CHAPTER 16

CHAPTER 16

DELAIHLA FRIA HATT

Nakangiti ako habang pinagmamasdan sina Dom at Aksana na naghaharutan sa tabi ko. Hindi makasali si Aksana sa mga palaro rito dahil sa sakit niya sa puso.

Anumang "extreme activities" ang kanyang gawin, paniguradong mati-trigger ang abnormal na tibok ng kanyang puso na baka maging dahilan pa ng paninikip ng kanyang dibdib.

Baka mahirapan pa siyang huminga at mas lumala pa ang kanyang kumplikasyon. Kaya naman nakikipagdaldalan na lang siya kay Dominic habang nanonood ng mga kaganapan. Minsan naman ay sa akin din siya dumadaldal.

"Aksana!"

Napatingin kaming tatlo sa dalawang babaeng papalapit sa amin. Nakasout sila ng wig na kakulay ng buhok ni Aksana. Napangiti ako dahil do'n.

Bumaba si Aksana sa kandungan ni Dominic at nagtungo sa kanyang mga kaibigan.

"Pinakulayan niyo buhok niyo? Sabi ni Teacher Mae, bawal daw 'yon sa bata," wika ni Aksana habang nakahalukipkip.

"Ano ka ba! Wig lang 'tong suot namin!"

"Tama!"

Lumawak ang ngiti ko nang makita ang kasiyahan sa mga mata ni Aksana. Kumikinang ang mata niya na mistulang nagagalak.

"Talaga!? Ginawa niyo 'yan para sa akin?"

Tumango ang dalawa nitong kaibigan bago marahang niyakap si Aksana.

"Syempre naman. Best friends forever tayo, 'di ba?"

"BFF!"

Sumilay sa mukha ni Aksana ang isang nagagalak na ngiti at niyakap pabalik ang kanyang mga kaibigan.

"Oo naman. BFF tayo!" hiyaw niya kasabay ng masaya nilang pag-ikot habang magkakayakap.

Napuno ng tawanan ang pwesto namin. Ang ibang mga tao ay tumitingin sa kanila pero binalewala lang nila 'yon. Habang pinanonood sila, tila nagunita ko na parang ang sarap ngang bumalik sa pagkabata; iyong wala kang iisipin na problema, puro laro lang at kasiyahan.

Napatingin ako kay Dominic nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang pinapaikot ang kanyang hinlalaki sa aking palad.

"What?" I asked.

Umiling siya. "Nothing. I just can't help but stare at you. You're so beautiful."

Ngumiti ako. "Thank you."

He smirked. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad.

"Tara, ipapakilala ko kayo sa ate ko at sa magiging jowa niya!" rinig kong wika ni Aksana habang papalapit siya sa akin kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Jowa? Ano 'yon?"

"Ano ka ba, Mia? Hindi mo alam 'yon?" usal ng isa nitong kaibigan.

"Huwag na kayong maingay. Ipapakilala ko na kayo kay ate ko," maktol ni Aksana.

Napailing na lang ako at hinintay sila na makalapit sa amin. Nanatiling magkahawak ang kamay namin ni Dominic.

"Ate! BFF ko pala," hahagi-hagikhik na pakilala ni Aksana habang papalapit.

Ipinamalas ko sa kanila ang isang malawak na pagngiti. Tila humaba pababa ang panga ng dalawa niyang kaibigan sa mangha nang makita nila ako. Kinawayan ko naman sila kasabay ng isang malambing na pagbati.

"Ate ko 'yan!" ani Aksana.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dom sa aking tabi.

"They seem stunned by the color of your hair," natatawang bulong ni Dominic.

I smiled. Alam kong namamangha sila sa buhok ni Aksana dahil pino ang pagkakakulot nito bukod sa kakaibang kulay niyon, kaya gano'n na lang din siguro ang pagkamangha nila sa buhok ko.

Doble ang buhaghag ng sa 'kin kumpara kay Aksana. Siguro dahil na rin sa kung paano namin inaalagaan ang buhok namin kaya mas lalong umaangat ang pagkakakulot nito kaysa maging frizzy ang hitsura.

"Hello po, ate! Ako po si Yna," pakilala no'ng isa sa kanila.

"At ako po si Mia," ani naman ng isa.

Ang cu-cute nila! Tila ba ang sarap pisilin ng kanilang pisngi.

"Hi, Yna and Mia. Ang cu-cute niyo naman," bati ko sa kanila.

"Mas cute ako!" nguso ni Aksana.

Natatawa ko siyang itinabi sa kanyang mga kaibigan.

"Ayan, pare-pareho na kayong maganda," nakangiti kong wika.

"Ang ganda po ng buhok niyo," magkasabay na sambit nina Mia at Yna.

Nakatinginan kami ni Dominic. Pabirong inulit ni Dominic nang pabulong ang sinabi ng dalawang bata. Inirapan ko na lamang siya saka hinarap ang mga bata.

"Ang sweet niyo naman. Thank you," nakangiti kong tugon.

"Yna, Mia, Si Kuya Dominic pa pala. Ipapakilala ko kayo sa kanya," tawag-atensyon muli ni Aksana sa dalawa niyang kaibigan.

Nangibabaw ang boses ni Aksana sa kumpol namin. Pinanood ko ang biglaang paghila niya sa kamay ni Dominic papalapit sa mga kaibigan niya. Hindi naman na nakapalag si Dominic sa kakulitan ng bata.

"Hi, girls," bati ni Dom.

"Hello po, kuya!" sabay na bulalas ng dalawa.

"Mabait 'yan. Alam niyo ba, binigyan niya ako ng malaking stuffed toy! Mas malaki pa sa akin," kwento ni Aksana.

Napailing na lang ako habang pinagmamasdan sila. Nakaaaliw silang panoorin habang si Dominic ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Umabot din ng ilang minuto ang pagkikwentuhan nila hanggang sa si Dominic na rin ang kumalas. Muli siyang bumalik sa pwesto niya kanina, katabi ko.

"Kids really are talkative," bulong niya.

Tumawa ako at tumango. "Yeah, super. Lalo na si Aksana."

Dinamayan niya ako sa paghalakhak. Hinayaan ko siyang hawakan ang aking kamay. Sa kalawakan ng open field kung saan kami nakapwesto ngayon, sinipat ko ang tatlong magkakaibigang ngayo'y nakaupo't naglalaro sa picnic mat na inilatag ni Dom.

"You know what?" biglang panimula ko, "Hindi ako nagkamali na ilipat siya rito." Hindi nawalay ang tingin ko kay Aksana.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Dom sa aking kamay. "Why?"

I looked at him in the eye. "Sa dati niyang school, halatang hindi siya masaya. Diba nga, nakwento ko na sa 'yo na binubully siya ro'n?" I sighed. "Buti nga at nagkaroon siya ng mga kaibigan dito. Masaya ako para sa kanya."

Dom let out a soft smile. "Me too."

"Makukulit rin ba 'yong dalawang anak ni Cattalina?" I suddenly asked.

He laughed. "They are. But I like it. Lagi nila akong pinapasok sa kwarto kapag umaga. Ginigising nila ako para mag-jogging kasi sasama silang dalawa."

Napangiti ako. Sana makita ko na sila pati na si Cattalina. May bago na naman siyang kalaro—si Aksana.

"Follow me."

Napaangat ang tingin ko kay Dom na nakatayo na pala sa aking harapan. Kumunot ang noo ko. Saan na naman ba ito pupunta?

"Why? Baka mawala silang tatlo."

"It's fine." Agad akong napalingon sa aking tabihan nang marinig ang mahinhing boses na umimik. "Pwedeng ako muna ang magbantay sa mga anak natin."

I felt the blood gush to my cheeks. Anak?!

Nakangiti sa akin ang babae saka nilahad ang kanyang kamay. "I'm Mia's mother. Nice to meet you."

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

"Hello. I'm Aksana's sister. Nice to meet you, too." I can still feel the warmth across my cheeks.

Tila natigilan siya sa sinabi ko. Nagpalipat-lipat ang tingin niya tungo kay Dominic papunta kay Aksana saka pabalik sa akin. Alanganin siyang ngumiti saka napakamot sa kanyang ulo.

"I'm really sorry—I thought you're Aksana's mother and, gosh! I thought that the guy behind you is her fath—"

"Mommy! I'm hungry na po!" Biglang sigaw ni Mia.

"Coming, anak!" She sported a rather awkward smile. "Sorry ulit ah? Puntahan ko lang si Mia," paalam niya saka agad na tumalikod.

Nilingon ko si Dominin na noo'y nakatitig sa gawi ni Aksana na para bang ang lalim ng kanyang iniisip. Tinambol ng kaba ang dibdib ko na para akong nakipagkarerahan sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nang makaramdam siguro siyang nakatingin ako sa kanya ay nilingon na niya ako, nakakunot ang noo.

"What did she say?" he asked, pertaining to Mia's mother.

Ningitian ko na lamang siya, nagkikibit-balikat. Pinagsiklop ko ang mga kamay namin.

"Let's go? Saan mo ba ako dadalhin?"

He smiled. "Sa kotse lang. I have something to show you," he replied before pulling me in the direction where we parked his car.

Nanatili akong nakatayo sa likuran niya habang pinagmamasdan siyang may kunin mula sa trunk ng kanyang sasakyan. Kumunot ang noo ko nang makita ang hawak-hawak niya. He turned to me, all smiles.

"Do you think Aksana will like this?"

Umawang ang labi ko. Kinuha ko ang hawak niya at sinipat 'yon nang mabuti. I looked at him, astounded. No words fell off from my mouth.

"You remember I broke her bow, right?" Tumango ako sa tanong niya. "Pinasadya ko ang pagpapagawa sa pana na 'yan. Looks like Merida's bow, don't you think?" There was a hint of uncertainty in his tone.

Wala sa sarili akong napatango saka muling sinuri ang bagong laruang pana ni Aksana. Kuhang-kuha nga noon ang hitsura ng pana ni Merida. Dumausdos ang daliri ko sa nakaukit na pangalan ni Aksana sa duluhang bahagi no'n.

Huminga ako nang malalim, iniiwasang mangilid ang luha. Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Alam kong sobrang matutuwa si Aksana dahil may bago na siyang pana; pero nalulungkot lang din ako dahil hindi ako mismo ang nakabili ng gusto niya—ibang tao pa ang gumawa no'n para sa kanya.

Nilingon kong muli si Dom. "M-maraming salamat, Dom."

Doon na tumulo ang pinipigilan kong luha. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang biglang lumabas ang pinipigilan kong hikbi.

"Hey, hey. Why are you crying?" He ran his fingers across my cheek.

Umiling ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. I felt his body stiffened for a brief moment. Pero sa kalaunan, hinagkan niya rin ako.

"You're always welcome, Delaihla. Stop crying," he whispered.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi, at ang mga hikbi ay napapalitan ng tawa. Tumingkayad ako at binigyan siya ng mabilisang halik sa labi. There was astonishment in his gaze when I pulled away.

"I love you," I chimed, caressing his cheeks.

"W-what does that mean?" he uttered in confusion.

Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. Ayaw ko nang patagalin ang panliligaw niya sa akin. Hindi naman na kami mga bata. Noon, ang buong akala ko ay naka-move on na ako sa kanya, pero napatunayan kong purong kasinungalingan ang mga pag-aakala kong 'yon.

I smiled at him, wholeheartedly. "Yes, Dom." His face lit up. "Sinasagot na kita."

Napayuko siya saka napasuklay sa kanyang buhok. Malutong ang mga murang lumabas mula sa kanyang bunganga, hindi sa pagkalito kundi sa 'di maipaliwanag na kasiyahan. Hinarap niya ako at binaling sa akin ang kanyang hindi pagkapakali. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

"Thank you, Delaihla! Thank you!" he whispered, slightly sniffling.

Ngumiti ako saka hinawakan ang kanyang kamay nang mahigpit, tila ba ayaw nang pakawalan iyon.

"Let's go? Baka hinahanap na tayo ni Aksana." Malumanay siyang kumalas sa pagkakayakap. Binigay ko sa kanya ang laruang pana. "Gusto kong ikaw ang mag-aabot nito sa kanya. For sure, matutuwa siya rito."

Kinuha niya iyon saka tumango. "I hope so, Delaihla. I hope so."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa pwesto nina Aksana kung saan namin siya huling naiwan. Naabutan namin silang magkakaibigan na naglalaro pa rin. Nang makita ako ni Aksana ay agad siyang tumakbo papalapit sa amin ni Dominic, humihiyaw.

"Saan ba kayo nagpunta—" nahinto kaagad ang pagbubulalas niya nang dumapo ang kanyang mga mata sa hawak na pana ni Dom. Kusang namilog ang kanyang mga mata. "Sa akin ba 'yan, Kuya Dom?"

Nagkatinginan kami ni Dom bago niya nilingon si Aksana at pinantayan siya.

"Yes, it's for you. 'Di ba nasira ko 'yong pana mo? Kaya nagpagawa ako ng bago. May pangalan mo pa 'yan," nakangiting tugon ni Dominic. Binigay niya kay Aksana ang pana, at ang mga mata ng bata ay napipinturahan pa rin ng mangha.

"Salamat po!" hiyaw ni Aksana saka biglang niyakap si Dominic.

Napaupo sila sa bermuda grass nang mawalan sila ng balanse dahil sa yakapan. They laid on the grass. Kiniliti ni Dom si Aksana sa tiyan na siyang ikinahalakhak nang malakas ni Aksana.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa, naaanod na rin sa kanilang tawanan. 'Di nagtagal at si Aksana na ang sumuko sa kilitian. Hinalikan niya si Dom sa pisngi saka niyakap.

"Maraming salamat po, kuya Dom. I love you."

Dom was caught off guard when Aksana said those three sweet words. Nginitian niya ang bata.

"You're always welcome, Aksana," a pause, "I love you too." Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti.

Binuhat ni Dom si Aksana saka naglakad papalapit sa akin. Hindi mabitiwan ni Aksana ang pana. Lumawak ang ngiti niya nang malapitan niya ako.

"May bago na 'kong pana, Fria!" bulalas niya. I smiled at her as I wiped off the beads of sweat trailing down her face. "Ang saya ko ngayon, Fria. I love you so much—kayo nina Tita Stephanie at Kuya Dom. Love na love ko po kayo," malambing niyang wika.

Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang noo't pisngi. "Love rin kita, Aksana, kahit ang kulit-kulit mo," makulit kong tugon.

"Ang saya ko ngayon, Fria. I love you so much—kayo nina Tita Stephanie at Kuya Dom. Love na love ko po kayo."

Napatingin ako kay Dom nang ipakita niya sa akin ang nakuhanan niyang video na kung saan binabanggit ni Aksana ang mga salitang 'yon.

"She's cute, right?" he mused.

I smiled. "She is."

"Hi, Ma'am."

Naputol ang pag-uusap namin ni Dom nang mayroong lumapit sa aking teacher. I held a sweet smile as I turned to her.

"Hello po. Ano pong meron?" I inquisitively asked.

"Need po ng team gray ng isa pang member. Daddy and daughter po, racing ng bike with daughter. Baka pwede po sina Aksana?" saad niya. Nagkatinginan kami ni Dom. "Si daddy po ang magba-bike at aangkas po ang anak. Don't worry, fully geared naman po si Aksana kaya assured po ang safety niya."

Tatanggi na sana ako dahil nag-aalala ako para kay Aksana ngunit mahigpit na hinawakan ni Dom ang aking kamay. He smiled at me, reassuringly.

"Don't worry. I know how to bike. Mananalo ang team gray, 'di ba, Aksana?" Nakangiting wika ni Dom, pursigido ang pagsasalita.

"Oo naman! Team gray! Team gray!" Aksana cheered.

Napailing na lang ako. I giggled before confirming to the teacher that they would join the competition. Ikinapalakpak naman 'yon ng guro.

I turned to Dominic. "Ingat, ah," nag-aalala kong wika.

Mabilis niyang hinalikan ang labi ko habang hindi nakatingin si Aksana.

"Don't worry, babe. We will win this." And there goes that determined glint in his eye.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top