CHAPTER 4
CHAPTER 4
DELAIHLA FRIA HATT
Abala ako sa paglalagay ng concealer sa gilid ng aking labi at sa pisngi nang biglang nag-ring ang cellphone ko. I took a deep breath before picking up the phone to answer the call.
"Hello?"
"Good day, Ma'am. Pinapatawag po kayo ng principal. Tungkol po ito kay Aksana."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Aksana. Naibagsak ko ang aking concealer.
"B-bakit? Anong nangyari sa kanya?" kinakabahan kong tanong.
Isang buntonghininga ang nanggaling sa kabilang linya.
"Pumunta na lang po kayo rito sa school, Ma'am."
Ibinaba ko kaagad ang tawag at dinampot ang wallet sa ibabaw ng lamesa. Agad akong tumakbo palabas ng bahay at pumara ng tricycle papunta sa school.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Anong nangyari?" hinihingal kong tanong makarating ko sa school.
Malakas na hikbi ni Aksana ang narinig ko. Bumaba ang tingin ko sa kanya at nanlaki ang mata ko nang makita ang malaking bukol sa kanyang noo.
"Aksana! Anong nangyari sa 'yo?" naiiyak kong tanong.
Yumakap siya sa 'kin at doon pumalahaw ng iyak.
"Ate!" Isinubsob niya ang kanyang mukha sa 'king leeg.
Nilingon ko ang adviser niya na siyang nakayuko. Napakamot ako sa 'king buhok dahil sa magkahalong inis at pag-aalala.
"Ma'am naman, sinasabihan ko 'tong kapatid ko na hayaan at huwag na lang pansinin ang umaaway sa kanya. Pero 'yong ganito? Iyong magkakabukol siya? Hindi ko 'to matatanggap!" I snapped.
Hindi ko na napigilan na tumulo ang pinipigilan kong luha. Kinarga ko si Aksana na patuloy pa rin sa pag-iyak at paghikbi sa aking bisig.
"Baby, calm down. Shush. . ." pagpapakalma ko sa kanya.
Lalong humigpit ang pagkakayakap sa 'kin ni Aksana na lalong ikinaiyak ko.
"Pagsabihan mo rin 'yang kapatid mo! Tinulak niya ang anak ko kaya gumanti siya!" biglang sigaw naman ng ginang sa 'kin na naroroon sa silid. Agad na naglandas ang aming mga tingin.
"Ipinagtanggol lang ng kapatid ko ang sarili niya!" sigaw ko pabalik, nagtataas-baba ang dibdib dahil sa galit.
"Aba, ang bastos din ng bibig mo—"
"Oo! Bastos ang bibig ko!"
"Ilang beses nang nagsusumbong sa 'kin ang kapatid ko dahil sa anak mong walang tigil sa pambu-bully sa kanya! Bakit? Dahil sa kulay ng buhok niya? Dahil kakaiba siya sa inyo? Hinahayaan ko lang 'yon dahil away-bata lang," umiiyak kong saad.
"Hindi niyo alam kung gaano kasakit na makita na pilit niyang kinukulayan ng pentel pen na itim ang buhok niya para lang maging normal siya kagaya ninyo!"
Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. "Hindi niyo rin alam kung gaano kalaking impact sa kanya ang pambu-bully ng anak mo!" Garalgal na ang boses ko habang binibitiwan ang mga salitang 'yob. "Sa tingin niyo ginusto namin na maging ganito? Hindi!"
"Ma'am, kalma lang po," rinig kong wika ng guro sa akin pero hindi ko 'yon pinansin.
Kahit sumasakit ang lalamunan ko, hindi pa rin ako tumitigil sa pagsasalita. Gusto kong malaman nila ang saloobin ko. Inangat ko ang ulo ni Aksana at ipinakita sa kanila ang namumulang bukol nito.
"Itong bukol na 'to? Sa tingin mo away-bata lang? May bukol ba ang pwet ng anak mo kaya nag-aalburoto ka nang ganyan?" pagmamatigas ko. Natahimik ang ginang dahil sa paghihimutok ko. "Sana naman maging patas tayo! Tao rin ang kapatid ko—may pakiramdam—kaya sana walang ganito!"
"Ms. Hatt—"
"Huwag kayong mag-alala. Kami na ang kusang aalis dito. Naturingan kayong private school pero hindi man lang naturuan ng mabuting asal ang mga bata," mariin kong wika.
"Kinakampihan niyo 'yan dahil sa mayaman siya? Hindi ako bobo para hindi mapansin na sa tingin ko ay binabayaran kayo nito para manahimik," dagdag ko pa.
Kinuha ko ang bag ni Aksana at binitbit 'yon. "Tandaan niyo 'tong sinasabi ko. Hindi madadala ang pera sa langit kapag namatay. Hindi na papasok si Aksana sa school na 'to. Pasensya na sa gulo." Tinignan ko ang ginang na siyang tikom na ang bibig, ang mga mata ay hindi maintindihan kung saan gustong dumapo. "At sana masaya ka sa ginawa ng anak mo sa kapatid ko."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Agad na rin kaming lumabas ng silid. Pagkalabas namin sa school ay ibinaba ko si Aksana saka pinunasan ang kanyang luha.
"H-huwag ka nang umiyak, please. Baka h-hindi ka niyan makahinga," umiiyak kong sambit. Hindi ko kaya na makita siyang ganito. Lalong sumisikip ang dibdib ko sa sakit.
"A-ate. . . Masakit—a-ang bukol." Hindi niya matuloy ang kanyang sinasabi sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Kinarga ko siya saka sumakay sa tricycle na aking napara.
"Gagamutin ni ate 'yan, huwag kang mag-alala. Tapos iki-kiss ko 'yan nang marami. Huwag ka nang umiyak, naiiyak din ako eh."
Pagdating namin sa bahay ay pinaupo ko kaagad siya sa upuan at nagmadaling kumuha ng yelo sa refrigerator para sa bukol niya.
"M-masakit..." Napalabi siya, nagbabadyang tumulo ang luha.
Pinunasan ko ang luha ko at nginitian siya.
"Pasensya ka na," naiiyak kong sambit.
Dahan-dahan kong ihinaplos ang yelo sa kanyang bukol hanggang sa unti-unting kumalma si Aksana.
"A-ate. . ." marahan niyang sambit, binabasag ang namumuong katahimikan. "S-sabi nila sa 'kin pokpok ka raw. Kapag gano'n daw ang trabaho, umaalis sila tuwing gabi tapos uuwi sa umaga."
Natigilan ako sa sinabi niya. Masyado pa silang bata para malaman ang gano'ng salita. Saan na naman kaya narinig ng mga classmate niya 'yon? Ibinaba ko sa lamesa ang hawak kong yelo na nakabalot sa towel.
Nginitian ko lamang siya saka hinalikan ang kanyang bukol.
"Kapag malaki ka na, maiintindihan mo kung ano 'yon. Pero sana alamin mo muna ang side ko kung bakit ako napunta sa trabaho na 'yon bago ka magalit sa 'kin." Kumuha ako ng panali saka ipinuyod ang makapal niyang buhok.
"Ano? Ang haba ng sinabi mo pero wala akong naintindihan," maktol ni Aksana.
Tumawa ako at hinimas ang kanyang pisngi.
"Ililipat na kita ng school," pag-iiba ko na lang sa usapan.
Bumakas ulit ang sigla sa kanyang mukha.
"Talaga? Maraming salamat, Fria!"
"Wala nang aaway sa 'yo. Si ate ang gagawa ng paraan," mahina ko pang sabi.
Isang ngiti ang kanyang ipinakita bago ako niyakap nang mahigpit. Napatingala siya sa akin, noo ay bahagyang kumukunot. Iniangat niya ang kanyang maliit na kamay na siya niyang idinampi sa aking pisngi.
"Fria." Sinipat niya nang mabuti ang aking mukha. "Bakit may pasa ka sa pisngi?"
Isang ngiti lamang ang natamo niya sa 'kin.
"Tara, kain na lang tayo. Nagluto ako ng paborito mo." Kinarga ko siya tungo sa lamesa.
"Kiss ko na lang 'yan," mapaglaro niyang sambit.
Ngumiti ako saka tumango. "Sige na nga."
Nilapat niya ang kanyang labi sa aking pisngi kung nasaan ang aking pasa. Naging matunog ang kanyang paghalik na siyang ikinagalak ng aking puso.
Binaba ko siya sa upuan saka hinanda ang kanyang pagkain. Nanatili siyang tahimik. Alam kong masakit pa rin ang bukol niya kaya siya tikom na tikom. Sinubuan ko na lang siya hanggang sa maubos ang laman ng kanyang plato.
Tahimik pa rin siyang nakaupo sa may hapag habang naghuhugas ako ng pinggan. Matapos kong maghugas ng pinagkainan ay akin na rin siyang dinala sa kuwarto. Doon na lamang siya muling napaimik.
"Ate, bakit tayo nandito? Sa bakuran tayo. Gusto kong magpana, eh."
Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Kinuha ko ang isang maliit na supot mula sa may aparador saka ko siya muling nilapitan.
"Mas maganda kung magpapana ka nang nakaganito." Agad kong ipinakita sa kanya ang isang damit na aking binili. May imprenta 'yon ng mukha ni Merida na siyang ikinapamilog naman ng mga mata ni Aksana.
"Fria!" Agad niyang hinablot ang dress mula sa aking kamay at walang ano-anong niyakap 'yon. Bakas sa kanyang mga ngiti ang labis na kagalakan. "Ang ganda! Mahal ang ganito, 'di ba? Saan ka nakakakuha ng pera?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti saka naupo sa kama.
"Isukat mo na tapos magpapana na tayo sa bakuran," utos ko. Tumango-tango naman siya at agad na pinalitan ang suot niyang damit.
"Maganda ba?" Dahan-dahang siyang umikot sa harapan ko.
Tumayo ako at inayos ang kanyang buhok.
"Sobrang ganda mo. I love you." Hinalikan ko ang kanyang noo.
"I love you rin, Fria! Salamat!" Sumampa siya sa kama saka humalik sa 'king pisngi. Hinawakan niya ang aking kamay saka ako hinila palabas ng kwarto. "Tara na!"
Bago pa ako mahila ni Aksana, kinuha ko agad ang aking cellphone. Naupo ako sa may duyan sa bakuran pagkalabas namin. Agad namang dumulog si Aksana sa pagpapana kaya na siya namang aking pinagmamasdan. Iniharap ko sa kanya ang camera ng aking cellphone upang kunan ang tuwang-tuwa niyang palalaro.
"Pi-picture-an kita, ah? Ngumiti ka!"
Humarap siya sa 'kin saka ngumiti. Nag-posing pa siya nang bahagya hanggang sa siya na ang sumuko. Lumawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang picture niya.
Grabe. Ang bilis talaga ng panahon. Ang laki na niya.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Ubos na ang gamot ni Aksana, Delaihla. Isa na lang ang natira para bukas," sabi ni Stephanie habang pinagmamasdan akong maglagay ng make-up.
Hinarap ko siya at binitbit ang bag ko.
"Bibili na lang ako pagkauwi ko." Isang panandaliang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Nagpakawala ako ng isang buntonghininga saka muling umimik. "Ililipat ko na ng school si Aksana, Steph. Hindi ko na talaga maatim ang mga nararanasan ng bata doon sa private school na 'yon," siwalat ko.
Maging si Steph naman ay naggalaiti nang malaman niya kung ano ang sinapit ni Aksana kanina sa school.
Kumuha ako ng pera mula sa aking wallet at agad na iniabot iyon sa kanya.
"Ikaw na lang mag-enroll sa kanya sa San Agustin Elementary School. Hindi ko kayo masasamahan kasi magse-serve ako sa bar para may dagdag kita."
Tumango siya sa sinabi ko saka niya ako hinagkan nang mahigpit.
"Sige. Mag-iingat ka, ah?"
"Salamat," tipid kong tugon. Nginitian ko siya bago tuluyang lumabas ng bahay.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Pagkarating sa Poufiasse Club ay si Rose ang siyang bumungad kaagad sa akin.
"Baka sa bar ka muna magtrabaho ngayon, Delaihla. Wala pa kasing naka-book sa 'yo," pag-aabiso kaagad niya. "Pero malay mo 'di ba? Baka may mag-table sa 'yo. Malaki rin tip no'n," daldal pa niya.
"Thank you, Rose," sagot ko.
Ngumiti lang siya sa akin at mahinang tinapik ang aking balikat. "You're welcome!"
Nagtungo agad ako sa second floor, diretso sa locker room kung saan kami nagpapalit ng suot. Isang Napakaikling palda at white fitted polo na croptop ang aking naisuot. Pinalamutian ko rin ang aking leeg ng isang black choker. Hinayaan ko ring nakalugay lang ang aking makapal, kulot, at kulay pulang buhok.
Nang bumalik ako sa loob ay aking nadatnan ang isang batalyon ng mga patronaheng halatang may tama na ng alak sa kanilang sistema. Hindi rin nakatulong na Biyernes ngayon, dahilan upang halos mapuno ang buong bar.
Habang pinagmamasdan ang ka-busy-han ng buong paligid ay saka lang ulit sumagi sa aking isipan na bukas na nga pala ang anniversary ng Poufiasse Club. Binabalak ko na lang na humiram ng long gown kay Rose dahil alam kong marami naman siyang long gown na nakatago. Kaysa naman bumili pa ako ng akin tapos isang gabi ko lang naman maisusuot.
"Gastos lang," sa isip-isip ko.
Sa ngayon, mas importante ang gamot ni Aksana kaysa sa susuotin ko.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top