86

Gia's POV

5 years ago...

"Ito na nga papunta na." Sabi ko.

"[Bilisan mo at mag uumpisa na yung reunion!] Sigaw ni Hatty sa kabilang linya.

"Sige na, bye papunta na ako!" Binaba ko na ang tawag at nagmadaling sumakay sa kotse ko.

Inabutan ako ng rush hour kaya ngayon stuck ako. Mahigit isang oras akong stuck sa traffic.

"Oh my gosh, sobrang tagal mo naman!" Rekalmo ni Hatty.

Hinigit ako ni Flora. "Hay nako, pabayaan mo na 'yang si buntis."

"Hon, tara na 'wag ka ng mainit ang ulo." Lambing ni Ray kay Hatty.

Pumasok na kami sa loob ng hall sobrang lawak at garbo ng gayak. Naupo na kami sa designated tables namin.

"Hindi pa pala naman nag uumpisa, ang OA talaga niyan ni Buntis." Saad ko.

"Gusto lang non e, maaga kang makarating." Natatawag sabi ni Flora.

Hindi naman nagtagal ay nakabalik na si Hatty at ang asawa niya. "Ano buntis, mainit pa ba ulo mo?" Tanong ko.

"Hindi na," Sagot niya.

Maya-maya pa ay nag umpisa na ang reunion program.

"Isa sa ating batchmates ang nag sponsor ng ating reunion this year walang iba kung hindi si Rome Morante!" Announce ni Anya.

Umakyat si Rome sa stage. Ramdam ko ang lamig sa buong katawan ko.

5 years, limang taon simula ng huli ko siyang makita.

Lumabas ako ng hall para magpahangin.

Mag iisang oras na akong narito sa labas, nahihiya akong magpakita sa kanya. Pupunta na sana ako sa parking para sumakay sa kotse ng may magsalita sa aking likuran.

"Where are you going?" Tanong ng pamilyar na boses.

"Ah, masama ang pakiramdam ko, uuwi na ako." Sagot ko ng hindi lumingon sa kanya.

"I can take you home, kung masama ang pakiramdam mo it's not best for you to go home alone." Saad niya.

"Hindi na, kaya ko na."

Hahakbang na sana ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at ihinarap ako sa kanya.

"Hi, Gia." Bati niya.

"U-Uy Rome ikaw pala,"

"Kamusta?" Tanong niya.

"Maayos naman, ikaw?"

"Masaya."

Tumango ako. "Good to know, mauna na ako." Tuluyan na akong umalis.

: )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top