XXI : Dalaw

Kabanata Dalawampu't-isa : Dalaw

Lorraine

Tahimik na ang buong k'warto. Ang tangi ko na lamang naririnig ay ang maingay na buhos ng ulan mula sa labas. Kung sin'werte si Pauleen, malamang nasa bahay na nila 'yon. Pero kung hindi, malamang stranded 'yun sa traffic. Kilala ko siya kahit hindi kami sobrang close na magkaibigan, magcocommute 'yon kaysa magpasundo.

May pumasok na nurse sa loob ng k'warto ko. Kaya napatingin ako roon at nakita ko ang isang babaeng nurse. Puting-puti ang suot niya at walang emosyon ang mukha niya. Mukhang pagod na siya dahil malapit na ring maggabi. May tiningnan siya na kung ano. Hindi ko na kasi siya pinansin at muling tumingin sa labas ng bintana.

Sobrang lakas ng ulan. Iniisip ko kung babaha rin kaya ngayon? Sa lakas ng ulan na 'to, babahain kaya ang ospital kung nasaan ako? Tingin ko, sa lahat ng nangyari sa akin, wala ng imposible. Galit na galit ang batang babae na 'yon saakin kahit hindi ko naman sila kilala. Mas lalo tuloy napalalim ang hinala ko na sila ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko. Lalo pa't sinabi niya na kaya sila namatay ay dahil sa mga magulang ko.

"Kamusta ang lagay mo?" Napatingin ako sa bandang pintuan kung saan may lalaking itim na itim ang suot ang pumasok. "May dala nga pala akong mga prutas para sa'yo. Sana magustuhan mo," aniya pa bago ilapag ang mga plastik na dala niya sa lamesang nasa tabi ko.

"Paano mo nalaman na narito ako?" Tanong ko sa kaniya. "Tsaka nagdala ka pa ng mga prutas. Baka abala lang 'yan," dagdag ko pa pero nginitian lang niya ako. Lumapit siya sa akin at nakatayong tumingin sa akin.

"Nurse kasi ako rito. Pero pang-umaga ako. Nakita kita rito kaninang umaga. I mean, ako ang nag-aalaga sa'yo kanina bago ka magising. Kaya naman pag-uwi ko, bumili kaagad ako ng mga prutas para bisitahin ka. Buti nga at gising ka na. Sa dami ng sugat na natamo mo, akala namin bukas ka pa magigising o sa mga susunod na araw pa," mahaba niyang saad kaya napatingin ako sa dala niyang mga prutas. "May naka-away ka ba? Mas'yadong marami 'yang sugat na natamo mo. Siguro basagulera ka ano? O kaya amazona kaya maraming kaaway," saad pa niya.

"Wala akong kaaway. At mas lalong hindi ako basagulera," pagsusungit ko sa kaniya. "Kung ang pagbisita mo ay para lang dalhan ako ng prutas, ayos na. Thank you. P'wede ka ng umalis," sabi ko pa bago itunuon ang tingin ko sa labas ng bintana.

"Hindi lang 'yon," naging seryoso ang tono niya. Pero nanatiling wala sa kaniya ang tingin ko. "Gusto kong malaman kung bakit ang weird mo," dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa kaniya na puno ng pagtataka.

"Weird?"

"No'ng una kitang makita, wala kang malay. Para ka ng mamamatay nang makita kita sa CR ng SM. Buti na lang at nadala kita sa bahay ko. Ngayon naman, sa ikalawa nating pagkikita, ganiyan naman ang itsura mo. Ang daming sugat. Putok ang kilay. Maraming saksak sa katawan," seryoso niyang sabi. "Hindi kaya kriminal ka at may mga humahabol sa'yo? O kaya naman may pinagkaka-utangan na hanggang ngayon hindi mo pa nababayaran?" Dagdag pa niya habang may mapanuring mga tingin.

"Alam mo ikaw. Edrich---"

"Erick ang pangalan ko," pagtatama niya.

"Edi Erick. Alam mo, detective ka ba? Ang dami mong hinala. Kahit naman sabihin ko sa'yo kung anong dahilan kung bakit ako nagkakaganito, alam ko naman na hindi ka maniniwala," ani ko bago inabot 'yung plastik na dala-dala ni Erick at kumuha ng mansanas doon. Agad akong kumagat kahit hindi ko pa alam kung nahugasan na ba 'yon o hindi pa. At wala na rin naman akong pakialam.

"Try me."

"Ha?"

"Sabihin mo sa'kin."

"Bakit ba gusto mong malaman?" Tanong ko sa kaniya bago kumagat muli sa mansanas.

"Ewan ko. Gusto ko lang malaman. Magkaibigan tayo 'di ba?"

Nabilaukan ako sa sinabi niya. "Kaibigan? Kailan pa?"

"Simula nang makilala kita," aniya kaya natawa ako. Napapikit pa ako sa pagtawa ko. "Anong nakakatawa?" Biglang nag-iba ang boses niya. Nawala ang tawa ko nang sumagi sa isipan ko na hindi pagmamay-ari ni Erick ang boses na 'yon.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

At doon, nakita ko ulit siya.

Kailan kaya ako tatantanan ng batang babae na 'to?

#

An : since natapos ko na ang Downpour, p'wede na akong makapagfocus sa story na 'to. Kaunti na lang naman, patapos na rin ito. So stay tuned! Vote and comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top