99
Gia's POV
Narinig ko na ang busina ng kotse ni Rome, bago pa man ako makalapit sa pintuan ay kumatok na siya.
Ng buksan ko ay naramdaman ko na kaagad si Mama at Papa sa likuran ko.
"Magandang tanghali po, Tito, Tita." Nagmano siya.
"Hijo, tamang-tama hindi pa kumakain 'yan mukhang hinihintay kang ayain siya."
"Mama!" Saway ko at natawa sila.
Umalis na kami ni Rome at dinala niya ako sa isang magarbong restaurant.
"Ang ganda dito, Rome."
"Mas maganda ka, Gia." Aniya, nag init naman ang pisngi ko.
Naupo na kami at umorder. Sobrang nagustuhan ko ang mga pagkain.
"Rome..." Tawag ko sa kanya.
"Yes?"
"Oo," Sabi ko.
Kita sa mukha niya ang pagtataka kays naman inulit ko ang sinabi ko. "Oo,"
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya.
"Tayo na?" Tanong niya. "Tayo na ulit?"
Tumango ako, niyakap niya ako st hinalikan sa aking noo.
: )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top