CHAPTER 22 ~ Call ~
CHAPTER 22
SNOW'S POV
Pakiramdam ko sa loob ng siyam na araw mula nang umalis siya ay nagawa kong pagdaanan ang iba't-ibang lebel ng pag mo-move on. Hanggang makarating ako sa lebel kung saan naroroon ako bago muling dumating si Phoenix sa binubuo kong mundo.
Pagkakaiba lang noon sa ngayon ay nagagawa ko ng tignan ang sarili ko sa salamin na hindi ako natatakot sa nakikita ko. Minsan kasi pakiramdam ko si Freezale ang nakikita ko sa repleksyon ko. Like I'm pretending to be as in control as she is.
Now I realize that that is not true. That Freezale is not always independent and in control. Not when she met King. At the same time, I'm not always the bubbly and open book Snow.
Kahit ganon pa man, kahit na may mga ugali kami na taliwas sa kinamulatan naming karakterya, hindi ibig sabihin niyon ay nagpapanggap kami bilang ibang tao. It just means we're changing. We're having the chance to learn what we lacked before.
Talsik ng mantika ang nagpagising sa naglalakbay kong diwa. "Aray!"
Mabilis pa sa alas kwatro na inabot ko ang takip ng frying pan at inilagay ko iyon sa harapan ko na para bang nagsisilbing shield ko iyon habang ang isang kamay ko naman ay may hawak na slotted turner na siyang espada ko.
"Bakit ba kasi ang hirap mag luto? Bakit kapag si Ocean at si Kuya Hermes parang ang dali naman?"
Muli akong napatili nang tumalsik na naman ang mantika mula sa kawali kung saan ako nagluluto ng crispy pata. Iyon na lang kasi ang natitirang ulam sa freezer ko. Ayoko din naman umorder at sayang lang ang laman ng refrigerator ko. Ang mahal kaya ng bilihin dito sa America. Hindi pa pwedeng tumawad katulad ng nakikita kong ginagawa ni Ocean kapag natitripan kong sumama noon sa minsan niyang pamamalengke.
"Konting tiis na lang Snow. Magiging worth it din lahat. Kahit masakit at least masarap naman sa huli."
Sandaling napakunot noo ako sa sinabi ko. Parang ang pangit pakinggan. But whatever. Ako lang naman ang nandito.
Ilang minuto pa ang lumipas sa pakikipagtagisan ko sa crispy pata at tuluyan na akong natapos sa pagluluto. Sumandok ako ng kanin at nilagay ko iyon sa plato bago ko sinalin ang isang buong pata sa mismong plato ko.
Wala naman akong kasama kaya ako lang din naman ang kakain nito. Isa pa hindi pa ako nag almusal at tanghalian. Kaya kulang ang sabihin na gutom ako.
Akmang kakagatin ko na ang crispy pata nang umalingawngaw sa paligid ang tunog ng door bell. Napapikit ako ng mariin. Sino naman kaya ang umiistorbo sa akin ngayon? Wala naman akong package na tatanggapin today at wala din akong inorder.
"Argh!" sigaw ko habang ginugulo-gulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.
Nagdadabog na tumayo ako at naglakad ako papunta sa pintuan ng unit. Pinindot ko ang device sa gilid ng pintuan at napataas ang kilay ko sa nakita kong tao sa labas. Si BDW at si Deck.
Bumuntong-hininga ako at inilibot ko ang paningin ko sa bahay. Thankfully nakapaglinis ako kaninang umaga at naitabi ko ang mga gadget at baril na nakakalat lang sa sala. Ang tanging nandito lang ngayon ay ang ginagamit ko para sa strength training. Hindi naman kakaiba iyon tignan dahil mga mukhang pang exercise lang ang mga iyon.
Binuksan ko ang pintuan at ngiting ngiti na idinipa ni BDW ang mga kamay niya. "Hello, mabuhay! I'm here in front!"
Napapailing na nilakihan ko ang pagkakabukas ng pintuan. "Come in."
Kekendeng-kendeng na pumasok si BDW habang si Deck naman ay napapakamot lang sa batok na sumunod. Nang tuluyang makapasok sa loob ay pinaupo ko sila bago ako kumuha ng juice sa kusina. Pagbalik ko ay muli akong napailing ng makita ko si BDW na nakasiksik kay Deck at kulang na lang ay kumandong sa lalaki.
"Napadaan kayo, BDW."
"Well you know we have some showbiz."
Napakunot ang noo ko. "Showbiz?"
"Yes, you know. Like tsismis. And of course we worry that you jump around the building and die." Tinapik-tapik niya ang sarili niya na parang inaalo niya ang sarili habang malungkot na nakatingin sa akin. "You said the last time we chat when you ask for a leave that Niko was gone far away. You can be sad, depress, suicidal, you know?"
Hindi ko alam kung tatawa ako o papalahaw ako ng iyak dahil ang hirap intindihin ng mga sinabi ni BDW. Kapag kausap mo kasi ang babae kailangan mabilis ang utak mo sa pag decipher sa animo coded niyang mga salita.
"I'm not suicidal, BDW. I'm also not depress." I said, forcing myself to smile. Kung alam lang niya kung paano ako mag sound trip habang umaarte na parang nasa music video ako, maghanap ng kopya ng Wonder Pets na paborito kong palabas noong bata pa ako, at umiyak kahit wala namang nakakaiyak, tumawa ng maging popsicle sa Titanic si Jack, magsayang ng benteng bond paper para paulit ulit na isulat kung bakit hindi kami pwede, at kung ano-ano pa. "So anong tsismis ang ibabalita mo?"
"Oh that! Okay let me begin the-"
Naputol ang sasabihin ni BDW ng takpan ni Deck ang bibig niya. Alanganing nginitian ako ng lalaki. "I think I should tell you the news instead of her." Nagpapasalamat na tumango ako na ikinatawa ng lalaki pero pagkaraan ay sumeryoso rin siya. "We heard news about Taylor's death. Looks like there's something more to her death than we thought."
Ipinaliwanag ni Deck ang mga impormasyon na alam ko na. Na ang ex-boyfriend ni Taylor ay kasangkot sa isang samahan kung saan bumibiktima sila ng mga babae para gawing daan nila sa mga pagnanakaw nila.
"The police thought that they have the leader but they were wrong."
Napamulagat ako sa narinig. "What do you mean?"
"They just have the leader of that one group. There are more and they are bigger. It's not just a group but a syndicate and no one knows who is the leader."
Ibig sabihin lang niyon ang head ng grupo ay may sinusunod pa at ang mga iyon ang siyang nakakaalam kung sino ang mga nakaupo sa itaas. "Woah."
Napasigaw si Deck at mabilis na inalis niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ni BDW. Napangiwi ako. Mukhang kinagat siya ng babae. "You, American boy! I'm pure Pinay you know? My nose is Philippine made! Your hand is big and my nose is small so I suffocate!"
"Sorry, babes."
Umingos ang babae bago humarap sa akin. "Anyway, beside that, we are here to out you."
Napakurap ako at kaagad akong ginapangan ng pangamba. Out me? Alam na ba nilang agent ako? Anong gagawin ko kung alam na nila? "W-What do you mean?"
"Duh, out you! We out! We gonna grocery! Because one, I have no grocery. Two, maybe you don't have grocery. So my genius brain thought 'Why not ask Snow is she want to out and buy grocery with us?'."
"Oh."
"Let's go! Vamonos!"
"That's Spanish babe."
"Let's go Dick!"
"Deck."
NAPAPAHILOT ako sa ulo ko habang tulak-tulak ko ang grocery cart at nakasunod kay BDW at kay Deck. Hindi ko alam kung balak ba nilang mamili o maglambingan na lang. Halos hindi sila mapaghiwalay. May kukunin lang na item si Deck parang matsing na lalambitin na agad si BDW sa kaniya.
Habang tinitignan sila imbis na managhili parang biglang nagagamot ang Phoenix Depression ko dahil sa pagkaumay sa kanila.
"Snow!"
Nag-angat ako ng tingin mula sa pakikipagtitigan ko sa mga papatas na nasa estante. "Yes?"
"You done? Buy more! You need to eat much because you look like you will die later."
Hindi ko na napigilan at napahagikhik na ako. "Yes, yes. I'll buy some more so I won't die later."
Pilit na iniignora ang love birds sa harapan ko na nagsimula na akong mamili. Maliit na cart lang ang dala ko hindi katulad sa kanila. Mahirap na rin kasi na bumili ng marami dahil mag-isa lang naman ako. Mamaya masira pa ang mga pagkain.
Isa pa hindi naman ako magaling magluto kaya limitado lang ang pwede kong bilin. Iyong mga pagkain lang na kaya kong lutuin. Parang sa pagmamahal lang iyan. Dapat alam mo ang limitasyon mo.
Hindi na rin ako masyadong bumili ng instant food. Sabi kasi ni Momma hindi daw maganda na laging kumakain no'n. Parang sa pagmamahal lang din. Akala mo instant happiness ang maidudulot sa'yo pero masasaktan ka lang pala.
Ipinilig ko ang ulo ko sa mga isipin na umiikot doon. I need nutrition. I think my brain is starting to malfunction.
"You see this brand, Dick? I really love it but it's so hard to found. It's long too before they have supply. So I switch-"
"Ganiyan naman kasi talaga ang mga tao. Porke mahirap kang mahalin, porke ang tagal mo bago sumagot ng "Oo", maghahanap na ng iba. Ganiyan naman talaga. Kung sabagay kasalanan naman namin. Bakit ba kami aarte?Bakit ba kasi hindi kami makapagdesisyon agad-"
"Hoy!" bulalas ni BDW at inagaw sa akin ang hawak ko. Napatingin ako roon at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong muriatic acid iyon. "Girl, kami lang 'to. Parang iba na ata ang nakikita mo. Chill ka lang."
I took a huge breath before I gave them a reassuring smile, "Pasensya na BDW ah? Kapag ganito kasi ang stado ng emosyon ko kailangan ko talaga ng at least three weeks bago ako maging normal ulit...nang kahit paano."
"Okay, I understandable. But please stay far from acids, knives and anything killing okay?"
Sumaludo ako. "Okay."
Nangingiting bumalik na siya kay Deck at muli kaming nag-ikot ikot. Napatigil lang ako ng makarating kami sa estante ng mga personal items katulad ng toiletries. "Nasaan kaya ang petroleum jelly nila?"
"Patronum?" tanong ni BDW. "I knew that! Harry Potter!"
"Ah no." natatawang sabi ko. "Petroleum jelly."
"Oh. I think it's there- OMG! My favorite lotion is here!"
Nagkatinginan na lang kami ni Deck at sabay na napangiti. Mas matagal pa ata ang attention span ng munting tuta kesa kay BDW.
Pinabayaan ko na lang siya at ako na lang ang naghanap ng petroleum. Lumapit ako sa isang stante at bahagyang napakunot ang noo ko nang makita kong nakahiwalay iyon kesa sa iba.
"Eto naman pala."
Kumuha ako ng isa. Ang kaso wala iyong brand na kadalasan kong nakikita sa Pinas. Baka gan'to talaga dito.
Tinignan ko ang presyo at napataas ang kilay ko sa nakita. "Grabe naman. Ang mura lang nito sa Pilipinas ah. Parang sobra namang over pricing eh ang liit liit lang nito kompara doon sa binibili namin."
Tinignan ko ang hawak ko. KY Jelly ang tatak. Kung sabagay naman tunog sosyal nga siya.
"Wow! You use that?"
Nilingon ko si BDW na lumapit. Titig na titig siya sa hawak ko habang si Deck naman ay hindi magawang tumingin sa akin na namumula ang mukha.
"No. Not this brand but I can't find the one I like here."
"Oh?" There's still confusion in her face when she speak again, "But your boyfriend is not here."
Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya. Bakit kailangan may boyfriend pa para lang gumamit ng petroleum jelly? "Hindi ko nama siya kailangan para gamitin ito. I'm fine being alone."
"Ooh! Attah girl!"
BINABA ko ang pinamili ko sa center island ng kusina. Kanina pa nakaalis sila BDW dahil kailangan daw nila ng quality time ni Deck. Kung ako ang tatanungin parang hindi na nga nila kailangan. Halos kulang na lang kasi magkapalit ang kaluluwa nila.
Bilib din ako kay BDW. Sa kabila ng kakaiba niyang pag E-English hindi iyon nagiging hadlang para tumigil siya. Minsan nga pakiramdam ko sinasadiya niya na. Mukha kasing masaya din siya na natutuwa ang mga tao sa kaniya.
Nasa akto ako nang paglabas ng nabili kong petroleum jelly nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong lang sa center island. Kinuha ko iyon at nakita ko na video call iyon mula kay Athena.
Itinagilid ko iyon bago ko iniangat ko ang likod ng cover niyon na nagsisilbing stand at pagkatapos ay ipinatong ko iyon sa kung saan ako mas kita bago ko sinagot ang tawag.
Bumungad sa akin si Athena at Hera na pareho pang nakashades.
"Napatawag kayo-"
Sa pagkagulat ko ay bigla na lang silang sumigaw habang nanglalaki ang mga mata na nakatingin sa akin, "Omg saan mo gagamitin iyan?!"
Kunot noong tinignan ko ang tinuturo nila. Nang makita ko na ang tinutukoy nila ay ang hawak ko na KY jelly ay naguguluhang nag-angat ako ng tingin. "Sa-"
"Omg! Hindi ko akalain..." hindi makapaniwalang sabi ni Athena habang si Hera ay napatakip sa bibig niya na parang kahindik-hindik ang nakikita niya.
Naniningkit ang mga matang namewang ako habang iwinawagayway ko sa isa kong kamay ang KY jelly. "Ano bang problema niyo? Para petroleum jelly lang. Malamang gagamitin ko sa siko ko, sa paa ko at sa kamay ko. Duh."
Sandaling katahimikan ang namayani. Parehas silang hindi gumagalaw habang nakatingin sa akin. Kung hindi lang umiikot ang kamay ng relos sa likuran nila iisipin kong naghang na ang video call. "Hello? Anybody there? Buhay pa ba kayo?"
"Omg ulit." bulong ni Athena.
"She's still clueless." Hera whispered.
"Still Snow. Kahit na mukhang naging independent na siya kahit paano. Look at that groceries. Hindi puro instant."
"Yeah. But still. Clueless."
Humalukipkip ako at binigyan ko sila ng matalim na tingin. Ano bang pinagsasabi nila? "Okay. I'm hanging up."
"Wait!" magkasabay ulit na sigaw nila.
Napapailing na tinaasan ko sila ng kilay. Mukhang bumalik na naman sa kabaliwan ang dalawang ito. Baka natapos na ang silent war nila kaya nanggugulo na naman ng mga tahimik na kaluluwa ngayon.
"Ang gulo niyong dalawa." sabi ko.
"Ikaw kaya diyan." nakangusong sabi ni Athena. "Tignan mo muna kasi ang binibili mo bago ka bumili."
Nagtatakang nagbaba ako ng tingin sa hawak ko at binasa ko ang mga nakasulat doon. Unti-unting nanglaki ang mga mata ko at kaagad kong binitawan iyon na parang napaso. Nakangangang lumingon ako sa phone kung saan nagpipigil ng tawang nakatingin sa akin ang dalawa.
"It's a...a..." I whispered.
"A personal lubricant for sexual intercourse. Or for...toys." nakangising sabi ni Hera.
Pakiramdam ko pulang-pula na ako mula ulo hanggang paa. Kaya pala gano'n ang mga sinasabi ni BDW kanina at kung bakit halos hindi ako matignan sa mga mata ni Deck. Maging iyong cashier din iba ang tingin sa akin kanina.
Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang hagikhik na nais kumawala roon pero tuluyan na iyong kumawala nang bigla na lang humagalpak ng tawa ang dalawa. Tinanggal pa ni Hera ang suot na sun glasses at pinunasan ang naluluha niyang mga mata.
Natigil ako sa pagtawa at napatitig sa phone. Kung hindi ako nagkakamali... "Oh my God! Hera! Anong nangyari sa mukha mo?!" May pasa siya sa gilid ng isa niyang mata. May mababaw na kalmot din siya. Hindi kaya dahil sa kapatid ko? Kung tama ang pag-alala ko may nabubuo sa pagitan nila ni Kuya. "Dahil ba iyan sa fans ni kuya?"
Nasamid si Hera at tinapik-tapik niya ang dibdib niya. "A-Ano? Hindi no! Ano namang kinalaman ko sa fans ng kuya mo?"
"Eh di ba may something kayo?"
"What? Ew no!" tanggi niya.
Ngumuso ako. "Grabe ka naman sa Kuya ko. Ang gwapo kaya ng Kuya ko. Walang pangit sa lahi namin no."
"Wala naman akong sinabing pangit ang Kuya mo. Hindi lang talaga kami talo. Like never! Kadiri!"
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Whatever. So ano ngang nangyari at bakit may pasa ka? Mission?"
Wala naman kasing maaaring iba pang dahilan. Hindi na rin kasi bago na umuuwing may mga pasa ang mga agent. Babae man o lalaki. Ako noon, pasa lang talaga ang lagi kong dala pagkatapos ng mission. Malala na kung may gasgas ako. Pero bihirang bihira na may grabe akong sugat. Hindi kasi hinahayaan ni Phoenix na nasasaktan ako sa isang mission. Kapag nagkakagulo at hindi namin mapigilan iyon ay kaagad na itinatakas niya na ako.
"Nope." sabi ni Hera.
Bumuka ang bibig ko para magtanong pero hindi ko naituloy iyon ng ibaba ni Athena ang suot niyang shades. May pasa din siya at may mga kalmot. Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Nag-away ba kayo?" tanong ko.
"Hindi naman." sagot ni athena. "May hindi kasi kami pag-kakaunawaan at nag decide kami na mag-usap at mag-ayos. Kaya eto."
"Nagkaayos pa kayo ng lagay na 'yan? Kung sa iba 'yan baka nagkademandahan na kayo."
Ngumisi si Athena. "Genius kami kaya iba ang paraan namin ng pag-aayos ng alitan. Astig no?"
"Ewan ko sa inyo." naiiling na sabi ko. Kahit kailan talaga kakaiba rumesolba ang dalawa ng alitan nila. "Bakit nga pala kayo napatawag?"
Namewang si Athena. "Itatanong lang namin kung kailan mo ibabalik si Phoenix. Hindi naman sa nangingealam pero you know, malapit ng mag expire ang pasensya ng mga kapatid mo. Baka biglang sumugod diyan ang mga iyon."
"What do you mean?"
"Nag-aalala kasi ang mga kapatid mo. Alam niyo na. Hindi naman kasi normal ang sitwasyon niyo ni Phoenix." napapabuntong-hiningang sabi ni Hera. "Kahit pa nakikita namin at alam namin kung ano ang nararamdaman niyo para sa isa't isa ay hindi pa rin tama to, Snow. Kaya pauwiin mo na siya."
"I...I don't understand. He's not here."
Tuluyan ng nawala ang saya sa atmospera. Malungkot na nakatingin sa akin ang dalawa. Alam ko ang iniisip nila. Alam kong naaawa sila sa akin. Na para bang naglilimos ako ng pagmamahal sa taong alam kong hindi pwedeng maging akin. But Phoenix and I...we both understand. Alam naming mali. Alam namin na hindi pwede. That's why he left. That's why I let him walk away.
"He's not here." I said again, my voice thick with emotion. May kung anong kaba na tumatambol sa dibdib ko.
"Snow-"
"Check the airline flights."
Nagkatinginan silang dalawa. Hindi ko na nagawa na muling makapagsalita nang tumunog ang phone na naghuhudyat ng isa pang tawag. Nang makita ko kung kanino galing ang tawag ay sinagot ko kaagad iyon.
"Mira?"
"Help me. You have to help me Snow. Please...please help me save him"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top