CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 9
DAWN'S POV
Napatayo kami ni Triton at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanila. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam ko na parehong namumutla ang mga mukha namin habang nakatingin sa Original Elites agents na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa amin.
Without a doubt, I know that they heard everything.
I cleared my throat and clasped my shaking hands together when I saw Mishiella Night, my grandfather's Poseidon's half sister, my grandmother, Black Heart Organization's prodigy, at ang babaeng kayang paluhain kahit isang batalyon ng goonsay kasalukuyang mabibigat ang mga hakbang na patungo sa akin.
Even with her age nanatiling takot kaming mga Third Gen sa kaniya at kahit na ang mga Second Gen na kinabibilangan ng ama at ina ko.
"Tell me that I heard you wrong." she said between her teeth.
"H-Hindi ko itatago ang bagay na iyon kung walang dahilan, grandmommy at alam mo iyan. BHO CAMP's well being always comes first for me."
Huminto siya sa harapan ko at umangat ang kamay niya. Hinanda ko ang sarili ko at mariing pumikit. Kasabay ng malakas na pagtama ng laman sa laman ay narinig ko ang pag-aray ng asawa ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na sapo-sapo ni Triton ang pisngi niya na ngayon ay namumula na.
"Grandmom naman..." reklamo ni Triton.
Umismid si Grandmommy Mishy. "Alangan naman ang buntis ko na apo ang sampalin ko eh di ikaw na lang." binalingan niya ako. "But you have a lot of explaining to do, young lady."
Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Alam ko na magagalit sila. Tanggap ko iyon. But I want them to hear me out and that's enough for me.
I'm the granddaughter of Poseidon and Breeyhana Davids, the grand niece of Mishiella Night and Ethan Greene. Kahit na kinakabahan ako sa pagkakatingin nila sa akin ngayon ay kailangan kong panindigan ito. Because I'm holding BHO's legacy and the safety of the family.
"Storm is alive."
Kaniya-kaniyang kilos ang mga lalaking original elites sa pag-alalay sa mga asawa nila na nanghihinang napasandig sa kanila. Maliban kay grandmommy Mishy na nanatiling nakatayo at nakatingin sa mga mata ko, ang asawa niya ay tahimik na nakamasid sa amin.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paglapit sa kinaroroonan namin ng isang pamilyar na bulto. Poseidon Davids.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga balikat ko at marahas na iniharap niya ako sa kaniya. Kumilos si Triton at hinawakan ako sa bewang...nakahandang ialis ako kung may gagawin man ang lolo ko. But I'm not scared.
"Why?" he asked, his voice torn like I'm physically putting him in pain. "Bakit mo tinago ang ganitong kalaki na bagay Dawniella?"
"Dahil iyon ang tama."
He shook me like that move will be able to put some sense on me. "This is not the right thing!"
"Poseidon." awat rito ng lola Mishy ko.
Hindi siya pinansin nito at nanatiling nakatingin lamang sa akin. Nararamdaman ko ang pagbaon ng mga darili niya sa braso ko pero nanatiling pormal ang ekspreson sa mukha ko. "I know what I'm doing, granddaddy."
Hindi na niya nagawang makapagsalita ng bumukas ang pintuan at sunod-sunod na pumasok ang mga agents. Mula Second Gen...hanggang Third Gen. They alerted them. Hindi ako nagbaba ng tingin kahit pa nakita ko ang sakit at galit sa mga mata nila maliban kay Tita Hurricane na panay ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata.
Tumutok ang paningin ko sa kaniya. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko dahil alam ko na nasasaktan ko sila, pinilit ko na magpakatapang. Kumawala ako sa pagkakahawak ni granddaddy Poseidon at umatras ako.
I felt my back hit Triton's front. He moved and held my hand, squeezing it lightly as if giving me strength.
"I want to keep her safe." I said to the room.
"By leaving her out there alone." my father, Warren, said bitterly.
"By letting her live." I corrected. Tinignan ko ang lolo ko na si Poseidon. "Ibinigay mo ang BHO kay Daddy...ipinagkatiwala mo sa kaniya. Inalagaan niya ang BHO at pagkatapos ng ilang taon ay ipinasa niya sa akin. Ipinagkatiwala niya sa akin. O mali ba ako? Ibinigay niyo lang ba sa akin ang posisyon na ito dahil ako ang unang apo sa linya ng mga Davids?"
"I trusted you, Dawn." my father whispered.
Pakiramdam ko ay piniga ang puso ko sa narinig. But I held my ground even if I can feel it crumbling at my feet. "Hindi lang ang posisyon ninyo ang ipinasa ninyo sa akin. Pati responsibilidad...pati ang pamilya. Storm is my cousin and I love her. It broke me when she got violated while I'm still sitting at this goddamn position, it broke me when she died...at kahit na matagal na siyang nawala, patuloy ko pa rin dinala ang guilt ng pagkawala niya. Dahil dapat pinrotektahan ko siya." tumingin ako kay Triton. "Dapat pinrotektahan namin siya."
"You still lied to us." my grandfather said.
"Hindi ako nagsinungaling. Itinago ko lang ang nalaman ko para protektahan kayong lahat. At higit sa lahat, si Storm." iginala ko ang paningin ko sa kwarto. "Sa tingin niyo ba hahayaan ko na nasa panganib lang siya? I have an agent with her."
"Magaling si Phoenix, oo, pero tandaan mo Dawniella nawala sa ating lahat si Storm dahil sa Claw. Sa ating lahat. Ano sa tingin mo ang magagawa ng isang tao laban sa kanila kung tayo nga ay nagawa nilang malusutan?"
I saw surprised and the feeling of being betrayed crossed Snow's eyes at the mention of her best friend's name but I can't focus on that right now.
"Kilala si Storm bilang Serenity Hunt. May iba siyang identidad. And that identity is keeping her safe. Dor now at least. May dahilan kung bakit si Phoenix lang ang ipinadala ko. Dahil ano sa tingin niyo ang mangyayari kung kukunin natin siya o babantayan natin siyang lahat habang nanatiling gumagala ang Claw sa paligid? Hindi lang siya kundi lahat tayo ang malalagay sa panganib. Lahat tayo." kinuha ko ang mga folder sa ibabaw ng lamesa ko at inihagis ko iyon sa gitna ng office ko. Kumalat iyon dahilan para makita nila ang mga larawan ni Serenity Hunt...ni Storm. "Itinalaga niyo ako bilang head ng BHO. Hindi lang responsibilidad ko bilang boss ang ginawa ko kundi maging bilang pamilya ni Storm. Nakabantay sa atin ang Claw at ayokong guluhin ang kakarampot na security na meron si Storm. Alam ko na hindi panghabang buhay na maililigtas siya sa pagtatago na iyon but it will keep her safe with the hope that it will give us more time for us to annihilate Claw. Pero kung makakakita ako ng maliit na chance na nasa peligro ang buhay niya, kukunin ko siya. And that is happening now."
Bumakas ang pagkagulat sa mga mukha nila ngunit nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Ilang buwan na akong nakakatanggap ng report tungkol sa isang killer. The government is calling that killer, SubjectCX. SubjectCX is an executioner of Claw's members. Pili lang ang pinapatay niya pero malinaw kung ano ang ginagawa niya. She's sending a message to Claw."
"She-"
Pinutol ko ang sasabihin ng lolo ko at nagpatuloy. "Yes. She. Dahil si Storm ang pumapatay sa kanila." hinanap ng mga mata ko si Tita Hurricane at sinalubong ko ang luhaan niyang mga mata. "Hindi ko hinihingi na 'wag kayong magalit. Naiintindihan ko. But I want you to know that all I want is to keep her safe. Hindi ko pinagsisisihan ang pagtatago sa inyo ng totoo. If there's any way that Storm can live forever without being entangled with this, kahit na ang kapalit niyon ay mananatiling lihim na buhay siya, handa akong pasanin ang lihim na iyon hanggang sa kamatayan. Pero alam ko na imposibleng magawa kong iligaw ang Claw ng matagal. Lalo na at siya mismo ang gumagawa ng paraan para makalapit siya sa Claw. I didn't expect her security will end this fast but it's time. Sasabihin ko rin sa inyo kapag dumating sa puntong ito. But like I've said...I don't regret my actions."
"Kung hindi hinihingi ng asawa ko na 'wag kayong magalit, puwes ako iyon ang hihingin ko sa inyo."
Napalingon ako kay Triton ng magsalita siya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa akin at hinarap ang mga pamilya namin na tahimik lang na nakikinig.
"May sakit si Storm. Hindi niya naaalala lahat. May bago na siyang buhay ngayon. It was enough for us to know that she's safe for awhile. My wife's pregnant but she's working non stop just to give Storm a chance to live. She don't want Storm to experience the pain of working as an agent again. Pero nito lang ay nalaman namin ang ginagawa ni Storm. Na siya mismo ang lumalapit sa panganib. Kaya iisa lang ang susunod na gagawin namin at iyon ay ang sabihin sa inyong lahat ang mga nangyayari. This is not my wife's fault. Keeping it a secret is no one's fault. Ginagawa namin ang trabaho namin at higit sa lahat ginagawa namin ang responsibilidad namin kay Storm." matapang na tinignan niya ang ama ko at ang lolo ko. "Naging magaling na head kayo ng BHO but my wife is great too. Maybe even better than you are. Nawala sa inyo ang David's Agency, bumangon kayo at binuo niyo ang BHO, pinatumba niyo ang B.E.N.D. at ang iba pang nais kayong pabagsakin. Now BHO CAMP's been under attack by a force greater than B.E.N.D. and a force than can face BHO CAMP's devices and gadgets. Pero nandito pa rin tayo. Nakatayo pa rin tayo. Hindi pa tayo bumabagsak dahil sa asawa ko. So please don't be angry at her or lose your trust in her. Dahil lahat ng ginagawa niya ay para sa inyong lahat."
Namayani ang katahimikan sa paligid namin. Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon sa mukha ng dalawang former boss ng BHO sa sinabi ni Triton. Ang iba naman ay tahimik pero wala na ang galit sa mga mata at tanging sakit na lang ang nakalatay sa mga iyon. Sakit mula sa katotohanan at takot na umasa.
My eyes went to Sky and I saw understanding in her eyes then to Tita Hurricane, who's still crying but she able to smile and nod at me.
"Wow. Ang haba ng sinabi ni Triton ah. Dale, ipagtanggol mo nga din ako ng ganoon para kiligin ako." basag ni grandmommy Mishy sa katahimikan.
Ngumiti si granddaddy Dale at lumapit siya sa amin. Dinutdot niya ang tapat ng puso ni granddaddy Poseidon at ganoon din ang ginawa niya kay daddy bago nagsalita. "Naging magaling na head kayo ng BHO. But my wife...Mishiella Greene Night is great too. Maybe even better than you are."
"Woo! I love you Dale!"
STORM'S POV
"Ma, alis na ako ha? Pakisabi na lang kay Papa pagbalik niya."
Humalik ako sa pisngi ni Mama na nginitian ako at marahang tinapik sa pisngi. "Mag-iingat ka sa pagdadrive ha? At bumalik ka kaagad."
"Syempre naman, Mama."
Imbis na umalis na ay nanatili akong nakatingin sa kaniya. Huminga ako ng malalim at ngumiti pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya sa pagkagulat niya. Yumakap ako sa kaniya na ikinatawa niya ng mahina. "Ano ka ba naman, anak? Ano bang nangyayari sa iyong bata ka?"
"Thank you, Mama, ha?"
"Para saan naman?"
Humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Wala lang. Gusto ko lang magpasalamat sa iyo. Ang bait niyo kasi sa akin ni Papa."
Hinaplos niya ang maikli ko na buhok at hinawi niya ang ilan na tumatabing sa mukha ko. "Anak ka namin, Serenity. Syempre magiging mabait kami sa iyo. At saka minahal ka na namin."
Hindi ko pinahalata sa kaniya pero rinig na rinig ko ang kakaiba sa sinabi niya sa akin. Kumawala na ako sa kaniya at nakangiting tumayo na ako. "Alis na ako, Ma. Uuwian na lang kita ha?"
"Sus, kahit wag na. Basta ligtas ka lang na umuwi."
Tuluyan na akong lumabas at dumiretso sa kinapaparadahan ng sasakyan. Hindi ko kinakailangang tumakas. Kaya lang naman talaga ako tumatakas sa gabi ay para hindi mahalata nila Mama ang lagi kong pag-alis. But since ilang linggo na rin ako hindi lumalabas base sa pagkakaalam nila ay nagawa ko ngayong magpaalam sa kanila.
Kinakailangan na gabi gawin ang plano ko pero wala akong magagawa kahit na maaga pa ngayon. Baka hindi na dumating pa ang pagkakataon na katulad ngayon kaya kahit maaga pa ay kumilos na ako.
Ilang oras din ang lumipas dahil sa naipit ako sa traffic. Inaasahan ko na iyon at hindi naman ako kinakabahan na baka mahuli ako. Alam ko na makakarating ako sa tamang oras.
An hour and a half later, I was parking my car on a mall while wearing a leather jacket, a bull cap and a mouth mask. Sumakay ako pagkatapos sa isang pampublikong transportasyon na magdadala sa akin sa isang simbahan rito sa Maynila. Habang hinihintay na makarating roon ay nakatutok lang ang mga mata ko sa cellphone ko.
Nang huminto ang sinasakyan sa isang simbahan ay mabilis na bumaba ako. Marami ng tao sa loob ng simbahan at maging sa labas ay siksikan na ang mga tao. Nilapitan ko ang isang kotse at saglit na nagtagal ako roon bago ako pumasok sa loob at nakisiksik sa mga tao. Sandaling napatigil ako ng mapatingin ako sa gitna ng altar. Sa krus.
Iniwan mo ako. Naging ganito ako dahil pinabayaan mo ko. I don't even know if you are still there. If you're listening to us. O totoong natutulog ka na dahil hindi mmo na kami naririnig. Hindi mo ako narinig.
Nagbaba ako ng tingin at inilabas ko ang cellphone ko. Lumabas ang isang pulang tuldok sa screen. Sinundan ko iyon at ng matunton ko ang kinaroroonan ay sumilay ang ngiti sa mga labi ko.
It's so easy hacking Key's system. Pero mas madali na pasukin ang mobile device ng taong ito. Napakadali niyang hanapin.
May pinindot ako ulit sa cellphone ko. Hindi ako nag-angat ng tingin mula roon pero kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin ng isang babae sa cellphone niya.
"Hon, nagtext sa akin si Michael. Sunduin ko daw siya sa lugar malapit dito at nasiraan siya ng sasakyan."
"Hon naman hindi naman tayo pwedeng umalis."
"Ako na lang ang aalis. Saglit lang naman ako at babalik ako kaagad." paalam ng babae.
"Isama mo na iyang si Mica at baka umiyak lang iyan dito."
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paghalik ng babae sa lalaki at naglakad na siya paalis habang hawak sa kamay ang isang sa tantiya ko ay nasa tatlo na taong gulang na batang babae.
Kinalabit ko ang magkasintahan na nasa tabi ng lalaki na naiwan at hindi naman nakikinig sa pari dahil naghaharutan lang. Tumingin sila sa akin pero hindi ako nagsalita. Naglabas ako ng isang libo at ibinigay ko sa kanila iyon bago ko sila sinenyasan na tumayo.
Kaagad na kinuha sa akin ng lalaki ang isang libo at hinila patayo ang girlfriend niya na wala ng nagawa.
Umupo ako sa tabi ng lalaki na nakatutok ang mga mata sa paring nagsasalita. Umangat ang sulok ng labi ko. "Kamusta, Detective Bach?"
Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya kasabay ng paglingon sa akin. Akmang tatayo siya pero umiling ako at pinigilan siya sa balikat. "Huwag kang masyadong excited, Detective. Hindi pressure wired iyang kinauupuan mo 'wag kang mag-alala. Wala kasi akong balak na mamatay kasama mo." itinaas ko ang kamay ko na may hawak na maliit na itim na parisukat. Kasing laki lang siguro iyon ng maliit na cellphone. "Pero kapag nainis ako, pipindutin ko ito. At ang asawa at ang anak mong babae ang magkasamang mamamatay."
"A-Anong kailangan mo sa akin?"
Bahagya akong lumapit sa kaniya at bumulong. "Hindi mo pa ba alam? Alam mo noong una kitang makita, gustong-gusto na kitang alisin sa mundong ito. Pero gusto muna kitang pakabahin kaya hinayaan kitang mabuhay."
"H-Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."
"Detective Nelson Bach. A Claw spy for the government. A key to everything. Kaya nga ikaw ang naging head ng Key Agency di ba? Para maging susi at makalusot ang Claw sa maraming mga bagay. Halimbawa noon ay nang matipuhan ni Warner Claw si Eunice Dalton, ang asawa ng kasamahan mo. Hindi nahuli ang Claw di ba kahit na halos magawa ng masolba ni Detective Elliot Dalton ang lahat? Nawala sa kaniya ang lahat ng impormasyon at ebidensiya dahil sa iyo."
"Idadamay mo ang pamilya ko para sa paghihiganti mo?"
"Oo. Kung iyon ang kinakailangan."
"Wala kang awa-"
Natahimik siya ng inilabas ko ang patalim ko. Kitang-kita ang pamumutla sa mukha niya. "Alam mo Detective Bach hindi naman ikaw dapat ang target ko. Iyong mga nakakakilala lang sa akin na miyembro ng Claw. Iyong mga taong nangungutyang nakatingin sa akin dahil ako ang bagong laruan ni Wyatt Claw. Kaso sa kakahanap ko sa kanila nakita kita. Mas malala ka pa pala sa kanila. Kaya, oo. Wala akong awa lalo na sa taong katulad mo."
Tinignan ko ang orasan ko. Hindi ko maaaring isakto ang oras ngayon sa gagawin ko sa kaniya. Hindi ako maaaring magpagabi...kaya ibang paraan na lang ang gagawin ko.
Tumingin ako kay Detective Bach at hinawakan ko ang kamay niya na may orasan. Kitang kita sa mukha niya ang mas lalong pamumutla ng sirain ko ang relos niya at itapat ang mga kamay niyon sa oras na gusto ko. 8:02. Hindi pa doon natapos dahil sinulatan ko pa iyon para lagyan ng 'PM'.
"A-Ayoko pang mamatay. Kailangan ako ng pamilya ko. Ituturo...ituturo ko sa iyo kung nasaan si Wyatt Claw, wag mo lang...wag-"
"Hindi ko kailangan ng tulong mo."
Umangat ang kamay ko na hawak ang kutsilyo ko, ang Reaper, at akmang itatarak ko iyon sa kaniya ng maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa kamay ko. Agad na kumilos ang katawan ko pero dahil sa biglaan kong pagkilos ay nabitawan ko ang hawak ko na detonator.
Malakas na napamura ako na natakpan naman ng mga nagkakantahan na tao sa simbahan nang makita ko na kinuha ni Detective Bach ang device at mabilis na tumalilis ng takbo paalis.
Nagbabaga ang tingin na hinarap ko ang pumigil sa akin kasabay ng pag-igkas ng kamao ko pero nahinto iyon sa ere ng makita ko ang tao na pumigil sa akin.
Isang tao na kamukhang-kamukha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top