CHAPTER 19 ~ Restrain ~

CHAPTER 19

TRITON'S POV

Nanatiling nakatingin ako sa tablet ko at nagbabasa ng balita. Kasalukuyan kasi akong nakasalampak sa sofa ng office ng asawa kong si Dawn habang siya ay nakaupo sa likod ng desk niya at kausap si Freezale.

"Iyong mission sa bataan si Athena at Hera ang kumuha. Matagal ding nawala si Athena kaya siguro inip na inip na na magkamission." pagbibigay alam ni Dawn. "Puno ngayon ang mga agent kaya pakisabihan ang experiment department na double time tayo ngayon."

"Any international mission?" Freezale asked.

"Ah, yes." sabi ni Dawn na binabasa ang mga files. "Seattle, Washington. Robbery and murder. I gave Phoenix the mission. Ilang oras na lang siguro lalapag na ang eroplano niya roon."

Napatigil ako sa binabasa at gulat na napatingin sa kanila. Mukhang kahit si Freezale ay hindi makapaniwala sa narinig. Kumunot ang noo ni Dawn sa reaksyon namin."What?"

Imbis na sagutin si Dawn ay kay Freezale ako tumingin. "Hindi mo ba sinabi kay Dawn?"

"I didn't." she whispered. "Akala ko ikaw na ang magpapaalam sa kaniya."

Umiling ako at napapakamot sa pisngi na nagsalita, "Hindi ko din nabanggit sa kaniya dahil nagkasakit si Vodka. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon."

"Tell me what?" Dawn impatiently asked.

Napabuntong-hininga ako at nagpaliwanag, "Nasa Seattle din si Snow, sweetheart. Konti lang ang nakakaalam na agent. Karamihan eh pamilya niya. Sinabi sa akin ni Freezale para sana sabihin sa iyo. Hindi naman nagpapanic ang buong BHO CAMP sa pag-alis ni Snow dahil hindi naman siya nagtatago. On vacation lang talaga siya."

Napasapo sa noo niya si Dawn. This past few months were stressful for the both of us. Lalo na kay Dawn na bukod sa pagiging isa sa head ng BHO CAMP ay inaalala pa ang munting supling namin.

"Sweetheart..."

Pinilig niya ang ulo niya at bahagya akong nginitian. "I'm fine." tumingin siya kay Freezale. "Malaki ang Washington. Hindi naman sila siguro magkikita dahil mission naman ang pinunta ni Phoenix."

Hindi sumagot si Freezale habang ako naman ay nakatingin pa rin sa asawa ko na kita pa rin sa mukha ang pag-aalala. Dahil pare-pareho naming alam na kahit na gaanong kalaki ang mundo iba pa rin maglaro ang tadhana.



SNOW'S POV

Hinapit ko ang coat na suot ko at iniwas ko ang katawan ko sa mga tao sa paligid ko na hindi naiiwasang mabangga ako. Nanatiling nakatingin ako sa lupa. Mabuti na iyon bago pa ako mahagip ng kahit na anong CCTV camera.

Iyon ang pagkakaiba ng Pilipinas at America. Mas malinaw ang mga nagkalat na security cameras sa paligid. Madaling ma-identify ang mga tao. Sa Pinas kasi ay iyon ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng trabaho namin. Kapag hindi kasi galing sa BHO CAMP ang kuha sa CCTV camera na gamit ay halos sumabog ang ulo namin kung paano mag identify ng suspect.

"Hey!"

Hindi ko pinansin ang lalaking tumawag sa akin na halatang nakainom. Nagtawanan pa sila ng mga kasamahan niyang nakasakay sa motorsiklo at may mga hawak na lata ng beer.

Tuloy-tuloy akong lumiko sa isang eskinita. May iniswipe ako na card sa isang pintuan ng lumang building roon at mabilis pumasok sa loob. Ibinaba ko ang suot na bull cap at dumiretso ako paakyat sa hagdanan ng gusali. Mabuti na lang at wala ng concierge sa gusaling ito. Iyong nagpapatakbo ay bihirang-bihara rin na lumabas sa unit niya.

Hindi ito katulad sa condo na nirerentahan ko. Bukod sa delikado ang daan papunta sa lugar na ito at malayo sa Steam ay ang baba din ng security.

Dalawang araw na ang nakakaraan ay nag renta ako ng unit sa gusali na ito. Hindi naman naging mahirap at wala ng kinailangan pang mga dokumento na hiningi sa akin nang oras na ipinakita ko ang bayad para sa loob ng anim na buwan. Kaagad kinuha iyon sa akin ng landlord at basta na lang ibinigay sa akin ang susi sa unit 3C at ang access card.

Nang makarating sa palapag na kinaroroonan ng unit ay bahagya akong nag-angat ng tingin sa CCTV camera. Napailing na lang ako ng makita kong hindi gumagana iyon. Lumang klase iyon ng security camera na kasing tanda na ata ng lugar na ito. May maliit na ilaw iyon at base sa nakikita ko ay hindi iyon nakabukas. Mula ng dumating ako rito ay hindi man iyon nabuksan kahit isang beses.

Imbis na tumapat sa unit 3C ay huminto ako sa 3D. Sandaling nakiramdam ako sa mga kwarto na malapit sa kinaroroonan ko pero mukhang kung hindi abala ang mga ito sa panonood ng TV katulad ng naririnig ko mula sa kinatatayuan ko ang iba naman ay wala sa unit nila.

May hinugot ako na pin mula sa buhok ko at mabilis na ginamit ko iyon sa door knob. Isang bagay ito na hindi ko makakalimutan sa BHO CAMP. Sa bagay na ito nga lang ata ako nag enjoy noon lalo na kapag ginagamit ko kay Kuya Thunder kapag pumapasok ako sa kwarto niya sa bahay namin noon at kumukupit sa alkansya niya. Hindi naman ako na-gu-guilty noon dahil binabawi ko lang ang kinukuha niya sa alkansiya ko.

Mabilis akong pumasok ng mabuksan ko iyon at hindi ko binuksan ang ilaw. Ipininid ko ang pintuan at sinigurado kong naka-lock iyon. Pangalawang araw ko na din na nagagawang makapasok sa kwarto na ito. Ang kwarto na pag-aari ni Taylor.

Nandito pa rin ang mga gamit niya na kakaunti lang din naman. Kaya siguro hindi pa kinukuha ng pamilya niya. O maaari ring hindi pa pinagbibigay alam ng pamilya ni Taylor sa landlord na namayapa na ang babae kaya hindi pa rin binabakante nito ang kuwarto. She still has her security deposit anyway.

Nang makarating sa loob ay nahahapong humiga ako sa sahig. Buong maghapon kong sinundan ang grupo ng boyfriend ni Taylor. Wala akong napansin na kakaiba sa mga kilos nila maliban sa kaalaman na ang dami nilang babae. Puro mga waitresses.

Kahit anong gawin kong isip kung may kinalaman ba iyon sa pagkamatay ni Taylor ay wala akong makuhang kongkreto na dahilan. Walang koneksyon. Talaga nga bang simpleng nakawan lang ang naganap?

Gusto kong isipin na ganoon na nga. Na walang saysay ang mission na ito. Pero hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko, hindi pa ako pwedeng huminto.

Kahit sa kwarto na ito ni Taylor ay wala akong mahanap na kakaiba. Hindi ko nga alam kung paano siya nabubuhay ng ganito. It's like she didn't even existed. Walang pictures, walang sulat, walang kahit na anong nagpapatunay na totoo si Taylor. Maliban na lang sa isa niyang uniform ng Steam na nandito at may pangalan niya na nakaburda sa uniporme.

Tumagilid ako ng pagkakahiga mula sa kinahihigaan ko. Napakunot noo ako ng mapatingin ako sa ilalim ng maliit na cabinet ni Taylor na nilalagyan niya lang ng mga bill ng mga babayarin niya. Nakalagay iyon malapit sa pintuan.

Tumayo ako at lumapit roon bago bahagya kong inusog ang cabinet. Napabuntong-hininga ako sa nakita. Screw driver lang pala.

Pabagsak na muli akong humiga sa sahig. "Seriously. Ganito na ba ako ka-bored sa buhay ko at gumagawa ako ng sarili kong mission?"

It was fun living on my own and working at Steam pero ngayon ko nararanasan ang mga nararanasan ng mga agent kapag wala silang mission. Noon masaya pa ako kapag walang trabaho pero ngayon parang hinahanap iyon ng katawan ko.

It's not just about the feeling of working as an agent that I miss. It's the feeling that I take for granted before...the feeling of happiness when I accomplished a mission by saving a life or for giving justice to those who seek for it.

Naalala ko pa noong mga bata pa kami ni Freezale at Kuya Thunder kung gaano kami ka-frustrated dahil hindi namin maipagmalaki ang mga nagagawa ng mga magulang namin sa mga kaklase namin. Dahil hindi namin pwedeng sabihin iyon.

I remember being scared waiting for them to come home and that surge of bliss every time our door open and they would came in. May dala-dala pa laging ice cream si Momma at Papa para sa amin dahil alam nilang hindi kami matutulog ng maaga at iintayin pa rin namin sila kapag galing sila sa isang mission.

Hindi isang tradisyonal na buhay ang pagiging anak ng mga agent. Hindi normal na pamilya. Pero sa kabila niyon hindi nagkulang sa pagmamahal ang pamilya namin.

Ang naging problema lang siguro sa'kin ay masyado akong nakampate. Nasanay. Hanggang sa hindi ko na maramdaman kung bakit ba ito ang ginagawa ko. Nakalimutan ko na kung bakit ba ako naging agent.

And now I found it again. The reason why I'm doing this. I found myself again.

Muli akong napabuntong-hininga at hinagis ko kung saan ang screw driver. Lumagapak iyon sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Taylor pero hindi iyon ang nakaagaw ng atensyon ko kundi ang turnilyo na nakakalat kung saan na biglang tumalsik marahil dahil sa impact ng pagbagsak nang screw driver.

Tumayo ako at kinuha ko ang turnilyo. Kunot-noong tinignan ko iyon. Nagpalingon-lingon ako para hanapin kung saan iyon dapat nakakabit. Nang wala naman akong mapansin na kakaiba ay maingat na binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Taylor.

"Maybe I am the one that have a screw loose that's why I'm doing this." I whispered to myself.

Ikinabit ko ang turnilyo sa latch ng pinto na kulang ng screw at ini-screw ko iyon doon. Aalis na sana ako ng makabit ko iyon nang may mapansin ako. May mga sira sa paligid ng latch ng door knob na parang ilang beses iyong binuksan. Maluwag din ang pagkakakabit ng mga iyon.

Kinatok ko ang pinto at tunog walang laman iyon. Kadalasan kasi ang mga metal na pinto ay may sealant at plastic sa loob. "Okay. Kapag walang nangyari I'm done with this mission. Ibig sabihin lang no'n paranoid lang talaga ako."

Muli kong tinanggal ang turnilyo ng door knob. Maingat na ibinaba ko iyon sa isang tabi para kapag ibinalik ko na ulit sa dati. Nang matanggal ko iyon ay kinuha ko ang maliit na pen light ko at inilawan ko iyon.

Inilusot ko ang daliri ko sa maliit na butas na siyang kinalalagyan ng door knob at latch. I pulled it expecting a dry dirty sealant but to my surprise it's a piece of paper. Kinuha ko ang screw driver at iyon ang nilusot ko sa butas. Sa pangalawang pagkakataon ay may nahugot ulit ako na papel.

Dalawang beses ko pa iyong inulit at dalawang beses din akong nakakuha ng papel.

Inabot ko ulit ang pen light at sumilip ako roon. May namataan akong kung anong pulang bagay na nandoon pero nasa pinakababang part at bahagya ng nahaharangan ng mga natuyong sealant.

Tumayo ako at naghalughog ako sa kwarto ni Taylor nang maaaring maipangkuha ko roon. Lumapit ako sa kama niya at naghalungkat ako sa bed side table pero wala akong nakita. Sa kadesperaduhan ay iniangat ko ang mga unan niya at sa pagkagulat ko ay may metal roon na mahaba at manipis.

"Anong bagay ang tinatago mo para gumawa ka ng ganitong paraan para itago ang lahat ng 'to?" bulong ko.

Kinuha ko ang metal at muli akong lumapit sa pintuan para gamitin iyon at abutin ang pulang bagay na nakita ko. Sa isang kamay ay hawak ko ang metal na bagay habang sa isa ay ang pen light.

Nararamdaman ko na ang pagtulo ng pawis ko sa paligid ng aking mukha pero hindi ko pinansin iyon. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko hanggang sa tuluyan kong nasungkit ang pulang bagay at hinila ko iyon pataas.

Napaupo sa sahig na pinagmasdan ko iyon. Pulang animo sobre iyon na may tali sa itaas na siyang nasungkit ko kanina. Kunot-noong binuksan ko iyon at napasinghap ako sa nakita ko. Money. Six denomination of five hundred euros. Three thousand euros! Napalunok ako. Kung susumahin aabot ito ng higit sa isandaang libong piso sa pesos. Maybe she changed it into that currency so it can be easier to hide. There's no way Taylor can have this kind of money just by working at Steam.

Sandaling nakatitig lang ako sa hawak ko bago ako nagpasya na ibalik iyon sa lagayan. Ibinulsa ko iyon kasama ng mga papel. Sa unit ko na lang titignan ang mga papel na iyon. Sa ngayon ay kailangan ko ng umalis dito.

Ibinalik ko ang door knob sa kinalalagyan nito. Akmang aalis na ako ng kwarto na iyon ng may marinig akong mahihinang kaluskos mula sa labas. Munting mga galaw na para bang ingat na ingat sa pagkilos.

Inabot ko ang pen light at mabilis na pinatay ko iyon. Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Taylor at bahagya ko lang isinarado ang pintuan. Sapat para mas klarado kong marinig ang nasa kabilang panig.

Ilang sandaling nakakubli lang ako sa likod ng pintuan ng marinig ko ang pagbukas ng main door. Tahimik na kinuha ko ang baril sa holster ko. Kung ang landlord ang pumasok o pamilya ni Taylor dapat ay bubukas ang ilaw. Pero kung may iba pang pakay ang papasok ay hindi nito iyon gagawin.

Katulad ngayon.

Sa dahan-dahan na galaw ay sumilip ako sa pintuan. Hindi ko masyadong maaninag ang tao na kasalukuyang naghahalughog sa mga gamit ni Taylor pero nasisiguro kong lalaki iyon. Likod lang niya ang nakikita ko pero malaki ang bulto ng kaniyang katawan.

Nang lumingon siya sa gawi ko ay mabilis na inilapat ko ang likod ko sa pader, ang mga kamay ko ay mahigpit ang pagkakahawak sa baril.

I will try to get out of here without him seeing me. Pero kung hindi ko magagawa...handa akong lumaban.

Pigil ang hininga na pinakinggan ko ang mahinang hakbang ng lalaki na kung normal na tao ang nakikinig ay tila hangin lamang ang mga iyon. But I'm trained differently.

Lumangitngit ang pinto nang binuksan iyon ng lalaki. Tuloy-tuloy siya sa loob habang ang likod niya ay nasa akin. Kumilos ako paatras at patungo sa nakabukas na pintuan nang biglang sa isang iglap ay humarap sa direksyon ko ang lalaki.

Kaagad kong iniwasan ang mga kamay niyang umaabot sa akin at pinadulas ko ang sarili ko pababa sa semento. Pinatid ko siya gamit ng mga paa ko at mabilis na tumakbo ako patungo sa sala. Pero mabilis din ang lalaki dahil naramdaman ko ang paghawak niya sa paa ko at hinila ako pabalik dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

I didn't stop moving. I twisted my body and kicked the man so I could stand up again and run. Nang nasa sala na ako ng unit ni Taylor ay muli akong inabutan ng lalaki. Nagpakawala siya ng suntok na kaagad ko namang iniwasan. Hinawakan niya ako sa braso at sinibukang iipit iyon sa likod ko pero napigilan ko iyon.

He was fast and strong. Sa bawat galaw ko ay nakakagawa siya ng paraan para hindi ako tuluyang makaalis. Marami akong agents na nakalaban sa training...magagaling na agents. Ang iba sa kanila ay nagawa kong talunin at marami sa kanila ang kaya akong patumbahin. But I never met a person other than the agents that can beat me with hand to hand combat and for some reason...there's something familiar with the way he moves. 

Napaigik ako nang malakas na bumagsak ako sa sahig. Naramdaman ko ang bigat ng lalaki na kinubabawan ako. Ang mga kamay ko ay pinagdikit niya sa ulunan ko sa pamamagitan lang ng isang kamay habang ang mga binti ko naman ay inipit niya ng sa kaniya.

Sinubukan kong gumalaw para makaalis pero bago ko pa magawa iyon ay napapikit ako ng tumama sa mga mata ko ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa isang pen light.

"Snow?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top