CHAPTER 20 ~ Want ~

CHAPTER 20

SNOW'S POV

Hindi kayang makalimutan ng buong pagkatao ko ang boses na iyon. Kahit ilang beses kong ginusto na iwaksi sa isip iyon lalo na ang taong nag mamay-ari no'n.

"Snow?! What the hell are you doing here?"

Pilit kong inaninag ang mukha niya pero hindi ko iyon makita. Pakiramdam ko ay parang dam na kumawala ang mga emosyon ko. I'm yearning to see him. I can't help it. It's a natural reaction for my heart to jump with joy and yet the pain immediately followed.

Pinalis ko ang penlight na nakatapat sa mukha ko at ipinikit ko ang mga mata ko na nasilaw ng lubos. Pagkaraan ay iminulat ko ang mga iyon. Halo-halong emosyon ang nasa mga mata ni Phoenix. Pero kung may isa akong natitiyak ay iyon ang katotohanan na iisa lang ang nararamdaman namin.

"Hi, Nix nix." I whispered. "You're crushing me by the way."

Sandaling tinitigan niya ako na para bang hindi pa rin siya makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan niya at pagkaraan ay nawala na ang bigat niya sa ibabaw ko. Tinulungan niya akong makatayo.

"Hindi pa rin kita matalo." natatawang sabi ko.

Tumalikod siya sa akin at lumapit sa bintana ng unit at sumilip roon. "Anong ginagawa mo dito, Snow?"

"Taylor was my co-worker."

"Co-worker?"

"Nakahanap ako ng trabaho. I was bored and I decided to look for a job since wala naman akong ginagawa. I'm really here for the vacation but..."

"She died."

Tumango ako kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. "Yes. Hahayaan ko na lang naman sana ang nangyari. Casualty during robbery is not uncommon. But she died on my hands and I couldn't do anything."

"It's not your fault."

"I know that but that doesn't change the fact that I could have done something. Nag black out ako, Nix nix. Hindi ko maalala ang mga naituro sa atin at iyon ay dahil wala roon lagi ang atensyon ko. Dahil hindi ko sinseryoso ang trabaho natin."

Humarap siya sa akin. Ilang pagitan lang ang layo niya sa akin pero alam kong pareho namin nararamdaman ang layo namin sa isa't-isa. At alam ko na katulad ko ay pinipigilan din niya na tawirin ang distansiya na iyon.

"I'll handle this-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Hindi kita gagambalain sa kung anong gagawin mo pero hindi ako titigil. I'm doing this even without BHO CAMP's permission."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang kuyom ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ko. I'm stopping myself from running to him. I need to remember why I left.

I didn't left so I could forget him. I just walked away from the pain. Hindi madali makalimot at sa tingin ko hindi posible. Sa tingin ko kasi kapag nagmahal ka kahit ano pa ang maging ending, hindi mo magagawang burahin ang nararamdaman mo para sa kaniya. Maaaring may dumating na mas mamahalin mo o tatanggapin mo na lang na hindi mo magagawang magmahal ng mas higit pa sa ibinigay mo sa taong minahal mo.

"Snow..."

"If you want to make sure that I'm safe then let me come with you. One way or the other hindi din naman ako magpapapigil."

He brushed his hair up in exasperation. Kilala naman niya ako. Natural na ata sa akin ang pagiging matigas ang ulo. "Fine."

Bahagya ko siyang nginitian at ilang sandali lang ay naiiling na sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya.

Hindi ko matitiyak kung anong mangyayari pagkatapos. Kung kakayanin ba ng puso ko na sanayin ulit ang sarili ko na mawala siya pagkatapos nito. But all I'm sure is I will never stop trying. On waiting. On living.

On moving forward.



PINAGMASDAN ko si Phoenix habang inililibot niya ang paningin sa unit ko. Umalis na kami sa apartment ni Taylor at binakante ko na rin ang kinuha kong unit sa tabi ng kwarto niya. Hindi ko na kailangan manatili roon dahil nakuha ko na ang pakay ko.

"Sorry ha? Medyo makalat." sabi ko sa lalaki habang dinadampot ko ang ilang mga libro na nagkalat sa sahig.

Tinignan niya ang mga kalat na tinutukoy ko. "You're training."

Tinignan ko ang direksyon ng mga mata niya. Nasa mga training equipment at sa weirdong microwave na nasa gitna ng sala ang atensyon niya. "Ah, yes. Marami naman kasi akong oras. Nakakainip din palang walang ginagawa." itinuro ko ang sofa. "Upo ka muna. Kukuha lang ako ng maiinom mo."

Bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko na siya at tinungo ko ang kusina. Kumuha ako roon ng canned juice bago ako muling bumalik sa living room. Inabot ko sa kaniya iyon bago ako sumalampak sa sahig. Pilit iwinawaksi ang pagkailang na inilabas ko ang mga nakuha ko sa pintuan ni Taylor. "Nakita ko 'to sa loob ng door panel ni Taylor."

Kumunot ang noo ni Phoenix. "Door panel? Bakit naman niya doon itatago?" binuksan niya ang pulang maliit na wallet. Bumakas ang pagkagulat sa mukha niya.

"Imposible na magkaroon ng ganiyang kalaking pera si Taylor. Pwedeng kaya na nangyari sa kaniya ang bagay na iyon dahil hinahanap nila ang perang iyan?"

"Alam mo na ang ang eksaktong nangyayari?"

Umiling ako. "Hindi. But I have a hunch about Taylor's ex and his friends. Maaaring sangkot sila sa nangyayari."

Tumango-tango si Phoenix. Umangat ang kamay niya kasabay ng pag-angat ng kamay ko para kunin ang isang papel. Nagdikit ang mga kamay namin at kaagad naman akong nagbawi. Patay malisyang kumuha ako ng ibang papel.

Tumikhim si Phoenix at binasa ang papel habang kinakausap pa rin ako. "Grupo ng mga lalaki ang suspect sa mission na ito. Nakarating sa BHO CAMP ang mission dahil may isang Pilipina ang naging biktima. Ayaw namang pagtuunan ng kinauukulan ang issue na ito dahil marami pa raw silang mas kinakailangan na intindihin kesa sa bagay na ito na walang kongkretong lead. Dawn decided to do this free of charge."

"Ano ba ang eksaktong ginagawa nila?"

Inabot sa akin ni Phoenix ang papel na hawak niya at binasa ko naman ang nilalaman niyon.

He's different. I can feel something off with him but I tried to understand him at first. But I should have listened to my intuition before. He's not the man that I fell in love with. It started with his interest in my job then it grew weirder when he asked about the income of the place. -T

Nag-angat ako ng tingin kay Phoenix bago ko pinagpatuloy ang pagbabasa sa laman ng iba pang mga papel.

I'm trapped. I'm scared that he will do something to me or my family if I don't do what he asked me to do. I hate it. I hate stealing at Steam. I don't want to do it but he's pushing me to steal. To give him all the money.

I'm not the only one. My co-worker Lilly was terminated from Steam because she was caught stealing. The thing is because of her they know now the amount of money that Steam is holding and they are expecting me to get it. -T

Ilan pang letra ang mga binasa ko. Lahat ng mga iyon ay nagsasabi kung paano siya inuutusan ng boyfriend niya sa pagnanakaw. Kung paanong itinabi niya ang ilan na hindi nahahalata ng lalaki para mabalik ulit iyon sa Steam.

"Kinukuha nila ang loob ng mga babaeng sa tingin nila ay madali nilang mapapasunod. Pagkatapos ay iyon ang ginagamit nila sa pagnanakaw sa iba't ibang mga establisyemento." bulong ko.

"Paniguradong hindi nila ibinibigay ang totoo nilang pangalan. Ang kailangan natin ay makita ang kuta nila. Magagamit natin ang mga letra na ito laban sa kanila pero kailangan natin ng mas matibay na ebidensiya."

"Anong plano mo?"

"First we need to find them."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko. "Leave that to me."



PINIGILAN kong mapangiwi sa ingay ng mga customer ngayong gabi. May mga dayo at sobrang ingay dahil mga lasing na. Kadalasan naman talaga na sila ang magugulo kapag mga nakainom na.

Tinanguhan ako ni BDW na nagbaba ng limang drinks sa harapan ko. Nginitian ko lang siya at inilagay ko sa tray ang mga inumin at ibinalanse ko iyon sa isang kamay. Walang kahirap-hirap na nagawa kong i-serve iyon sa mga customer.

"Why don't you hang out with us, Miss?" asked a man whose currently holding his fifth bottle of hard liquor. "It would be much more enjoyable with you, hmm?"

Umangat ang kamay niya para hilahin ako pero mabilis akong naka-iwas. Nanatiling nakangiti na hinarap ko ang lalaki. "I'm working, sorry."

"After?" he slurred.

"I'm going home with my boyfriend after."

"Aw...bummer!"

Kinindatan ko lang siya at tumalikod na ako para magtungo sa mini bar. Nakatalikod sa akin si BDW na kasalukuyang ginagawa ang drinks ng customer na nakaupo sa dulo ng bar.

Nanatiling natingin sa kaniya na bahagya kong sinulyapan ang lalaking nakaupo sa high stool sa tabi ng kinatatayuan ko. Phoenix.

"Are you okay?" he whispered.

"Yes." sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa maliit na notebook na hawak ko na animo ay may binabasa roon. "Hindi na nawawala ang mga ganiyan. Noong una medyo nahihirapan ako pero tinulungan naman akong maka-adjust ng mga kasamahan ko."

Tumingin ako sa gawi ni BDW. Busy pa rin siya sa pagawa ng inumin sa kabilang panig ng mini bar habang nakikipag kuwentuhan siya sa customer. Kasama din kasi minsan iyan sa trabaho namin. Pero mas lalo na sa trabaho ni BDW bilang barista at bartender.

Sa BHO CAMP kasi bihira akong makipag-usap sa customers. Looking back, I'm a bit of a spoiled kid before. Well, not just a bit actually.

Napailing ako sa naisip ko at nag-angat ako ng tingin. Saktong pagtingin ko sa salamin ng mini bar ay nakita ko sa repleksyon niyon ang pagbukas ng pintuan ng Steam. "Target entering the premises." I whispered and moved away from the bar.

Humarap ako sa mga papasok at may nakapaskil na ngiti sa mga labi na lumapit ako sa bagong lapit. "Good evening, table one is still available."

Tinanguhan ako ng ex ni Taylor at nilagpasan ako. Habang ang iba pa niyang kasama ay sandaling tinitigan ako bago nagkatinginan. Hindi pa sana sila aalis sa harapan ko kung hindi sila tinawa ng ex ni Taylor na may kasama pang iling.

"Sorry about that, sugar. Val is an impatient drunkard. I'm Connor by the way."

Nginitian ko lang ang lalaki at hindi na ako nagsalita pa. Saglit na pinasadahan niya ako ng tingin. Tingin na gustong ikapanindig ng balahibo ko.

Nang lahat sila ay nasa table one na ay saka ako lumapit sa kanila at kinuha ang order nila at pagkatapos ay muli akong bumalik sa mini bar para ibigay kay BDW iyon na naghihintay na. Habang ginagawa niya iyon ay bumulong ako kay Phoenix. "Target, white, Val. Target, Black, Connor. Other's unknown."

Nang wala akong makuhang response sa kaniya ay bahagya ko siyang nilingon. Natagpuan ko siyang kasalukuyang masama ang pagkakatingin sa gawi nila Val."Nix..."

Hindi siya umimik at nanatili lang siyang nakatingin sa salamin habang ang isang kamay niya na may hawak na kopita ay mahigpit ang pagkakahawak roon na para bang ilang sandali na lang ay mababasag niya na iyon.

Bahagya akong lumapit sa kaniya at marahang kinuha ko ang kopita ng alak, "Relax. I'm fine."

Nagtama ang mga mata namin ni Phoenix. Pakiramdam ko ay napakaraming nais sabihin ng tingin niya na iyon. Gusto kong mag iwas ng tingin pero animo nakulong ako sa mga matang iyon.

"Hey!"

Napapitlag ako at nag-angat ng tingin sa biglang pagsigaw ng kung sino man. Natagpuan ko si BDW na nakaturo sa direksyon namin ni Phoenix. "You!" turo niya sa akin. "And you hot handsome and drooling man! You together? Like lovers like me and Dick?"

"Deck!" sigaw ng lalaki mula sa kung saan.

"Dick my love, I know!" sigaw din ni BDW. Muli niya kaming hinarap, "But you two! Are you like this?" tanong niya at ipinagdikit ang dalawa niyang hintuturo.

"Hindi-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Phoenix kasabay ng pagtakip niya ng kamay sa bibig ko. "Yes, we're together."

Umirit ng pagkalakas-lakas si BDW. "Homayghad! You is handsome like GQ ha!"

Umangat ang sulok ng labi ni Phoenix at inabot niya ang kamay niya kay BDW na parang bulateng nagkikikisay na tinanggap naman iyon. "I'm Nico."

"Hi Nico! You know Stick-o? You're that! Tall and...and...very yummy! I'm Berlinda Dimayukyukan Walangsala from Seattle, Washington! I'm confidently with a heart and beautiful! "

Pinanlakihan ko ng mga mata si Phoenix ng magbaba siya ng tingin sa akin para bitawan ako pero nangingiting nanatili niya akong hawak. "Berlinda-"

"You can say to me BDW." nag bu-beautiful eyes na sabi ng babae.

"BDW, I just wanna ask if Snow can leave early. I only have two days here in Seattle and I really want to spend some time with her."

"Sure!" malakas na sabi ni BDW. "You can stranger making most of the dark! You, Snow, go home! Later okay? Very early. I can handle this you know? I'm strong."

Pilit na tinanggal ko ang kamay ni Phoenix at nginitian ko si BDW. "Thanks, BDW! I owe you one."

She waved her hand as if saying it was nothing and went back on what she was doing before. Nang mukhang absorb na naman siya sa ginagawa ay nilingon ko si Phoenix at kinunutan ko siya ng ilong. Natatawang dinutdot niya ang ilong ko para maunat iyon.

Bagay na lagi niyang ginagawa noon.

Nag-iwas ako ng tingin at tinutok ko na lang ang atenyon ko kay BDW. Nang matapos niya ang mga inumin ay inilagay ko iyon sa tray ko. Bago umalis ay mahinang nagsalita ako na tanging si Phoenix lang ang makakarinig, "Commencing with the plan."

Naglakad ako patungo sa table one kung saan naroroon ang ex-boyfriend ni Taylor na nagngangalang Val at sa mga kasamahan niya.

Ang plano na nabuo ko ay aakto ako na matatapunan sila. Mapapaupo ako sa kandungan ng isa sa kanila at doon o isasagawa ang pagkakabit ng dot tracker sa isa sa kanila. Ang dot tracker ay isa sa imbensyon ng BHO CAMP kung saan ang isang itim at maliit na tila tuldok ay ilalagay sa dulo ng daliri at kapag naidiin sa balat ng isa pang tao ay kakapit iyon at hindi kaagad matatanggal. Magsisilbi itong tracker para masundan ng Experiment department ang makakabitan nito.

Kasalukuyang nakonekta si Phoenix sa Experiment Department. Hindi na ako magtataka kung naririnig ako ng kung sino man ang nasa Experiment Department ngayon. Hindi kasi ako nagpakabit ng LD at micky.

Nakangiting binati ko muli ang mga customer sa table one. Ibinaba ko sa lamesa ang mga baso ng alak at nasa aktong itatapon ko na iyon sa isa sa kanila ng bigla na lamang akong hinila sa braso ni Connor dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya.

Umiling ang ex-boyfriend ni Taylor na si Val na para bang sumusuko na sa kaibigan. "Let her go, Con. Paul wouldn't like this."

"Like I give a shit about him."

Bulong lang ang pag-uusap nila na iyon na parang ayaw iparinig sa akin. Kung hindi pa dahil sa kakayahan ko sa lip reading ay hindi ko maiintindihan ang pinag-uusapan nila.

Hindi na nakakapagtaka kung bakit umiiwas sila Val sa mga babaeng waitress na may sabit na katulad ng ipinarating ko sa kanila. Marami nga namang komplikasyon.

Iaangat ko na sana ang kamay ko para ikabit sa kaniya ang dot tracker. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataon dahil lang sa pagkagulat ko. Halos ito din naman ang balak naming mangyari. Pero bago pa tuluyang lumapat ang kamay ko sa kaniya ay naramdaman ko ang paghawak ng mga kamay sa bewang ko at hinila ako patayo.

Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Phoenix na igting ang mga bagang na nakatingin sa mga lalaki.

"Man, we were having fun." angal ni Connor.

"She's with me." Phoenix said in a grave tone.

Hinawakan ko sa braso si Phoenix para kunin ang atensyon niya pero nanatiling nakatingin lang siya sa mga lalaki na mayabang na sinalubong ang tingin niya. "Nix..."

Nagbaba ng tingin sa akin ang binata. "Let's go. You need to take a shower before you get infected by these things."

Napanganga ako sa lumabas sa bibig niya. Hindi pala salita si Phoenix sa mission. At lalong hindi siya nang-iinsulto ng tao kahit na gaano pang kalala ang sitwasyon. Kaya nakakapagtakang ganito ang inaakto niya ngayon.

Bago pa ako makapagsalita ay itinulak niya ako sa likod niya. Naging mabilis ang mga pangyayari. Sa isang iglap ay nagliliparan na ang mga lamesa at upuan habang si Phoenix naman ay nakikipabuno sa mga lalaki. Hindi niya pinapansin ang mga sigaw ko pati na ng mga tao sa paligid namin.

Kung umakto siya ay para bang normal lang sa kaniya ang makipagbasag-ulo sa isang pampublikong lugar.

"Omyghash! The things! It's breaking!" sigaw ni BDW na yakap-yakap ang cocktail shaker niya. "Dick do something! Be hard! Be angry! Come to them!"

Ipinilig ko ang ulo ko para gisingin ang sarili ko sa nangyayari. Mabilis na nilapitan ko si Phoenix at hinila ko siya paalis sa ibabaw ng duguan na ang mukha na si Connor. Si Val ay nakahalukipkip lang sa isang tabi habang ang iba pa niyang kasama ay inaawat ang dalawa.

"BDW..."

Tinignan ako ni BDW na kasalukuyang umaaktong hinihimatay habang nakasandal kay Deck, "It's okay you can bring your love in the outside. I'll mend this war okay?"

"Okay. Thank you."

Pagkasabi ko niyon ay nagmamadaling hinila ko si Phoenix papunta sa quarter ng mga staff. Isinarado ko ang pinto at pagkatapos ay hinarap ko siya. "I can't believe you." I whispered, still in shock.

"Calm down-"

Nagpapadiyak ako sa inis. "Ang lapit na eh! Nix nix naman!"

"Snow, everything's alright. Nakabitan ko si Val ng tracker nang tumama ang kamay ko sa kaniya bago pa siya makalayo ng magkagulo kami ni Connor."

"But I've got it!"

"I know you do."

Hinintay ko siyang dugtungan ang sinabi niya pero hindi na siya nagsalita pa at nanatiling nakatingin lang sa akin. Bumuntong-hininga ako at tinalukuran ko siya.

Nagtungo kami sa locker. May inilabas ako na dalawang backpack mula roon at inabot ko ang isa kay phoenix. Pagkatapos no'n ay mabilis na ibinaba ko ang suot ko na palda. Sa ilalim no'n ay may suot naman ako na dark brown stockings. Hindi ko na kailangan lingunin si Phoenix para malaman na hindi siya nakatingin sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na nagbihis ako sa harapan niya. Naririnig ko din ang pagkilos niya. Nagpapalit na rin siya ng damit.

Binuksan ko ang bag na hawak ko at may inilabas ako doon na dress na hanggang hita ko. Kasunod no'n ay isang itim na shawl na ipinatong ko sa ulo ko at ang dulo niyon ay sinampay ko sa balikat ko. Mayroong ding itim na gloves at itim na boots sa loob ng backpack. Lastly, my holsters.

Nang matapos ako sa pagbibihis ay nilagay ko sa loob ng bag ang hinubad kong mga damit. Umayos ako ng tayo at nilingon ko si Phoenix. Naka long sleeves siya na itim na may hood, pants na itim at sapatos na itim.

"Let's go." I said to him.

Nauna na akong lumabas sa pintuan na nasa likurang bahagi ng Steam habang kasunod ko naman si Phoenix. Nang makalabas kami ay tinapunan ko siya ng tingin dahilan para makita ko ang gilid ng labi niya.

"Oh God! Nix nix!"

Umangat ang sulok ng labi niya para ngumiti pero dagli ding nawala iyon ng malamang ay kumirot ang sugat niya roon. "I'm fine."

"You're not!" I shouted.

"Focus, Snow."

Kagat ang ibabang labi na nakatingin lang ako sa kaniya. I hate seeing him hurt. Kahit gaano pa kaliit. Ironic isn't it? Ayoko siyang masaktan at ayaw niya akong masaktan pero sa huli parehas namin na nagawa iyon sa isa't isa.

Bago pa niya mabasa ang bumabakas sa mukha ko ay tinalikuran ko na siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. "Kumuha ka na ba ng masasakya natin?" tanong ko.

Hindi naman kasi ako gumagamit ng sasakyan dito sa Seattle. Ang dami naman kasing pampublikong sasakyan. Isa pa hindi naman ako ganoong kagaling magmaneho. Mamaya makadisgrasya pa ako.

Pero ngayon kailangan namin kaya nagpasya si Phoenix na magrerenta siya ng sasakyan na gagamitin namin sa pagmamanman sa mga suspect.

"Yes." Phoenix quietly said.

"What kind of-"

Hindi na ako natapos sa sasabihin ko dahil pagliko namin ni Phoenix ay isang malaking itim na motorsiklo ang bumungad sa akin. Nakangangang nilingon ko ang binata. Hindi naman siguro ito ang gagamiti namin di ba?

"Mas madali kung iyan ang gagamitin natin." sabi ng lalaki na para bang nababasa ang iniisip ko.

"Pero paano ang mga gamit natin?"

Lumapit siya sa motorbike at binuksan niya ang compartment no'n. May hinila siya na isang bag at may inilabas siya mula roon. Baril, Pierce, at kung ano-ano pa.

Kinuha ko sa kaniya ang mga iyon at inilagay ko sa bulsa ng damit ko. Ang baril naman ay kinabit ko sa hoster.

Sumampa siya sa motorsiklo pero nanatili akong nakatayo sa gilid niyon. Being with him is already hard but being this close, can I even handle it?

"Snow?"

"Wait a second."

Heart, time pers muna. 'Wag ka munang umeksana ngayon. Hindi ito ang panahon para sa mga drama natin sa buhay, okay? Focus. Nag-aalangang lumapit ako sa motorsiklo. Isinampa ko ang kanan kong paa sa apakan at itinulak ko ang sarili ko pataas. Tumaas ang kanan niyang kamay at inabot ang akin habang ang isa niyang kamay ay dumapo sa bewang ko para tulungan akong makaupo.

"Okay?"

Napalunok ako at tumango, "Yes."

Dinala niya ang kamay ko sa balikat niya at inilapat iyon roon. "Hold on."

Always. "Okay."

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko habang nanatiling nakalapat ang kamay ko sa balikat niya. Pinasibad niya ang sasakyan at dahil sa bilis niyon ay napausog ako lalo sa kaniya. Ang katawan ko ay nakalapat na sa likod niya habang ang isa kong kamay ay mahigpit na nakakapit sa balikat niya at ang isa pa ay nakahawak sa likuran ng kinauupuan ko.

"Freezale activated the tracker. We're on their track." pagbibigay alam ni Phoenix.

"Got it."

"Tinatanong ni Freezale bakit hindi ka daw nagpakabit ng LD."

Napangiti ako at bahagya akong sumubsob sa likod niya. "Para hindi niya ako kulitin."

"You heard that?" Phoenix asked the other line.

Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko na nanatili ako sa pagsandal sa kaniya. Pagkaraan ay naramdaman ko ang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa kaniya at ibinaba niya iyon.

Rejection hit me hard but it was just for a moment. Dahil naramdaman kong dinala niya ang kamay ko sa bewang niya. Sinunod niya ang isa ko pang kamay hanggang sa halos nakayakap na ako sa kaniya.

Hindi ito ang unang beses na sumakay ako sa likod ng motorsiklo habang siya ang nagpapatakbo. Phoenix was a racer. At kahit na napapagalitan ako nila Momma hindi nila ko magawang pogilan na sumama kay Phoenix, motorsiklo man o sasakyan ang imaneho niya.

For a moment, it's almost like we were back at the time. Iyong mga panahon na wala pa kaming pinoproblema. Na masaya kami na magkasama lang. Panahon na walang nasasaktan.

How I wish that time will just stop. If it's possible, I won't ask for more. Kahit ito na lang sandali na ito ang matira sa akin. But that kind of thing...that kind of wish, never really happens at the real world.

"Almost in position."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Phoenix. Back to reality. Nag-angat ako ng tingin. Mukhang nasa likuran kami ng isang lumang gusali. Mas luma pa sa tinutuluyan ni Taylor at kulang na lang ay ikitakot ko kung bibigay ba iyon sa amin. It looks like an abandoned building that used to be a commercial space.

"Snow. Ready?"

Humawak ako sa magkabila niyang balikat at itinaas ko ang mga paa ko sa upuan ng motorbike. Saktong paglapat ng mga paa ko roon ay nag preno si Phoenix at iniangat ang likurang bahagi ng motorsiklo.

I used his shoulder as leverage and pushed myself up. Hinayaan kong tumalsik ang katawan ko, ang mga kamay kong may suot ng gwantes ay nakahanda na sa harapan ko. Nang tumama ang katawan ko sa pader ng gusali ay kaagad na dumikit doon ang mga kamay ko kung saan activated na ang Sticky.

Walang pag-aalinlangan na gumapang ako pataas hanggang marating ko ang bintana. Mabuti na lang at ordinaryong sliding window lang iyon. Nakakadena nga lang.

Kinuha ko sa bulsa ng damit ko ang Pierce. Imbensyon ng BHO CAMP kung saan kaya nitong i-laser ang kahit na anong bagay.

Ilang sandali lang ay walang ingay na akong pumapasok sa bintana. Alam kong pasunod na rin sa akin si Phoenix.

Nang makapasok sa loob ay mabilis na dumikit ako sa pader. May pinindot ako na dalawang button sa suot kong damit. Sa isang iglap ay bumalot sa mukha ko ang shawl na suot ko hanggang sa matakpan ang mukha ko. At the next moment, every part of me were hidden from view. This is called Masquerade.

Isa ito sa matagal ng imbensyon ng Black Heart Organization bago pa sila makipag-merge sa The Camp. It's not that different from Chameleon Black Suit except it will look less ostentatious if someone sees us. Mas mukha kasing normal na damit lang ang Masquerade hindi katulad ng CBS na over all suit talaga.

Nang matiyak na gumagana iyon ay umalis na ako sa pagkakasandal sa pader at tahimik na tumakbo ako sa pasilyo na kinaroroonan ko. Tumigil ako ng makarating ako sa dulo at nagpalingon-lingon ako.

Security camera, check.

Muli akong dumikit sa pader at dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makalagpas ako sa security camera. Nang hindi na iyon nakaanggulo sa gawi ko ay muli akong tumakbo. Huminto lang ako nang makarinig ako ng mga yabag. Umuklo ako at nagkubli sa mga kahon na nagkalat.

Without wasting time, I pulled out a knife. Hiniwaan ko ng maliit ang kahon at inilusot ko ang kamay ko roon. May nakapa akong plastic sa loob at hinila ko iyon.

Drugs. Great.

Hindi lang pala pagnanakaw ang ilegal nilang ginagawa kundi pati na ang bawal na gamot.

May inilabas ako na maliit na device mula sa bulsa ko. Binigay sa akin iyon ni Phoenix kanina. Korteng puso iyon na may pakpak na kulay pula. May pinindot ako roon at pagkatapos ay itinapat ko sa kahon na naglalaman ng bawal na gamot. Nang matapos ay idinikit ko ang device sa harapan ng suit ko.

It's a small video recorder. Kaya rin niyong mag blend katulad ng CBS. Kagagawa lang daw no'n at hindi pa napapangalanan.

"Snow."

Nilingon ko ang nagsalita. Dahil sa suot na Vision ay namataan ko si Phoenix na pinapagana na rin ang Masquerade.

"Found anything?" I asked.

"Yes. May mga kabataang lalaki sa baba. They are using them to deliver drugs and sell drugs. Even to kids like them."

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Sa lahat ng krimen sa mundong ito, isa ang pagamit sa mga bata para sa mga ilegal na gawin ang kinamumuhian ko. "Those bastards-"

Mabilis na tinakpan ni Phoenix ang bibig ko at hinila ako paupo. Habang ang mga katawan namin ay nakadikit sa pader sa likod namin.

"Shh. Listen."

Inalis niya ang kamay niya na nakatakip sa akin pero nanatiling magkadikit ang mga katawan namin habang nakikinig kami. Pilit na inignora ko ang lapit namin sa isa't-isa at nagpokus.

Tinanggal ko ang video recorder sa pagkakabit no'n sa akin at inilagay ko iyon sa taas ng box kung saan sa tingin ko ay nakatutok sa gawi ng mga nag-uusap. Ilang sandali lang ay naglaho iyon na parang bang wala iyon doon.

"I don't want to continue doing this, Paul! I know they're getting suspicious of me. I can't keep on doing this."

"You will not stop. Not until I tell you to do so."

"They will fire me! Then what? What will you get from that?! Please...please just let me go."

Napapitlag ako nang marinig ko ang isang malakas na sampal kasunod ng pag-iyak ng babae. Automatikong kumilos ang katawan ko na parang gusto kong takbuhin ang kinaroronan ng mga boses pero humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Phoenix na para bang pinipigilan ako.

"Do you know what will happen to your family if you stop doing this, Sarah?"

"You killed my brother." I heard the woman whispered. "They said it was an accident but I know...I know the truth."

"Then use your head! You will continue working at Fusion and you will steal for me."

"No!"

Mula sa pinagkukublian namin ay sumilip ako. Nakita ko ang babae na nakikipagbuno sa lalaki. May hawak siyang baril at pilit na inaagaw iyon ng lalaki. Sa laki ng lalaki alam kong hindi siya mananalo.

Inalis ko mula sa holster ang Mist gun ko at itinutok ko iyon sa gawi nila. Akmang kakalabitin ko na ang gatilyo namg isang malakas na putok ng baril ang yumanig sa paligid.

"Stupid bitch."

Nanglaki ang mga mata ko ng sinipa pa ng lalaking nag ngangalang Paul, isa sa mga kasamahan ni Connor, ang babae na duguang nakahandusay sa sahig.

Mahigpit ang pagkakahawak sa baril na kumawala ako sa pagkakahawak ni Phoenix. "Stupid asshole."

Nanglaki ang mga mata ng lalaki pero kinalabit ko na ang gatilyo ng baril na hawak ko. Walang malay na tumumba siya sa sahig. It won't kill him, unfortunately. Mist is used to neutralize and not to kill.

Mabilis na nilapitan ko ang babae. Pinulsuhan ko siya. Mahina...pero meron. Pakiramdam ko tila nagbalik sa ala-ala ko ang gabi kung saan natagpuan ko si Taylor.

"Nix..."

Lumapit sa akin si Phoenix. Pinulsuhan niya rin ang babae at pagkaraan ay tumayo siya at lumapit sa walang malay na si Paul. Sinira niya ang damit ng lalaki at pagkatapos ay bumalik siya sa babae at inilapat niya ang damit sa sugat nito sa bandang dibdib. "I'm going to carry her."

"Copy."

Pero bago pa niya tuluyang makarga ang babae ay nakarinig na ako ng mga yabag na palapit sa amin. Nagmamadaling tinulungan ko siya sa pagkarga sa babae.

"Hold it!"

"Go!" I said to Phoenix. "Susunod ako. I promise."

Kita ang pagtatalo sa mga mata ni Phoenix pero alam naming pareho na kapakanan ng iba ang kailangan naming unahin. He also know that I can't carry the woman.

Humarap ako sa mga papalapit na tao. Val, Connor and two other men. Lahat sila ay armado. Four. I can handle this. Kailangan ko lang siguraduhin na hindi na sila magtatawag pa. I need to be fast.

Si Val at Connor ay tinutulungan si Paul na mukhang leader ng grupo. Ang dalawa pa ay palapit na sa akin. "Who are you?!"

Imbis na sugudin sila ay tumalikod ako at tumakbo ako sa direksyon na tinahak ni Phoenix. I need to get them away from the others. Dahil kung mananatili ako sa isang puwesto makokorner lang nila ako kapag dumating ang iba pa nilang kasamahan.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay naramdaman ko ang paghawak ng kung sino man sa braso ko. Mabilis na kumawala ako at nagpadausdos ako sa sahig. Iniikot ko ang mga binti ko dahilan para madala at mapatid ang dalawang lalaki.

Isa sa kanila ay nahawakan ang paa ko. I didn't stop moving and instead I raise my left foot before he caught it and pinned his hand that is holding me to the ground. Dahilan para mapasigaw siya at lumuwag ang pagkakahawak sa paa ko. I pulled myself up, my weight on his hand, then I pulled my other foot free from his grasp.

Nang makatayo ay nagpakawala ako ng sipa na malakas na tumama sa mukha niya. Napangisi ako ng makita kong umagos ang dugo mula sa ilong niya. "Serves you right."

My body stilled when I felt movement behind me. Naramdamang kong may marahas na humawak sa bewang ko. Isang iglap ay lumilipad ako at malakas na tumama sa matigas na pader. Kasunod no'n ay may humila sa mga paa ko.

Pero nawala din iyon nang mula sa kung saan ay sumulpot si Phoenix at inatake ang lalaking sumugod sa akin. Nagpakawala siya ng isang malakas na suntok na halos ikatanggal na ata ng ulo ng lalaki na walang malay na bumagsak sa sahig.

"Nix-"

"As if I would leave you." He whispered and helped me up. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng pananakit sa likod ko. Umigting ang mga bagang ni Phoenix. "I'll carry you."

Akmang tatanggi na sana ako pero naudlot iyon ng sunod-sunod na nagsulputan ang mga lalaking tauhan ni Paul. Kinuha ko ang isa ko pang baril sa holster ko at akmang lalapit ako sa kanila nang pigilan ako ni Phoenix at parang walang pakielam sa mundo na kinarga ako.

"What are you doing?!" I asked in surprise.

"Mas mabilis ang mga pulis dito kesa sa Pilipinas."

"What-"

Bago pa ako matapos sa sasabihin ko ay may sumigaw sa likuran namin. "Run! Cops!"

Humawak ako sa balikat ni Phoenix at sumilip ako sa taas ng balikat niya. Napanganga ako ng makita kong kaniya-kaniya ng buhat ng mga kahon ang mga lalaki at nagsipulasan.

Nakangangang nag-angat ako ng tingin kay Phoenix. "But..."

"Nasa BHO CAMP na ang ebidensiya. Automatikong pumapasok roon ang mga kinuhanan natin. Sila na ang magfoforward niyon sa pulisya rito."

"Oh."

"Snow."

"Hmm?"

"I need to report back at BHO CAMP. Bukas na ng gabi ang flight ko pauwi ng Pilipinas."

Animo may kung anong pumiga sa puso ko sa sinabi niya. "I'm not going home."

"I know."

Babalik na muli ako sa realidad kung saan kasalukuyan kong binubuo ang sarili ko. Mundo kung saan wala siya. Habang siya naman ay babalik sa babaeng pinakasalan niya.

Sa asawa niya.



NAKANGITING tumalikod ang nurse na napagtanungan namin. Ayon sa kaniya ay wala na sa kritikal na kundisyon si Sarah, ang babaeng iniligtas namin ni Phoenix. Pinatawag na rin daw ang pamilya ng babae.

Nahahapong umupo ako sa visitor's chair na nagkalat sa paligid ng ospital. Sumandal ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

It was not a hard mission. Sigurado ako na nasa lower mission lang ito. But seeing that woman, it was like seeing Taylor again. Hindi na siguro maaalis sa utak ko ang nangyari kay Taylor. And maybe it's for the better.

Dahil sa kaniya nahanap ko ang sagot kung bakit ako naging isang agent. I found my purpose. Hindi mabubura niyon na wala akong nagawa ng mga panahong nag aagaw buhay siya. But I'm okay on holding that guilt. It will remind me to keep on going.

Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino man sa tabi ko. Nagmulat ako ng mga mata at nilingon ko ang umupo. Si Phoenix.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

"I think so." I whispered.

Binalot kami ng katahimikan. Nanatiling nakatingin lang kami sa isa't-isa. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang bibig ko sa mga salitang nais kumawala roon. Gusto kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong mas masasaktan lang ako. But I can't stop myself.

Ganoon siguro kapag desperado ka na. Desperado na makasama ang taong mahal mo kahit na alam mong malaki ang kapalit na sakit no'n. Even if you know that it will take more from you.

I don't know if I have anything left to give up but even if it's just a piece of my heart that is left unscratched, I'm willing to risk it. "Will you stay with me before you leave?"

"If that's what you want." he said with a small smile.

"I want to know what you want."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi siya sumagot pero kita ko sa mga mata niya ang pinagsama-samang guilt, sakit, at paghahamahal. And even without words I know...I know what he wants.

What we both want.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top