05

Gia's POV

Tiningnan ko ang relo ko maga-alas otso na parating na si Sir Tan.

"Good morning, class may meeting kami gusto ko lang iannounce that meron kayong project by pair."

"Kung sino ang seatmate niyo sila ang magiging ka-pair ninyo, yun lang. Thank you." Ani Sir at lumabas na.

Napabaling ang tingin ko sa direksyon nila Hatty at Flora, nakatingin sila sa akin.

"Partner pala tayo," Napunta ang atensyon ko sa katabi ko. Si Rome.

"Ah, yes." Sabi ko.

Narinig ko na nag-snap siya kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya.

"I knew it, that's why you look so familiar. Zy natatandaan mo pa ba ako?" Tanong niya.

Zy. Isang tao lang tumatawag sa 'kin ng pangalang iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung sino siya.

"Audi?" Tanong ko at tumango siya.

"Oh my gosh, how are you? You look so different, chubby cheeks ka pa noon."

"Maayos naman, ikaw? Maganda ka pa rin."

"Okay lang rin,"

Naputol ang pag uusap namin ng dumating si Ms. Perez.


: )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top