75
“Baby. . .”
Bubuksan ko na sana ang pinto ng bahay ko nang nanigas ako sa kinatatayuan ko at tila binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa narinig.
That familiar deep voice. . .
Totoo ba ang narinig ko?
Dahan dahan akong lumingon at nanlaki ang mga mata ko nang makumpirma kong si Salem nga ang nagsalita.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gulat, sakit, at galit. Humarap ako sa kanya para makita ko siya nang maayos.
Umaliwalas na ngayon ang mukha niya at halatang maayos na siya ngayon. Mas lalo rin siyang naging makisig kumpara noon.
Pero kahit na mas naging kaakit-akit siya ngayon hindi pa rin no’n matatakpan ang katotohanang ginago niya lang ako.
Kumuyom ang kamao ko. “Why are you here?” matigas kong tanong.
I saw how his adams apple moved as he gulped nervously. He took a very deep breathe before he let it go slowly then he stared at my eyes for a minute.
“I am here to fix everything.”
I scoffed. “Anong aayusin mo? E matagal na tayong tapos.”
Umiling siya. “No, Nirvana. Hindi pa tayo tapos marami ka pang dapat malaman.”
“Gaya ng kung paano mo ako ginago?” nanginginig kong sumbat. Muling nanumbalik ang sakit na matagal ko nang pilit nilalabanan.
Muli siyang umiling. “Ni-minsan hindi kita ginago.”
Pagak akong natawa. “Sabi mo, e.”
Seryoso siyang tumitig sa akin. Ganyan ang tingin niya tuwing seryoso siya at alam niyang tama ang sinasabi niya. “I’m serious, Nirvana.”
Napabuntonghininga ako. “Sige nga, patunayan mo.”
Humakbang siya papalapit sa akin. Hindi ako umatras at hinayaan kong makalapit siya sa akin hanggang sa magtama ang mga mata namin.
“First, I never cheated. I never lied to you. And you are the only woman that I ever loved—”
“Enough of this bullshit, Salem!” sigaw ko at tinalikuran na siya.
Akala ko pa naman iba na ang sasabihin niya pero hanggang ngayon tinatanggi niya pa rin ang pagkakamali niya.
“Just hear me out please, baby. . .” he pleaded.
Umiling ako at pumasok na sa bahay at mabilis siyang pinagsarhan ng pinto.
Mabilis siyang kumatok sa pinto pero umakto lang ako na walang naririnig hanggang sa tumunog ang cellphone ko at napilitang binasa ang message niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top