CHAPTER THIRTEEN


CHAPTER THIRTEEN

THE moment that I have been waiting for — ayy lahat pala kami — is here! OMG! "Hi!" Anlaki-laki ng ngiti ko nang buksan ko ang pinto ng unit namin. "Aaaaahhhh!"

"Halaaaa!" Obvious din naman ang saya kay Kamila pero mahinhin version ang kaniya.

"Hala nga, si Mara, masyadong excited," natatawang komento ni Mariana nang makapasok na silang dalawa.

Inabot naman ni Kuya ang bags nung dalawa saka inilagay muna sa kwarto ko katulad ng usapan namin kanina. "Sabi ko sa inyo, masyado siyang excited eh."

Mas lumaki naman ang ngiti ko habang nakayakap sa bewang ni Kamila. "Ngayon lang ulit tayo nagsama-sama, pa-overnight pa, so yes, let me be."

"Ana, anong ginagawa mo riyan? Ako nang bahala—" dinig kong sabi ni Kuya dahil pumalit na si Ana sa kaniya sa kusina at pumwesto sa harap ng induction.

"Kami, nood tayo ng KPOP Demon Hunters?" nakangisi kong yaya sa kaniya nang makaupo na kami sa sofa.

"Hala, sige, gusto ko 'yan." Mabilis ko namang inabot ang remote saka pinlay yung movie.

We watched the movie until those two informed us that dinner was ready. After a short prayer, we all enjoyed our meal and talked about tomorrow's itineraries

"Mr. Salvador, baka balak mo 'kong gisingin bukas para magluto ng breakfast at lunch natin kaysa magsolo ka," ani Mariana kay Kuya dahil nagdi-distribute na kami ng gawain para bukas.

"Noted, Ms. Toralba. Kahit ikaw na magluto ng lahat, hadlang ata ako sa pagluluto mo eh," natatawang panggagaya ni Kuya sa vibe niya.

Natawa lang din naman kami ni Kamila. Maliban kasi sa amin ni Kuya, 'yang dalawang 'yan din ang mahilig na nagtatalo. Parehong matalino, at parehong 'yun ata ang hobby.

Si Mariana, obvious nang mahilig makipagtalo at bagay sa kaniya yun dahil nagpa-plano na siyang magtuloy sa pagiging abogada. Si Kuya naman, maliban sa trip niyang pagtrip-an kaming lahat, kaya niya rin talagang sabayan si Ana. Si Kamila, ito, tahimik. Ang pagmamahal niya lang sa KPOP ang nagpapadaldal sa kaniya madalas, pero g na g din naman siya kapag nagyayaya kami ng gala or gagawin.

"May request kang pang-lunch natin bukas, Kamila?"

Tinanong ko rin naman sila muna. "Wait, picnic tayo bukas sa Burnham Park for lunch, tama?"

Tumango naman sila. "Yeah. So bago mag-suggest ang iba, ano muna iyo, Kami?"

Napaisip naman ang Snow White. "Hmm... Kahit ano, okay lang sa akin—"

"Walang kahit anong pagkain," sabay-sabay naming tatlo na sabi na siyang ikinatawa ni Kamila.

"Uhm... Magluluto ba kayo ng spaghetti? Parang masarap spaghetti eh."

Para naman akong naglaway roon. "Ako rin, parang gusto ko rin ng spaghetti."

Napailing na lang sina Kuya at Ana. Our dinner was lively, filled of kwentuhan about our current jobs and how's everyone, their families and future plans.

And like what I've suggested, we were all sleeping on a mattress in the living area. Ang pwesto namin ay nasa kaliwang dulo si Mariana, tapos si Kamila, tapos ako, tapos dulong kanan si Cayden. Bago matulog, nagk-kwentuhan pa rin kami hanggang sa nauna nang nakatulog si Kamila kaya nagsi-sunuran na rin kami.

Nang magising ako ay nagluluto na si Ana ng almusal habang si Kuya naman ay inilalagay na ang mga tupperware sa isang bag. Luto na agad ang para sa lunch namin?

Dahan-dahan akong bumangon habang nagkusot pa ng mga mata. "Sa'n si Kami?" I even covered my mouth to yawn as I looked around.

"Mornin'," bati ni Kuya saka itinuro ang banyo. "She's taking a shower. Ikaw na sunod niya." Tumango naman ako saka nagligpit ng pinaghigaan naming lahat at ipinasok iyon sa kwarto ni Kuya, na siyang umalalay agad sa akin.

"Ready na lahat ng food?" tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa kwarto niya at ipinupwesto sa ilalim ng kama ang mga kutson. "Nakaligo ka na rin? Pati si Ana?"

"Yes, yes, and yes. Everything's set. Kayo na lang ni Kami ang maliligo tapos bababa na tayo. You've already prepared your backpack, right?"

I nodded. "Yeah, I even bought a new toothbrush at baka makalimutan kong ilagay yung toothbrush ko after kong gamitin mamaya." Napailing naman si Kuya pero kita kong may ngiti naman sa labi. 'Diko sure kung dahil ba proud siya sa ginawa ko o inaasar na niya ako sa utak niya eh. Hindi ko na lang pinansin at baka grumpy ako umagang-umaga. "By the way, Kuya..." As usual, he gave me his full attention, patiently waiting for my next words. "Are you sure that you're okay na magkatabi tayo pagtulog?"

Ilang sandali naman siyang tahimik na nakatitig sa akin hanggang sa sumagot na siya ng, "Parang hindi, pero pwede na."

Ilang beses naman akong napakurap dahil ang seryo-seryoso ng mukha niya. "H-Huh? Hindi ka komportable 'no?" pagpapaklaro ko.

He acted as if he was thinking deeply. "Hindi naman." Biglang sumilay ang nakakapikon niyang ngiti. "Sadyang malikot ka lang matulog at baka itulak kita paalis ng kama."

Mabilis kong inabot ang unan sa kama niya saka yun hinampas sa kaniya. Siraulo talaga eh.

Tumawa lang naman siya saka dinapensahan ang sarili kahit hinahampas ko pa rin siya. "Ba't kasi hindi ako magiging okay eh matutulog lang naman? You're overthinking things again, Amara."

I pouted my lips before letting out a sigh. Ako lang talaga ang apektado.



LIKE what we planned, ako muna ang driver at si Kamila ang passenger princess. Dapat ay pinagpapahinga namin ang dalawang naunang nagising para magluto kaya lang ay sila na mismo ang ayaw matulog. Idamay pa ang paghiram ni Kuya ng cellphone kong naka-connect sa kotse saka pinatugtog ang The Periodic Table Song.

"There's Hydrogen and Helium, then Lithium, Beryllium. Boron, Carbon everywhere. Nitrogen all through the air," sabay-sabay naming kanta habang natatawa.

With feelings pa ang pagkanta namin, kaya lang nang nasa mabilis na part na, kami na lang ni Cayden ang kumakanta, wala pa halos hingahan. "Actinium, Thorium, Protactinium, Uranium, Neptunium, Plutonium, Americium—" Huminga ako nang malalim at hindi na nakahabol kaya naman si Cayden lang ang nakapagtapos ng buong kanta. "Adik ka talaga, Mr. Science," natatawang pang-asar ko sa kaniya.

"Isa pa! Pi Song naman oh!" paghahamon naman ni Mariana na hindi inurungan ni Kuya. Nagkatinginan na lang kami ni Kamila saka natatawang napailing. Nang hindi sila na-satisfy sa first 100, kinanta pa nila yung 200.

"Kami, pa-video nga sila para may ipang-IG story ako mamaya kapag binitawan na ni Kuya yung cellphone ko." Mabilis naman sinunod ni Kamila ang request ko na siyang mas ikinatawa namin bago ko finocus ang atensyon sa pagda-drive. Hay... This is really one of my havens.

After driving for two hours, I had to make a stopover dahil sasabog na ang pantog ko. "Bibili rin muna ako ng matamis," ani Mariana na alam kong may sinabi pa pero 'di ko na narinig dahil tumakbo na ako papunta sa CR.

Nang makabalik ako ay si Kuya na ang nasa driver's seat at si Ana na ang nasa passenger's. Unlike those two, nang sabihan nila akong umidlip muna ay umidlip agad ako pagkatapos kong mag-IG Story.

Kaya naman nang magising ako ay naka-park na kami sa may Lion's Head at inaabot na nila sa akin ang tripod para i-set up. Honestly, it was a cute picture. Maraming iba pang tao na nagpapa-picture pero nakatyamba kami ng picture na halos wala kaming katabi. "Makikita ko 'to sa unit niyo sa susunod, ano?"

Napangisi naman ako sa sinabi ni Ana na siyang nags-swipe sa cellphone ko para tingnan lahat ng kuha namin. "Of course! Ipi-print ko kaagad 'yan pag-uwi natin."

"Magpapalit na naman ba tayo ng DP sa Facebook? Pare-pareho ulit tayo?" tanong ni Kuya na nagsisimula nang mag-drive.

Naalala ko tuloy yung time namin nung college na nagmala-friendship DP kami. Ang cute-cute nun dahil si Kamila yung type ng tao na hindi talaga nagpapalit ng profile picture, at nung time na yun ay ang profile pic niya ay nung mga high school pa kami kaya tuwang-tuwa ako nang mapapalit namin siya ng DP.

Ilang saglit lang din ay nakarating na kami sa second itinerary namin sa Baguio, ang Burnham Park. Just like how we planned, we set up our lunch in a picnic style. Something we've dreamt to do for years. Nang matapos ang pagkain ay ibinalik na muna namin lahat ng iyon sa kotse at saka pumunta sa una naming pakay, ang maglakad at magpi-picture para makapagpababa ng kinain. Once we were satisfied — more like, once Mariana was satisfied with all the photos taken, we finally rented a bike for four, and as usual, ako ang taga-video at picture. Ico-compile at ie-edit ko pa 'to pag-uwi namin dahil ako lang naman sa aming apat ang mahilig sa ganito.

We also tried roller skating and, of course, boating. Tawang-tawa naman kami nang subukan din namin ang bump cars nila at ang spinning disk na siyang nagpatalsik kay Kamila kaya naluha kami katatawa na may halong awa. Nang matapos ang kaka-activity namin, at nang makitang hilo na sina Mariana at Kamila, ay napagdesisyunan na naming lumipat sa next target, ang Seollem Cafe na siyang malapit lang sa Burnham Park kaya napainom na namin ng mainit na kape ang dalawa.

"Uulit pa kayo?" natatawa't naiiling na tanong ni Kuya sa dalawa.

Mabilis na umiling si Kamila. "P-Parang okay na ako sa isa."

Malakas naman akong natawa. "Ayy sorry, ansamang kaibigan." Pinilit kong pigilan ang tawa ko pero hindi talaga kaya at halos maibuga ko pa ang iced coffee ko. "Ako gusto ko pa ulit."

"Nakakahilo siya pero masaya naman. Uulit ako pero mga three years from now," sagot ni Mariana na nakapalumbaba pa at sumimsim ng kape niya. "'Pagkatapos nito, saan na tayo?"

Inilabas ko naman ang notebook ko dahil sinaksak ko na sa powerbank yung phone ko't gamit na gamit siya kanina. "Hmm... Mirador Heritage and Eco Park, then pwede na muna tayong mag-check in sa place natin. After settling in, punta na tayo sa Baguio Museum, and then for dinner, para kakaiba, mag-Jollibee naman tayo."

Natawa si Kamila at sinimangutan naman ako ni Mariana. "Ayos 'yan. Ano kayang lasa ng Chickenjoy sa Baguio?" pagsuporta ni Kuya sa akin kaya inapiran ko siya saka tumawa.

Mas sinamaan naman kami ng tingin ni Ana kaya tumikhim ako saka nagpatuloy. "In all seriousness, we'll be having our dinner at O' Mai Khan. Yung Mongolian Restaurant na bet i-try nating lahat. Then after that, sa SM Baguio na tayo diretso and doon na natin hintayin mag-open ang Night Market." I took another sip of my Dalgona Latte. "Though, we can also visit Ili-Likha Artist Village, since until 9 PM naman sila, before we proceed with the Night Market."

"Sure, sure. Pinasuyo ni Papa sa akin 'yan. Kung makakadaan daw tayo, bilhan siya ng... Nakalimutan ko kung anong pinapabili niya. Check ko na lang mamaya sa check in." Napailing na lang ako sa sinabi ni Mariana saka inubos ang order ko. Pakiramdam ko ginutom ako nung mga ginawa namin eh.

After our snack time, we proceeded to our next itinerary to which we enjoyed the scenery and, of course, Mariana's photoshoot. Though the three of us had our fair share of pictures, hindi naman kami kasing lala ni Ana na ang hilig mag-picture pero hindi naman halos nagpo-post sa social media. 'Di ko alam kung gusto niya lang magpaka-lowkey person, pero maganda naman yung babaeng yun, ayaw lang niyan fine-flex ang sarili niya. Makapal ang mga kilay niya na siyang mas nagpapataray ng itsura niya, compared sa manipis na kilay ni Kami. When it comes to hair length naman, kay Ana ang pinakamahaba na lampas bewang na niya, habang kay Kami naman ang pinakamaiksi dahil mas masaya siya sa shoulder-length niyang buhok.

Tamang-tama naman ang oras namin para sa check-in at pagkatapos kong makipag-usap doon sa may-ari ay kinuha na namin ang mga gamit namin sa kotse.

"Katulad ng napag-usapan, kami ni Kamila ang tabi at kayong mag-best friend naman ang sa kabilang kwarto," nakangiting ani Ana saka hinila si Kami papasok sa kwarto nila.

Huminga naman ako nang malalim saka napahigpit ang kapit sa backpack ko bago lumingon kay Kuya na nasa likuran ko. "Arat na? Para makapagpahinga pa nang kaunti ulit." Dumiretso ako ng lakad papunta sa kwarto namin. "Ang sakit ng mga binti ko kalalakad." Lumapit ako sa closet saka ipinasok doon ang backpack ko.

"Same. Ang daming gustong parte ng park ni Ana magka-picture eh."

Natawa naman kaming pareho. "Buti na lang at nilipat ko sa para bukas yung Strawberry Picking at yung Igorot Kingdom. Iiyak na lang talaga ako kalalakad, pero si Ana, ayaw pa in magpaawat."

Nang lumingon ulit ako para sabihan si Cayden na ilagay ang gamit niya roon ay nakita ko siyang nakaupo sa kama at nakatingin sa magandang view sa labas. He looked at peace and it was really nice to look at.

Mabilis ko namang binawi ang tingin ko. Simula nang managinip ako tungkol kay Cayden at yung kinabukasang pagyakap niya sa akin, siya na madalas ang laman ng R18 dreams ko kaya naman itong pagtatabi namin ngayon ay may pagkadelikado talaga sa akin. Siraulo ka talaga, Amara. Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang pinagnanasaan mo siya?

Huminga ako nang malalim saka iyon dahan-dahang ibinuga at tinapos ang ginagawa sa closet. Nag-update na rin ako kela Mommy saka dumiretso sa kama para mahiga saglit. Naging busy naman si Kuya sa pag-aayos ng gamit niya at lumabas na ng kwarto para ayusin ang kitchen namin, for sure.

And just like what we planned, we did everything in our itinerary, including visiting and buying furniture from Ili-Likha. When 9 PM came, we were one of the first ones to visit the Night Market, though mabilis din namang dumami yung mga tao. We tried street food and of course, took some pictures and bought ingredients for our breakfast tomorrow.

Nang makabalik kami sa place namin ay nauna na akong nagpresentang maligo. "Ang lamig pala talaga ng tubig," mabilis kong reklamo nang mahawakan ko yung tubig.

"Edi mag-warm shower ka," suhestyon ni Mariana habang tinutulungan si Kuya na ayusin ang mga binili namin.

Umiling naman ako. "Ayoko, mas lalamigin ako kapag nagmainit ako."

"Edi 'wag ka na lang maligo."

Sinimangutan ko naman si Ana saka tuluyan nang bumalik sa loob ng CR. "Maliligo na nga ako." Napangisi naman ako saka mabilis na isinara ang pinto nang umamba si Mariana ng bato sa akin. Narinig ko pa ang tawa nila Kuya at Kamila habang nangangatog ako sa lamig ng tubig.

Nang matapos maligo ay boses na naman ni Mariana ang narinig ko, pero nakaupo na siya sa sofa sa tapat ng TV. "Uulan daw ngayon. With thunderstorms."

Napatigil naman ako sa pagpupunas ng buhok ko saka alanganing napatingin sa labas ng bintana. "Okay lang naman siguro... May earphones naman ako." Tumango na naman siya at kahit si Kamila ay nag-aalalang tumingin sa akin. "Ayos lang ako, Kami." Nanlalambing akong yumakap sa kaniya. "Keri ko naman na."

Tinapiktapik naman niya ang balikat ko. "Kasama mo naman si Cayden, if ever eh. Hindi ka naman niya papabayaan." Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

Unfortunately, despite my ultimate plan of drinking with them before we call it a night, we have decided to just go to our respective rooms and sleep our tiredness away. Nakakapagod naman kasi talaga yung pinaglalalakad namin kaya noong nasa SM Baguio kami ay napag-usapan na naming hindi na lang bumili ng alak katulad ng initial plan ko.

After saying our goodnights and everyone taking a shower, Kami and Ana went to their room, as Cayden and I did. Ilang saglit lang ay nagsimula na rin namang umulan pero malakas ang loob kong makakaya kong hindi pansinin ang mga kulog dahil sa earphones ko...

Na low batt.... Lintek! Low batt nga! Bakit naman ngayon pa?? Hindi ko ba 'to na-charge kagabi??

Nakita ko naman ang biglang pag-kidlat sa labas kaya nagmamadali akong humiga at kinumutan ang buong katawan ko habang nakatakip sa tenga. Nang kumulog nang malakas ay automatic akong nangatog sa pagkakahiga. I even curled like a fetus, trying to find a comforting position to calm myself down.

Nang kumalma ako dahil wala nang sumunod na kulog ay naramdaman ko ang paghawak ni Kuya sa braso ko. "Amara, I'm here. It's okay. I'm here."

Inalis ko naman ang pagkakataklob ng kumot sa mukha ko saka humarap kay Kuya at pinilit ngumiti. "H-Hindi ko pala na-charge yung earphones eh—EH!!" Agad akong napapikit saka tinakpan ang mga tenga nang kumulog na naman. Lintek talagang mga kulog 'to! Kelan ba 'ko hindi mangangatog dahil dito??

Nang kumalma ulit ang langit ay kumalma rin ako. Naramdaman ko naman ang kamay ni Cayden na maingat na pumapatong sa mga kamay kong nakatakip sa mga tenga ko. "I'm here. It's okay."

Dahan-dahan naman akong dumilat saka tumingin sa kaniya. He looked really concerned about me. His eyes say it all.

Akmang magsasalita ako nang bigla namang kumulog nang mas malakas pa sa kanina. Kaya hindi ko alam kung paano pero napatalon ako papunta sa ibabaw ni Cayden, saka kumapit nang mahigpit sa t-shirt niya. Bwiset na kulog! Bwiset talaga!

I could still feel my body trembling, but when I soon calmed down, I felt Cayden's arms; one on my waist and one on my back, softly tapping it, trying to calm me down. Nang mangatog na naman ako't napapikit dahil sa sumunod na dalawang kulog ay naramdaman ko ang maingat na pagpapalit ni Cayden ng pwesto namin.

"Amara..." I shivered at his tone. In the midst of my trembling and shutting of eyes, Cayden hovered over me and whispered, "Let's play Hot and Cold."

H | Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top