31
Gia's POV
Narito na ako sa meet up place namin nila Hatty at Flora. Prenteng nakaupo ako dito sa waitingshed habang nag iintay.
Kinuha ko ang phone ko para imessage ang dalawa.
Messenger
Today, 8:55 am
Gorgeous3✨
Gia
san na kayo?
8:55 na
Hatty
dito na
***
Gulat akong napatingin sa kanila dahil may iba silang kasama.
"Akala ko ba tayo tayo lang?" Tanong ko.
"Wala kaming sinabi." Ani Flora
Napansin ko ang mga kamay nila Flora at Rico na magkaholding hands, ganoon din sila Hatty at Jaxton.
"So may mga bf na pala at hindi ko alam?" Tanong ko.
Natatawa silang tumango.
"Parang 'di mga kaibigan," Umirap ako.
"Charot!" Sabi ko kaagad ng makitang nag aalala silang baka galit ako.
"Let's go?" Saad ko.
"Wait! May iniintay pa tayo." Sabi ni Hatty.
Nagtaka ako. "Sino?"
Tumingin sila sa likuran ko at ngumuso.
"Yun oh," ng lumingon ako ay nakita ko si Rome na naglalakad papalapit.
"Hi, Gia." Bati niya at iniabot sa akin ang dala-dala niyang sunflower.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay kinikilig, napailing na lang ako.
"Salamat, pero para saan?"
"Gia, gusto ko lang tanungin kung maaari ba kitang ligawan?" Napatigil ako at hindi makakibo.
Kaya ko na ba? Handa na ba ako? Handa na ba ulit ang puso kong magmahal? Siguro, Oo? Wala namang mawawala kung susubukan ko.
"Okay lang, hindi mo kailangang sagutin. Sorry kung nabigla kita-"
"Oo," Putol ko sa sasabihin niya.
Natulala pa siya ng ilang sandali bago nagreact. "Talaga? Oo as in yes?" Tanong niya.
Tumango ako. Niyakap niya ako at naghiyawan naman ang mga kaibigan namin.
Sana tama ang desisyon ko.
: )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top