CHAPTER 21 ~ Always ~
CHAPTER 21
SNOW'S POV
Marahang paghaplos sa buhok ko ang gumising sa akin. Ang mukha ni Phoenix ang bumungad sa akin nang iminulat ko ang mga mata ko. May kung anong ekspresyon sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag habang nakatitig sa akin.
"Kanina mo pa ba ako ginigising?"
Umiling siya habang nananatiling nakatitig sa akin. It was as if he's afraid that I'll disappear any moment. "Hindi naman."
Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin ako sa labas ng bintana. Iginala ko ang paningin ko sa hindi pamilyar na lugar. Pagkagaling kasi namin sa mission kagabi o mas tamang sabihin ay kaninang madaling araw ay ipinalit namin ang rental motorbike niya para sa isang kotse.
Sa totoo lang pareho naming hindi alam ni Phoenix kung saan kami pupunta. Basta nagmaneho lang siya. I guess we just don't to go back home. Back on our separate lives.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas ako. Bahagya kong niyakap ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin habang napapangiti na pinagmasdan ko ang tanawin sa harapan ko. Hindi ko ininda ang mahaba kong buhok na nililipad ng hangin habang paminsan-minsan ay tumatabing sa mukha ko.
The place looks magical. Napapalibutan ng mga halaman na namumulaklak at puno na nagsisilakihan ang paligid. Kahit na hindi pa makita ang kulay niyon masyado dahil kaunting liwanag pa lang ang kumakalat sa langit ay hindi naikukubli no'n ang ganda ng paligid.
Naalis sa tanawin ang atensyon ko nang maramdaman ko si Phoenix na tumayo sa likuran ko at may ipinatong na scarf sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakita kong may dala siyang maliit na paper bag. Mukhang bumili pa siya talaga.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti, "Thanks. Sorry, tinulugan kita kanina."
"Okay lang. Alam ko naman na pagod ka." sabi niya.
"Parang ikaw hindi."
Umangat ang sulok ng labi niya. Pagkaraan ay iminuwestra niya ang trail pababa sa may kataasan na pinagparadahan niya ng sasakyan. "Let's go?"
Sabay na naglakad kami pababa ng trail. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero sa kabila niyon ay nananatiling magaan ang atmospera sa pagitan namin. Hindi katulad ng mga nakaraan naming pagkikita lalo na mula ng ikasal siya.
1Pero kahit na ano pang sabihin ko, kahit ano pang kumbinsi ko sa sarili ko, alam ko na sa kaunting panahon na nagkalayo kami, marami ng nagbago. Hindi lang naman nang umalis ako nagsimulang lumawak ang pagitan sa amin. Staying at the same place with him was no different than being miles away from him. Even the pain don't have much difference. Ang pagkakaiba lang mas madali kong makumbinsi ang sarili ko na ayos lang ang lahat kapag malayo ako sa kaniya.
But today, we're just Phoenix and Snow. Ngayon kahit saglit lang ay wala munang pagpapanggap. "Saan mo nga pala nalaman ang lugar na 'to?" basag ko sa katahimikan.
Napapakamot sa ulo na nilingon ako ni Phoenix. "Hindi ko din alam eh. Nadaanan lang natin kanina. At saka..."
"At saka?" Nag-iwas siya sa akin ng tingin pero sa kabila ng bahagyang dilim ng paligid ay napansin ko pa rin ang pamumula ng mga pisngi niya. "Hello? Earth to Nix Nix?"
"Nature call." he blurted out.
Namilog ang mga mata ko. "Ay weh? Saan?" Nagpalingon-lingon ako sa paligod. "Mukhang wala namang establishments dito ah." Hindi kaya merong comfort room na itinayo para sa mga byahero? Parang iyong ilan na MMDA urinals sa Pilipinas. O kaya..."Sa puno?"
"We should probably change the topic." namumula pa rin ang mga pisngi na sabi niya. "Nauuhaw ka ba? May gusto ka bang inumin?"
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay bahagyang natawa ako. "Parang hindi maganda na follow up topic iyong sinabi mo."
Mahinang napamura siya dahilan para lalong lumakas ang pagtawa ko. Naiiling na nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay nakasunod sa akin. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa ibaba. Namamanghang inilibot ko ang tingin sa paligid. "Wow."
Hindi kalayuan sa binabaan namin ay may maliit na lake. Halatang kaunti lang ang dumadayo sa lugar dahil malinis iyon. O marahil talagang pinanatili lang nila ang kalinisan sa lugar para hindi masira ito. Wala namang imposible. Kung ganto ba naman kaganda ang lugar, maaatim pa bang sirain?
"Alam mo kayang-kayang talunin ng Pilipinas ang lugar na ito. Ang dami kayang magagandang lugar sa atin." sabi ko sa binata.
"If only people will learn how to treat nature properly."
Tumango-tango ako habang hinahapit ang scarp nang muling umihip ang hangin. "Kung kaya lang batuhin ni inang kalikasan ang mga tao katulad ng pagbabato nila ng kalat kung saan-saan."
"And the tourists. They should established rules when it comes to foreign visitors."
"Sabagay."
Lumapit kami sa malaking bato malapit sa lake. Umakyat ako sa bato at umupo ako sa ibabaw niyon. Ilang sandali lang ay sumunod sa akin si Phoenix at naupo sa tabi ko habang sa gitna namin ay ipinatong niya ang paper bag.
"Anong laman niyan?" tanong ko.
"Sandwich. Binili ko kanina nang may nadaanan tayong convenience store."
"Mukhang mas matagal ang itinulog ko sa byahe kesa oras na gising ako." nakangiwing sabi ko.
"Kabila-kabilaan din kasi ang trabaho mo. I saw you work last night. Mas mahirap pa ang ginagawa mo kesa kapag tumutulong tayo sa Craige's."
"Because no one would dare make me carry a heavy tray there. Halos lahat nga ng tao sa BHO CAMP ayaw na inuutusan ako." Napapangiting niyakap ko ang mga tuhod ko. "Sa Steam minsan hindi rin nila mapigilan na hindi ako tulungan. Maybe it's natural for people around me when it comes to wanting to take care of me."
Hindi naman kasi talaga kasalanan ng mga tao sa paligid ko kung bakit huli akong natuto sa mga bagay-bagay. Even if I admit or not, I was spoiled and I took advantage of the fact that I know that I have them wrapped around my fingers.
Wala namang ibang magtuturo sa atin kung paano mabuhay ng mag-isa kundi sarili din natin. If we refuse to take a step and move, why would we blame other's for it?
I was too confident with my life. Lumaki ako ng hindi nahihirapan at lahat ng gusto ko nakukuha ko. Marami akong kaibigan, masaya ang pamilya ko at nasa lugar ako na masaya ang mga tao. Even working as an agent. I wasn't afraid of that other part of life.
Dahil kampante ako na hindi ako no'n mahahawakan. That my life is perfect and bright and that the dark side of this world won't touch me. But pain is inevitable, comfort is not forever and life have its own way to show you itself.
"Will you never come home?"
Napalingon ako sa lalaki nang magsalita siya at masuyo ko siyang nginitian, "Babalik din naman ako. Namimiss ko na rin ang pamilya ko. Iyon nga lang hindi ko alam kung kailan. I...I just want to be away for awhile."
"Because of me."
I nodded at him, not trying to hide it. "Yes and also because of me." Hinawi ko ang buhok ko na muling tumabing sa mukha ko. "But let's not talk about that right now. We could just enjoy this day as friends."
Saglit na nakatingin lang siya sa mga mata ko. Libo-libong emosyon ang dumaan sa mga mata niya pero hindi ko na tinangka na pangalanan ang mga iyon. It will just get more complicated than it already is.
Napabuntong-hininga ako ng muling umihip ang hangin dahilan para muling sumabog sa mukha ko ang buhok ko.
"Here, let me."
Bahagya akong pinatalikod ni Phoenix at ilang sandali lang ang lumipas ay naramdaman ko ang mga daliri niya na humahagod sa buhok ko. I know he's braiding my hair. Just like what he used to do when we were kids.
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko lang siya. Hindi naman ako natatakot na magulo niya ang buhok ko o mabuhol-buhol. Bata pa lang kami natuto nang mag braid si Phoenix kasi kapag wala ang nanay ko ay siya na ang gumagawa no'n para sa akin. Kesa naman kay Papa na laging nabubuhol ang buhok ko kakasubok na gawin iyon sa akin.
"Marunong ka pa rin pala."
"Hard to forget things like this."
Ilang minuto ang lumipas at naramdaman kong binitawan niya na ang buhok ko. Hinila ko ang dulo niyon at nakita kong may nakatali na roon na kulay pulang hair tie. May maliit na ribbon pa iyon, "Saan galing?"
Nagkibit-balikat siya. "I always have one in my pocket."
"Why?"
Muli siyang nagkibit-balikat pero hindi na niya pinalawig pa ang sinabi. Hinayaan ko na lang siya at muli kaming nawalan ng imik.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa lugar na iyon. Basta ang alam ko lang tuluyan ng sumikat ang araw dahilan para lumitaw ang ganda ng paligid nang kinaroroonan namin, pero ganoon pa man ay hindi no'n nakuha ang buong atensyon ko.
Dahil sa kabila ng mahihinang huni ng mga ibon ang tangi ko lang naririnig ay ang boses ng binata na puno ng pagsuyo habang ang mga mata ko ay hindi magawang tignan ang gandang nakapalibot sa amin dahil ang tangi ko lang nakikita ay ang lalaking pinakamamahal ko.
HUMAHALAKHAK na nilingon ko si Phoenix. Mahigpit ang kapit niya sa grab handle ng sasakyan habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa seatbelt niya. Nanglalaki din ang mga mata niya na para bang ilang sandali lang ay aatakihin na siya sa puso.
"Slow down, Snow!"
"Ayaw!" sabi ko at lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Napilit ko siya kanina na ako ang magmamaneho pabalik. Pumayag naman siya dahil hindi naman matao sa daraanan namin.
Hindi naman ako sanay magmaneho. Milagro nga na nakapasa ako sa driving lessons ko noon. At mas lalong nakakagulat na nakakuha ako ng lisensiya. Now that I think of it, hindi kaya nag hokus pokus lang ang mga magulang ko? O si Phoenix? He's a racer. Paniguradong marami siyang kakilala.
"Snow!" sigaw ni Phoenix.
Tinuro niya ang mga patawid na baka. Mabilis na inapakan ko ang preno dahilan para halos sumubsob kaming dalawa sa dashboard kung hindi lang dahil sa seatbelt. Hinayaan ko munang tumawid ang mga baka habang ngiting-ngiti na nakatutok ang mga mata sa windshield na para bang naghahanda kapag nawala na ang harang sa harapan ko.
"I think I'm gonna throw up." he groan.
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Sobra ka. Ikaw nga kung magmaneho kapag may competition eh."
"Iba 'yon."
"Parehas lang."
"Magkaiba. Kapag sa competition alam kong nakasayad sa lupa ang minamaneho ko. Hindi lumilipad."
Umangat ang kamay ko at hinampas ko siya sa balikat. Napaaray siya pero tatawa-tawa lang din na hinimas niya ang balikat niya. Binalik ko ang mga mata ko sa harapan at napangisi ako nang makita kong nakatawid na ang mga baka.
"Let's make this thing fly." I said, grinning.
"Oh God."
NAPASIMANGOT ako habang tinitignan ang kinaroroonan namin na parke ni Phoenix. Papalubog na ang araw. Maraming bata sa paligid pero karamihan sa kanila ay nasa isang tabi lang at abala sa paglalaro sa mga dala nilang tablet. Ang mga matatandang kasama naman nila ay ganoon din. Mga nakaharap sa cellphone.
"Nagpunta pa sila sa park. Bakit hindi na lang sila nag stay sa bahay."
Nilingon ni Phoenix ang direksyon ng mga mata ko bago tumingin sa akin. "Baka change of scenery lang."
"Change of scenery eh screen lang naman ng phone nila ang nakikita nila." nakasimangot pa rin na sabi ko. "Ang boring tuloy. Wala man lang naghahabulan na mga bata."
"Eh di maglaro tayo."
Nginusuan ko siya. "Bata nga eh."
"Bakit matanda ka na ba?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo namin sa damuhan at inilahad niya sa akin ang kamay niya. Inabot ko iyon at kaagad naman niya akong hinila para makatayo ako. Bago pa ako makahuma ay ikinuyom niya ang kanan niyang kamay at inilagay sa harapan namin.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Rock paper scissors." nakangiting sabi niya. "Maglalaro tayo."
Sandaling pinagmasdan ko siya. Gulo-gulo ang buhok niya dahil sa hangin, namumula ang pisngi at ilong niya dahil siguro sa lamig, at lukot na din ang damit niya. Alam kong wala akong pinagkaiba sa ayos niya.
"Seryoso ka?" natatawang tanong ko.
"Oo nga."
"Ano munang laro?"
"Water, sili."
Natatawang napailing ako. Isa iyon sa mga paboritong laruin namin sa BHO CAMP. "Fine." ikinuyom ko ang mga kamay ko at itinapat ko iyon sa kaniya. Pero bago pa kami makapag rock paper scissors ay may lumapit sa amin na apat na bata. Dalawang babae at dalawang lalaki.
"What are you playing?" asked the girl with pigtails.
"Water, sili." sagot ni Phoenix.
"Siley?" tanong naman ng batang lalaki na blond ang buhok.
Napangiti ako sa accent ng bata. Siley, ang sosyal na Sili. "Yes. Water, Siley. Wanna join?"
"Sure." said the other girl. "How do we play it?"
"What are your names first?"
Nagpakilala ang mga bata. Iyong batang babaeng brunette na nakapig tails ay Bernadette ang pangalan. Iyong blond naman ay si Maggie. Kapatid niya si Cash, iyong blond na lalaki, the other kid Jason is Bernadette's cousin.
Pinaliwanag namin sa kanila ang mechanics ng laro. Sa water sili kapag nataya ka kailangan mong paypayan ang tapat ng bibig mo na parang napapaso ka. Hindi ka din pwedeng umalis sa kinatatayuan mo. Pero kapag hinawakan ka ng kasama mo at sinabing "Water", pwede ka ng makaalis.
"Boys vs girls!" sigaw ni Maggie.
"Ok! Girls are gross anyways." sabi naman ni Jason. "And boys will always win because we're cool."
Pinaningkitan ko ang bata at sasagutin ko na sana pero naramdaman kong kinurot ako ni Phoenix sa pisngi. "Aray!"
"Papatulan mo pa eh."
"Hindi kaya!" nakasimangot na sabi ko. Hinarap ko si Jason na nakangisi sa akin. Itinapat ko ang hintuturo at gitnang daliri ko sa mga mata ko bago ko iyon itinapat kay Jason na lalong ikinangisi ng pilyong bata. Binelatan ko siya bago hinarap ang team mates ko, "Who run the world? Girls!"
Pumalakpak ang dalawang batang babae at binelatan din ang mga lalaki na gumanti naman.
Ilang sandali lang ay nagsimula na ang laro. Napuno ng sigawan at kantiyawan ang lugar dahil sa aming anim. Paminsan-minsan ay nakikita ko ang ibang mga bata sa paligid na nakikinood sa ginagawa namin.
Kaniya-kaniyang tayaan na ang nangyari sa mga kasama ko. Kadalasan ay sila Cash at Jason ang natataya. The girls are good. Hindi lang sila tumatakbo kundi naghahanap din sila ng tataguan.
Kaya nga ginaya ko ang taktika nila at ngayon ay nasa taas ako ng isang puno at pinapanood sila.
"Run! He's coming!" tumitiling sigaw ni Maggie na palapit sa akin. Sa likod niya ay nandoon si Phoenix na umaaktong hinahabol ang bata kahit ang bagal naman ng takbo niya.
Nang makita ako ni Phoenix ay nag iba siya ng direksyon ng takbo. Nanglalaki ang mga matang bumaba ako sa kinaroroonan ko at kumaripas ako ng takbo.
Akmang lilingon ako para tignan kung nakalayo na ako sa lalaki ng maramdaman ko ang mga kamay na pumalibot sa bewang ko at hinila ako. Napatili ako nagpapasag dahilan para mapatid ako kung saan.
Napapikit ako ng maramdaman ko na babagsak ang katawan ko sa lupa pero imbis na matigas na lupa ang sumalo sa akin ay iba ang nabagsakan ng katawan ko. Nagmulat ako ng mga mata at natagpuan ko si Phoenix sa ilalim ko.
"Sili." sabi niya.
Bumaba ang mga mata ko sa labi niya na nakangiti. Unti-unting nawala iyon at nag-angat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin sa paraan na para bang ayaw na no'n humiwalay pa. I just want to be drowned by his beautiful eyes.
"Can we join?"
Nilingon namin ang nagsalita at napanganga ako nang makita ko ang batalyon na ata ng mga bata na nakatayo roon.
Maingat na tumagilid si Phoenix para lumapat ako sa lupa bago siya tumayo at inilahad sa akin ang kamay niya, "Game?"
PABAGSAK na humiga ako sa damuhan at pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal naglaro ng mga bata. Kung hindi pa nagsimulang dumilim ay hindi pa kami titigil sa paglalaro ng Water siley.
Nagmulat ako ng mga mata ng maramdaman ko ang presensiya ni Phoenix. Humiga rin siya sa tabi ko. "Anong oras ang flight mo?" mahina kong tanong.
"Just a few more hours."
"But you need to be there at least two hours before the flight."
"Yeah." he said quietly.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nag-angat ako ng tingin sa langit. Hindi pa tuluyang dumidilim pero kumakalat na iyon. Ilang sandali na lang ay paniguradong magdidilim na ang paligid.
"Hindi ka ba talaga sasama?"
Umiling ako at maliit na ngumiti, "Hindi na muna siguro. I admit, namimiss ko na talaga ang BHO CAMP. Pero hindi naman ako pwedeng basta basta umalis na lang dito." Hindi siya nagsalita. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa langit. "Phoenix?"
"Yes?"
"Thank you for the notes you sent me. Kahit na alam ko na hindi naging maganda ang huli nating pag-uusap." malungkot na ngumiti ako. "Hindi ka na ata tumigil sa pag-intindi sa akin kahit na nasa malayo ako."
Sa mga post it note na pinadala niya lagi niyang sinasabi na kumain ako, matulog ng maaga, na wag kong kalimutan na ngumiti, at kung ano-ano pang paalala niya. Alam ko dapat pinatigil ko na ang mga iyon. Dapat hindi ko tinanggap.
Kasi kaya nga ako umalis di ba? Para lumayo sa kaniya. But then I realize that that's impossible. Kasi kahit nasaan ako hindi ko naman kayang takbuhan ang nararamdaman ko. Being away just makes the pain more bearable than seeing him everyday. Knowing that he's so close but I can't be with him.
"I'm gonna make things right, Snow."
I know what he meant by that. By making things right it would hurt all of us. Him, me, and Mira. Pero tama si Waine. I won't fight the battle that is not for me. I would make my own choice, I would do what I have to do, I would move at my own pace.
May masasaktan at masasaktan. But whatever his choice may be, I will accept that.
Tumango ako at malungkot na ngumiti. "Okay."
"Do you know my biggest regret?"
I forced myself to smile. "Giving up on me? Marrying someone else?"
Malungkot na ngumiti siya at umiling. "I don't regret marrying Mira. The only thing that I regret is that I pushed myself on loving someone else and succeed, only to realize that I can't undo loving you."
Nag-angat ako ng tingin para pigilan ang luha na nais bumagsak mula sa mga mata ko. "You know my biggest regret?"
"Meeting me?" he asked.
"No. The only thing that I will always regret is not saying yes. Hindi lang sa tree house kundi sa maraming pagkakataon na tinanong mo ko. Sa maraming pagkakataon na sumubok ka. One word...my one word could have change everything but I was too scared."
Umupo ako habang nananatili siyang nakahiga. Dahan-dahang ibinaba ko ang mukha ko at inilapat ko ang mga labi ko sa pisngi niya. Nang mag-angat ako ng mga mata ay sinalubong ko ang sa kaniya, "I know that the hurt won't ever stop. The only thing that can stop this hurt is for me to stop loving you and that is impossible."
"Snow..."
Tumayo ako at nag-angat ako ng mukha sa langit. Tuluyan ng lumubog ang araw. The dark embracing the world as if it's comforting it. Like it's saying everything would be fine. You just need to take a moment...to take a rest, and tomorrow it will be a brand new day.
"I can live without you now." I whispered.
It's true. Kaya ko ng mabuhay na hindi nakadepende sa kaniya. I can be Snow without being the Snow that is Phoenix' friend. I can live without him helping me. Pero bakit ganoon? Bakit ang hirap pa rin? Bakit ang sakit-sakit pa rin?
Muli kong nilingon si Phoenix na ngayon ay nakatayo na rin at nakatingin sa akin. "Can you do me a favor?"
Tumango siya bilang sagot. Ngumiti ako at lumunok upang tanggalin ang bikig sa aking lalamunan. "Can you walk away from me this time? And when you walk away...please don't look back."
Ilang sandaling nakatingin lang siya sa akin na para bang kinakabisado niya lahat ng detalye sa akin. Pagkaraan ay humakbang siya palapit at pagkatapos ay marahang inipit ang buhok na kumakawala sa pagkakatali niyon sa likod ng tenga ko.
Pumikit ako ng lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko habang ang isang kamay niya ay nakapalibot sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. It lasted for a few seconds, seconds that I will never forget, then after that...he finally stepped back.
Tila dam na bumuhos ang luha ko nang tumalikod siya sa akin at naglakad palayo. Kinuyom ko ang mga kamay ko. Tila nauupos na kandila na napaupo ako habang nanatiling nakatingin sa kaniya.
Maraming pagkakataon na ako ang naglalakad palayo. And now seeing him walking away, I know now how hard it is. Kung gaano kahirap na pigilan siyang hindi umalis.
I would always love him. Kahit na hindi siya ang makasama ko sa huli...kahit na hindi kami pwede. Kasi alam ko sa puso ko na dumating man ang araw na maging masaya ako sa piling ng iba hindi ko pa rin makakalimutan si Phoenix. He will always be in my heart like I know that I will always be in his.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top