Chapter 5

Halos mapuno ng sigawam at hiyawan ang buong mall dahil sa lakas ng boses ng mga fans ng Daybreak.

Halos hindi na marinig ang kanta nila dahil mas mangingibabaw ang tili ng mga fans.

Masakit sa ulo, masakit sa tenga pero hindi pwedeng magreklamo dahil pinasok ko ang trabaho na ito kaya naman kailangan kong kumilos.

Katulad ng napagkasunduan namin ni Kuya Carl, siya ang lumalabas habang ako naman ang kumukuha ng mga interactions ng fans and ng Daybreak.

May mga kuha na rin ako nila Winter at Shiloh na kanina pa ako sinesenyasan na kuhaan ko sila.

Of course, I didn't hesitate to do it since it's them! I'll keep it to Kuya Carl na lang and give it to them.

I kept on capturing moments when I saw Charlie waving at me, the guy with a very very surreal face. Like he doesn't belong on this planet—not because he looks like an alien but his looks are out of this world.

Small face, skin color like paper, lips naturally pink, eyelash long, and when he smiles—all girls will fall.

The moment he does a peace sign and smile. I knew what he wanted, so I took a photo of him and smiled while the crowd at my back kept on shouting, some were cursing because of his handsomeness.

I did an 'approved' sign to signal him that I already did what he wanted. He just smiled at me before continuing his fan service.

They perform three of their songs. And every song the crowd grew wilder, especially when the guys named Jared and Jaden did a duo dance. When that Yani guy reached an unbelievably high note. When Sid did a very fast rap like he did that everyday. When Charlie wink at the fan in the upper floor and lastly when Dion smiled cutely with an openly hand wave.

And yes, I saw all of that because I didn't miss a moment like that. I took all of it. I captured how the fans got wild because of those and I can help but to smile. I know how precious this moment is to all of them and I'll let them keep it in the photo.

After the performance. Daybreak line up for the first talk for today's mall show.

"Okay! Guys, let's all settle for now," it was Sid. Of course he is! He's the leader after all.

They did their introduction in chorus before they talk one by one.

"Hello! First of all thank you for coming today! It's always a pleasure to be in the stage in front of you, Breakers!" saad ni Sid.

Wala namang espesyal sa sinabi niya pero nagtilian ang lahat ng tao na halos ikabingi ko dahil nasa crowd ako nakapwesto para makunan ang Daybreak ng photo.

"Ate! Kunan mo si Jared, please!"
"Ate, si Yani! Please! Penge ako ng kopya!"
"Ate, si Sid! Si Sid kunan mo!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong utos habang nasa crowd ako. At dahil mabait ako, lahat yon ginawa ko habang natawa.

"Hi!"

Just one word! One word! And the crowd got wild! May naghahampasan dahil sa kilig. May nagtatakip ng bibig para lang wag pasukan ng langaw. Isang linya lang pero halos magwala na ang buong tao sa mall.

And that because of the guy named Yani.... Siya ang pinakahuling nagsalita pero at sa kanya rin mas maingay.

He's just smiling while admiring the loud crowd caused by him. He laughed how the girls at the front combust because he wink at them.

"Thank you, guys! Please remember that I love you all and I always appreciate what you are doing for us! Again, let's enjoy the show!" he said that almost all the girl fell.

Sabihan ba naman sila ng 'I love you' ng idol nila. Mahuhulog talaga sila.

After their talk, the program continues. They did a little pep talk, where they will all answer the fans question.

"So, guys! There's one question that all fans want to know," saad ng MC. "Are you all still single right now?"

Nang ilapag niya ang tanong, agad akong napatingin sa crowd dahil literal na napatahimik sila na para bang kanina lang hindi sila nagwawala.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa members na natatawa lang.

Nabanggit sa akin nila Winter noon na hindi strikto ang management ng Daybreak at sa pagkakaalam ko, merong deal na if they want to be in a relationship while they are in the group at least need nilang paabutin ng one year ang contract nila.

"Well, for now let's say, we are happy for what we are having," saad ni Sid. "Of course to be with Breakers,"

Safe answer

Natatawa naman akong tumingin kay Shiloh nang mapansin ko ang maliit niyang pagpalakpak. Bias niya yan e.

"Sumakses na naman ang mga Sid Bias!" usal ng MC na nagpaingay sa iba. "Okay, next, member! Yani, are you single?" tanong nito.

"Yes, hindi pa nahahanap ang right one," nakangiting sagot nito na magpasigaw sa lahat. "Maybe nandito!" dagdag niya pa na mas ikinabaliw sa mga tao, hindi lang kababaihan pati hindi babae ay sumisigaw at tumitili sa kanya.

Kita ko naman ang hampasan at biruan ng Daybreak at dahil sa sinabi niya. At katulad ng trabaho ko, agad kong kinunan iyon dahil wala, maganda lang tignan.

Napatingin naman ako sa likod ko nang tumili yung mga fans sa likod ko.

"P*tang-ina! Tumingin dito si Yani! Ako ata ang right one! I'm so ready na!" malakas na sigaw ng babae sa likod ko na agad namang kinontra ng isa pang fan.

At nagkontrahan na nga silang lahat sa likod ko habang ako naman natatawa lang dahil sa mga sinasabi nila.

Kung maririnig nila Winter at Shiloh 'to panigurado makikisali rin sila sa pangungontra sa mga 'to, sasabihin sila ang tinignan.

Muli ko na lang ibinalik ang tingin ko sa stage na bahagyang nagulat dahil nakatingin sa akin yung Yani habang may tipid na ngiti.

O dahil nakatingin siya dito kaya akala ko sakin—

"Ay g*go! Kay ate nakatingin! Ngumiti ngumiti siya!"

Agad ko silang nilingon habang natatawa.

"Hindi, sa inyo siya nakatingin," usal ko na may tipid na ngiti.

Tuluyan naman akong natawa nang biglang umarte yung isa na umiiyak.

"Sige, ate ko! Ifeed mo ang deluluness namin," saad niya na mas ikinatawa namin.

"Go lang!" usal ko bago itinutok ang camera ko sa kanila. "Smile," saad ko na ginawa naman nila.

Matapos ko silang kuhaan ng picture, umalis na rin ako sa pwesto ko lumipat sa halos tabi nila Shiloh at Winter.

"Lulu, kita ko 'yon!" kita kong buka ng bibig ni Winter bago sumulyap sa stage kung nasaan ang mga idol nila bago tumingin sa akin na nanlalaki ang mata.

Tumaas lang naman ang kilay ko bago tumingin sa stage katulad ng ginawa niya. Sa pangalawang pagkakataon nakita ko na naman na nakatitig si Yani sakin pero this time nang magtama ang mata namin, dahan-dahan niyang iniwas ang tingin niya bago ngumiti sa fans niya.

Gusto ba niyang kuhaan ko siya ng picture? Pwede naman...

With the thought of that, I gently focused my camera lens on Yani and took a photo of him.

I was about to take one last shot for Yani when I saw him looking straight to my camera lens. Smiling like a cat, doing a peace sign.

I take a look at him for a second without a lens and smile before I take the last shot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top