09
Third Person's POV
Nagkulong sa kaniyang kwarto si Gia, hindi niya matanggap ang ginawa ng best friend at boyfriend niya sa kaniya.
Umiiyak siya habang gumagawa ng homeworks niya.
"Anak, kumain kana kanina ka pa riyan sa kwarto mo." Tawag ng kaniyang Ina.
Ilang beses nang kumatok ang kanyang Ina pero hindi niya ito pinagbubuksan.
Tumikhim siya upang maiwasan ang pagkabasag sa kanyang boses.
"Hindi po ako nagugutom, Ma."
"Oh siya sige, kung magutom ka ay iiwan ko na lang ang pagkain sa kusina."
"Opo, salamat po."
Maya-maya pa ay nakatulog na si Gia habang umiiyak.
: )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top