga walang buhay nilang katawan."
Animo sinaklot ng kaba ang dibdib ko. Nilingon ko si Phoenix at marahang pinisil ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. Kahit na ano pang sabihin, kahit ano pa ang nangyari, naging parte na ng buhay niya si Mira. Maging ng buhay ko. Even though her lies inflicted pain on us, I know deep inside my heart that she's a good person. "P-Paano si Mi-...Chantelle?"
"Why should we care?" Aiere hissed.
"Call her Mira. She's Mira to you all. She gave you that." mommi Katerina said. "She'll be fine, Snow. Think about it like a chess game. There's always pawns in front. But who matters are behind them." Marahan niyang tinapik ang kamay ni Aiere. "She took a bullet for one of us. If she is who you think she is...she won't do that."
Namayani ang katahimikan sa paligid. Nanatili akong nakatingin kay Tita Autumn na kasalukuyang iniinjectionan si Nyx. I keep looking at the bottle. May kung anong kaba ang namumuo sa dibdib ko.
"W-Wyatt Claw..."
Lahat kami ay napalingon kay Storm na ngayon ay hawak hawak ang kamay ng kaniyang asawa habang nakatingin sa amin. Namumutla pa rin siya pero hindi na katulad kanina.
"Storm get some rest." her mother, Hurricane, said. Looking worriedly at her.
"I can't say that I'm fine. That's one of the worst thing I have ever gone through." mapait na ngumiti siya. "But of course nothing can compete to what they did to me before."
"Storm..." Hermes whispered.
"All I can feel is pain...and cold. Kasunod niyon ay mga hallucination na dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman ko. I can feel it in my veins. Every drop of that poison...I can feel it." Umikot ang mga mata ni Storm sa amin at huminto iyon sa kinaroroonan ni Serenity. "Mahina man ang Claw ngayon pero hindi ibig sabihin niyon ay nawalan na ng kapasidad si Wyatt Claw mag-isip. And he is never merciful."
Pagkasabi niya no'n ay nakarinig kami ng sigaw na nagmula kay Aiere. Bumagsak siya sa sahig at namaluktot doon. Kaagad siyang dinaluhan ni Tito Wynd na mas malapit sa kaniya. Walang pag-aalinlangan na nihagis ni Tita Autumn na nasa kabilang panig ng conference room ang botelya at kaagad iyong nasalo ni tito Wynd.
Akmang ilalagay niya na iyon sa syringe nang mapatigil siya. Muli kong pinisil ang kamay ni Phoenix pero hindi ko siya nilingon. Nang mag-angat ng tingin sa akin si tito Wynd ay marahang ngumiti ako. "It's okay."
"We can study this and create-"
"Aiere won't last that long." I whispered. Unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ko. Sana tama ako. Sana tama ako ng iniisip. "Do it, Tito. It's okay."
Kasabay ng pagturok niya ng syringe sa kaniyang anak ay kinapa ko ang bulsa nang pantalon ko. Hinila ko ang kung anong bagay na naroon at nakita kong sobre iyon na kulay puti. Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang sobre. Sa loob ay may dalawang sulat at isang maliit na clear plastic na may lamang likido na katulad ng hawak ni Aiere kanina.
Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong bumitaw si Phoenix sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumayo siya at tinungo niya ang mga gamit nila tita Autumn at Tito Wynd. May kinuha siya roon at pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ko. Marahang kinuha niya sa akin ang sobre at inilabas roon ang antidote ng lason na inilagay sa amin.
Dahil nakatutok siya sa ginagawa niya ay naging malaya ako sa pagtitig sa kaniya. Makikita ang pagod sa mukha niya.
"Ready?" he whispered gently.
Bahagya akong tumango at bumulong pabalik, "Yes."
I felt the needle pricked my skin but I didn't looked away from him. Nanatili akong nakatingin sa maamo niyang mukha na hindi man kababakasan ng kahit na anong emosyon ay alam kong may nakatago sa likod niyon.
"Snow."
Dumako ang tingin ko kay Dawn. Tinanguhan ko siya ng maintindihan ko kung ano ang gusto niya. Information. Time for debriefing.
Naramdaman kong hinugot ni Phoenix ang syringe at nilagyan niya iyon ng cotton ball. Nang malagyan niya na ng gauze tape iyon ay inilibot ko ang tingin ko sa paligid. My eyes stopped where Athena and Hera stood.
"Kausap ko sila Athena at Hera. Sinabi nila sa akin na inaakala ng lahat ng kasama ko si Phoenix sa Seattle. Then I got another call and it was from Mira. Sinabi niya sa akin na may dumakip kay Phoenix."
"Bakit ikaw ang napili niya na linlangin? Of all people. Ang daming agents dito."
Tumingin ako sa nanay ko na siyang nagtanong at bahagyang ngumiti. "Aminin man natin sa hindi, I'm the weak link of the group. Idagdag pa na nasa malayo ako at hindi ko alam ang mga nangyayari rito. Narinig ko din sa mga tauhan ng Claw na ginagamit nila ang koneksyon ni Mira kay Phoenix. Supposed to be ay dapat kaming dalawa lang ang dapat na mawawala."
"But we entered the picture." singit ni Aiere na bahagya pa ring nanginginig. Niyakap niya ang kaniyang sarili at nagpaliwanag, "Minamanmanan namin si Mira. Nagsimula kaming magduda sa kaniya nang minsang nagpunta kami sa mall ni Nyx. Nakita namin roon si Mira na may kausap na lalaki. Kaya nagpatuloy kami sa pagsunod-sunod sa kaniya ng ilang araw. Hanggang sa nadakip kami at nadamay si Storm na pinatitigil sa kami sa ginagawa namin."
"She betrayed us." deklara ni Nyx.
Umiling ako at direkta kong tinignan ang babae. "She didn't. Oo, nagsinungaling siya. Itinago niya ang pagkatao niya at ang motibo niya. But she didn't betrayed us."
"Snow-"
Pinutol ko ang sasabihin ng babae. "Lahat tayo nakita kung paano niya sinalo ang bala na para sa akin. And this..." itinaas ko ang container na kinalalagyan ng antidote kanina. "Hindi siya umalis sa tabi ko, sinigurado niya na hindi tuluyang mapapahamak si Aiere and she saved me."
Tumingin ako kay Aiere pero hindi siya umimik at nanatili lang siyang tahimik. Habang si Nyx ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Are you serious, Snow? Hindi kailanman magiging tama ang ginawa nila-"
"Wala akong sinabi na tama ang mga desisyon ni Mira. She have reasons that we won't be able to understand now. Kung ano man ang balak niya, kung anong plano niya...siya lang ang nakakaalam."
"It's a gift."
Lahat kami ay napatingin kay Serenity Hunt na siyang nagsalita. Isang parte ng pagkatao ko ay hindi makapaniwala na kaharap ko siya ngayon pero hindi ko na nagawang pagtuunan iyon ng pansin sa sunod niyang sinabi, "She was on their side. Nothing but a vessel sent on a mission. But being here, your people filled her up. Binigyan niyo siya ng buhay na wala siya noon. So now she gave you a gift. Hindi niyo man maiintindihan ang mga desisyon niya pero wag niyong tanggihan ang binigay niya sa inyo."
"W-What are you talking about?" I whispered.
Bahagya siyang ngumiti, "This won't be the last time you'll see her. Someday, she'll contact you. And when that time comes be ready. Dahil kapag dumating ang panahon na iyon, kinakailangan niyong pabagsakin ng tuluyan ang Claw."
PABAGSAK na humiga ako sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko. I can feel the exhaustion enveloping me. Mula kasi ng lumipad ako pabalik ng Pilipinas ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magpahinga.
But I'm glad that the debriefing is over. Tapos na rin sila Tita Autumn sa paggamot sa ilang mga sugat na nakuha namin. I know we will all be fine besides the emotional stress this will cause us ay gagaling naman ang mga natamo namin na sugat.
Lahat kami ay nag-aalala sa maaaring idulot ng nangyari sa amin. Hindi na rin naman bago sa amin ang nagkakaroon ng mg flashbacks pagkatapos ng mabigat na mission. But I'm more worried for Aiere. Storm have her husband but Aiere...she's not a sharer.
Kung ano man ang mangyayari mula ngayon ay walang makakasiguro ni isa sa amin. But I'm keeping my fingers crossed. Dawn said we won't lose track of Claw. May ininject sila kay Warner na One Minute at tracker. Any moment they can follow him or kill him.
Kailangan lang namin na maging maingat sa pagkilos dahil posibleng makahalata si Wyat Claw. Tama si Storm, matalino si Wyatt Claw. He won't last this long if he wasn't.
"Sometimes intelligence is scary." I whispered.
Kumilos ako para tumagilid pero napatigil ako nang maalala ko ang bagay na nasa bulsa. Kinuha ko iyon at pinakatitigan. Mira's letter. Dalawa ang sulat na iniwan niya at ang isa ay nakapangalan kay Phoenix.
Phoenix...
I wonder if he will be okay. I was used to leaning on to him, using him as my support. Kaya sa pagkakataon na ganito ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit kailan ay hindi niya ako pinag-alala sa mga problema niya. He was my pillar.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ko ang sulat at binasa iyon.
Snow,
Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad. Patawarin mo ako sa mga mangyayari at sa mga malalaman mo. Hindi ko ginusto kahit kailan na makasakit. Hindi ko ginusto na ganito ang mangyari.
I'm sorry Snow for breaking your heart. Sorry kasi kahit saglit ginusto ko na manatili sa tabi niya kahit alam ko na nasasaktan ka. Na nagpaparaya ka. Sorry kasi alam ko na kailangan ko rin siyang iwan.
For a moment I thought I could live with him. To be with happy with him. But he was never for me. He was not meant for me.
Every single day I watched how you went through pain for us. For me. Nanatiling tikom ang bibig ko. Alam ko na ibabalik ko din siya sa iyo pero sa sandaling nakasama ko siya...ginusto ko din siya na manatili sa akin.
Thank you, Snow, for letting me have that. Alam ko na sinisisi mo ang sarili mo na hindi ka lumaban. But I'm thankful that you gave me that chance. Na sumaya ako kahit sandali lang.
Years and years that I thought that I am nothing. That I have nothing. Na wala ng silbi na lumaban. But now I have you and him. I realized that I'm not exactly without a choice. Nasa tabi man ako ng Claw pero hindi ibig sabihin ay kailangan kong maging katulad nila. I could do something. For myself...for you and Phoenix.
Alam ko na posibleng kamuhian mo ako sa mga mangyayari. Naiintindihan kita. But, Snow, please don't give up on him and your happiness. Be happy. Just knowing that...I will be at ease.
Mira.
Binaba ko ang sulat at mariing pumikit. Naramdaman ko ang pagladas ng luha sa mgkabila kong pisngi pero nanatiling sarado ang mga mata ko.
"Crazy girl...you crazy crazy girl."
Thank you, Mira.
Someday, I'll see you again. And when that time comes, I will let you know that you still have me as your friend. That you will always be my friend.
PHOENIX' POV
Initsa ko ang baso ng alak at lumikha iyon ng malakas na tunog nang tumama iyon sa pader at nabasag. Kinuha ko ang bote ng alak at mabilis na tinungga ko iyon na para bang may kaagaw ako.
Kasinungalingan lang pala ang sinasabi ng mga manginginom. Na kaya niyong pawiin ang nararamdaman mo...na makakalimot ka. Lies. Kasi kung totoo iyon. Bakit hindi ko makalimutan ang nararamdaman ko? Bakit nakikita ko pa rin ang mukha niya sa isip ko?
I don't know what hurt more. Her lies or knowing that I can't do anything to save her. Na ng mga oras na iyon ay nagdesisyon ako na manatili sa tabi ni Snow at hayaan siya sa mga desisyon niya.
Yes. Save her. Dahil tama si Snow. Mira didn't betrayed us.
Kahit na pakiramdam ko nanatili lang siya sa tabi ko dahil hawak siya ng Claw at patuloy na sunod-sunuran doon. Kahit na lahat ng pangyayari ay iyon ang tinuturong sagot. But when she was with me...it didn't felt like that. Like she was just pretending.
For awhile we were happy. It felt like she was genuinely happy. Pero unti-unti iyong nagbago. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang mga pagbabago na iyon kay Mira. Hindi ako bulag para hindi makita ang pangamba sa mga mata niya. Pero wala akong nagawa.
Binitawan ko ang bote ng alak at sumubsob ako sa mga kamay ko. Paulit-ulit na dumadaan sa utak ko ang mga nangyari. Ang mga nalaman ko tungkol sa kaniya.
Asawa siya ni Warner Claw. Katulad ng nanay ng mga Claw, katulad ni Storm kung hindi siya nakatakas...ganoon si Mira. She was robbed of her right to live. And now she's back on that hell. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang sulat na iniwan niya para sa akin at binuksan iyon.
Phoenix,
My friend...my husband. Sa mga oras na ito, alam ko na alam mo na na walang bisa ang naging kasal natin. That our marriage is void because I'm not Mira. Though I wish I could be exactly that. But I can't change who I am. I can't erase Chantelle Claw.
Gusto kong malaman mo na ang maging si Mira ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Na kahit kasinungalingan man ang pagkatao ko ay hindi ako nagsinungaling sa ipinakita ko sa iyo. Masaya ako na nakilala kita. Na nakasama kita. What you gave me is something that I will treasure forever.
Alam ko na minahal mo ako. And I'm thankful for that. I'm thankful that even broken, you decided to be happy with me. To move on with your life with me.
I'm sorry, Phoenix. Patawarin mo ko kung masasaktan kita. Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako. I didn't meant to hurt you. I didn't mean to love you.
Ang gusto ko lang noon ay makalayo sa Claw. I settled for the second best because that's not possible. Kaya nakuntento na ako na pinadala nila ako sa malayo kahit na hawak pa rin nila ako sa leeg. Kasi kahit paano nakakahinga ako. Kahit paano kaya kong paniwalain ang sarili ko na malaya na ako.
When we first met, I was there for Waine. I was waiting for him to come back. Dahil hinahanap siya ng Claw pagkatapos niyang itakas si Storm. But when I found you and your connection with the organization, I used you. Hindi ko sinabi sa Claw ang tungkol kay Storm na nakatira sa bahay na iyon bilang si Serenity at ang katotohanan na nahanap ko na si Waine. I didn't tell them so they will let me used you. When they did, that's my way out. So I can breathe more.
Nang malaman kong bumagsak ang Claw, ginusto kong lumayo. Kasi dapat malaya na ako. But I didn't because I fell in love with you. Nagpatuloy ako sa pagpapanggap kasi gusto kong maranasan na maging pag-aari ng isang taong kaya akong alagaan na hindi ko kailanman naranasan. I'm glad I did that. I really do. Kasi kahit sandali lang...naranasan ko kung paano mahalin. Because I know...at the back of the security and contentment I'm feeling when I'm with you, I know that my reality will eventually catch up.
And it did.
I'm sorry that I need to leave you like this. I want to be selfish and be with you. Kahit na alam ko na may higit kang pang minamahal kaysa sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Gusto kong manatili sa tabi mo. But I can't live like this anymore. I want to fight for me. I need to do this so I can be free for good.
You're a great man Phoenix Martins. I know that you will do what you think is right. So I'm asking you not to do that. Alam ko na susubukan mong hanapin at iligtas ako. But I don't need saving. Please...don't look for me.
Gusto ko maging masaya ka na ng tuluyan. I want you to love freely. Don't hold back because of me. 'Wag mo na siyang pakawalan ulit.
I love you, Phoenix, and thank you. I will never regret the choices that I made. Dahil nakilala kita. I hope someday you'll forgive me.
Love,
Mira.
I never regret being with her. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko si Mira. I will never forget her. I will never forget the woman that I married that day. I don't need to stop caring. Dahil kapag nagmahal ka ng totoo, kahit na hindi mo man naibigay ang buong puso mo, hindi iyon nawawala.
In my next life, I wish that she will stay far away from me. So I can spare her from the pain of knowing that I can't give her all of my heart.
"I'm sorry too."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top