CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-FIVE
“WHAT do you want for dinner later? Hmm?” Kung hindi pa panlambing yung hmm niya, talagang niyakap pa ako ni Cayden habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko.
We just woke up after that passionate night. Inabot pa kami ng madaling araw, pero parang kompleto ang tulog ni Cayden kung makaasta siya ngayon. Plus, kagigising nga lang tapos dinner na agad ang topic.
“Or do you want to eat out?” Cayden planted soft kisses on my neck and shoulder as his arm on my waist tightened a little. “May nakita akong bagong bukas na Ramen house malapit sa—”
“You already have me at ramen,” I quickly cut him off. My eyes, shining and my mouth, watering.
I heard him chuckle before finally moving his body to my side to look at me. I mean stare. He’s just staring at me with that pretty, satisfied-looking smile on his lips.
Damn. This man’s making my heart pound just by doing nothing.
Cayden then carefully caressed my cheek. “Amara…”
“Hmm?”
“I love you.”
Dumoble naman ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko saka ako napangiti. “I love you too, Cayden.”
Hindi ko alam kung epekto ba ‘to ng lintek na pag-ibig na ‘to, pero parang mas lumiwanag ang ngiti ni Cayden sa akin bago niya ibinaba ang mukha niya para halikan ako sa labi.
Other than that sweet moment, everything else seemed normal. We went to fix ourselves, took turns taking a shower, had breakfast together, and moved separately to go to our work.
Pero kung may kakaiba man sa araw na ito ay iyon ang pakiramdam na parang ang gaan-gaan ng dibdib ko. Na para bang lahat eh ngingitian ko. Parang walang makakapa-bad mood sa akin.
“Aba… Anong meron? Ang daming nakatambak na papel sa desk pero kung makangisi, ‘kala mo may sweldo na.”
Nilingon ko naman si Esther. “Good morning din sa’yo, Madam Esther. Ang ganda-ganda mo today,” ani ko saka bumalik sa pagtatrabaho.
“Aware naman ako, pero anong meron? Nag-file ka na naman ba ng leave with pay?”
Umiling naman ako saka ngumisi. “Wala. Ang ganda lang ng panahon.”
“Ay nadiligan siya.” Hindi ko naman napigilang matawa, buti na lang at kaming dalawa pa lang ang nasa office. Napailing naman siya sa reaksyon ko. “Kaya pala blooming na blooming si anteh.”
Nang hindi na ako nagkwento pa ay nagkaniya-kaniya muna kaming trabaho. Mas okay rin kung matatapos ko kaagad ito para hindi ko na kailangang mag-extend. Plus, gusto kong may bilhin muna bago kami kumain ni Cayden. Sinabihan ko rin kasi siyang ‘wag na akong sunduin at pupuntahan ko na lang siya sa trabaho niya.
At first he did not agree, which is to be expected, but after a few more persuasion, he let me be. Naisip ko na rin kasing may madadaanan akong cutesy na shop, baka may mahanap akong kung ano man na magugustuhan niya.
Once lunch came, I received a message from Cayden.
Cay 🦖:
I’m at your building. Wanna have lunch with me?
Bahagyang nanlaki naman ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Ganito ba talaga kapag in love? Baka bigla pa akong magka-heart attack nito ah?
“Louise, lunch na. Tara,” yaya ni Esther na nagpalingon sa akin.
“Nasa baba si Cay, nagyayaya ng lunch. Sama ka sa’min.”
Umangat naman ang kilay niya. “Aba. Sa ilang taon na natin dito, ngayon lang nagyaya si best friend ah?”
Mahina naman akong natawa saka tumayo at kinuha ang bag ko. “Tara na nga. Kakain lang naman eh.”
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa elevator. “Ay hindi. Nung nakaraan lang, parang gusto mo nang umamin eh. Tapos papasok nang ngising-ngisi. Tapos biglang sabay mag-lunch?”
Muli akong natawa. “Bahala ka riyan. Basta kakain lang tayo.”
“Ayos lang ba kay BFF Premium na third wheel ako?” pang-aasar niya na ikinangisi ko na lang. Ayaw pa akong tantanan ng mga mata ni Esther na para bang hindi niya na kailangang buksan ang bibig niya, gets na gets ko na ang gusto niyang sabihin.
Pagkarating namin sa lobby ay agad kong nakita si Cayden. May kausap siya sa phone pero nang makita ako ay kinawayan niya ako’t nginitian. Lumapit naman kami roon ni Esther—pero syempre, kailangan pang mangurot ng babaitang ito para lang mang-asar.
Saktong nasa harapan na niya kami nang ibaba niya ang phone niya. “Hi, Esther,” bati niya, bago inalahad ang kamay sa harapan ko. “Saan niyo gustong kumain?”
Nang-aasar naman akong tiningnan ni Esther nang tinanggap ko ang kamay ni Cay. Taena, HHWW pa talaga oh! Kalma lang puso! Nakararami ka na kanina pa eh!
“Ako, kahit saan. Makiki-third wheel lang naman ako eh,” sagot ni Esther na ikinatawa namin ni Cayden.
After a short while, we’ve all decided to eat lunch in a simple Filipino restaurant. We had work-related conversations and Esther’s never-ending subtle teasing. As for Cayden, there was nothing subtle about his intentions. Hindi man kami umaamin kay Esther verbally, obvious na obvious naman sa kilos ni Cayden.
The wiping of the side of my lips, cutting the meat on my plate, and even asking me what else I want. Basta, whatever he was doing, screamed affection, and Esther could hear it so well.
After lunch, hinatid muna kami ni Cayden sa building bago siya bumalik sa trabaho niya. Si Esther naman ay automatic na kumapit sa braso ko. “So upgraded na si BFF Premium? May Pro Max na bang karugtong ‘yan?”
Natawa naman ako. “Siraulo. Concern lang yun, saka baka may extra time lang—”
“Ulol.” Mas natawa naman ako.
Hindi pa namin napag-uusapan ni Cayden kung sasabihin na rin namin sa iba ang tungkol sa relasyon namin. Pero kung ibabase ‘yung sagot niya sa kilos niya kanina… “Oo, boyfriend ko na siya.”
“NASABI ko kay Esther kanina na magjowa na tayo,” bungad ko kay Cayden pagkatapos niyang maligo at saka pumwesto na sa sofa kasama ang laptop. Si Noir ay ayaw lumabas ng kwarto ko kahit niyayaya ko nang manonood kaming pamilya ng movie. Hindi siguro siya fan ng mga aso. Bigla ba naman akong tinalikuran nung sinabi kong manonood kami ng Paw Patrol.
“Oh… Akala ko alam na niya.” I flatly looked at him while I settled my snacks on the coffee table. Inangat naman niya ang tingin niya sa akin saka mahinang natawa. “Akala ko talaga nakwento mo na kaya sinama mo siya kanina.”
Inirapan ko naman siya. “Anong naisip mo at bigla ka na lang nagyayang mag-lunch nang sabay?” Tuluyan na akong naupo sa sofa saka ipinatong ang ulo ko sa handrest at ang mga binti ko naman sa kandungan niya.
Katulad ng dati ay pinatungan muna ni Cayden ng unan ang binti ko saka niya inilagay ang laptop niya roon para magtrabaho. “Why? Uncomfortable?”
Tiningnan ko muna siya ng ilang segundo at pinanood siyang mag-focus sa trabaho niya bago ko ibinalik ang mga mata sa TV. “Hindi naman. Naninibago lang.”
Muli siyang natawa. “I wanted to spend my time with my girlfriend. Can’t I?”
Nilingon ko naman siya’t nakitang nakatingin sa akin. With the way he was staring at me, my heart automatically beat fast and blood rushed to my cheeks. Napanguso na lang ako saka tumingin sa TV para iwasan ang tingin niya. Nakakapangtunaw ang titig ng bwiset! “Pwede naman.”
Narinig ko naman siyang natawa ng mahina. Akala ko ay magfo-focus na siya sa laptop niya nang maramdaman ko siyang inalis ang unan sa binti ko’t inilapag ang laptop sa coffee table. Hindi ko naman siya nililingon at pinapakiramdaman ko na lang ang bawat galaw niya, kaya naman medyo nagulat pa ako nang maingat niyang inalis ang mga binti ko’t pinapatayo ako.
“Ba’t?” tanong ko pero tumayo pa rin naman ako’t pinanood siya sa pinaggagagawa niya.
Inayos ni Cayden ang sofa hanggang sa maging bed iyon saka niya ako pinabalik sa pagkakahiga. Magtatanong pa ulit sana ako nang humiga naman siya sa likuran ko’t iniyakap ang isang braso sa bewang ko. “Tara na, manood na tayo ng Paw Patrol.”
Ang mga mata ko ay nanatili sa screen at kusang gumalaw ang kamay ko para i-play ang palabas, pero ang mukha ko… TAENA NAMAN TALAGA, CAYDEN!!
But despite feeling overly embarrassed with the situation, with my heart beating so loud, I could not stop myself from feeling the comfort. Ganito nga talaga siguro yung pakiramdam kapag nasa tamang tao ka na. Parang ang gaan sa pakiramdam.
We finished the movie in that position and when it was time to get up and sleep in his bed, I asked him the question that has been playing in my mind since this morning, “Wanna tell our parents & friends?”
H | Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top