Chapter 7

I can’t wait to meet her, kaya nagmamadali ko na kinuha ang laptop ko to check my schedule. It may look like I am desperate to see her, but who cares? Hindi ako ‘yan. Hindi talaga.

“Shit naman talaga…” naiinis na bulong ko nang makita ang sandamakmak na pulang highlights sa calendar.

Mariot made this for me so I could manage my time. Red for deadlines, green for on-going, blue for reviewing, and white for new tasks. Seeing na mas lamang ang mga nasa red, nanlalambot ako.

What do you mean I finally have the chance to meet her, to see her face to face, pero hindi ako gustong pagbigyan ng schedule ko?

KioJu: Not this week, though. I have a lot of things to do.

Doon ako nalungkot.

I was about to pull an all-nighter just so I can free up some of my time.

KioJu: Actually, this week, I don’t think I can make it? Busy days.

Shion: Midterms din namin :(

I bit my lower lip. Hindi lahat ng red highlights sa calendar ko, trabaho. They’re actually performance tasks we need to pass before midterms.

KioJu: I guess no meet up for you? Haha.

Shion: Akala ko pa naman pampalubag loob ‘yon??

KioJu responded with a laughing emoji to my message. Hindi man lang itinanggi. Akala ko pa naman bumigay na talaga ang isang ‘to.

KioJu: Hm, think of this as a reward?

Shion: You as my reward? 🥰

KioJu: Ginawa pa nga akong reward. Sige.

I laughed at her reply.

KioJu: Ikaw na mag decide kung kailan. I’ll check my schedule. I think I can squeeze my time.

Mabilis na lumipat ang mga mata ko sa laptop. I quickly recognized which of my tasks are the least demanding of my time, ayon ang uunahin ko para mawala na sila sa landas ko. I have my whole day free, tomorrow.

Or not.

I rolled my eyes when I heard a knock.

“Cri! Magsisimba ka bukas. Para naman luminaw ulit ‘yang isip mo, at ma-realize mo na tama kami ng lola mo.”

I sighed. Tumayo ako para buksan ang pinto, sumalubong sa akin ang ngiti ni Tita.

“Attend ka bukas, ha? Pangbawi mo nalang sa amin ni Lola mo.” She smiled. Hindi pa ako nakakasagot, tinalikuran na ako nito. Not giving me a chance to say no.

Good bye, free for the whole day. I guess I have to work my ass off tomorrow.

Shion: Next week? Monday?

KioJu: Whole day class.

So, hindi ako maglilipat ng tasks for monday. Whole day ako sa school ng Tuesday, so it’s a no, too. I have some free time for Wednesday, but it’s for my friends. Magtatampo si Mariot kapag hindi natuloy ang date namin sa café na nakita niya.

Shion: Thursday?

KioJu: I can’t. We’re meeting for a group project.
KioJu: Hey, I am not making any excuses ha?

Shion: Silly, I know we’re both busy.

KioJu: Saturday? I’ll make sure na free ako.

Shion: Call. See you! :)

I almost jumped when she reacted heart. Natabunan agad ng saya ang inis na nararamdaman ko kanina. Kung bakit ba naman kailangan ko manuyo, wala naman akong kasalanan.

I was avoiding them for almost a week now. Hindi ako kinakausap, hindi ko rin kinakausap. Kusa akong umiiwas na hindi ulit mapag usapan ‘yon. It’s not our business anyway.

Ang akin lang naman, bakit hindi na lang nila hayaan? Regardless of their gender, they’re still human, made by him—no one else.

The next day, I made sure na maaga ako gumising sa kanila. I want to take my time making myself pretty presentable.

I have no zero control over my face whenever I’m hearing an opinion that doesn’t make sense. At least, to me. Kailangan ko talaga ng extra na oras para mag meditate.

“Cri? Ready ka na ba?”

Lumingon ako nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mukha ni Mama. My gaze went to my led clock, it’s still early. The mass will start at nine.  Alas otso pa lang.

“Aga pa, Ma,” sagot ko.

Tumawa lang ito sa sagot ko. She’s wearing a nice dress, covering her skin, just like what Lola always wanted. It feels like she hasn't aged at all. Lagi kaming napagkakamalan na magkapatid kapag magkasama kami sa labas—na hindi na nangyayari ngayon due to our busy schedules.

Siya sa trabaho, ako sa school.

“Just making sure na okay ka na…” She looked at me, smiling.

“Wala kang work, Ma?” I asked.

“Half day. Alam mo na, hindi na naman matatahimik ang bahay kapag inuna ko ang trabaho.”

Kinagat ko ang dulo ng dila ko para hindi na sumagot. I hate that she has to work double time. Hindi para sa amin, kung hindi para sa kanila. I wanted to lessen the burden they put upon her shoulders, kaya nga ako pumasok sa magulong mundo ng social media. It’s not just about the validation I get from my viewers anymore.

“Kapag natapos ako, Ma… Alis na tayo.” I said, looking at her, begging. Hindi ko na matiis ang buhay na meron kami dito.

They may consider us na may kaya sa buhay kasi nabibili namin ang mga materyal na bagay, pero hindi. Hanggat may humihila sa amin pababa, hindi kami aangat.

“Paano naman sila?” tanong niya.

I sighed. “Paano naman tayo?”

Pilit itong ngumiti sa akin at mahina na tinapik ang likod ko. “Tingnan natin. Bilisan mo na, baka ang Lola mo na ang sunod na kumatok.”

Tumango lang ako. I put a different color shade of blush on to finish off my look. I wore pants, a pastel pink knitted sweater, and paired it with my white kitten heels.

I always wear clothes according to my grandmother’s liking, hindi revealing. Prim and proper, she says. Para hindi ako mabastos.

I can’t even wear shorts kahit nasa bahay lang, kahit nga nasa kwarto lang ako, they’ll start calling me names and I am to be blamed if someone shows their interest on me. Sa akin ang sisi dahil hindi maayos ang suot ko.

When in fact, there’s still someone out there getting cat called, may nabibiktima, kahit ano pa ang suot nila. Regardless of their gender at that. That’s how fuck up our society is. Hindi lang ‘yon maintindihan ng iba. Rather, they refused to understand it.

SOME refused to listen, kasi mas madali nga naman sa kanila ang manisi ng biktima.

Nang makuntento na ako sa itsura ko, hindi ko na hinintay na kumatok pa sila sa kwarto ko. Nagkusa na akong lumabas.

“Oh, ready na pala e. Tara na.” Excited na sabi ni Lola nang makita ako.

Nag tricycle na lang kami dahil malapit lang naman ang church sa amin. Wala rin naman kaming sasakyan. Nag balak si Mama bumili noon, hindi natuloy. Bakit nga ba naman kami bibili ng sasakyan kung pwede naman itulong na lang ang pera na ‘yon sa kamag anak naming nangangailangan? E hindi naman life and death situation ‘yon pero ang lakas nila mag konsensya.

Gusto ko sana umupo sa pinaka likuran kaya lang hinila ako ni Tita sa harap.

“Para marinig mo,” bulong niya.

“Kahit naman nasa likod, maririnig ko,” pagdadahilan ko. Tinuro ko sa kanya ang naglalakihang na speakers. “Naka speakers, Tita.”

“Mas maganda sa harap, ano ba. Mas ramdam mo ang presensya niya dito.”

“Ah, hindi nila ramdam sa likod?” I asked, genuinely. Nang-aasar din.

I stifled a laugh when her eyes turned sharp. E, naasar?

Minsan kaya rin siguro sila may galit sa dalawang kaibigan ko kasi na-adapt ko na ugali nang dalawa. Or late lang talaga na-develop ang ganitong ugali ko?

I shut my thoughts down when the mass started. My eyes roamed through the four corners of our church, it feels good to be here… really, kung nagkusa kang pumunta at lumapit sa kanya.

It feels awkward to clap my hands, and share the joy with them when I know, after this… mag iibang anyo na ang mga ‘to, as if we’re snakes. I can’t even raise my hand and close my eyes to feel solemn and appreciate the voice of the church’s voice lead. Kailangan pa akong sikuhin ni Lola para gumaya.

I’ve been in other churches, through invites. Iba-iba ‘yung way nila sa pagsamba, but what matters is that the people are genuinely feeling it. And I don’t.

“Itaas mo ang kamay mo,” utos sa akin ni Lola.

Instead of raising my hand, I crossed my arms. I really don’t feel it.

Siguro tama sila. Wala na ako sa presensya niya.

But I do believe in him. I guess… that’s enough.

“Ma, hayaan mo na…” suway ni Mama kay Lola dahil panay pa rin ang paniniko nito sa akin kahit nakapikit ang mga mata. Kung bakit kasi dito pa ako tinabi.

I looked at my mother, brows furrowed. Naiirita na dahil sa paniniko ni Lola. E sa ayaw ko nga.

“Come here.” Marahan akong hinila ni Mama sa siko at nilipat sa upuan niya, pumagitna sa amin ni Lola. “Nandito na rin tayo, behave muna hm?”

“I am well behaved, Ma,” I answered flatly.

She clicked her tongue and playfully pinched my cheek. “Ayusin mo muna ang mukha mo. Nakasimangot oh. Ganda-ganda mo, e.”

My lips curled up as I jokingly rolled my eyes. Natahimik naman ako dahil sa ginawa ni Mama. Nailabas ko pa nga ang cellphone ko para mag chat sa group chat naming tatlo.

Mariot:
Gago, nakita ko kanina si Cri. Kasama sina Lola niya! Nagsimba ka, Cri?

Cloud replied to Mariot:
Kaya tayo nasasabihan demonyo e. Bakit hindi ka sumama?

Mariot:
Nagsisimba ako. Excuse you!

Cloud:
Iba naman ang sinasamba mo, tanga.

Mariot:
Omsim, parang ikaw. Bago ‘yun ah?

Cloud:
Shut the fuck up, Mariot na pala iyot! 😂

Mariot:
Kung may pala iyot sa atin, ikaw ‘yon, tanga!

My lips thinned upon reading their messages. Hindi ko na pala dapat binuksan ang group chat namin. Ang hirap tuloy magpigil ng tawa.

Crimson Shion:
Hindi ko na dapat binuksan gc natin. Nagbabawas ako ng kasalanan, dinadagdagan niyo. 😮‍💨

Mariot:
Ah, hindi ako namalikmata kanina. Ikaw nga ‘yon. Ipagdasal mo na lang siguro kami?

Crimson Shion:
Magsarili kayo. Hindi rin kami close, ‘di ba?

Cloud:
Lol 😆

Mariot:
Kalaban ka nga pala HAHA

Crimson Shion:
Am not? Well, slight?

Cloud:
Listen to the sermon first, Cri.

Mariot:
Bait, taina. Akala mo hindi kumakain ng —

Crimson Shion:
Kumakain ng what?

Mariot:
Shhh… Bawal sayo ‘yun.

Cloud:
Screw you, Mariot.

Mariot:
🥰🥰🥰

I didn’t reply back but I didn’t turn my phone off either. My eyes may be busy, but my ears are listening. I pressed the volume down so I can open the clock app, doon ko lang naman pwedeng guluhin ang buhay ni user KioJu.

“Let’s give our best to him. If you have the talent, sa kanya mo gamitin.”

Sapul. Mabilis kong binaliktad ang cellphone ko nang tapunan ako ng tingin ni Tita. Diretso ang tingin ko sa harap.

“Huwag natin sayangin ang binigay niyang talento sa hindi makabuluhan na bagay.” The preacher continued.

That shit made me uncomfortable. At mas lalo lang gumulo ang utak ko nang maiba na naman ang topic. It’s about serving, giving, changing. Paulit-ulit. Nakatatak na ‘yon sa akin, hindi nga lang na-apply. That made them label me as a rebel.

I sighed as I listened more and more. They’re telling us that those who are not in church are evil, but how could they consider someone evil when they don’t even know them? Nauna pa ang judgement kaysa ang kilalanin ito.

Is it because they drink? Uminom din naman siya noong panahon niya. Nasa bible ‘yon. Nagkataon na moderate drinker lang siya.

Is it because people who are not in church don’t show their love for him the way they do it? Do people not praise the creator in their own way? I was with different people already, iba-iba man tayo ng paniniwala, pareho lang naman ang pagmamahal para sa kanya. And I respect that wholeheartedly.

I don’t want to push my own beliefs on them and ask them to change their religion.

Nang matapos ang misa, nauna na akong lumabas. Nag bless ako sa mga nadaanan kong matatanda, pero hindi nagpahuli sa mga leader.

Shion: Parang gusto ko agahan meet up natin :(

I straightened my back when I saw the bubble, indicating she’s typing. Hindi nga ako nag expect na sasagot ito agad.

KioJu: Hey, katapos lang ng mass.

Shion: Same :)

KioJu: Why do I feel that smiley is sarcastic?

Shion: Galing mo naman makaramdam.

KioJu: What happened?

Shion: Hindi ka na ba makikipag meet sa akin if I tell you na I am not someone who enjoys sunday mass?

KioJu: You don’t? It’s fine. May araw rin na hindi ko gusto magsimba. Pray ka na lang siguro.

I chuckled at her reply.

Shion: Walang pumipilit sayo?

KioJu: Wala. My family is not that religious. Magsimba ka kung gusto mo, kung hindi, edi hindi.

“Sana all?” I whispered to myself.

KioJu: I heard your family is vv religious.

Shion: Dami mong alam ha? Stalker ba kita?

KioJu: Miss, you’re famous.

Shion: They are. Naligaw ako. Salungat opinion ko, e.

KioJu: Like, you don’t care about someone’s gender?

Shion: That… and many more. Anyway, ‘wag mo na lang pansinin ‘yung unang message ko sayo. Kabag.

“Hinahanap ka sa loob, nauna ka na palang lumabas.” Nakangiti na umiiling sa akin si Mama.

I shrugged my shoulders. “Uwi na tayo, Ma.”

Hinintay lang namin sina Lola sa labas. When I saw them, agad akong sumakay sa tricycle na pinara ko kanina. Ang kaso nga lang, maling desisyon na sa loob ako pumwesto.

My ears are hurting with her sermon. Inulit niya pa talaga ang sermon kanina. Dumagdag pa na um-agree si Tita kahit nasa likod na sila ni Mama. This type of conversation is draining me. I can’t speak up, kasi sila dapat lagi ang tama.

No wonder my cousins left the old house and decided to live far. Kung hindi lang sa amin ang bahay na tinitirhan namin, baka lumayas na rin ako.

Malapit na kami sa bahay nang tumigil si Lola. Kinalabit ako nito.

“Tingnan mo, nagpagupit pa talaga. Walang lugar ang mga ‘yan sa langit.” She looks so sure about it.

I squeezed my eyes shut and sigh heavily. I didn’t let it go through me.

Napagod ako kahit na umupo lang naman ako doon at nakinig. Hindi pa nga todo ‘yon. I checked my phone and opened KioJu’s message.

KioJu: May gagawin ka pa pagkatapos niyan?

Shion: Sa bahay lang.

KioJu: Let’s meet at the café nearby campus?

My lips parted before forming a wide smile. I don’t mind sitting half an hour, listening to the sermon, kung blessing naman agad ang kapalit.

“KioJu, this is not you… Ang branding mo ay magpakipot sa akin.”

☕️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #gl