42
Gia's POV
5:00 am ako nagising, uminom muna ako ng mainit na gatas bago maligo. Matapos magbihis ay nagdala ako ng extra na damit in case na kailanganin kong magpalit.
Messenger
Today, 5:32 am
Gorgeous3✨
Gia
Girls, magdala kayo ng
extra na damit just in case
Flora
yess yes
Gia
Hattyyy gising na!!!
Flora started a video chat.
You joined the video chat.
***
"[Ang ingay ninyo naman ang aga pa]" Inaantok pa ang boses ni Hatty ng sumali siya sa video call.
"[Bruha, 5:33 na 6 am ka susunduin ni Jax 'diba?]" Sabi ni Flora.
Napabalikwas si Hatty sa sinabi ni Flora.
"[Bye, girls! See you later, mag aayos na ako!]" Sabi ni Hatty at pinatay ang tawag.
"Bye, Flora. Mag ready na rin ako." Paalam ko at inend ang video call.
Inayos ko na ang bag ko at bumaba sa sala.
"Nandiyan na si Rome sa labas," Sabi ni Mama at sinamahan akong lumabas. Nakaalis na si Papa kaya naman hindi na kami nakapagpaalam.
"Ingat kayo!" Wika ni Mama bago pa kami makalayo.
"You look stunning, hindi ako agad nakapag react dahil natulala ako sa ganda mo." Sabi ni Rome, nag init ang pisngi ko kaya naman tumingin na lamang ako sa bintana.
"T-Thank you," Saad ko.
Halos isang oras din ang inabot ng byahe namin bago makarating sa Enchanted Kingdom.
Nagtatatalon si Flora at Hatty ng makita kaming papalapit sa kanila.
Niyakap ko silang dalawa, habang nag fistbum naman sila Rome.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko.
"No, we just actually arrived before you guys." Sagot ni Jaxton.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na sa loob. Una naming sinakyan ay ang Bouncing boulder.
"Are you sure na sasakay ka, Rome?" Tanong ni Rico, tumango si Rome.
Sabay-sabay na kaming sumakay dahil kasya naman kaming anim.
Ng magsimula ng tumaas baba ang ride ay napahawak sa kamay ko si Rome, ng lingunin ko siya ay pikit na pikit siya habang kaming lahat ay nag eenjoy.
Matapos ang ride ay kinamusta ko siya.
"Okay ka lang ba?"
"O-Oo, tara na?" Aya niya.
"Rome is afraid of heights." Ani Jaxton.
"Jax!" Sita niya sa kaibigan pero tinawanan lang siya.
Tumango ako. "I see, sige doon na lang tayo sa carousel?" Asar ko.
"No, ride any rides you want guys. I'll face my fear for you, Gia." Sabi ni Rome.
Tinukso naman kami ng mga kaibigan namin.
"Tara na baka langgamin na kayo," Sumunod na kami kay Flora.
Ang sunod naming sinakyan ay space shuttle, matapos ay halos masuka si Rome.
Kumain lang kami at nag ikot, hinintay lang namin ang fireworks bago umuwi.
"Thank you, Rome." Sabi ko kay Rome bago bumaba ng kotse.
"You're welcome, did you had fun? Sorry kanina muntik kitang masukahan." Aniya.
"Yes, I did have fun and don't be sorry."
Natawa siya at bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pinto.
"Good night, Gia. Pagkapasok mo uuwi na ako," Aniya.
Tumalikod na ako at humakbang na papasok ng gate. "I love you..." Bulong niya pero narinig ko.
"I love you, too." Sagot ko at pumasok na sa loob nang bahay.
Mahal ko na siya? Oo, matagal na.
: )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top