CHAPTER 24 ~ Pretense ~
CHAPTER 24
SNOW'S POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng mga taong dumakip sa akin dahil mula nang makabawi ako kanina mula sa paggamit nila sa akin ng taser ay hindi pa ako kumikilos sa sahig ng sasakyan na kinahihigaan ko.
"Hindi pa ba gising 'yan?"
Naramdaman ko ang mahinang pagsipa sa akin ng kung sino. Nanatili akong nakapikit at hindi gumagalaw. "Hindi pa, pre. Mukhang hinimatay sa sakit nang ginamit natin sa kaniya iyong taser. Babae 'to eh."
I tried not to scoffed at that. Babae man ako pero walang agent ang makakalusot sa taser training na ginawa namin noon. Kasama sa training namin na magpa-taser at stun gun bago kami umakyat sa panibagong lebel ng training.
Kahit pa sabihing halos lahat ng agent ay nag back out ng ako na ang gagamitan nila niyon ay hindi ibig sabihin nakalusot ako. Dahil mismong ang kapatid ko na si Freezale ang nagsagawa niyon sa akin.
"May nakuha pa daw ah. May nakuha raw na isa sa kambal sabi ni Chantelle. Ewan ko lang kung bakit malaking bagay iyon sa kanila."
"Oo nga daw sabi ni Bogart at hindi lang siya, may kasama pang dalawang babae. Eh umaaligid-aligid daw kay Chantelle dahil mukhang naghihinala. Ayan tuloy ang napala nila. Hindi naman sila dapat madadamay."
Pinigilan ko ang sarili kong kumilos sa narinig. There are two set of twins in BHO CAMP. Eris and Enyo, Sky and Storm. I wish BHO CAMP will send back up soon. Dahil kung si Storm ang nakuha nila, hindi ko alam kung anong mangyayari sa babae.
She's happy now. She's not an agent anymore. Kahit na kasali pa rin siya sa mga meeting at may ilang pagkakataon na tumatanggap siya ng mission kapag kailangan. She happily gave up being an agent because just being a mom and kuya Hermes' wife makes her happy. Lahat kami tinanggap ang desisyon niya dahil naiintindihan namin siya. She's been through a lot.
Alam kong gagawin lahat ng BHO CAMP para mabawi kami. I already sent them a signal. Hindi ko alam kung gumagana ang tracker ko but I'm sure my bracelet is working. Nang makabawi ako kanina pagkatapos nila akong gamitan ng taser ay pinagana ko kaagad ang bracelet at iniipit ko iyon sa ilalim ng car mat para hindi nila iyon mapansin. I'm very sure that at this very moment, BHO CAMP are planning on how to get us back.
"Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Itong si Night lang naman ang kukunin dapat dahil mas madaling linlangin 'to dahil sa koneksyon ni Chantelle sa organisasyon na iyon."
"Eh pre, maiba ako. Si Chantelle ay Claw din di ba? Kapatid ba siya ni Boss?"
"Si Chantelle ay-"
Bago pa matapos ang sasabihin ng lalaki ay naramdaman kong huminto ang sasakyan. Kasunod niyon ay naramdaman kong umangat ang katawan ko.
Bahagya kong iminulat ang mga mata ko pero kaagad ko rin iyong ipinikit nang makita kong may dalawang lalaki sa likod ng kumakarga sa akin. Pinilit ko na lang na panatiliin ang pag arte ko na animo wala akong malay.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Kasunod niyon ay narinig ko ang mahina na mga bulong kasunod niyon ang mahinang pag-iyak ng kung sino. Hindi ko kailangang dumilat para kilalanin ang pinanggalingan ng mahihinang boses. Aiere and Nyx.
"Freezale...?" narinig kong malakas na anas ni Nyx. "No. No it's not her. P-Paanong...si Snow?"
"Anong ginagawa niyo sa kaniya?!" galit na sigaw ni Aiere. Kasunod niyon ay narinig ko ang kalansing ng kadena.
"Tumahimik kayo! Hindi namin kayo sasaktan basta sumunod lang kayo sa gusto namin. Kapag naibigay na sa amin ang pangtubos sa inyo ay makakauwi na kayo sa inyo."
Base sa pagsasalita nila at sa kaninang narinig ko na pag-uusap nila ay hindi nila kami eksaktong kilala. O kung kilala naman nila kami ay hindi nila alam kung ano ang history ng tinatawag nilang "boss" sa BHO CAMP. Sumusunod lang sila sa utos.
Pinigilan kong mapaigik nang maramdaman ko ang pagtama ko sa semento nang marahas akong binitawan nang kumakarga sa akin kanina. Kasunod niyon ay naglakad palayo ang mga yabag na nasundan ng malakas na pagsarado ng pinto.
Naramdaman ko ang mga kamay na humawak sa akin na para bang tinitignan kung may natamo ako na pinsala. Iminulat ko ang mga mata ko.
"Snow!" bulalas ni Aiere.
"Shh." I whispered. I looked around me and immediately spotted a security camera. "Umarte kayo na parang nanghihina. We need to buy some time. Gagamitin nila tayo para mas mapabilis na makuha nila ang gusto nila. If we act like this matatagalan sila para isagawa ang plano."
"That won't work." Aiere whispered. "They didn't get us for information. This is something else. And Storm..."
Bahagyang umusog si Aiere dahilan para tuluyan kong makita si Storm. Nakahiga siya sa sahig at nakabaluktot. Nanginginig ang katawan niya at may luhang naglalandas sa mga mata niya. But the expression in her eyes...it's different. It's like she's not with us right now.
"Bakit niyo siya kasama?" bulong na tanong ko. "Kumuha ba siya ng mission?"
"No..." nagbaba ng tingin si Nyx. Rumehistro sa mukha niya ang guilt. "May minamanmanan kami ni Aiere kasama si Fiere at Erebus. Nahiwalay kami sa kanila at doon kami nahuli ni Storm na galing sa isang seminar. Pinilit niya kaming umuwi na lang at itigil ang ginagawa namin dahil wala namang approval ni Dawn. And then...they caught us."
"Chantelle Claw." I said, still in a whisper.
Bahagyang kumunot ang noo ni Aeire. "Sinong tinutukoy mo?"
Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya. Base sa pagkakarinig ko kanina sa usapan ng mga dumakip sa akin ay may sinusundan daw sila Aiere na babaeng nagngangalang Chantelle Claw.
"Chantelle Claw. Ang taong minamanmanan niyo."
"What are you saying Snow?" Aiere whispered back. "Wala kaming kilalang Chantelle Claw. Ang taong minamanmanan namin ay si Mira."
PHOENIX' POV
"Tumahimik kayong lahat o pag sasama-samahin ko kayong lahat sa infinity room."
Hindi makapaniwalang tinignan ko si Freezale na siyang nagsalita. Ang tinutukoy niya ay ang silid sa BHO CAMP headquarters kung saan ikinukulong ang mga hinohold na kriminal.
Lahat kaming mga agent ay nasa loob na ngayon ng control room kung saan kami tinipon ni Dawn. Halos sabay-sabay din ang naging pagsasalita ng lahat dahil lahat kami ay gusto ng kumilos. "Your sister is there, Freezale." I said almost in a whisper.
Walang emosyon na tinignan niya ako. Kung hindi lang sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ng asawa niya ay baka isipin ko pa na wala siyang pinagbago sa Freezale noon. "Exactly why we all need to calm down. Walang mangyayari kung lahat tayo ay matataranta. We need to think this through or we will lose more than we will win."
"Then think fast." Nanggaling iyon kay Hermes na kanina pa tahimik na nakaupo sa isang tabi. "Because we might be running out of time."
Pakiramdam ko ay may lumukob na takot sa puso ko sa paraan ng pagkakasabi niya sa mga salitang iyon.
Sa mga sandaling ito hindi ko na iniisip kung sino ang dapat kong mas unahan. Kung sino ang gusto kong iligtas. This is not just about one of them, it's about saving all of them. Bringing them home unscratched.
"I called the Original Elites. Papunta na sila rito." sabi ni Dawn. Bago pa may makaimik ay tumalikod siya at humarap sa monitors. "As you can see hindi nila nadedetect ang tracker sa bracelet ng kung sino man na nag activate niyon. Hindi din nila nadedetect ang tracker na nakalagay sa katawan ng mga agent. If we're talking about Claw this occurrence is impossible."
Mula pa nang makaharap ng Claw ang BHO CAMP ay naging problema na ang systema nila na kayang mahanap lahat ng devices na gawa ng organisasyon. But since the battle with Claw, such system were destroyed. Pati ang Claw mismo ay napabagsak. But that was what we all thought.
If they did manage to bring back what they lost, I know we will be ready. Ilang beses ng inayos ang system para sa pagdating ng oras na iyon. But there's a possibility that they don't have it yet. May posibilidad na Claw pa rin ang kumikilos sa kabila ng kakulangan na nakikita namin.
"Maaaring hindi pa nila nagagawa ang system." mungkahi ni Triton.
"That's because they still don't know how to create one."
Lahat kami ay napalingon sa pintuan ng control room nang pumasok roon si Waine habang tulak-tulak ang isang wheel chair. Doon ay nakaupo ang taong matagal na namalagi sa ICU ng BHO CAMP. Taong sa kabila ng pag gising niya ilang buwan na ang nakakaraan ay naging mabagal ang pagresponde sa treatment dahilan para manatili siyang matagal na naroon .
Serenity Hunt.
Nag-angat ng tingin ang babae kay Waine at inihinto naman ng lalaki ang wheel chair. Lumingon sa amin ang babae at bahagyang ngumiti. "Pasensya na kung hiniling ko kay Waine na pumunta rito. I heard about what happened. You've been great with me and I'm thankful for that. Kaya gusto kong makatulong kahit paano. Though I know I'm still an intruder-"
"Hindi mo kailangang isipin na nanghihimasok ka lang dito, Serenity. Your parents accepted one of us even without really knowing her. Kami ang tumatanaw ng utang na loob." mahinang sabi ni Sky.
Tumango si Serenity. "But I still want to help." Nang akmang magsasalita si Sky ay bahagyang itinaas ni Serenity ang isa niyang kamay. "Bukod sa inyo, I also have my own reasons. You see, I created the system for Claw. I destroyed a lot of lives including mine, Waine's life and our child's. Alam niyo ba kung bakit ang tagal ko ng gising pero hindi pa rin ako nakakalabas ng ospital? Kung bakit hindi ako nagsasalita?"
"Serenity..." Waine whispered, his hand on her shoulder.
Nagpatuloy ang babae. "Because I know it's all on me. Siguro kapalit niyon ang mga paa ko at...at ang buhay ng anak ko. Dahil sa mga kasalanang iyon. I watched him die in front of me. At sa kamay ng mga Claw isa lang ang tangi kong nagawa para sa anak ko. Ang manood. Ang paulit-ulit na maalala na kasalanan ko lahat." mapait siyang ngumiti. "I'm telling you this because I want you all to know that there's no reason not to trust me. Dahil hindi niyo kayang pantayin ang kagustuhan ko na mawala si Wyatt Claw."
"What do you propose?" Dawn asked her.
"Give up, Warner Claw." walang pag-aalinlangan na sagot ni Serenity.
Umani ng pagbatikos mula sa mga agent ang sinabi niya. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa babae. Kung gusto niyang mapabagsak sila Wyatt Claw, bakit niya ibabalik si Warner?
"Listen to her."
Muli kaming napatingin sa pintuan ng control room nang pumasok roon ang mga original elite at second generation elite agents sa pangunguna ni Mishiella Night. Huminto siya sa kung saan kita niya kami lahat.
"Give him up." she said again.
"This is border line insane." Stone whispered, his eyes not on his grandmother but on his mother Hurricane Night-Reynolds.
Umiling si Tita Hurricane at bahagyang ngumiti. "Give him up."
"Is this the only way?" bulong ni Sky. "Hahayaan na lang natin silang makakawala? Na manalo?"
Bumalik ang tingin ko kay Serenity. Diretsong nakatingin lang siya kay Dawn na hindi nagsasalita pero tila tinitimbang ang sinasabi ng lahat. That's when I realize that Serenity is not just simply suggesting to let Warner go.
"You can let Warner Claw go but it doesn't mean you need to keep him alive."
Lahat ng mga mata ay bumaling sa akin nang magsalita ako. Sinalubong ko ang tingin ni Dawn ng walang pag-aalinlangan. "May rason kung bakit hindi kumikilos ang Claw kahit alam nilang maaaring nahanap na natin sila ngayon. Dahil si Warner lang ang gusto nilang makuha. They are still weak and they won't fight us. They are just making a deal."
"But giving him his dead brother? I don't think that's a good idea." singit ni Erebus.
"We can use him to seize Wyatt Claw." suhestiyon naman ni Fiere. "We can trap them."
"Wyatt Claw is not that stupid. Baka nga wala siya mismo kung saan nandoon ang mga agent." sabi ko.
"Ever heard of a walking dead man?"
Nanggaling iyon kay Mishiella Night na nakangiti na ngayon. Bahagya akong nanlamig sa paraan ng pagkakangiti niya at sa mga mata niya na may kung anong tila naaalala. We will never understand what kind of things her generation went through. But one thing is for sure, she's not scared of anything.
"One minute." she said again. "Once activated, the poison will spread on the body for one minute and then he'll drop dead."
Sandaling katahimikan ang muling namayani bago muling nagsalita si Dawn. "Kung malalaman ni Wrner na may i-iinject tayo sa kaniya ay baka ipaalam niya iyon sa kasamahan niya sa oras na pumunta tayo sa lugar kung saan magaganap ang trade."
"Beat Warner up. He won't notice a thing." Mishiella said again.
"At kami ng bahala doon. Step one done, plan the others." The first boss of BHO, Poseidon Davids said. "Tara na, Bree my everything. Umiinit ang ulo ko kailangan ko ng punching bag."
"Kaya mo pa ba?"
Nilingon ni Poseidon Davids ang asawa niya. "Don't me!" sabi niya at tuluyan ng lumabas ng control room.
Sumunod sa kaniya ang iba pang mga agent habang ang iba naman kasama ni Mishiella Night ay nanatili sa control room. Imbis na harapin kami ay nilingon niya si Serenity. Tumingin din ang babae sa kaniya. There's something that pass through them. Like an understanding. Maybe it's because of the things they went through from the hands of their greatest enemies.
"What else can you do for this organization?" Mishiella Night asked.
"Addition and upgrade for your system. To prepare you for Wyatt Claw."
Tumango-tango ang ginang at pagkaraan ay nagsalita, "I'm sorry for your lost."
Nagbaba ng tingin si Serenity Hunt. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling nagsalita. "I'm sorry too. For what happened to Storm and for what's about to happen-" Hindi niya na nagawang tapusin ang sasabihin niya nang maagaw ang pansin namin sa gawi nila Freezale at Athena na ngayon ay nasa harapan ng mga monitor. "Someone's trying to penetrate the system." Athena said while typing vigorously at the keyboard in front of her.
"Let them." Serenity said in a quiet voice.
Napahinto sa pagtipa si Athena at nilingon niya si Serenity habang sa mukha niya ay kita ang pagkagulat. "What?"
"Let them. Hindi nila pinapasok ang system niyo. That would be impossible at their state right now. Mahina pa sila and they don't have me or the time to find someone like me. They are trying to send you a message not invade you."
Sandaling nag-alinlangan si Athena bago siya muling tumipa. Habang si Freezale naman ay animo walang nangyari at tuloy-tuloy lang sa ginagawa. Maybe she already figured it out.
Ilang sandali lang ang lumipas bagos sunod-sunod na nagbago ang nakapresinta sa mga monitor. Malabo sa una ang mga iyon na animo hindi maganda ang kalidad ang device na ipinangkuha sa mga iyon pero unt-unti ay luminaw ang mga iyon.
Nanlalambot ang mga tuhod na napaluhod ako sa sahig nang makita ko ang mga naroroon.
"N-No...No! Get her out of there! Fucking get her out!"
"Hera." Athena said in a clipped voice and let go of the keys. Tumayo ang babae at nakipagpalit kay Hera bago siya lumapit kay Fiere na siyang sumigaw. "Fiere, snap out of it."
Sa monitor ay ipinapakita ang iba't-ibang kuha ng mga babaeng agent. Sa isang kwarto ay nandoon si Storm at si Nyx. Si Nyx ay nakakadena malayo sa kaniya dahilan para hindi niya madaluhan si Storm na nakabaluktot sa sahig at nanginginig. Nyx look beaten up.
Sa isa pang kwarto ay nandoon si Aiere kung saan nakatali siya at walang saplot. Habang may mga taong nakapalibot sa kaniya at may kung anong sinasabi sa kaniya na para bang tinututya siya.
Then there's Snow. She have bruises on her arms. Ang isang mata niya ay nakapikit na at nangingitim. Nakatali ang mga kamay niya sa likod niya habang sa harapan niya ay may drum ng tubig kung saan paulit-ulit na inilulubog ang ulo niya.
Halos mamuti ang mga kamay ko sa higpit nang pagkakakuyom ng mga iyon habang tila may asidong gumagapang sa bawat himaymay ko.
"Fucking hell."
I heard it came from Dawn. She's right. It is hell. But no. No. It's more than that. Dahil sa likod ni Snow ay nakatayo ang asawa ko.
"Chantelle Claw."
"That's Mira, Serenity." I heard, Waine said.
"That's Chantelle Claw. Warner Claw's wife."
Nilingon ko ang kinaroroonan ng babae. Ikinuyom ko ang mga kamay ko habang pinipigilan ang mga emosyon na nais kumawala mula sa akin. "What the hell are you talking about?"
Nanatiling nakatingin lang siya sa akin. After a few moments, something dawned on her face. Then she whispered, "She's like Storm and almost the same as me. Nakidnap siya katulad ni Storm, ikinulong, pinagsamantalahan at katulad ko nagsilbing daan para sa balakin ng Claw. Waine haven't met her. Dahil ikinulong siya ni Warner malayo sa lahat dahil siya ang pinakaiingatang pag-aari ng lalaki. So he put her where Wyatt imprisoned me. But not like me she wasn't treated as a prisoner. She was treated like a queen. Warner Claw's queen. Pero ako alam ko kung anong nakatago sa likod ng pagpapanggap niya. I just didn't know...hindi ko alam na hindi siya nakaalis pagkatapos bumagsak ng Claw. She has all the means to do so, not like me. Nakatakas na sana siya kung noon pa siya umalis."
"What are you talking about?" I asked again, my teeth clenching while I speak,
Muling napatitig sa akin si Serenity. Malungkot na ngumiti siya. "It's you. You're the reason why she didn't get out."
"I'm not going to repeat again-"
"She had a mission. Inilagay siya malapit sa pamilya ko. They know that Waine would go back there. That he would check out my family. What Claw didn't know is that she already saw him. And she saw more than that. Nakita niya kung paanong bumalik si Waine at kung paanong nanatili si Storm bilang ako sa bahay na iyon. But she didn't say a word and that's what I don't understand. All I heard about was her finding someone that might be connected to BHO CAMP and that's you." Huminga ng malalim ang babae at pinagsalikop ang mga kamay niya. "When Claw was destroyed, they let her go. Wyatt Claw let go of all his contacts to pretend that his dead. Warner was incarcerated. At that time, maaari nang makaalis si Chantelle ng walang problema. She could have escaped. I was the liability not her." umiling si Serenity at tumingin kay Waine. "Alam nilang hindi titigil si Waine sa paghahanap sa akin but they also know that they can't let go of me easily. So he killed my son as a warning. But for Chantelle it's different. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi siya umalis kahit maaari naman niyang gawin iyon. Maybe she wanted to stay here because of you."
Hindi inaalis ni Serenity ang mga mata niya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa mga iyon, "Maybe she just saw an easy way out when she found Waine and Storm...then you. Maybe she just wanted to get out of her own prison. But if it's that the case then she should have left you after the Claw was annihilated. Pero hindi siya umalis."
"Maybe she didn't go because she never got out from Claw's grasp." Waine whispered. "Maybe she need to keep using Phoenix because she's still under Claw and she's still following orders."
"Maybe."
Nag igting ang mga panga ko sa sinabi niya. Flashes of Mira's face went through my mind. I remember how she can make me smile even in times when I couldn't, how she tried to make me happy, the fear in her eyes, the sadness in them...everything. I remember the woman that I decided to move on with. The woman that I know that I love even if that love isn't enough.
I was unfair to her. I know that. At alam ko na ang mga desiyon na gagawin ko pa ay hindi siya magagawang maprotektahan. Because no matter what I do...I know that I need to let her go. But this...this is not what I expect.
Hindi ko magawang kumbinsihin na ang nakikita ko sa harapan ko ngayon ay ang mismong babae na pinakasalan ko. There's no emotion in her eyes while looking at the woman I thought she considered as her friend. Hindi katulad dati na ang tanging ipinapakita lang ng mga mata niya ay kabutihan,
I can hear the agents speaking to me. But all I can see is the woman that I married. The woman that will always have that piece of my heart.
SNOW'S POV
Mabilis akong sumagap ng hangin nang muling umangat ang ulo ko mula sa drum ng tubig. Hindi na ako nagtangka na kumilos dahil alam kong wala na rin akong magagawa. I'm not drowning and I don't know if that's because I can't feel anything, or because Mira- no...Chantelle is not doing what she was told to do properly.
"O, bakit ka tumigil? Ituloy mo." buska sa kaniya ng isang lalaki na may hawak na baraha habang may kaharap pa na isa pang lalaki na nakangising nakatingin sa amin. They were the one who tortured and beat me up.
"Tapos na ang pagrecord. Hindi ko na kailangang ituloy." walang emosyon ang boses na sabi ni Mira- Chantelle.
"Walang sinabi si Boss na tumigil ka."
"Bakit? Kinausap ka ba niya direkta? Baka hindi mo kilala kung sino ako."
Naumid ang dila ng lalaki at hindi na nagsalita. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang lalaki. Taong laging nakadikit kay Chantelle na para bang private bodyguard siya ng babae.
"Get out." he said to the other men.
"Hawak-"
"Ako ng bahala rito. Kailangan ng bantay sa labas."
Nag-aalinlangan may ay sumunod ang mga lalaki at lumabas. Nang mawala na sila at tuluyang sumarado ang pintuan ay humarap ang lalaking nagngangalang Hawk sa amin. Lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang braso at inupo sa malapit na silya.
"Can you speak?" he asked in a hard, emotionless voice.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. I don't know when exactly I lost my voice. When I stopped asking Chantelle for an explanation. When I stopped screaming at her, asking her what we did wrong.
When those guys beat me up, she did nothing but watched them. Walang kahit na anong salita ang namutawi sa mga labi niya. When she finally made a move, it was just to drown me...over and over again.
"Hang in there." he whispered.
Gusto kong tumawa sa sinabi niya. How ironic that those words came from the mouth of my enemy. Hang in there. For what? Para mas maiparamdam nila sa akin ang mga ginagawa nila. Para makita ko kung paano nila pahirapan ang mga kasama ko.
They didn't touched Storm. Hindi na kailangan. She's far gone in her head that we won't reach her even if we try. Nyx got beaten up too when she tried to escape. As well as Aiere...but hers was worse.
Base sa pagkakarinig ko may inutos ang tinatawag nilang Boss sa kanila na plano para sa aming lahat. That plan include beating us and humiliating us. Iyon lang. Hindi sila maaaring gumawa ng hakbang na magiging dahilan para lalo silang hindi tigilan ng BHO CAMP. That involves killing one of us or violating us in a way that there would be no turning back.
They were all talking carelessly. Lalo na ang tinatawag nilang Hawk. Na kung hindi ko lang alam kung anong klaseng tao sila ay aakalain ko pa na sinasadiya niya na iparinig sa akin lahat. Because of their carelessness I know that they are not after anything but Warner Claw. It would be futile to look for Wyatt because he won't be here.
"That girl, she's fine. I made sure that they won't do...permanent damage."
I want to laugh at that too. It's funny how they can think that this is different than actually violating someone. Nakakatawang sila ang namimili kung ano ang katatanggap-tanggap sa hindi. Nanatiling wala akong imik. Hindi ko alam kung anong silbi ng sinasabi niya ngayon sa akin. Kung bakit kailangan niya akong panatagin.
Bumuka ang bibig ng lalaki para muling magsalita pero hindi niya na naituloy ang sasabihin nang pabalabag na bumukas ang pinto at humahangos na pumasok ang isang tauhan ng Claw. "Nandito na sila!"
My head snapped up. Naramdaman kong hinawakan ako ni Chantelle at may kung ano siyang inilagay sa bulsa ng pantalon ko. Pagkatapos niyon ay marahas na hinila niya ako patayo at itinulak sa gawi ni Hawk. Sinalo ako ng lalaki nang tuluyang bumigay ang mga paa ko.
Itinayo niya ako ng maayos at halos kaladkarin niya ako palabas. Tuluyan ko ng naramdaman ang sakit ng buong katawan ko pero kaagad ding naglaho ang sakit na gumagapang sa akin nang makita ko ang kalagayan nila Nyx.
Itinutulak ng mga lalaki si Nyx na akay-akay si Storm palabas para sila ang mauna pero halatang hindi kinakaya ng babae ang bigat dahil ang isa niyang kamay ay hawak si Aiere na tanging mahabang t-shirt lang ang suot.
Sa kabila ng panghihina na nararamdaman ko ay humakbang ako palapit sa kanila at kinuha ko ang bigat ni Aiere.
"A-Aiere..."
"I'm okay." she said in a flat voice.
"We'll get through this."
"Hindi dapat tayo nagtiwala sa kaniya. This is all her fault. She betrayed us. Everyone of us."
I am angry too. I am seething angry. I can't feel anything but anger...and the pain from her betrayal. But I can't help but see the things I refused on seeing when I learned who she really are.
Bakit hindi siya umaalis sa tabi ko? Bakit nakatiyempo ang bawat paglubog niya sa ulo sa drum na para bang hinihintay niya akong kumuha ng hangin bago niya gawin iyon? Maybe...I am still hoping for the Mira I knew. That Mira that became my friend. That it wasn't a lie. That she wasn't a lie.
"Lakad!" sigaw ng isang tauhan ng Claw sa amin.
Naunang maglakad sila Nyx palabas at kasunod naman kami ni Aiere. Hindi ko alam kung sino ang umaalalay kanino. Dahil pareho kaming kumukuha ng lakas sa isa't-isa.
I stopped dead when we're finally outside. Dahil doon ay bumungad sa amin ang lahat ng agent. Lahat ng mga agent.
They were all wearing their CBS. Lahat sila ay hindi kita ang mukha dahil sa suit. Pero ang tatlo sa kanila ay lumakad paabante at huminto. Pagkaraan ay umangat ang kamay nila at may pinindot sa kwelyo nila at ilang sandali lang ay natanggal ang maskarang nakatakip sa kanila.
Dawn, Triton...and Phoenix.
My legs buckled when his eyes met mine. All I can feel is relief that he's safe. Na walang ginawa sa kaniya ang Claw. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala habang nakatingin sa akin at galit ng bumaba ang mga iyon sa mga pasa sa katawan ko. Unti-unting bumaling sa kaliwa ko ang mga matang iyon...sa direksyon ni Mira.
The exact moment his eyes reached hers, I can see the intensity of the pain that ripped into him. Like he was being torn apart...like a piece of him is being extracted away from his body.
Naagaw ang atensyon ko sa direksyon nila Nyx nang pilit na pinaghiwalay sila at tinulak si Nyx sa gawi ng mga agent. Nagtangkang bumalik si Nyx para daluhan si Storm pero hinarangan siya ng mga lalaki habang ang iba ay hinatak paatras ang nagsisisigaw na ngayon na si Storm.
I saw a movement from my peripheral vision. Maybe Kuya Hermes. May pumigil sa kaniya nang magtangka siya na lumapit sa kinaroroonan ng babae.
"Sana naman ay tumupad kayo sa usapan. We are not afraid of you. Sa mga oras na ito, pantay lang tayo. Claw may be still weak right now but we have numbers and you won't be able to get pass through that barricade." animo robot na pahayag ni Mira...Chantelle. "Wala ding saysay na magtangka pa kayo dahil hindi niyo mahahanap si Wyatt Claw. All we want is for you to give Warner Claw back to us and we promise that we will give you back your agents too."
"Venom." mahinang sabi ni Dawn. Nang walang nagsalita ay nagpatuloy siya, "You're the venom we injected ourselves with."
"This is a good deal, Dawn. Be smart." Chantelle said in a voice that lacked warmth or anything that will tell us that she's still human. That she's anywhere near that.
Itinaas ni Dawn ang kamay niya at may sinenyasan siya. Kumilos ang mga agent sa likod nila at ilang sandali lang ay ktumabi sila para magbigay daan sa gitna. May dalawang agent na lumapit at may hila-hilang tao na may saklob ang ulo.
"Show us his face." Chantelle demanded.
Nanatiling nakatingin lang si Dawn. Mukhang naintindihan naman ni Chantelle ang gusto niya at sinenyasan niya ang isang tauhan ng Claw at itinuro si Aiere. Kumilos ang lalaki at dinala si Aiere sa gitna bago bumalik sa hilera nila. "Now let him go."
"Pakawalan mo si Storm at Snow."
Pagak na tumawa si Chantelle. "Ibigay niyo si Warner kasabay nang pagbalik namin sa inyo ng mga kasamahan ninyo. Pero mananatili sa amin si Storm hanggat hindi kami nakakalabas ng ligtas sa lugar na ito."
Nakita kong kumuyom ang mga kamay ni Dawn pero tinanguhan niya ang asawa niya na si Triton. Lumapit ang lalaki kay Warner at tinanggal ang nakasaklob sa mukha niyon. Marahas na hinila niya ang lalaki at walang salitang malakas niyang itinulak sa gitna na kaagad namang dinaluhan ng mga tauhan nila. "You have that trash, now, let us have our family back." he looked at Chantelle snarkily. "And just to make it clear, you belong on the first and not on the latter."
Imbis na umimik ay naramdaman kong hinawakan niya ako sa likod at sa pagtataka ko ay marahan akong iginaya na animong sinasabi na lumakad ako. Nilingon ko siya pero walang mababasang kahit na ano sa mukha niya.
Sa nanghihinang mga hakbang ay naglakad ako palapit sa mga agent. I was looking at Phoenix whose eyes are now on me. I was looking at him as I crossed the distance so I didn't see...I didn't see what exactly happened. Naging mabilis ang pangyayari. Tumakbo si Aiere palapit sa isang agent at hinugot niya ang baril mula sa holster niyon at itinutok niya iyon sa gawi ni Mira. Kasabay no'n ay nakarinig ako ng komosyon sa likuran ko dahil sa ginawa ni Aiere.
My head whipped back and looked at Chantelle. She was not looking at Aiere, not minding the gun pointed towards her, and run to me. Sa likod niya ay may lalaking nakatutok ang baril sa akin.
It was so fast that it was almost a blur. Nawala sa linya ng paningin ko ang baril na nakatutok sa akin nang humarang ang katawan ni Mira sa harapan ko. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang pagkilos sa tabi ko at ang paghila ng kung sino sa akin.
Naramdaman ko ang masakit ng pagtama ng likod ko sa lupa habang sa ibabaw ko ay may katawan na nakaharang. But my eyes can still see. I can still hear. Two gun shots were fired.
Pain clearly registered in her eyes yet her lips curved into a smile. My eyes widened when she opened her mouth and blood pooled out of it. "S-Siguro naman...b-ba..b-bayad na ko."
Nanatili akong nakatingin ako sa kaniya. And that's when I saw it in her. The person that I knew. Bumuka ang bibig niya at nagsalita siya pero walang boses ang lumabas mula roon. Tumakbo palapit sa kaniya si Hawak at sinalo siya ng unti-unting bumigay ang mga tuhod niya pero nanatili siyang nakatingin sa akin.
Naramdaman kong nawala ang bigat sa ibabaw ko. Tinignan ko ang taong nakakubabaw sa akin. Si Phoenix.
He was looking at Chantelle. Nagtangka siyang kumilos pero pinigilan ko siya sa braso. Nagbaba siya ng tingin at umiling ako sa kaniya. "Don't..."
Kita ang pagtatalo sa mga mata niya. Ang kagustuhan na umalis at magtungo sa babaeng naging parte na ng buhay niya.
Kumilos ang mga tauhan ng Claw. Nakita ko si Haw na binuhat si Chantelle bago itinakbo patungo sa isa sa dalawang van na bigla na lang inihinto di kalayuan sa kinaroroonan namin. I saw her looked back. And I saw her speak without a voice again. And again, I listened.
Sumunod sa kanila ang ilan sa mga tauhan na bitbit si Warner Claw habang ang dalawang natira ay hila-hila si Storm. Huminto sila di kalayuan sa van at basta na lang binitawan ang babae bago parang mga bahag ang mga buntot na tumakbo papasok sa sasakyan.
And just like that. It was all over.
Mabilis ang mga naging kilos ng mga agent. Lahat sila ay dinaluhan sila Nyx, Aiere at Storm. Pero nanatili ako sa kinaroroonan ko at nanatiling mahigpit ang pagkakahawak ko kay Phoenix na ang mga mata ay nasa direksyon na tinahak ng mga van.
"Phoenix..." I whispered.
Nagbaba ng tingin sa akin ang lalaki at halos madurog ang puso ko sa nakikita ko sa mga mata niya. Hinila ko siya palapit sa akin hanggang tuluyan ng nakadagan sa akin ang bigat niya.
"Everything will be fine."
Hinayaan ko siyang nakasubsob lang sa leeg ko habang ako ay nakatingin sa kalangitan na ni wala kahit isang bituin. I kept on looking at the starless sky, my tears running down my cheek when I felt my shoulder get wet with his. Mahigpit ko siyang niyakap na para bang isinasalin ko sa kaniya ang natitira kong lakas...habang kumukuha din sa kaniya niyon.
I hold on to him while still looking at pitch black, seeing nothing but her (Mira), remembering what she conveyed with those voiceless words.
"I'm sorry. This is the only way."
"Be happy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top