CHAPTER 23 ~ Deception ~
CHAPTER 23
SNOW'S POV
Napamulat ako nang maramdaman ko ang malakas na pagbangga sa akin ng katabi ko. Hindi ito ang unang beses na nabangga ako sa kalikutan ng lalaking nakaupo sa tabi kong upuan. Para bang sinisilihan siya na hindi maintindihan.
"Pasensya na ha? Hindi kasi talaga ako sumasakay sa eroplano." hinging paumanhin niya.
Bahagya kong nilingon ang lalaki. Nakabonet siya at itim na jacket. Nakangiti siya kaya halos maging non-existent ang mga mata niyang singkit. Kung hindi lang ako naiirita sa kaniya baka na cute-an pa ako sa kaniya. Baby face kasi. "Mukha nga. Kulang na lang tumalon ka sa bintana eh."
"Pasensya na talaga-"
"Subukan mong matulog para hindi ka nakakaistorbo. Mamaya kasi sapian ako at ako ang maghulog sa'yo- este magpatulog sa'yo."
Nangingiting napakamot siya sa ulo niya. "Parang parehong hindi maganda."
Iningusan ko siya at muli akong pumikit. Pakiramdam ko sumasapi sa akin si Freezale. Pero okay lang. Kailangan ko siya ngayon. I need to pretend that I'm in control right now even though I know I'm not.
Hindi mapigilan na bumalik sa ala-ala ko ang naging pag-uusap namin ni Mira.
"Please...please help me save him. Ikaw lang ang pwedeng tumulong sa akin. Alam kong gagawa ka ng paraan para iligtas siya...please..."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aparatong hawak ko. Pakiramdam ko ay may nag-uunahan sa pagtakbo sa loob ng dibdib ko. "A-Ano bang sinasabi mo, Mira?"
"N-Nakuha ng Claw si Phoenix."
Napatakip ako sa bibig ko. Pilit na pinakakalma ko ang sarili ko at nanatili sa kinauupuan kahit na iyon ang huli kong gustong gawin. "Then why are you calling me? Alam mong nasa BHO CAMP ka, Mira. Asked for their help. Nasa malayo ako. Hindi ako makakauwi agad-agad. Tell them-"
"No! We can't! H-Hindi nila tayo tutulungan!"
"I-I...I don't understand."
Namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Tanging malalim na paghinga na nasundan ng may kalakasan na kalabog. Kasunod niyon ay nagsalita si Mira sa tila nahihirapang boses. "Tayo lang dalawa ang pwedeng makaalam, Snow. We'll meet at the airport. I'll text you."
"Mira..."
"J-Just trust me. We'll get through this then...t-then everything will be alright."
"Pero mas maliligtas natin agad si Phoenix kung hihindi tayo ng tulong sa BHO CAMP. Mira, we can't fight alone. When it comes to Claw we need to be ready."
My cousin, Dawn, learned her lesson and she passed that lesson to us. Pamilya kami. Isang organisasyon. We shouldn't make a move without consulting the others,
"I...I need to tell you something before you talk to them. For the mean time please don't contact them. Kailangan muna kitang makausap."
"But-"
"I'm sorry, Snow. But this is the only way..."
Tuluyan ng naputol ang koneksyon ng linya. Animo nawalan ng lakas na ibinaba ko ang hawak na cellphone. Nanatili akong nakatingin doon na para bang hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyayari. Muling pagtunog ng aparato ang nagpagising sa akin.
Sinagot ko iyon at bumungad sa akin sina Athena at Hera. "Snow! We've checked the airlines. Looks like matagal ng nakauwi si Phoenix. And we found out-"
Hindi ko na pinatapos si Athena at pinatay ko ang telepono hanggang sa katahimikan na lang muli ang bumalot sa paligid. I let the silence enveloped me as the shouting deep inside me cries in fear.
Hindi ko pa rin naiintindihan lahat. Marami pa akong gustong itanong kay Mira. Pero iisa lang ang mahalaga ngayon. Kailangang mailigtas si Phoenix. Dahil kung tama ang sinasabi ni Mira ay kailangan na naming magmadali.
Claw Organization is ruthless. Kung kaya nilang gawin ang ginawa nila kay Storm, sa nanay ni Waine, kay Serenity at sa posibleng nangyari sa anak nila ni Waine ay paniguradong hindi nila sasantuhin si Phoenix.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ng BHO CAMP ngayon. Hindi ko alam kung alam na ba nila ang nangyayari. I want to contact them but Mira said I shouldn't. Nahahati ako sa dapat kong gawin. Paano kung may mangyari kay Phoenix kapag kumilos ang BHO CAMP? Pero paano kung ikapahamak lalo namin ito?
"Okay ka lang, Miss?"
Nagmulat ako ng mga mata at nilingon ko ang katabi ko. Siya nga ang dapat kong tanungin. Ang putla na ng mukha niya samantalang ang puti na nga niya. "Okay lang."
"Sigurado ka? Para kasing ikaw na ang gustong tumalon palabas ng eroplano eh."
Pinigil kong mapasimangot at sa halip ay nginitian ko siya ng sobrang tamis. Iyong tipong ngiti na lagi kong ginagamit sa mga agent sa BHO CAMP. Mukha namang umepekto dahil napangiti din ang lalaki. "Okay lang ako sabi. Pwede quiet ka muna?"
Panigurado susunod na iyan at mananahimik na para bang isa siyang bangkay. Wala naman kasing nakakatanggi sa akin kapag ginagamit ko ang Snow Cutiepatootie smile ko- "Hindi ko kaya ang quiet eh. Kinakabahan nga kasi ako. Ako nga pala si Locke. As in kandado with an E. Hindi luck as in swerte. Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Pwede 'wag ka ng maingay?" Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang energy niya. Base sa pamumutla niya dapat kanina pa siya lantang gulay.
"Ang haba naman pala ng pangalan mo."
Muli akong pumikit at hinilot ko ang sentido ko. Alam ko na ngayon ang pakiramdam ng kapatid ko na si Freezale sa sobrang kakulitan namin ni Kuya Thunder. Ang tiyaga niya lang dahil hanggang ngayon hindi pa niya kami kinakalbo. Mas lalo na kung ang pasensya ng mga magulang namin ang titignan. Kung maikli ang pasensya ng mga magulang namin baka sperm cells na lang kami ulit ngayon.
Nanatili lang akong nakapikit at hindi na naman ako muling kinulit ng lalaking nagngangalang Locke with an E na mukhang nakahalata naman na. Siguro akala niya natutulog na ako. Panaka-naka ay nababangga niya pa rin ako sa kalikutan niya pero hindi na iyon madalas hindi katulad kanina.
Muli na lamang akong nagdilat mula sa pagkakapikit ko nang marinig ko ang announcement na nagsasabing malapit na kaming mag landing.
"Oh God. Oh no, oh no, oh nooo-"
Bago pa maalarma ang mga tao sa pagpapanic ng katabi ko ay kinuha ko ang mansanas na kasama kanina sa tray ng pagkain niya at ipinasak ko iyon sa bibig niya. Mabilis akong kumilos at hinila ko ang laylayan ng mahaba niyang jacket at itinali ko ang mga iyon sa likuran niya para hindi niya magawang makakilos.
Nanglalaki ang mga matang tinignan niya ako dahil sa ginawa ko. Nginitian ko lang siya ng matamis at prenteng sumandal ako sa upuan. "Dapat kanina ko pa pala nagawa eh di sana ang komportable ng byahe ko."
Tuluyan na ngang nag landing ang eroplano. May ilang mga pasahero na napapatingin sa gawi namin habang ang katabi ko naman ay kulang na lang lumuwa ang mga mata. Kung hindi lang ako namomoblema ngayon baka tinawanan ko pa siya.
Nang muling mag announce ay tinanggal ko na ang mansanas sa bibig ng lalaki. Bago pa ako makapagsalita ay naunaha na niya ako. "Are you crazy?!"
"Nope." I answered, exaggerating the 'P' of the word.
"I was screaming and you did nothing!"
Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi ka naman sumisigaw ah."
"I was screaming from the inside! Alam mo 'yon? "
Pinaikot ko ang mga mata ko at tinanggal ko na ang nakatali niyang jacket. "Hindi. Tumahimik ka na pwede? Nasa lupa na ang eroplano kaya pwede ka ng tumalon palabas."
Tumayo ako at binitbit ko ang dala ko na handbag. Wala naman akong ibang dala maliban doon. Matatagalan pa ako kung dadalin ko ang ilan sa mga gamit ko.
Akmang lalakad na ako paalis nang makita ko ang labas ng eroplano mula sa maliit na bintana. Ako lang ba o hindi pamilyar ang lugar na'to?
"Problem?"
Nilingon ko ang lalaking padlock. "Nasa Pilipinas ba tayo?"
Kumuot ang noo niya. "Ay miss, okay ka lang? India to, India."
Napasinghap ako. Binuksan ko ang bag ko at hinalungkat ko iyon. Nang makita ko ang ticket at iba ko pang papeles ay binasa ko kaagad iyon. Kasabay niyon ay narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaking padlock.
"Got yah!"
Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Hindi ka nakakatawa!"
Inirapan ko siya at muli kong tinignan ang hawak ko. Kaya pala ako hindi pamilyar sa airport ay dahil ibang terminal ang kinaroroonan ko.
Ipinasok ko na ang mga papel sa bag ko at muli kong tinignan ng masama ang lalaking padlock. Nag peace sign lang ang lalaki na hindi man lang tinablan sa pinapakita kong kasungitan sa kaniya.
Ilang sandaling naglakad ako palabs ng eroplano at nararamdaman ko ang presensiya ng lalaki na hindi pa rin lumalayo sa akin at sa halip ay sinusundan pa ako. Baka hindi alam kung saan pupunta. Mukha naman kasi siyang hindi taga-dito.
Inilabas ko ang phone ko mula sa bag. Baka nagtext na si Mira. Akmang tuluyan na akong lalabas patungo sa mga taong sumasalubong sa mga bagong dating nang may mapansin ako sa kabilang panig ng two way window. Si Kuya King ba 'yon?
Napatigil ako. Kung nandito si kuya malamang nandito si Freezale. Baka inaabangan na nila ako. "Oy, miss-" Pinutol ko ang sasabihin ni padlock at mabilis na ikinawit ko sa braso niya ang braso ko. "Anong ginagawa mo? Miss, wala akong balak mag ampon."
"Shh!"
"Hindi ka pwedeng sumama sa akin. Kung hindi mo tatanungin-"
"Hindi ako nagtatanong."
Hindi niya pinansin ang katarayan ko at tinuloy niya lang ang sasabihin, "Ay ako ang bagong manager ng sikat ng banda dito sa Pilipinas. Kaya kailangan mo na akong layuan kahit na alam kong sobrang cute ko."
Mabilis pa sa alas kwatro na lumayo ako sa kaniya. Itinaas ko ang hood ng jacket na suot ko at yumuko ako. Saktong may dumaan na lalaki na may tulak-tulak na cart kung saan may malalaking kahon na magkakapatong. Kaagad akong nagkubli roon at sumabay palabas.
May ilang mga taong napapatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Nagbaba ako ng tingin sa cellphone ko at nakita kong may mensahe galing ka Mira na nagtatanong kung nasaan ako.
"Taxi?! Taxi?! Ma'am, sir, taxi?"
Tinignan ko ang nagsalita at tumakbo ako palapit doon. Napaatras ang lalaking nag-aalok ng taxi na mukhang nagulat sa panic na alam kong nakarehistro na sa mukha ko. "I need a taxi."
"Okay, Ma'am! Taxi, this way!"
Sinundan ko siya. Nilagpasan namin ang lalaking padlock na kausap na ni Kuya King. Kaagad na nag-iwas ako ng tingin nang makita kong tinuro niya ako. Akmang tatalikod na ako pero huli na, nakita na ako ni Kuya King. "Snow!"
Binalingan ko ang aparato na hawak ko at sinagot ko si Mira bago ako nagmamadaling sumunod sa lalaking nag alok ng taxi.
Nang makarating sa labas ay naglakad pa kami dahil malayo ang kinapaparadahan niya. Pagkaraan ay narating na namin ang kinapaparadahan ng sasakyan. Sasabihin ko na sanang may susundo na pala sa akin nang makita ko ang paglapit ng kung sino sa likod niya. Sa pagkagulat ko ay nanginig ang katawan niya at bigla na lang siyang bumulagta sa sahig.
Tinangka kong sumigaw pero wala ng boses na namutawi sa labi ko dahil kasabay niyon ay may naramdaman ako na kuryente na dumaloy sa aking katawan.
PHOENIX' POV
"Kanina pa ako nagpapaliwanag. Kasama ko nga ang mga magulang ko kaya hindi ako nakauwi ng BHO CAMP. Alam niyo kung kailan ang flight ko mula sa Seattle pabalik dito at hindi ko kinansela iyon."
Kasalukuyan akong nakabalik na rito sa BHO CAMP ng dahil na rin kay Athena at Hera pati na sa mga kapatid ni Snow. Hinahanap pala nila ako dahil akala nila ay magkasama kami ni Snow sa Seattle. Ngayon nga ay naabutan nila ako dito sa hallway ng BHO CAMP bago pa ako makarating sa office ni Dawn.
"Eh bakit hindi ka nagreport kay Dawn?" tanong ni Hera.
"Nakapagreport na ako bago pa lang ako bumalik dito sa Pilipinas. Nasabi ko na rin kay Dawn na baka mahuli ako sa debriefing at bago niyo pa maitanong alam ni Mira kung nasaan ako."
Umismid si Hera. "Hindi ko naman tatanungin."
Napabuntong-hininga ako. Maayos ang trato ng mga agent kay Mira pero sa lahat ng agent si Hera lang talaga ang nagpapakita paminsan-minsan na hindi niya gusto ang babae.
"Anyways..." pag-iiba ni Athena. "Nag-aalala si Snow. Nagtataka nga ako sa isang iyon. Binabaan kami ng telepono at hindi na sumasagot sa mga tawag namin. Kinokontak pa rin namin siya hanggang ngayon ng mga kapatid niya. Maybe she's so worried that she'll finally come home."
As much as possible, sinisimulan ko na muling limitahan ang pag-isip tungkol kay Snow. If I will make things right, I should start with myself. Iyon ang rason kung bakit hindi ako bumalik agad sa BHO CAMP at sa halip ay nagtungo ako sa tinitirhan ng mga magulang ko. Sly and Tricia Andrea Martins might be the kind of parents that will always take the side of their son but when it comes to situation like mine, they can really smack some sense into me.
"Son, there's no use to regret and think of a million ways that this could be any better. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi magiging madali ang sitwasyon na kilalagyan mo. Prolong this and you will just lengthen your pain, Snow's pain, and your wife's. This time make a decision and take responsibility. Then after that live with the guilt and accept it."
That was my father's words and he's not wrong. I'm prolonging things because I can't think of a way that this would not end with someone getting hurt.
"Hey!"
Nilingon ko ang nagsalita. Si King iyon na may kasamang isa pang lalaki. "Nakita ko si Snow kanina sa airport."
Nanglalaki ang mga matang nagkatinginan si Hera at Athena bago maghawak kamay na nagtatalon sila. Perobago pa magpatuloy ang kasiyahan nila ay napatingin ako sa suot ko sa pulsuhan ko na BHO CAMP bracelet.
Napatigil din si Athena at Hera at napatingin sa suot nila. Umiilaw ang emergency button. Pagkatapos niyon ay may kung anong announcement ang pumainlang sa paligid na nanggagaling sa mga speaker nag nagkalat sa paligid.
Pero hindi doon natuon ang buong atensyon ko dahil bago pa may makakilos sa amin ay may nag flash sa contact lense na suot ko. Mga pangalan ng mga agent ang naroon. Storm, Nyx, Aiere, at Snow. Kasunod niyon ay mga larawan ng mga nabanggit na babae na nakapiring at may mga busal ang bibig.
It felt like time stood still at that moment. Dahil hindi lamang iyon ang pinakita kundi pati larawan ng isang sulat. May lagda iyon ng isang taong hindi ko kilala...pero sa hindi malamang dahilan ay wari kong pamilyar sa akin ang paraan ng pagkakasulat no'n.
Them for Warner Claw. Deal?
- Chantelle Claw
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top