Chapter 14
"Another day, another pagdudusa sa kamay ni Ms. Che,"
Natawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
Nandito kami sa café sa baba ng office at mamaya pang 10am ang pasok namin dahil nga OJT lang naman kami pero kahit na OJT lang kami pahirap at maraming pinapagawa samin.
Sabi pa nga ni Ms. Che;
"Guys, ganyan talaga. Kapag totoong trabaho na ito, mas mahirap pa kaya dapat ngayon pa lang masanay na kayo,"
I get what she's saying pero parang sa pinapagawa niya pinapasa niya saming mga nag-o-OJT halos lahat ng trabaho nila.
"True! Na para bang binabayaran tayo. E, kung tutuusin tayo ang nagbayad," saad naman ni Winter na tumusok ng slide donut niya.
"Huy! Ikaw! Kumusta pala ang pakikipagchat mo kay Jared?" tanong bigla ni Shiloh na ikinatingin rin ni Winter.
"Okay lang naman. Makulit yung lalaki na yon. I mean, para siyang mas bata sakin pero hindi naman nakakainis yung kulit niya, yung kulit na sakto lang at nakakatuwa," tugon ko sabay inom sa iced fruit tea ko.
Totoo naman na sobrang kulit ng lalaking iyon. I mean, we got our first conversation last Saturday then when sunday morning came I already received five message from him!
Saying 'good morning', asking if I eat already, telling that they were heading to a photoshoot for there next magazine interview and lastly telling that I hope I won't feel uncomfy of him messaging me.
At first I was uncomfy because it's my first time talking to a person like him but I told him also that I'm good because he didn't do anything naman.
Ngayon nga ay kakamessage niya lang sakin na papunta sila sa practice room dahil meron silang performance bukas.


It's too early but they need to grind now before their interview. Instead of resting.
"Hm! E, inaccept mo na si Yani?" tanong bigla ni Winter na ikinataas ng kilay ni Shishi.
"Hindi," mabilis mong sagot na ikinatawa nung dalawa kong kaibigan. "Hindi lang naman siya, kahit sila Jaren at Sid, hindi ko inaccept,"
Agad naman nahinto ang pagtawa nila at tumingin sa akin na nanghuhusga.
"Bakit pati mga bebe namin hindi mo pinansin?" tanong ni Win na ikinataas ng kilay ko.
"At bakit ko naman sila papansinin, aber? Hindi kami friends —"
"But they want you to be their friend," saad naman ni Shiloh na ikinatango ni Winwin. "Alam mo, kung nagwoworry ka dahil samin nitong si Winter, wag kang mag-alala—as long as sila ang unang nagmove, go lang!"
Marahan naman akong umiling dahil hindi naman iyon ang ikinakabahala ko.
"Hindi naman iyon ang dahilan," paumpisa ko na ikinataka nilang dalawa. "Una, hindi lang kayo ang fan nila, marami pang iba. Sa inyo okay kasi kaibigan ninyo ako pero sila? Will that be okay if their idol associates with a lady like me? Pangalawa, kayo lang ang tumagal sa akin na kaibigan dahil bukod sa kababata ko kayo, pinsan ko kayo! Pangatlo, baka nakucurios lang sila dahil bago sa paningin nila ang hindi fan. At panghuli sa lahat—idol sila, normal na tao ako, malaki ang diperensya non
Nasa spotlight sila, ayoko sa spotlight. Okay na?" paliwanag ko sa kanila.
Wala akong narinig na kahit anong salita sa kanila pero base sa tingin nila, alam kong marami silang gustong sabihin.
At hindi nga ako nagkamali lalo na nang huminga ng malalim si Shiloh.
"Alam mo, Lulu. Nung nakaraan ko pa iniisip 'tong gusto kong sabihin e. Hindi ko lang talaga alam kung paano," saad niya. "Una, si Yani. Did you hear his explanation ba about him getting interested in you or did you just shut him?" tanong nito.
Inaalala ko na naman yung usapan namin ni Yani na yan. I didn't hear his reason... Pero ano pa nga bang rason niya 'di ba?
"See, hindi mo pinakinggan. I'm a fan and a friend, okay? Syempre, fan ako ni Yani," saad niya sabay tingin kay Winter na nakikinig lang. "Kami, fan kami at kaibigan mo naman kami. I know it's unbelievable but we–Breakers supported Daybreak in every decision they have kaya nga lagi kaming nagtatanong kung may dinedate na sila e. So we know how to support without hurting someone special to them. Ewan ko lang sa iba kasi sa circle of friends namin ganon pero sure ako na ganon rin ang iba kasi pinalaki kaming tama ni Sid,"
Hindi ko naman napigilang matawa nang maringgan ko ng kakaibang tono ang boses niya nung binanggit niya ang pangalan ni Sid.
"Bakit may arte at harot nung binanggit si Sid?" natatawang tanong ni Winter na ikinatango ko. "Ramdam hanggang dito o! Nagsusumigaw," pahabol pa nito.
Mabilis naman siyang hinampas ni Shiloh bago humarap ulit sa akin.
"Balik tayo doon! Pangalawa, iba makipag-usap sayo ang Daybreak members because I think they see you as a friend talaga. Like, they can talk to you outside their stage personality like si Jared, he's sweet and playful talaga but not that madaldal like kapag ikaw ang kausap niya lahat na ata ng kwentong buhay niya ikwento na niya sayo e,"
"Huy! Hindi pa kami umaabot sa ganon—"
"Pero lahat ng schedule nila alam mo na dahil sa kanya?" putol nito na dahan-dahan kong ikinatango.
Totoo naman... Mamaya alam kong may flight sila after ng interview nila. Tapos bukas na yunh performance nila sa isang award show tapos after ng award show—teka nga!
"Kasi nga komportable sila sayo! Alam nilang hindi mo ipagkakalat lahat ng alam mo. Bukod sa hindi ka fan, alam nila na nasa personality mo ang protektahan ang mga dapat protektahan. Ikaw nga lang rin ang nakakatitig sa kanila sa mata kapag kausap mo sila e," sabat naman na ni Winter na ikinatango ni Shishi.
"Kaya kung ako sayo, iaccept mo na si Sid at Jaren, bahala ka na diyan kay Yani. Tapos kapag na-accept mo na, reto mo kami ni Winter,"
Bahagya naman siyang tumawa dahil sa huli niyang sinabi. Alam kong biro lang iyon dahil wala naman sa bukabularyo nila ang jowain ang idol nila.
Paano ko nasabi? May manliligaw iyan si Shiloh tapos iyang si Winter ay may umaaligid rin. Ewan ko bakit hindi pa nila pinagsasasagot yung mga yon. Siguro dahil busy pa sila sa kakafan girl.
"Pero kung ako sayo, kausapin mo rin si Yani... Sige na oh! Gwapo-gwapo naman ang Yani baby namin!" saad ni Winter sabay pakita ng cellphone niya sa akin.
"Tsk! Oo na, gwapo na!" saad ko na sabay layo ng cellphone niya sa mukha. Natawa lang naman siya sa sinabi ko.
Bago pa siya magsalita, nag-alarm na agad ang phone namin, tanda na dapat na kaming pumasok. Tapos naman na ang kinakain nila, ako naman rin ay paubos na ang iniinum kaya lumabas na kami at magpunta ng floor ng office namin.
Another kalbaryo...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top