CHAPTER 2 ~ Grow Up ~
CHAPTER 2
SNOW'S POV
Pumiksi si Brennan dahilan para mapabitaw ako sa kaniya at mapatigil kami sa paglalakad. Malayo-layo na rin kami mula sa pinag-iwanan namin kaila Phoenix at Mira. Nag-angat ako ng tingin at napangiwi ako nang makita ko ang nagbabagang mga mata ng lalaki na halatang hindi nagustuhan ang ginawa kong pagamit sa kaniya bilang alibi ko.
"Brennan, sorry." hingi ko ng paumanhin. Pinatulis ko pa ang nguso ko bago paawang nag-angat ng mga mata sa kaniya at pagkatapos ay inangat ko ang isa kong kamay na para bang nanunumpa, "Hindi na mauulit, promise!"
"I'm not a shield that you can use against them."
Nawala ang ngiti ko at dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko, "Hindi kita ginagamit na shield okay? Just an alibi. Wala lang talaga ako sa mood na sumama sa kanila dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko naman magawang matanggihan si Mira ng diretso dahil ayokong magtampo siya."
Pagak na tumawa si Brennan, "Look at you. You can't even be honest to yourself."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. God, maybe you really don't know because you're so stubborn to make yourself believe that there's nothing wrong."
"Anong-"
"Grow up, Snow. And for once, look at your own heart and those people around you. Para sa huli hindi ka magsisi na wala kang ginawa."
Pakiramdam ko ay sampal ang mga salita niya. Walang kahit na sino ang kumausap ng ganito sa akin. Lagi lang nila akong hinahayaan...lagi nilang inaayos ang lahat para sa'kin. Pero ngayon na kausap ko si Brennan pakiramdam ko wala akong kuwenta. Pakiramdam ko wala akong alam.
"Kung magsalita ka parang naranasan mo na ang mga sinasabi mo." bulong ko.
Sandaling natigilan siya bago siya muling nagsalita, "Alam ko kung ano ang sinasabi ko. Unfortunately, I already know I'm too late. It's a good thing I'm not into it too deep or I'll be fucked up."
"Brennan-"
"Take this as a gift from the man who once thought he's falling for you. You need to wake up and grow up, Snow. Now I need to go because I have a date with a woman who I've been hurting for awhile now. And Snow, that's me doing something. So you should take my advice and make a move too or you'll be too late."
Laglag ang panga na parang kandila na itinulos ako sa kinatatayuan ko habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Take this as a gift from the man who once thought he's falling for you. "Omg! M-Me? Paanong...Omg!"
"Nice show."
Nakanganga pa rin na nilingon ko ang nagsalita. Sandaling nakatitig lang ako sa bagong dating na lalaki na para bang hindi ko siya nakikilala.
Ipinilig ko ang ulo ko na para bang makakatulong iyon bago pilit ang ngiti sa mga labi na binati ko ang lalaki, "Kuya Waine, ikaw pala."
"You should take his advice."
Pinaikot ko ang mga mata ko sa sinabi niya, "Tama na, okay? Halos wala na nga akong naintindihan sa sinabi niya maliban sa-" napatigil ako at nanglaki ang mga mata. "Omg! He's...he's...with me?! Bakit hindi ko alam? Omg!"
"May sarili kang mundo."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at ngumuso ako. "Hindi kaya!"
"May sarili kayong mundo ng best friend mo." Umangat ang sulok ng labi niya nang makita niya ang pagkabigla sa mga mata ko. "Ilang beses na rin kitang nakita na kasama siya. Umiikot ang mundo mo sa kaniya kaya hindi mo nakikita ang mga nangyayari sa paligid mo."
Itinaas ko ang isa kong kamay. "Tama na. Mali kayo ni Brennan. Magkaibigan kami ni Nix Nix kaya lagi kaming magkasama. Iyon lang iyon."
Nagkibit-balikat siya, "Sinasabi ko lang kung ano ang napansin ko. Anyway, it's not my business so you can do what you want to do."
"You got that right. It's a free country I can do what I want yow!"
Tinignan niya lang ako bago umiiling na naglakad na siya paalis. Kunot noong sinundan ko siya ng tingin. That's twice now. Dalawang beses na na hindi gumana ang Baby Cutesey Snow ko.
"Kuya Waine!"
Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Ano?"
"Samahan mo akong bumili ng goldfish!"
"No."
"Please!" I said again while batting my eyelashes.
Sandaling tinignan niya ako at lihim na napangiti ako. Alam kong hindi niya din ako matitiis katulad ng mga agent na sinusunod lahat ng gusto ko-
"No."
Napanganga ako. Don't give up Snow! Napractice mo na 'to mula ng isinilang ka pa lang! Pinalukot ko ang mukha ko na animo ay ilang sandali na lang ay iiyak na ako. "I already said please!"
"You can't get everything you want just because you said please."
"But I want you to go with me!" I said in an exaggerated wail.
"No." mataman niya akong tinitigan bago nagpatuloy, "Not until you ask me like a grown up woman and not like a woman pretending to be an innocent child."
I gasped as if offended, "I am innocent!"
"Maybe. But you're certainly not a child."
Naninigkit ang mga mata na binigyan ko siya ng matalim na tingin pero hindi man lang siya nag-iwas ng mga mata. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagbaba ako ng mga mata habang iniisip ang sinabi niya.
I can just forget about the goldfish and go home. Iyon nga lang ibig sabihin niyon ay malalaman nila Phoenix na hindi ako umalis at malamang sa hindi ay puntahan nila ako ni Mira sa kwarto ko at isasama sa kanila.
"Kuya Waine, pwedeng samahan mo akong bumili ng goldfish? Kung okay lang." bulong ko.
"Marami pa akong dapat gawin." sagot niya at akmang magpoprotesta na ako pero nagpatuloy siya. "But because you asked nicely then okay."
I glared at him. "You're a pain in the butt."
"Be nice, little girl."
"Whatevah!"
INILAPIT ko ang mukha ko sa salamin ng aquarium habang na-a-amaze na tinitignan ang iba't-ibang klase ng isda na nakalagay sa loob niyon. Wala na sana akong balak na umalis kung hindi lang may lumapat na kamay sa noo ko at hinila ako palayo.
Masama ang tingin na nilingon ko si Waine. "Ano ba?!"
"Tinatakot mo ang mga isda."
"Excuse me po ha? Sa ganda kong 'to?"
He rolled his eyes at me and pointed at the salesman who's looking at us back and forth. Tumingin ako sa lalaki at ibinalik ko ang ngiti sa labi ko. "Gusto ko lang po ng goldfish. Meron po ba kayo? Kasi puro orange fish lang po ang nakikita ko eh."
Napakurap ang lalaki sa sinabi ko, "Eh...Miss, goldfish po ang mga ito." at itinuro ang isang aquarium.
Tinignan ko ang tinuro niya at napakunot ang noo ko, "That's orange."
"Goldfish po ang mga iyan Ma'am."
"But it's orange."
Magsasalita pa sana ang salesman pero itinaas ni Waine ang isa niyang kamay para pigilan ang lalaki at iniharap ako ni Waine sa kaniya. "That's a goldfish, Snow."
"It's orange." I said, confused.
Tinignan ako ng mabuti ni Waine na para bang binabasa niya ang mukha ko. Ilang sandali lang ay umangat ang sulok ng labi niya. "Nag-alaga ka na ba dati ng isda?"
"Nope." I answered, my lips exaggerating the 'p' of the word.
"Nakakita ka na ng goldfish?"
Tumingin ako sa ceiling habang nag-iisip pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Hindi pa ata. Bakit?"
"Because that's a goldfish even though it's orange. Okay? Now pick what you like."
Goldfish tapos kulay orange? Weird. Hindi na lang ako nagsalita pa at tinignan ko ang mga isda. Ilang sandali lang ay unti-unti ng nalukot ang noo ko. Pare-pareho lang naman ang itsura nila. Iba-iba nga lang ng laki.
Hindi sinasadiya ay napadako ang tingin ko sa isang maliit na glass bowl na nasa isang tabi kung saan may isang maliit na goldfish slash orange fish na nandooon.
Tumingin ako sa salesman at tinuro ko iyong bowl. "Bakit siya nakahiwalay?"
"Eh Miss, dati kasi kasama rin 'yang si Tilly ng ibang mga goldfish. May lagi siyang kasama na isa pang goldfish ang kaso nabili na. Mula noon naging aggressive na iyang goldfish na iyan at ayaw makisalamuha sa iba. Ilang beses din namin siyang nakita na kinakagat ang iba pang mga isda."
Napasinghap ako, "Oh no. Dapat isinama niyo na lang siya doon sa bumili."
"Nang bumalik iyong bumili sinubukan namin na ibigay na lang sa kaniya pero ang sabi niya namatay na daw iyong binili nila na isda."
Napahawak ako sa dibdib ko at ilang sandali lang ay nangilid na ang mga luha sa mga mata ko. "I'll take that fish."
"Sigurado kayo ma'am? Baka hindi niyo na siya masamahan ng bagong isda."
"Okay lang." sabi ko habang sumisinghot. "I want a bigger square aquarium and those tiny plants and caves."
"Pwede naman ma'am na ibigay na lang namin sa inyo ang bowl. Iisa lang naman siya-"
Pinaningkitan ko ng mga mata ang salesman, "Alam mo ba na mahirap tumira sa maliit na lugar? Idagdag pa na bilog ang bowl na iyon. Ikaw kaya ang tumira sa lugar na paikot-ikot ka lang?"
Napakamot ang salesman at kumilos na para gawin ang gusto ko. Nakasimangot na hinarap ko si Waine nang marinig ko na mahina siyang tumatawa. "What?"
"Saan ka ba ikinulong ng pamilya mo mula ng ipinanganak ka? Sa kweba?" natatawang tanong niya.
Humalukipkip ako at lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Ano bang meron sa mga lalaking nakakasalamuha ko ngayong araw at parang kakaiba ang trato nila sa akin? "Ang sama mo! I'm their baby that's all."
"You're not even the youngest."
"Age is not everything you know?" I said with a roll of my eyes.
Sumandal siya sa pader habang hinihintay namin na matapos ang salesman sa ginagawa niya. Tinaasan ako ng kilay ni Waine at pinagkrus ang mga braso niya. "So bakit ka nga naging ganiyan?"
"Anong bakit ako naging ganito?"
"A woman who acts like a baby."
"Excuse me, I am BHO CAMP's baby."
Umiling siya, "Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Oo at may mga bagay ka na hindi alam pero hindi ibig sabihin niyon ay wala ka na talagang kaalam-alam."
Sandaling natigilan ako sa tanong niya. Pagkaraan ay nagkibit-balikat ako. "Mas madali kong nakukuha kung ano ang gusto ko."
Ilang sandali na tumahimik lang siya habang parang may iniisip. Pagkaraan ay umangat na naman ang sulok ng labi niya na parang may naisip siya na kung ano. "Snow, alam mo ba kung ano ang ginagawa ng lalaki at babae sa kwarto kapag madilim at walang ibang tao?"
Nanglaki ang mga mata ko, "Ang bastos mo!"
"So you know something." he said. "You know what's fellatio?"
Kumunot ang noo ko. Ano daw? I don't really know Waine kahit na ilang beses na kaming nagkita noon dahil naging parte ako ng XX team na binuo noon ni Storm para pabagsakin ang Claw. Kabilang doon si Waine kaya lagi ko siyang nakikita pero hindi kami kailanman nagkausap maliban na lang kapag tungkol sa partikular na mission na iyon.
I didn't know that he's this irritating. "What's that? Fellatio, fellatio...hmm?" Patingin-tingin si Waine sa paligid namin na para bang kinakabahan siya na may makakarinig sa akin pero nagpatuloy lang ako. "Sounds like Gelato to me. You know? An Ice Cream."
Waine guffawed. Tinaasan ko siya ng kilay pero tinakpan niya lang ang bibig niya at sandaling pilit na inayos ang sarili niya. "An Ice Cream? Seriously Snow?"
"Hindi ko alam eh. Duh. Sabihin mo na lang kaya sakin."
"No way." he chuckled. "I-search mo na lang sa google mamaya."
"Whatever."
Napatingin ako sa salesman nang maramdaman ko ang paglapit niya sa amin. Nakita kong nakahandana ang aquarium na bibilin ko pati na ang mga gamit na sinabi ko kanina.
"Okay na po si Tilly, Miss."
Finally. Now I can get out of here.
"TAPOS ayun nga may date pala si Brennan. Siguro sila na lang ng date niya ang bibili ng goldfish niya. Pero dahil sa gusto ko na makakita ng goldfish bumili na rin ako ng sa akin tas ayun nakita ko si Kuya Waine. Pumayag siya na samahan ako."
Tumango-tango si Phoenix na kasama ko ngayon sa Paige's, ang bar dito sa BHO CAMP na ngayon ay puno na ng mga agent. Wala pa rin kaming mga guest dahil nirerenovate pa ang ilang mga lugar dito sa BHO CAMP. Iyon kasi ang excuse na ginamit ng BHO CAMP nang mangyari ang gulo sa Claw kung saan kinakailangan naming isarado ang buong lugar. Pinanindigan na lang nila Dawn ang renovation.
Hindi rin namin kasama si Mira dahil nasa labas ng BHO CAMP ang babae kasama ng mga magulang ni Phoenix na kapwa junior agents noon. Maaga kasi ang fitting ng gown ni Mira bukas at hindi gusto ng nanay ni Phoenix na makita ng binata ang gown. Saka mas malapit din daw ang bahay ng mga magulang ni Phoenix sa pinagpagawaan nila ng wedding gown.
"Hey, Phoenix, Snow." bati ng isang trainee agent na si Killian or in short...Kill. "Usual, Phoenix?"
"Yes."
Tinignan ako ng lalaki at ngumiti. Ang sabi sa akin ng mga agent mayroon daw 'Killer Smile' si Killian kaya bukod sa pangalan niya ay doon nanggaling ang nickname niya. Pero para sa akin wala naman akong kakaiba na nakikita. "Snow, mango juice? Or a surprise?"
Iyan ang lagi niya sa aking tinatanong kapag nagpupunta kami ni Phoenix dito. Alam ko naman na hindi siya seryoso sa alok niya sa akin dahil hindi naman ako umiinom. "Surprise."
Napakurap ang lalaki na para bang sinabi ko na kulay pink ang patak ng ulan. Tumingin siya kay Phoenix at pagkatapos ay bumalik sa akin ang mga mata niya. "Okay."
"Kill." Phoenix said, stopping him.
"Yep?"
"Go easy."
"Of course, Phoenix."
Nang lumayo na si Killian para gawin ang order namin ay humarap sa akin si Phoenix. Mataman niya akong tinitigan, "May problema ba Snow?"
I looked at him innocently. "Of course not. Gusto ko lang sumubok ng iba."
"Lahat ng naging bartender dito ganoon ang tanong sa iyo pero ngayon ka lang nag iba ng pili."
Nagkibit-balikat ako. "I just want to try." Nag-iwas ako ng tingin pero sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ako sa baba at iniharap ulit ang mukha ko sa kaniya. His touch doesn't bother me before but I don't know what's happening to me now. "Nix nix..."
"You can tell me everything, you know that right? I will always do what you want."
I know that and that's what I'm afraid of. Because I know that he'll do whatever I ask him to do. Even if that breaks his heart. Even if it's a selfish request. He'll do it for me.
Pilit na pinakurba ko ang mga labi ko para pumorma iyon ng isang ngiti, "Ang seryoso mo naman, Nix nix. Wala naman akong problema ah. Ako pa ba?"
"Snow..."
Ekseheradong bumuntong-hininga ako. "Fine, fine, I'll be honest. Nalulungkot lang ako na ikakasal ka na."
May kung anong bumakas sa mga mata niya. "Why?"
"Syempre best best best friend kita. Pakiramdam ko kasi bihira na kitang makikita lalo na kapag nagkababy na kayo ni Mira." ngumiti ako kahit pakiramdam ko ay may pumipiga sa dibdib ko. That's just normal Snow. He's your best friend after all. "Nasanay na ako ng kasama kita eh."
"Hindi ako mawawala."
"I know that. Nagdadrama lang talaga ako. But I'm happy for you and Mira! Now...can you do me a favor?"
"Anything." he answered immediately.
"Let's just drink the night away tonight."
"You can't drink too much."
"But you can. Have fun, you know? Mamaya niyan sa sobrang stress mo nakasimangot ka habang kinakasal kayo ni Mira. Hindi maganda sa wedding picture iyon no."
Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. Iyon na ata ang nagiging past time ng mga tao sa paligid ko. Ang titigan ako na para bang isa akong alien na pinadala dito sa planetang Earth para maghasik ng kababalaghan.
"Here's your drink guys!"
Inilapat ni Kill sa harap namin ang mga inumin namin. Kinindatan ako ng lalaki bago siya naglakad papunta sa iba pang agents na lumapit din sa mini bar. Kinuha ko ang alak sa harapan ko at uminom ako na para bang umiinom lang ng juice.
Nanglaki ang mga mata ko at napatili ako. "Omg! Kyaaah!"
Natatarantang hinawakan ako ni Phoenix sa magkabilang pisngi ko at ilang sandali lang ay pinaypayan ang bibig ko. "Snow, are you okay?"
"I think my throat is burning!"
Masama ang tingin na tinignan ni Phoenix si Killian na natatawa lang. Hindi lumingon ang lalaki sa amin pero alam kong naririnig niya kami.
"That crazy guy." Phoenix muttered.
Bahagya akong lumayo sa kaniya at ako na ang nagpaypay sa bibig ko. "I'm fine. Nabigla lang ako. But it taste good."
"Are you sure?"
"Yup!"
Masakit lang siya sa lalamunan sa umpisa pero nawala din naman kaagad. Masarap din ang lasa at hindi mapait. Parang may bahagya pa ngang lasa ng mango juice. Mukhang ginawa talaga ni Killian para sakin.
"Yow, little girl."
Nilingon ko ang nagsalita at napasimangot ako ng makita ko si Waine na palapit sa amin. "Anong ginagawa mo rito?"
"Kukuha ng alak." sinenyasan ni Waine si Killian. "Another, Kill."
"Got it."
Nang umalis na si Killian ay hinarap ako ni Waine. "May tanong ako."
"Ano?" nakasimangot pa rin na sabi ko.
"What is cunninglingus?"
Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Phoenix na para bang gustong ihagis sa labas si Waine. "What the hell, bro?!"
Hindi siya inimik ni Waine at nakataas ang sulok ng labi na tinignan lang ako ni Waine. Pinaikot ko ang mga mata ko. Nasa mood na naman ata siya para inisin ako.
"Cunning means sly right?" I asked. "Lingus...parang iyong sa Aer Lingus? That's an Irish Airline. So it doesn't make any sense to put it together."
Tumatawang kinuha ni Waine ang baso ng alak na inabot ni Killian bago niya ako hinarap. "You have another assignment, little girl."
Nakasimangot na inabot ko ang baso ko at tinungga ko ang laman niyon. Pinigil kong sumigaw at hinayaan ko lang na mawala ang init niyon. Pagkaraan ay sinabihan ko si Killian na gawan pa ako ng isa.
"Easy, Snow." Phoenix said in a warning.
"I'm fine. You should drink too. Sige ka, kapag hindi ka uminom ako ang iinom ng share me. That means I will double my every order."
Bumuntong-hininga ang binata pagkatapos ay ininom na rin ang sariling alak. Saglit lang ay nagbaba ulit ng bagong alak si Killian. Umupo na rin sa isa kong side si Waine na tahimik ng umiinom.
"Don't drink too much, Snow." sabi ni Phoenix.
"Alam ko. Relax ka lang." bumubungisngis na sabi ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon. Hindi ko rin alam na iba pala talaga ang epekto ng alak. Dahil habang tumatagal pakiramdam ko nagsilabasan lahat ng mga emosyon na itinatago ko. Pakiramdam ko padagdag ng padagdag ang bigat niyon sa dibdib ko hanggang sa hindi na ako makahinga.
"Kuya Waine..." I whispered.
Nilingon ako ng lalaki, "Ano?"
Bumuka sara ang bibig ko pero walang katagang lumabas roon. Umiling na lang ako at ngumiti. "Wala."
"Snow." he whispered.
"Hmm?"
"Grow up before it's too late."
Hindi ko alam kung ilang beses ko ng narinig ang mga salitang iyon sa kanila ni Brennan. Sa bawat banggit nila sa mga salitang iyon mas nadadagdagan ang bigat sa dibdib ko.
Grow up...
How?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top