Chapter Three
Kinabukasan..
"Oy! Sam, dito na ka!" Tawag sa kanya uli nila Abigail habang naghahanap siya ng upuan sa canteen. Malungkot siyang ngumiti at pumunta sa kanilang kinaroroonan. "Hi girls.." matamlay niyang bati sa mga ito bago ilapag ang tray ng pagkain.
Agad nilang napansin ang mood ng dalaga. "O, bakit ganyan ang hitsura mo? Di maipinta ni Rizal." Biro rito ni Cristine na isa pa nilang kaibigan. "Oo nga. Sayang naman 'yang pretty face mo kung naka-upside-down naman ang ngiti mo. Smile naman diyan, Sam!" Pagche-cheer ni Mila habang nakathumbs-up sa kanya. Ngunit kahit na anong pagpapatawa ng mga ito, ay tila walang talab sa lungkot na bakas na bakas sa kanyang mukha.
"Oh, hindi ko nga pala nakita ang geeky mong syota kanina sa Physics class, anong meron? Bakit siya absent?" Tanong ni Abigail.
Napalunok muna si Samantha sanhi nga pagkakarinig sa pangalan ng binata. "A-Ah.. ano kasi.. hindi na talaga siya papasok." Mahina nitong sagot sabay subo ng lugaw.
Napatigil sa pagkain ang magkakaibigan. "What? Bakit naman?" Tanong ni Yana na may pag-aalala sa mukha. Tumingin dito si Samantha at sumagot, "Dahil lumipat na sila ng kapatid niya sa States."
"Really? Wow. Taray ng geek na 'yan! May pa-States pang nalalaman ha! So ano 'yon? LDR kayo at miss mo na siya, kaya ka malungkot?" Tanong ni Mila na may ngiti sa labi.
Umiling lamang ito na agad na ikinabahala ng apat. "Girls, kasi.. nag-break na kami. Kahapon lang."
"Oh my God, di nga?! Wait lang, sino ba ang nakipag-break, siya o ikaw?"
"Siya."
"Ah, mabuti naman kung ganon. Kasi kung siya ang... wait a minute. Siya, ang syota mong geek ang nakipag-break sayo?! Seriousleh?!" Ani Cristine habang nag-gasp ang iba nitong kaibigan.
"Wadapak?! Totoo, Sam?!" Di makapaniwalang tanong ni Yana.
"Yes."
"No joke?!" Ani Abigail
"Oo nga. Tingin niyo ba, nagbibiro ako?" Sagot naman ni Sam na tila naiinis ba sa mga ito. Lumamig na tuloy ang lugaw niya. Badtrip ah.. isip-isip nito. "Ano bang issue kung si Sim ang nakipag-break, ha?" Anito.
Nagtinginan ang mga dalaga. "Are you crazy, Samantha? Ibig sabihin niyan, ay ikaw ang kawawa, dahil ikaw ang hiniwalayan ng mokong! This situation is implying that he is more superior than you are! Doesn't that bother you one bit?" Tanong ni Mila ng may pagtataka sa mukha. Huminga muna ng malalim si Sam. "I don't care. Babalikan naman niya ako. So, just shut your mouths up! Akala niyo ang gagaling ninyo kung makapag-salita kayo kay Simon, pero hindi. Sa inaasta niyo, ay parang lumalabas na mas kalait-lait kayo than he will ever be! If I were you, I'd just mind my own business before I call the Guidance counselor." She snapped and stood up with her unfinished tray.
Pero bago pa siya makaalis, pagtalikod nito ay mutikan na niyang makabanggaan ang isang lalaki na may matipunong pangangatawan. She looked at him and glared as he smirked down at her. "So, it's true that the geek's out of here, huh?" Umirap lamang si Samantha. "Oo, at bakit? Ano bang problema mo ha, Ricky?" Sunbat niya habang sinusubukang maka-iwas dito.
"Well, mabuti naman kung ganoon. Kasi ngayon, masosolo na kita. Wala na akong kaagaw na kumag, na akala mo naman may binatbat." Pang-aasar pa nito. Agad na nagalit si Sam sa narinig.
"Pwede ba? Sa sobrang hangin mo, wala na yatang signal ang Pag-Asa sa iyo, eh! At kahit na wala si Simon dito, hindi pa rin kita magugustuhan! Kaya't kung ako sa'yo, tigil-tigilan mo na ako." Anito sabay na mabilis na lumakad paalis.
~
Agad na tumakbo si Samantha, matapos idespatya yung tray, sa rest rooms. At doon, ay umiyak na lang siya nga umiyak sa loob ng isang cubicle. Oo. Aamin na siya. Miss na niya si Simon Perez. Paano naman kasi, sariwang-sariwa pa ang sugat na iniwan nito sa kanya. Mamaya niyan, sa likod ng kanyang nerdy glasses at 'de-scientist' accent, makahanap pa siya ng girl doon sa California.
Leaving Sam endure all the pain of their past.
Pero kahit na ganyan, at parang black-eye ang mga eyebags niya dahil sa kawalan ng tulog kaiiyak para sa kanya kagabi, ay alam niyang she has to be strong. She will wait for him. Babalik naman daw siya di ba? Magkikita pa naman sila uli. Pero for now, ganito muna.
Broken-hearted muna.
"So, it's just me against the world now, Sim.." bulong niya sa sarili bago siya tumahan.
Sana nga, bumalik ka na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top